"Kumpleto na ba lahat ng board members?" Tanong ni kapitan Tinoy ng sitio Supot. “Si Bebe na lang ang kulang, Kap. Darating din ‘yon maya-maya. May inaasikaso lang daw kasi at ang sabi ay baka malate siya.” Sagot naman ng secretary niyang si Ms. A. " Alright I guess hihintayin nalang natin siya. She plays an important role para sa darating na fiesta, right?” Tumingin si Ms. A sa dala niyangga documento. At doon ay nakasulat lahat ng activities and coordinators ng mga palaro. " Well, she is one of the coordinators of Hudyaka and part of the budgeting, Kap.” “Okay…” " Oh, nandito na pala siya, Kap.” Sabi naman ng isa sa mga board members matapos niyang makita si tiya Bebe na pumasok sa venue ng meeting na ito. " Hindi pa naman siguro ako late?” Bungad agad na sabi nito sabay upo sa m

