“Hindi ka pa ba nadala noong nakaraang araw, pinsan? May pa roses ka pa talagang nalalaman eh baka nakalimutang mong hindi tinanggap ni Cindy ‘yong rosas mo dati.” Bulyaw naman kaagad ni Kevin sa pinsan niyang sinto-sinto. Nakapulo pa ito at may dalang tatlong rosas. " Alam mo you're so bitterness, pinsan." Sagot naman nito at inamoy ang dala niyang tatlong rosas. “Isang tangkay lang kasi ‘yong binigay ko kaya baka na misunderstanding. Ngayon tinatlo ko na para naman ‘ILOVEYOU’ agad." " Ikaw talaga ang dami mong alam. Kulang na nga lang talaga ipagtabuyan ka nung Cindy na ‘yon!” " Wala ka talagang bilib sa akin ‘no? Gusto mo pustahan na lang tayo. Kapag tinanggap to ni Cindy, dadalawin mo ‘yong professor mo.” Napaisip naman kaagad si Kevin sa offer sa kaniya ng pinsan niyang kinulan

