Lumingon-lingon si professor Kenny sa paligid at nagulat nalang siya ng mapansin niya ang kanyang sarili sa loob ng isang ospital. Alam niyang ospital ito dahil sa mga apparatus sa paligid, at ang nurse na inaasikaso siya. “A-anong nangyari…nurse?” Tanong niya sa isang nurse katabi niya. Agad naman napalingon ang nurse sa kanya. " Gising ka na pala, ma'am. Dinala ka rito ng fiance mo dahil nag-collapse ka raw kanina sa tuktok ng Mt. Linabo. Mabuti na lang at nadala ka nya kaagad rito.” Paliwanag nung nurse sa kaniya. Nagulohan naman siya sa narinig dahil wala naman siyang fiance. " Fi-fiance?” " Oo… si Mr. Maglangit. Nasa labas siya ngayon at inaayos ang discharge papers mo.” " Gano'n ba…" Tanging nasabi na lang niya sa nurse ng malaman niyang si Kevin Maglangit pala ang nagdala sa k

