“Anong balak mong gawin ngayon, pinsan?" “Hindi ko rin alam ang gagawin ko eh. Dati parang gusto kung magka-anak kay professor Kenny. Ngayon nang malaman kung buntis talaga siya, I really don't know kung ano ang gagawin ko. Siguro nga tama siya ‘no? Maybe because I am too young pa. At hindi ko pa alam paano magdala ng responsibidad.” " Ha….ha? Ano nga ulit ‘yong sinabi mo, pinsan?" Tiyak na hindi na naman naintindihan ni Enting ang English ni Kevin. Akala ko ba magaling siya mag-english? “Oh, akala ko ba magaling ka sa English? Bakit ngayon bigla kang na hilaw?” " Alam mo kasi pinsan ang mga matatalino hindi nagmamayabang ‘yan. Tsaka gusto ko lang namang siguradohin kung tama ba ‘yong English mo kaya you can speakingness it with tagalog languages…” Napakamot na lang ng ulo si Kevin

