Chapter 27

1278 Words
“Mabuti naman at nakadalaw ka rito, Kevin. Alam mo, sobrang dami ng pinagbago rito. Halos isang taon ka rin kayang wala rito kaya for sure mamimiss mo lahat ng kalokohan natin.” Pabiro pang sumbat ni Enting habang minamaneho ang pedicab papunta sa kanilang tahanan. Si Enting, bilang kaibigan at pinsan ni Kevin ay likas naman talagang napaka-jolly. Palibhasa kasi kinulang siya sa buwan, ngunit kahit ganoon, mabait naman siyang kaibigan. Minsan lang nakakatawa talaga ang kaniyang mapusok na mga mata at mala-blackjack na awra. Well anyways, kahit ganoon man ang pinsan niyang si Enting ay madali naman niya itong napapakisamahan. They were like partners in crime everytime na magkasama sila– perhaps that's how it works before. “Oo eh. Akala ko nga hindi na ako makakabalik rito sa probinsya." Sagot naman ni Kevin sa pinsan nito habang malalim na nakatingin sa ulap. Iniisip niya kasi si professor Kenny. For sure he was really worried and misses her so much. “Makapagsalita ka naman parang hindi ka gumawa ng kakaiba rito sa probinsya ah. Hoy pinsan remindness ko lang sayo ha– we didness lahat ng kalokohan rito kaya kahit anong gawin mo, mamimissness mo pa rin ang probinsya." Napangiti nalang si Kevin sa kaniyang mga narinig. Ganiyan si Enting na pinsan niya. Palibhasa kasi hindi na nakapag-aral kaya medyo sinto-sinto ang kaniyang english. Pero don't him talaga because ang sabi pa niya he was the top one sa klase nila noong elementary pa lamang sila. “Aba, natatawa kana ngayon sa English ko, Kevin?” Inis namang amba ni Enting sa kaniyang pinsan habang patuloy lang din sa pagmamaneho ng pedicab. " Hoy, For your informationess ha, top one din ako sa elementary uy! Best in English pa nga e. Gusto mo ipakita ko pa sa'yo mga ribbons ko eh!” Hamon pa nito sa kaniya habang hindi na mapigilan ni Kevin ang kaniyang sarili na matawa. At sino ba naman ang hindi kung pag-eenglishin ka ba naman ng napakalalim. Sureness talagang malulusaw ang brainess. Hoy! “Oo na pinsan, tama na. May tama kana eh." Sagot naman ni Kevin sa pinsan nito. “Alam mo bilib pa rin talaga ako sa mga English mo eh. Sobrang talino eh." Napakunot naman ng kilay itong si Enting at ganoon din siya. “Sandali nga…” Pag-antala ni Kevin sa pinsan nito. " ‘Wag mong sabihing may lahi kang American, pinsan?” Pabiro namang ani nito na ikinatuwa naman ng kaniyang pinsan. " Wrongness ka, pinsan…" Sumagot naman si Enting at tawang-tawa pa ito. “I'm no Americaness. I'm Enting from the Philippines. Borning a Filipino in short born to be wild.” "Sira ka talaga no!” Sagot naman nito sa pinsan niya. "Sa bagay masyado ka namang underrated kung maging American lahi mo.” " Anong undergarden? Ikaw pinsan nakaka-ano kana ha. Graduation din ako ng elementary uy kaya nga marunong ako mag-english diba?” Naging masaya naman ang kwentohan ng dalawa habang minamaneho ni Enting ang pedicab. Well, after all, after everything we've been through, darating talaga tayo sa point na babalik-balikan natin ang nakasanayan na natin. Why would we do that? Because aminin man natin o sa hindi, that is where we belong. Katulad nalang ni Kevin. Maybe this is where he belongs. Maybe not. But regardless of whether kung saan tayo belongs, we will figure it out sooner or later. We just have to keep on going. Do not be afraid to be a beginner, because only if we accept ourselves to be a beginner is to become a winner. Nang makarating sa sitio Supot kung saan doon nakatira sila Enting ay naghihintay na pala doon ang kaniyang mga kamag-anakan lalo na si lola Mauring na ina ng kaniyang inang Boging. Matanda na rin ito at kita naman sa kaniyang bungal na bibig. Well at least sa ngipin lang siya kinulang, hindi sa mga mapagmahal na kamag-anakan. “Apo… Kevin…dumating kana pala.” Bungad agad ng kaniyang lola Mauring habang pababa pa siya ng pedicab. Si Enting naman at nagbababa rin ng kaniyang mga bagahe. " Hoy Lucio! Hali ka nga rito at nandito na ‘yong apo mong pulis!” Muling saan pa nito at tinawag ang kaniyang lolo na si Lucio. Nahiya naman si Kevin matapos niyang marinig iyon dahil hindi pa naman siya pulis. Sa katunayan ay nasa pinakamababang mammal pa siya sa kursong kriminalohiya. Dali-dali naman bumaba ng hagdan ang lolo ni Kevin na si Lucio at sinalubong ang apo. Dalawang palapag din ang bahay ng pamilya na isang modernong bahay kubo ang desinyo. Nakatira rito ay ang kaniyang lola at lolo, si Enting, si tiya Bebe at si tiyo Emong na mga kapatid ng kaniyang inang Boging. “Oh! Kevin!" Bungad naman kaagad ng lolo niyang si Lucio matapos makababa ng hagdan. Nakangiti na rin ito at kita rin ang dalawang ngipin nitong kinulang sa aruga. Katulad siya ng kaniyang asawang pinag iwanan ng pustiso ngunit sa buhok lang nagkaiba. Kung si Lola Mauring ay may maputing buhok, si lolo Lucio naman at may apat na buhok nalang sa ulo. “Nako, binatang binata na pala ere, Mauring. At napakapogi ba. Aba saan pa ba nagmana kundi sa kaniyang lolo Lucio na." Nagsitawanan naman ang mga tiya at tiyohin niya habang si Enting ay patuloy lang sa pagdadala ng kaniyang mga bagahe. " Mahiya ka naman sa apat na buhok mo sa ulo ‘no, Lucio!" Ani naman ni lola Mauring. Binulyawan pa niya ang kaniyang asawa dahil sa pabiro nitong sabi. “Oo nga pala, Kevin, kamusta naman ‘yong nanay mo? Pasensya na at hindi man lang kami makadalaw sa inyo. Matanda na eh. Nangangatog na rin ang tuhod." Paliwanag pa nito sa kaniya. “Maayos naman si inang, lola Mauring. Hindi ba kayo nagka-usap? Ani kasi niyang tatawagan kayo." “Oo nga pala tumawag siya at ang sabi ay bantayan ka raw namin rito dahil baka kung anong gawin mo." Sagot naman ng lolo Lucio niya. “Noong kapanahonan ko. Magkasing-edad yata tayo noong niligawan ako nitong lola Mauring mo eh kaya alam kong may manliligaw rin sayo ritong dalagita. Aba mana ka yata sa lolo mo ‘no. Kahit bungal at apat nalang ang buhok sa ulo, may asim pa rin ‘to uy!” Pabiro pa nito nang di niya namalayang nakaltukan na pala siya ni lola Mauring. " Ikaw talaga kung ano-anong sinasabi mo eh! Oh, halika na apo at pumasok na tayo sa loob. Nakapagluto na rin kami ng pagkain kasi alam naming nagugutom kana.” " Oo eh kaya sa sobrang gutom ko nakalimutan ko na tuloy makapagmano sa inyo.” Nagsitawanan naman sila at tumuloy na rin si Kevin sa loob ng bahay. Ilang linggo nalang at malapit na ang kapistahan dito sa probinsya particular na rito sa sitio ng Supot. Dito kasi ang sentro ng probinsya ng Punot kaya maraming nga turista ang dumadayo rito mula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo. “Ate Kenny pinapatawag ka na ni mama. Kakain na raw!” Sigaw ng kapatid ni Kenny na si Jessa habang siya ay nakahiga lang at masakit ang ulo. Hindi maganda ang pakiramdam ni Kenny dahilan upang wala siyang ganang umalis ng higaan. “Ate!" Sigaw ulit ng kapatid nito sa labas ng kaniyang kwarto. “Pakisabi mamaya na ako kakain!" Sagot naman nito sa kaniyang kapatid. Habang nakahiga ay nahihirapan ang professor na makapag paghinga dahil masyadong masama ang kaniyang pakiramdam. Nahihilo siya at nasusuka kaya dali-dali siyang pumunta ng banyo upang doon maglabas ng sama ng loob. Nagsusuka ang professional sa loob ng banyo at nahihilo dahilan upang mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD