him

1870 Words
EVERY CLIENT counts. Every client counts. Iyon na ang kanina pa mina-mantra ni Soleil habang pilit na pinapakalma ang sarili. Nasa loob siya ng sasakyan ni Laxus nang mga oras na iyon at papunta sila sa showroom ng Lighthouse Residences. Kaya pala ito napunta sa booth nila ay dahil interesado daw ito sa unit nila at naghahanap talaga ito for future investment. Nang ilatag niya lahat dito ang selling point ng Lighthouse Residences ay naging interesado agad ang magaling na lalaki. Muli siyang pasulyap kay Laxus. Wala pa yatang isang oras na kasama niya ito ay hindi na siya mapakali. Ilang beses niyang pilit na pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa. He still had the same effect on her and she didn’t like it. Hindi niya alam kung dahil lang ba hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila. Coincidence for the second time, huh? At kahit ayaw aminin ni Soleil sa sarili, Laxus was still the most sexiest guy she had ever seen in her life... At sobrang unfair na kahit anong suot ng lalaki, ang hot pa din nito. He was oozing with s*x appeal. Dati, simpleng plain t-shirt, ripped jeans at sneakers lang ang suot ni Laxus, matinding s*x appeal na ang mayroon ito. Pero ngayon... Lihim na humugot muna nang malalim na hininga si Soleil. Halos hindi na siya humihinga habang nasa tabi lang ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung gaano ka-unfair ang mundo. Hindi niya kayang ideny. Laxus looked regal in his long sleeve polo. It perfectly fit him, outlining his muscle perfectly. Nakatupi pa iyon hanggang siko kaya kitang-kita pa rin ang magandang tribal tattoo nito sa braso hanggang sa kanang kamay nito na nagpadagdag lalo sa kasexyhan ng lalaki. He was just wearing a simple polo, for Pete’s sake! Ah, everything about this man was just sexy. She had never imagined him wearing suit and tie and looked sexy as hell. Kahit ayaw man niyang aminin, gusto niyang malaman kung ano kayang nangyari dito sa mga dumaang taon. Kung single pa ba ito or taken na. Or kung tototohanin nito ang sinabi nito noon. It just felt surreal. Until now, hindi niya pa rin inaasahan na magkikita ulit sila. At habang tinititigan niya si Laxus ay parang may kakaiba sa aura nito. He looked... okay, really okay. Hindi na ito tulad ng una niya itong nakita na parang sobrang daming tinatagong sekreto. He looked at peace now. Lihim na napabuntong-hininga na lang uli si Soleil saka iniwas ang tingin sa lalaki. "Nervous?" tanong ni Laxus at muntik nang mapapikit si Soleil dahil sa katangahan niya. She realized that she obviously checked him out. Dahil doon tuloy ay inihanda niya ang matamis na ngiti para makabawi sa pagkapahiya at humarap kay Laxus. "Of course not, Sir. Why would I?" Pinilit ni Soleil na maging professional sa harap ng lalaki kahit gustong-gusto niyang isumbat dito ang mga nangyari sa kanila noon. Lalo na ang mga pinagdaanan niya. Pero pinapaalala na lang niya sa sarili na ilang taon na rin ang nakalipas. Naka-moveon na siya. Napakunot-noo siya nang marinig na tumawa si Laxus. Sinulyapan lang siya nito at muling ibinaling ang tingin sa daan. "You can’t lie to me, Soleil, I knew you like the back of my palm." At parang may ibang ibig sabihin ang mapang-akit na boses nito, something sensual and... dirty. "People change, Sir," mariing sabi niya na ikinangiti ng lalaki. "C’mon, babe, what we had before was more than just a relationship." At ipinagdiinan pa nito ang salitang “relationship.” Napatiim-bagang si Soleil. Of, course alam na alam niya iyon. Those sleepless nights with him and so much more. Gusto niyang supalpalin si Laxus. Bakit ba kailangan pa nitong ipaalala ang bagay na iyon? Pero kailangan niyang isipin na kliyente niya ito at kailangan niya ang lalaking ito. Pilit na lang niyang ibinaling ang atensiyon sa daan kahit pa sumusuot sa kanyang sistema ang mabangong amoy ng lalaki. Nakakalasing iyon. Nakakaliyo. For the nth time, lihim na napabuntong-hininga na lang siya. Why does he smell so freakin’ good always? And why does it still have the same effect on her? Kayang-kayang pakalmahin ng amoy ni Laxus ang sistema niya, but at the same time, kayang-kaya din patindihin ang pagnanasa na nararamdaman niya sa lalaki. Ilang minuto ring namayani ang katahimakan sa pagitan nila. Hanggang sa matanaw na niya ang showroom ng Lighthouse Residences. Itinuro niya iyon kay Laxus at saglit lang ay nandoon na sila. Nakahinga nang maluwag si Soleil nang makababa na siya ng kotse. Hindi na talaga niya hinintay na pagbuksan siya ng lalaki. Hanggang sa makarating sila sa mga units na kailangan niyang i-present dito ay nakasunod lang ito sa kanya. Sinimulan na niya ang pagdi-discuss ng units nila sa lalaki. Mukhang kumbinsido naman ito dahil panay ang tango nito at mukhang interesado talaga sa mga sinasabi niya. Minsan din ay nagtatanong ito regarding sa unit nila. Pagkatapos niyang mag-present ay humarap na siya kay Laxus at huling-huli niya ang pagtitig nito sa kanyang puwitan. Ah, she knew how much he loved her butt. Matamis na napangiti tuloy si Soleil. You would never ever get a piece of me, again, Laxus. “So what do you think, Sir?” “Well, your units are nice, accessible. Service looks good. But quite pricy. I’ll think about it first, okay?” Hindi mapigilan ni Soleil na madismaya. Akala niya kukuha na agad si Laxus ng unit nila, may benta na sana siya this month. Pero hindi niya rin mapigilan na kabahan. Ibig sabihin kasi, may possibility na magkita uli sila. Magsasalita sana uli siya nang maunahan siya nito. "Or maybe you can convince me in a different way?" Laxus said while grining from ear to ear. Napakunot-noo si Soleil. Kitang-kita niya ang naglalarong kapilyuhan sa mga mata ng lalaki kaya alam niya na may ibang ibig sabihin ito. Unti-unting may namumuong hinala sa isip niya. Looked like he wanted to play games with her, huh? Pilit na pinakalma muna ni Soleil ang sarili bago matamis na ngumiti kay Laxus. She wouldn’t give him the satisfaction. No, Not again. "Well, you have my number, Sir. You can call me if you already have a decision." "SO YOU’RE going back to your booth?" tanong ni Laxus nang maihatid na niya ito sa parking lot ng showroom ng Lighthouse. Tapos na niyang ipresent sa lalaki ang units nila sa Lighthouse Residences. "Yes, Sir. But I will just take a cab. Go ahead and drive safely," nakangiting sabi ni Soleil kahit sa totoo lang gusto niyang simangutan ang lalaki. She was just being professional, but deep inside ayaw na sana niya itong kausapin. "No. I will drive you back at the mall, Soleil," sagot naman nito at mataman siyang tinitigan. Soleil almost rolled her eyes. "Its okay, Sir. Puwede na po kayong umalis." "No. I insist. Besides malapit lang ang office namin sa mall ng booth n’yo." "Hindi na po, Sir," tanggi pa rin niya. Pero kung ibang client ang nag-insist na ihatid siya ay kanina pa siya pumayag. But it was Laxus! Ayaw na niyang maulit na makasama ito sa isang close space dahil nararamdam niya ang presensya nito at hindi siya mapakali. Pero kung matigas siya, mas matigas si Laxus. Dahil ang magaling na lalaki, pinagbuksan na siya ng pinto ng passenger seat! "I insist, Soleil. I will drive you back to the mall." And as she looked at those jet black eyes, she knew she couldn’t say no. Napipilitang tumango na lang si Soleil at sumakay na ng kotse. Alam niya na hindi sila makakaalis doon kung hindi siya papayag. Akala niya isasara na ni Laxus ang pinto ng kotse pero nabigla siya nang yumuko ito at ito na ang nagsuot ng seat belt sa kanya. Agad siyang napasinghap nang tumama ang kamay nito sa kanyang dibdib. Parang hindi rin iyon sinadya ni Laxus dahil bigla itong natigilan at napatingin sa kanya. Sunod-sunod na napalunok siya nang magkatitigan sila. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. She couldn’t help but imagining his rough hands on her breast again, massaging it slowly and then... Stop, Soleil! She wanted to look away from him but she couldn’t. His eyes that were always full of the promise of mind blowing s*x were hypnotizing her. "Sorry, Soleil." His voice was crisp and hoarse, as if he was in deep pain down there. Lalo lang iyon hindi nakatulong dahil parang paulit-ulit na naririnig ni Soleil na binabanggit ni Laxus ang pangalan niya sa ganoong tono kapag naniniig sila noon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya pero hindi niya magawa. Hindi na nga niya namalayan na nakalipat na pala si Laxus sa driver’s seat at bumabiyahe na sila. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Kung kanina nasusufocate siya sa presensya ng lalaki. Lalo na nang mga oras na iyon. Parang mas lalong nanunuot sa ilong niya ang amoy nito. And it was too much to bear. Sinubukan siyang tanungin ni Laxus kung kumusta na siya para siguro magsimula nang usapan pero tanging "okay lang" ang sagot niya. After n'on hindi na nagsalita ulit ang lalaki. And it was the longest ride she ever had. Nang matanaw na ni Soleil ang mall ay unti-unting lumuluwag na ang dibdib niya. Nang makarating na sila sa tapat ng entrance ay nagmamadaling tinanggal niya ang suot na seatbelt. "Thank you for driving me back here, Sir. Drive safely. And whenever you finally had a decision, feel free to call me," hindi tumitingin na sabi niya kay Laxus. Akmang bababa na si Soleil nang pigilan siya ng lalaki sa braso. Hindi niya mapigilan na mapapikit nang maramdaman ang mainit na kamay nito at sapat na iyon para magwala na naman ang sistema niya. Dammit. Stop feeling it. Just stop! And stop thinking about dirty things! Pero ilang minuto na sila sa ganoong posisyon ay hindi pa rin nagsasalita si Laxus, nakahawak lang ito sa kanya. Kunot-noong nilingon niya ang lalaki, nagtatanong. "As I’ve said, If you want, you can convince me in any way, Soleil. Just call me," mahinang anas ni Laxus. His voice was sexy as hell. Pagakatapos ay matipid na ngumiti ito. But she could sense danger in his smile, the kind of smile he had whenever he wanted something. And God, the way he look at her... as if he meant something more. Pasimpleng tinanggal ni Soleil ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. "Oh, c’mon, Sir. I don’t have to convince you. I know you were satisfied and surely... you’re the one who will call me and ask for it," sagot niya at pinagdiinan pa ang salitang "satisfied." Uh-huh. Hindi ipapakita ni Soleil kay Laxus na hangang ngayon ay naaapektuhan pa rin siya nito. Hindi niya alam kung anong laro ang gusto ni Laxus lalo na sa mga pasimpleng banat nito. So makikisakay na lang siya sa kung anuman ang gusto nito. "Let's see then," nakataas ang isang sulok ng mga labi na sabi ni Laxus. He sounded dangerous. So dangerous...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD