AFTER WORK hours nina Soleil at mga katrabaho ay dumeretso sila sa The Aftertaste. Isang club na malapit lang sa mall na pinapasukan nila. Birthday ni Irish at doon ito nagyaya para mag-celebrate. Habang nasa biyahe, hindi niya mapigilan na maalala ang isang kakilala.
Napatingin siya sa cell phone na hawak. Nagdadalawang-isip kung ite-text ba niya ito o hindi dahil until now, nagi-guilty pa rin siya.
Pero in the end, natagpuan na lang ni Soleil ang sarili na nagta-type ng message.
How is she? I hope shes ok now. Im really sorry.
Nakarating na sila lahat-lahat sa club pero wala pa ring reply sa text niya. Pilit na pinagaan na lang niya ang mood. She badly needed to have fun and drink away her problems. Baka maloka na siya kakaisip sa mga iyon kaya sumama siya kina Irish at Roby. Isa pa, halos hindi na siya nakakapunta sa bar, hindi tulad noon.
Ilang oras nang nandoon sina Soleil sa The Aftertaste at panay lang ang pag-inom niya. Kanina pa niya pinapanood sina Roby at Irish na nakikipagsayaw sa dance floor. Pero kahit sa dalawa siya nakatingin, wala doon ang kanyang atensiyon... na kay Laxus.
Napabuntong-hininga siya. Kahit anong pilit niya, hindi niya maalis sa isip ang lalaki. Para bang kahapon lang sila magkasama. Ramdam pa rin niya hanggang nang mga oras na iyon ang halo-halong emosyon na naramdaman niya ilang araw na ang nakakalipas.
"Hey. Ang layo na naman ng narating mo, Soleil. You're here to have fun!"
Natigil ang paglalakbay ng diwa ni Soleil nang marinig ang boses ni Irish, naramdaman pa niya ang pag-akbay nito. Nilingon niya ito mula sa pagkakatingin sa hawak na highball glass. Pero agad natigilan nang isang imahe ang napansin niya.
Bigla siyang nanigas sa kinauupuan habang nakatingin sa bar counter ilang mesa lang ang pagitan mula sa kanila.
Oh, s**t, it was Laxus! Bakit ba parang lately pinaglalaruan siya? Bakit nandoon din ang magaling na lalaki?!
"Huy, Soleil!" Naramdaman niya ang pagyugyog ni Irish sa kanya gamit ang kamay nito na nakaakbay sa kanya.
"s**t, Irish!" Hindi niya mapigilan na hindi mapamura. Umusog pa siya nang kaunti para makapagtago. Nakatagilid sila sa pwesto ni Laxus.
"What?" natatawang tanong nito, namumungay na ang mga mata.
"Nandito si Laxus!" malakas na sagot niya at inubos ang gin tonic niya.
"Laxus who?” Halos magsigawan na sila para lang magkarinigan dahil sa ingay sa paligid.
"My ex. `Yong client ko last time." Hindi sanay mag-open up si Soleil. In fact, walang masyadong alam tungkol sa kanya ang mga katrabaho. Pero hindi niya napigilan sabihin iyon dahil sa pagpa-panic. Pero agad din siyang natigilan siya sa sariling sagot. Never silang nagkaroon ng clear na commitment sa isa’t isa. So techinically, hindi niya ex si Laxus.
Ex-friend with benefits maybe.
Namumungay ang mga matang nakatingin lang sa kanya si Irish. "Nashaan?" tanong nito at inikot ang mga mata sa paligid. At dahil gumalaw ito ay gumalaw din siya para makapagtago sa likuran nito.
"Iyong lalaki sa bar counter na naka-red polo shirt," sabi ni Soleil habang sinisilip si Laxus. Then she realized she was being silly. So what kung makita siya nito? Baka nga wala namang pakialam ang lalaki kahit makita siya roon. At wala rin siyang pakialam kahit na wala itong pakialam sa kanya. Hindi siya affected. May kanya-kanya na silang buhay. Kaya bakit siya nagpa-panic?
"Holy sheet, Soleil! Sha `yong hot fafa na naging client mo lash time, di ba? `Yong hindi naman kumuha ng unit? Grabe, ang guwapo niya talaga."
She rolled her eyes. "`Doesn’t matter. Tara. Sayaw na tayo," yaya niya kay Irish. Tumayo naman ito pero gumewang nang kaunti kaya inalalayan niya.
"Ayaw mo siyang lapitan?" bumubungisngis na tanong nito. Marahas na umiling siya.
“No way.”
CROWDED bar, just perfect. Dere-deretso si Laxus palapit sa bar counter para umorder. Bago tuluyang makalapit ay napansin niya agad ang kaibigang si Billy. Hindi niya inaasahang makikita ito doon dahil busy ito palagi sa trabaho.
“Hey, man,” bati niya at tumabi dito. Naging magkaklase sila noon ni Billy sa isa sa mga university sa states and naging magkaibigan na rin.
Nilingon naman siya ng lalaki na nakatingin sa kung saan.
“Laxus.”
“Alone?”
“Yeah, and stalking the mistress of my dad.”
Nagulat si Laxus sa narinig sa kaibigan at napatingin sa direksyon ng tinitingnan nito kanina kahit hindi naman niya kilala ang “mistress” na sinasabi nito. Maraming babae doon kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Billy.
“How’s Tita Mara?” tanong na lang niya at umorder na ng whisky.
“She’s okay. Copping. I just can’t accept that my mother was sad and that b***h was just partying here. And I don’t even know if my bastard of dad was still seeing her.”
Hindi magawang makapag-react ni Laxus. Alam niyang na-coma si Tita Mara, ang mommy nito, dahil nahuli ang asawang si Tito Peter na may ibang babae. Matagal ng galit si Billy sa daddy nito dahil sa pagiging babaero.
“If ever I saw them together? I don’t know what I can do to them,” galit na sabi ni Billy at pabagsak na ibinagsak ang bote ng beer saka umalis. Sinundan na lang niya ng tingin ang kaibigan. Mayamaya ay napailing na lang siya at umorder ng alak. He was actually there to think. Hanggang nang mga oras na iyon kasi isang babae lang ang nasa isip niya.
Soleil.
Hindi inaasahan ni Laxus na makikita niya si Soleil sa coffee shop noong nakaraan. Kung wala lang siyang meeting nang araw na iyon ay baka nilapitan niya na si Soleil. At dahil doon, ilang gabi siyang hindi pinatulog nito.
He was longing for her touch, her kiss. He missed everything about her.
He still wanted her. It just always been her all along. The moment he saw the way she looked at her that day, he already knew he still wanted her after all these years.
Napailing si Laxus at natawa sa sarili. Seriously, how ironic it was that he was celibated for many years now. Laxus Danes? Celibated? Nakakatawa. Pero si Soleil lang ang gusto niya.
Actually, hindi coincidence na nakita niya ito sa mall. Sinadya niya talaga doon ang babae dahil nalaman niya sa hired PI kung saan ito nagtatrabaho. And of course, nalaman din niyang single pa ito. Hindi niya alam kung paano iaaproach si Soleil dahil mukhang galit pa rin ito sa kanya kaya idinahilan na lang siyang interested sa condo.
Ilang araw pa lang mula nang makabalik siya from the States. Marami siyang inaasikaso at busy din sila ni Tito Timothy sa traning program niya, pero isa din si Soleil sa kailangan niyang asikasuhin. Kailangan lang niya ng plano kung anong gagawin sa babae. But one thing is for sure. He would do whatever it takes just to have her, again.
Oorder pa sana siya ng whiskey nang isang pamilyar na pigura ang nakita niya sa dance floor.
Agad na napatuwid ng upo si Laxus.
Holyshit. It was Soleil.
Maharot na nagsasayaw ito sa maharot din na tugtog. And his dirty mind started to imagine her in front of him doing sexy dance while taking of her sexy clothes.
Oh, s**t. Just by imagining her, he could feel his erection.
The thing you do to me, Soleil.
Napakunot-noo si Laxus nang makitang isang lalaki ang lumapit kay Soleil. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. At nang makita niyang nakipagsayaw si Soleil dito ay walang pagdadalawang-isip na lumapit siya sa babae.
Titig na titig siya dito habang naglalakad siya. Napakuyom ang mga kamay ni Laxus nang makita niyang humawak pa ito sa baywang ni Soleil. Mas bumilis ang kanyang paglalakad. Rage of anger enveloped him.
"Hands of my girl," may kalakasan at puno nang pagbabanta na sabi niya sa lalaki. Nakakalokong tumingin naman ito sa kanya. Mukhang hindi naman siya napansin ni Soleil dahil nakatalikod ito sa kanila at abala pa rin sa pagsasayaw na parang may sariling mundo.
"Ako ang nauna dito, pare," ngising-ngisi pa ang lalaki at akmang ilalapit ang katawan kay Soleil nang haklitin niya ang braso nito at pinaikot. Agad bumakas ang sakit sa mukha ng lalaki. Mukhang wala namang nakakapansin sa kanila dahil abala ang iba sa pagsasayaw.
"I said, hands of with my girl." Pilit na kumawala naman sa kanya ang lalaki pero hindi niya ito pinakawalan dahil ang isang kamay nito ay nasa baywang pa rin ni Soleil. Pinandilatan niya ito.
"All right. All right! Let go off me!" singhal nito sa kanya at gamit ang isang kamay ay pilit tinatanggal ang kamay niyang nahawak sa braso nito.
"Back off!" Pagkatapos ay patulak na binitawan naman niya ang lalaki. Nabangga tuloy nito ang ibang sumasayaw na sa wakas ay napansin sila. Ang sama-sama ng tingin sa kanya ng lalaki. Bago ito umalis ay binigyan pa siya nito ng dirty finger. Hindi na lang niya iyon pinansin.
Humarap na siya kay Soleil na nakatalikod pa rin sa gawi niya.
She was sexily swaying her hips. Oh, how he wanted to grind his arousal against her perfectly rounded ass to made her feel how hard he was that moment.
Akmang hahawakan na ni Laxus sa braso si Soleil nang umatras ito palapit sa kanya at naramdaman niya ang puwitan nito na gumigiling sa kanyang pagkalalaki. Marahas na napahinga siya.
"f**k, Soleil!"