Ronna's POV "Ronna, sigurado ka ba sa bagay na ito?" Tumango ako kay Ma'am Zenaida. Ilang beses na ba niya iyong naitanong sa akin habang inaayusan niya ako at kausap iyong Manager ng naturang bar. Kaibigan kase iyon ni Ma'am Zenaida. "Alam ba ng mga magulang mo na nagkita na kayong dalawa?" Tanong pa rin nito. Umiling ako. "Hindi na po kailangang malaman nila Nanay na nandito siya. Dahil siguro po na kapag tapos nito. Aalis na siya at lalayuan na niya ako ng tuluyan." Paliwanag ko. Napakunot iyong noo ni Ma'am Zenaida sa sinabi ko. "Parang hindi naman. Iyong nakita ko lang kanina sapat na iyon para malaman ko ang lahat. Pamilyar din sa akin ang lalakeng iyon. Naalala ko tuloy sa kanya iyong greatest love ko. Ang pinagkaiba lang nila hindi berde ang mga mata niya." Sabi pa nito. Hin

