
Dearest Lordon,
Hindi ko alam kung mababasa mo ba itong sulat na ginawa ko. Pero hindi naman masamang umasa.
Hindi ko kase alam kung paano ako magpapaalam sa iyo. Hindi ko alam kung paano kita papakawalan. Hindi ko alam kung kailan kita makakalimutan at hihinto ang pagmamahal ko sayo. Pero sana isang araw magising nalang ako na sana wala na lahat.
Hindi ako magmamakaawa sayo na huwag mo akong iwanan dahil alam ko at naniniwala ako na kapag mahal mo, ibigay mo kung anong makakapagpasaya sa kanya. At sa kaso natin, pakakawalan kita dahil mahal kita. Hindi dahil iyon ang gusto mo at iyon ang tama, pero dahil mahal kita.
Pero sana hindi na tayo magkita kahit kailan. Dahil hindi ko alam kung paano ko pa bubuuin ang pagkatao ko na sirang sira.
Siguro, dahan dahan at unti unti ay makakalimutan din kita. Kakayanin ko, dahil kailangan kung gawin para sa sarili ko.
Gagawin ko ang bagay na ipinangako ko sayo. Kakalimutan kita. Pero lagi mong tatandaan na masaya ako na nakilala kita at naging bahagi ako ng buhay mo. Nadiskubre ko ang magandang mundo dahil sayo kahit panandalian lang. Madami akong natutunan ng dahil sayo.
Oras na para pakawalan kita. Oras na para pakawalan ko rin ang sarili ko sayo. Babaunin ko ang lahat ng mga masasayang alaala na meron tayo.
Sana kung magkikita tayo ulit sa tamang panahon, makakaya ko ng sabihin sayo na "Kamusta kana?" ng walang sakit dito sa puso ko at maging magkaibigan tayo muli.

