Dearest, Lordon

340 Words
Dearest Lordon, Hindi ko alam kung mababasa mo ba itong sulat na ginawa ko. Pero hindi naman masamang umasa. Hindi ko kase alam kung paano ako magpapaalam sa iyo. Hindi ko alam kung paano kita papakawalan. Hindi ko alam kung kailan kita makakalimutan at hihinto ang pagmamahal ko sayo. Pero sana isang araw magising nalang ako na sana wala na lahat. Hindi ako magmamakaawa sayo na huwag mo akong iwanan dahil alam ko at naniniwala ako na kapag mahal mo, ibigay mo kung anong makakapagpasaya sa kanya. At sa kaso natin, pakakawalan kita dahil mahal kita. Hindi dahil iyon ang gusto mo at iyon ang tama, pero dahil mahal kita. Pero sana hindi na tayo magkita kahit kailan. Dahil hindi ko alam kung paano ko pa bubuuin ang pagkatao ko na sirang sira. Siguro, dahan dahan at unti unti ay makakalimutan din kita. Kakayanin ko, dahil kailangan kung gawin para sa sarili ko. Gagawin ko ang bagay na ipinangako ko sayo. Kakalimutan kita. Pero lagi mong tatandaan na masaya ako na nakilala kita at naging bahagi ako ng buhay mo. Nadiskubre ko ang magandang mundo dahil sayo kahit panandalian lang. Madami akong natutunan ng dahil sayo. Oras na para pakawalan kita. Oras na para pakawalan ko rin ang sarili ko sayo. Babaunin ko ang lahat ng mga masasayang alaala na meron tayo. Sana kung magkikita tayo ulit sa tamang panahon, makakaya ko ng sabihin sayo na "Kamusta kana?" ng walang sakit dito sa puso ko at maging magkaibigan tayo muli. Nakalimutan kong sabihin sayo..... Salamat sa lahat. Sa pagmamahal, sa pag intindi, sa pag aalaga at pati na rin sa sakit. Dahil sa lahat ng iyon ay naging matatag akong tao. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita at lahat ng mga bagay na ginawa ko para sayo. Iyong meron tayo ay isang love story pero hindi ito kagaya ng mga fairy tale na may happy ending na nababasa sa mga libro. Siguro, dahil ito ang realidad ng buhay. Tuturuan ka ng leksyon sa isang masakit na paraan. Pero kahit ganoon patuloy pa rin ang buhay. Salamat sa lahat, Lordon. At paalam. Nagmamahal, Ronna Mae Soriano
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD