Part 1

3593 Words
"Nay, huwag ka naman ng umiyak. Kailangan kong magtrabaho para naman makapag tapos ako ng pag aaral at para naman matulungan ko kayo ni Tatay sa gastusin. Lalo na sa pambili ng gamot ni Tatay." sabi ko kay Nanay kase umiiyak ito dahil luluwas ako ng Maynila para manilbihan bilang isang kasambahay. Isinasama ako ni Ate Roza dahil nangangailangan pa daw ng isang kasambahay sa pinapasukan nitong trabaho. Grade six lang iyong natapos ko dahil kapos kami sa pera. Kaya wala akong mapasukang magandang trabaho dito sa probinsya. Tumatanggap ako ng labada tapos si Nanay naman at Tatay ay nagbebenta ng karne at isda sa palengke. Hindi naman kami pinalad tulad ng ibang tao na maalwa ang buhay. Kailangan namin magtrabaho para may makain. Lalo na ngayon na nagkasakit si Tatay. Kailangan ko ng malaki laki ang kita para sa pambili nito ng gamot. Sasama ako kay Ate Roza dahil malaki daw ang magpasahod iyong amo niya. Tapos ang trabaho ko lang daw ay maglalaba at minsan ay tutulong maglinis ng bahay. Sanay naman ako sa hirap. Kailangan ko rin kaseng makapag ipon dahil pangarap ko talagang makatapos ng pag aaral para naman kahit papaano ay gumaan iyong pamumuhay namin na hindi na kailangang magtrabaho ng mga magulang ko. Pangarap kong maging isang magaling na guro balang araw. "Huwag kana kaseng magpunta sa Maynila. Nakakaraos naman tayo araw araw dito Ronna Mae, anak." sabi pa nito sa akin. Napangiwi ako kase tinawag na naman niya iyong buo kong pangalan. "Nay, huwag nyo na po akong tinatawag sa buo kong pangalan. Kinikilabutan po kase ako." biro ko pa dito. Humagulgol na naman si Nanay. Nakamot nalang ako sa ulo. "Nay naman. Huwag naman tayong dalawa na mag MMK. Nakakahiya sa kapitbahay. Baka akala mag aasawa na ako niyan. Saka malay nyo makahanap ako ng Mayamang Matanda na madaling mamatay sa Maynila." dagdag ko pa. Kinurot ako nito sa braso kaya napatawa ako. "Maghunos dili ka nga sa sinasabi mo, Ronna! Hindi magandang isipin iyong mang gagamit ka ng tao para lang yumaman tayo." pagalit na sabi nito sa akin. Napailing nalang ako. "Nay naman para binibiro lang. Syempre hindi naman ako ganoong tao kahit na mahirap lang tayo. Gusto ko pa rin naman ng lalake na mamahalin ako tulad ng pagmamahal ni Tatay sa iyo. Gusto ko iyong wagas na pag ibig." sabi ko dito. "Pero Nay, huwag kang mag alala kase wala pa sa isip ko iyong pag aasawa. Alam nyo namang pangarap na pangarap ko ang makapag tapos ng pag aaral at maging guro." dagdag ko. "Pero anak, mag iingat ka roon sa Maynila. Alam mo namang iba ang mga tao sa siyudad. Baka mamaya biru biruin ka lang bumigay kana. Naku Ronna! Makukurot talaga kita sa singit." Pinanlakihan pa ako nito ng mga mata. "Nanay talaga. Hindi nga po. Kayo naman. Syempre iisipin ko muna kayo ni Tatay. Basta kaya ko po iyong sarili ko. Huwag na kayong mag alala ni Tatay." sabi ko pa. Napabuntong hininga siya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti lang ako ng yakap sa kanya. Narinig ko na kase na tinawag ako ni Ate Roza kaya humiwalay na ako sa kanya. "Nay, kayo na ang bahala kay Tatay. Ayaw akong makitang umalis kase baka daw umiyak pa siya." biro ko pa. Tumango nalang si Nanay. Ngumiti at kumaway na ako dito ng nakasakay na ako sa tricycle kasama si Ate Roza papuntang terminal. Ang bigat sa pakiramdam pero kailangan kong magsakripisyo para sa amin. "Ronna, maging mabait ka lang doon at walang magiging problema. Saka huwag na huwag kang magkakagusto sa anak ng amo natin. Iyon ang ayaw na ayaw ni Señora Lorraine. Kaya nga walang magtagal na katulong doon sa mansion dahil lahat nagkakagusto sa anak niya. Ayaw naman niya ng matatandang katulong. Matagal daw kaseng mag sikilos. Gusto noon maligsi at masipag. Napaka mabusisi niyang tao. Miski kaliit liitan na dumi nakikita niya." daldal niya ng makasakay na kami sa Bus papuntang Maynila. "Bakit naman? Gwapo siguro iyong anak ng magiging amo ko." napapakamot sa ulo na sabi ko dito. Napapalatak siya saka humagikgik. Mas matanda lang siya sa akin ng pitong taon. Bente anyos lang ako. Siya naman ay bente siyete na. Dalagang ina si Ate Roza at  sa Maynila nakikipagsapalaran para may ibuhay sa anak niya. Na ang nag aalaga ay ang Nanay nito. "Hindi lang gwapo! Sobrang gwapo. Saka ang matcho matcho! Alam mo ba iyong si Fernando Jose at Juan Miguel sa mga Mexican telenovela na pinapanuod natin. Iyong nasa passion de amor? Saka sa Rosalinda? Ganung ganun ang itsura! Mas gwapo pa sa mga iyon! Iyong mga mata kulay berde. Tapos maraming pandesal sa tyan! Nakakabusog! Tapos ang laki laki ng ti-" Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig niya para hindi niya maipagpatuloy ang kung anong balak niyang sabihin. Baka may makarinig pa sa amin at isipin na ang manyak naming dalawa. "Diyosme naman, Ate Roza! Huwag ka naman masyadong maingay sa mga ganyang bagay. Baka may makarinig sa atin. Isipin na mga manyak tayo! Babaeng tao pa naman tayo." pulang pula ang muka na saway ko dito. Pinalo niya ako sa braso kaya ko lang siya pinakawalan. "Ano ka ba naman Ronna?! Para yoon lang! Normal nalang iyan sa Maynila. Basta, makikilala mo iyon mamaya kapag nakarating na tayo. Baka himatayin ka kapag tiningnan ka niya. Akala ko nga noong tiningnan niya ako nalaglag iyong matres ko at obaryo. Pati panty ko yata nabutas dahil sa tingin niya. Tingin palang iyon. Paano pa kapag sa kama? Siguradong hindi ka makakatayo sa sarap." sabi pa nito at humagikgik na naman. Napangiwi ako sa sinabi nito. Alam ko naman ganito siyang magsalita. Palabiro kase talaga siya. Pero parang hindi yata ako masasanay. Saka sabi niya bawal magkagusto sa anak ng amo namin. "Akala ko ba bawal magkagusto sa anak ng amo natin? Bakit parang kilig na kilig ka pa dyan? Pinagnanasahan mo ng palihim iyong tao. Masama kaya iyon. Magagalit si Lord." tanong ko sa kanya. Humagikgik na naman siya. Umayos pa ito ng upo at humarap sa akin. Mukang siyang siya siya na ikwento ang kakisigan ng anak ni Señora Lorraine. "Sempre sikreto lang iyon na malupit. Hindi mo pwedeng landiin ang amo. Iyon ang numero uno na patakaran sa mga naninilbihan bilang katulong. Dahil ang amo ay amo. Syempre uunahin muna ang pagkalam ng sikmura kasya landi. Pero hindi kase maiiwasan. Lalo na at napakamatcho at napakagwapong tunay! Talagang dadalahin ka sa langit!" sabi pa nito. Tumango tango ako. "Lagi mo ba siyang nakikita?" tanong ko pa. Tila nag iisip siya. "Hindi masyado. Lagi kase iyon nasa labas. Halos hating gabi na umuwi iyon kakagimmick. Sakit kaya ng ulo ni Sir Cristopher iyong nag iisa niyang anak na iyon. Doon kase talaga nakatira iyon sa London. British army yata pero umalis na sa serbisyo dahil namatay daw iyong kaibigan. Parang ganoon. Bente singko na iyon. Balita ko nga kaya nauwi sa Pinas dahil kung ano anong kalokohan ang ginagawa sa ibang bansa. Muntik na nga daw makulong  iyon doon. Kahit dito sa Pinas sakit pa rin sa ulo si Señorito Lordon. Mukang nagrerebelde sa hindi malaman na dahilan" kwento ni Ate Roza. Napataas iyong kilay ko ng marinig ko iyong pangalan niya. "Lordon?" kunot noong tanong ko. "Oo. King Lordon iyong tunay niyang pangalan. Ang gwapong pakinggan di ba? Pangalan palang gwapo na at parang gusto mo ng magpa alipin sa kanya pang habang buhay. Ang aking mahal na hari." tila nangangarap na sabi nito at humagikgik na naman siya. Napangiwi nalang ako sa reaksyon nito. Mukang sa pagkwekwento nito ay tunay na napakagwapo ng sinasabi niyang anak ng amo namin. Pero sa panahon ngayon kapag gwapo, gwapo rin ang hanap. Kung hindi naman bakla mga manloloko at paasa. Babaero. Mga paasa sa mga babae. Alin lang naman doon. At ang mga katulad nilang mayaman ay para lang sa mayaman. Napabuntong hininga nalang ako at napailing iling. Ilang oras pa iyong ibyinahe namin ng makarating kami sa siyudad. Inilibot ko ang paningin sa paligid kapag baba namin sa bus terminal. Sobrang traffic gaya ng napapanuod sa tv. Sobrang daming tao na akala mo laging may mga humahabol sa sobrang pagmamadali. Puros busina ng sasakyan ang naririnig mo sa gilid ng kalsada. Napabuntong hininga ako habang kasunod ni Ate Roza at kinipkip kong mabuti ang dala kong bag. Sabi kase ni Nanay maraming mandurokot dito sa Maynila. Kaya kailangan kong mag ingat. At huwag na huwag akong magtitiwala sa kahit na sino dahil baka daw iyon pa ang ikapahamak ko. "Ronna, bilisan mo at malapit ng mag gabi. Kailangan na natin makauwi agad para makausap ka ni Señora. Mag taxi nalang tayo dahil mahihirapan na tayong makasakay ng jeep sa oras nito. Labasan na rin ng eskwela at mga nagtratrabaho sa opisina." sabi nito sa akin at hinila ako. Kulang nalang ay tumakbo kaming dalawa sa kakamadali. Agad na pumara siya ng taxi at agad kaming sumakay doon. Ilang minuto ang ibyinahe namin. "Manong dyan nalang sa tabi. Hindi naman kayo papasukin sa loob." sabi ni Ate Roza sa driver. Nagbayad lang si Ate Roza at agad na kaming bumaba. Ipinakilala ako nito sa tatlong security guards ng subdivision na iyon. Tapos iyong isa ay hinatid pa kami sa bahay ng magiging amo ko. Halos lumuwa iyong mga mata ko sa nakikita kong naglalakihang bahay na nadaraanan namin. Halatang halata na puros mayayaman ang nakatira. Parang bigla akong nalula ng mapadaan kami sa isang bahay na kulay puti. Ito ang pinakamalaking bahay nakita ko roon. Kinalabit ko si Ate Roza na apura ang daldal sa security guard na naghatid sa amin. Mukang kasintahan niya pa iyon. "Ate Roza ang laki ng bahay parang palasyo." manghang manghang sabi ko dito. "Oo. Mansion iyan ng mga Fontanilla. Iyong asawa ng may ari niyan kapatid ni Sir Cristopher. Diyosme Ronna. Kung gwapo na si Señorito Lordon. Mas gwapo iyong nag iisang anak na lalaki ni Señora Corset kapag nakita mo. Iyong kay Señorito Lordon kapag tumingin laglag ang matres at obaryo mo. Iyong si Emperor, kapag tiningnan ka. Lahat ng malalaglag sa iyo. Nalaglag na. Sasambahin mo talaga." impit pa itong tumili. "Roza, tumahimik ka nga. Baka ibaba ko nalang kayo dito." sabi ni Manong guard. Hindi ito pinansin ni Ate Roza. "Basta Ronna! Maraming gwapo rito. Maraming mayaman na gwapo! Puro heredero! Para kang naninindahan sa dami ng gwapo." sabi pa nito. Tumango tango lang ako. Hindi naman nagtagal ay huminto na kami. Halos mangawit ako sa pagkakatingala sa malaking gate na nasa harap namin. "Ronna, tayo na. Mukang hinihintay na tayo ni Señora." yaya sa akin ni Ate Roza na nakapasok na pala sa gate ng bahay. Tumango ako dito at agad na sumunod sa kanya. Sa likod bahay kami nakarating. May sumalubong sa amin na dalawa pang katulong na hindi nalalayo iyong edad dito. Ipinakilala niya ako. Iyong isa na maikli ang buhok ay si  Oceana. Iyong isa naman na medyo may katabaan ay si Ella. "Hinihintay na kayo ni Señora kanina pa. Pumunta na kayo doon Roza." sabi sa amin ni Ella. Mukang nagluluto na sila ng hapunan. Tumango si Ate Roza at hinila ako patungo sa kung saan. Bigla akong kinabahan ng makapasok kami sa napakaluwang na sala ng bahay. Tapos nakita kong nakaupo roon ang isang babae na may berdeng mga mata na halatang halata na isang banyaga. Maganda ito kahit halata na may edad na. Mapostura ito at halatang sosyal. Marami ring alahas na nakasuot dito. At ang damit niya ay halatang halata na mamahalin. Nagsusumigaw siya sa karangyaan mula ulo hanggang paa. Napalunok ako ng ilang beses ng magtama ang mga mata namin. Nagyuko ako ng ulo ng pasadahan ako nito mula ulo hanggang paa. Isang kupas na pantalon at isang puting T'shirt lang ang suot ko pero maayos naman. Hindi naman ako mukang busabos. Pero kapag nakatabi ko siya mag mumuka akong gusgusin. "Magandang gabi Señora. Ito po si Ronna Mae. Pinsan ko po siya. Siya po iyong sinasabi ko sa inyo na papalit kay Awring." magalang na sabi nito. Nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi nitong pinsan niya ako. Pasimple pinandilatan ako nito na parang sinasabi na sumunod nalang ako. "Magandang gabi po Señora. Ako po si Ronna Mae. Tawagin nyo nalang po akong Ronna." magalang na pakilala ko dito. Kitang kita ko iyong pagtaas ng kilay nito sa akin. Tumayo siya at pinasadahan na naman ako ng tingin. Inikutan niya pa ako na talagang akala mo na kinikilatis akong mabuti. Isa lang ang masasabi ko. Matapobre. Halatang halata. Mula kilay niyang napakataas hanggang sa sakong niyang mamula mula pa. "Ilang taon ka na?" tanong nito. Napaangat tuloy ang tingin ko dito at hindi agad nakasagot. Tumaas na naman iyong kilay niya. "Bente anyos na po ako." magalang na sagot ko dito. Tumaas na naman iyong kabila niyang kilay. Parang naghahalinhinan lang. "Napaka bata mo pa pala. At". Talagang ibinitin niya iyong iba niya pang sasabihin. Sabay pa kaming napalunok ni Ate Roza. "Maganda. Sa totoo lang maganda ka." sabi nito. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalaong matatakot dahil sa sinabi nito. Ni hindi ko nga magawang magpasalamat dahil pakiramdam ko ngayon para akong sesentensyahan. "Sigurado ka ba na kakayanin mo ang mga trabaho dito? O baka naman kaya gusto mo lang manilbihan dito ay dahil sa anak ko?" mataray na tanong nito. Napalunok ako at bahagyang sinulyapan si Ate Roza. "Señora, napakasipag-" "Roza hindi ikaw ang tinatanong ko kung hindi iyang pinsan mo. Bakit? Wala ba siyang dila at ikaw pa ang kailangang sumagot sa tanong ko na para sa kanya?" sabi nito. Natahimik si Ate Roza. Ako naman ay hindi ko malaman kung anong isasagot ko dito. Muka kase siyang si Miss Minchin. Iyong nagpapahirap kay Sarah. "Masipag po ako Señora. Kayang kaya ko ho ang mga gawaing bahay dahil sanay po ako sa hirap. Bigyan nyo lang po ako ng pagkakataon at ipapakita ko sa inyo ang kakayahan ko. Kailangang kailangan ko lang po ng trabaho. At hindi ho ako narito para sa anak nyo. Nandito po ako para sa trabaho para may maitulong ako sa mga magulang ko." seryosong sabi ko dito. Tinitigan niya akong mabuti. Mukang kinikilatis niya ako kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. "Tatanggapin kita dito dahil kailangang kailangan ko ng kasambahay na makakasama nilang tatlo. Maganda akong magpasahod basta aayusin mo ang trabaho mo." sabi pa nito. Sunod sunod ang naging tango ko sa sinabi nito. "Hinding hindi ho kayo mag sisisi Señora na kinuha nyo ako. Pagbubutihin ko po." nakangiting sabi ko dito. Pero nagyuko lang ulit ako ng ulo dahil tinaasan na naman niya ako ng kilay. Mukang iyon lang ang libangan niya at magtaas ng kilay at magtaray. "Ito lang ang tatandaan mo, Ronna. Huwag na huwag kang magkakagusto sa anak ko. Dahil oras na malaman ko na nilalandi ni isa man sa inyo si King Lordon. Magbalot balot na kayo dahil sesesantihan kita agad. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong pa nito. Sunod sunod akong tumango. "H-Hinding hindi po Señora. Mamahalin ko po ang trabaho ko hindi ang anak nyo." sabi ko pa. "Good! Ihatid mo na siya Roza sa tutuluyan niya at kung anong mga gawain niya. Makakapag umpisa na siya bukas na bukas rin. Ikaw na ang bahala Roza. Siguraduhin mo lang na tatagal iyang pinsan mo dito. Dahil kapag nagkataon pareho ko kayong papaalisin. Pareho kayong mawawalan ng trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?" pahabol nito. Sabay kaming tumango. "Good!" Sabi nito at tinalikuran na kaming dalawa. Agad akong kinaray ni Ate Roza sa likod bahay. Sabay pa kaming napabuntong hininga ng makalayo kami kay Señora. Mukang kagaya ko ay kanina niya pa pinipigilan ang pahinga namin. "Diyosme Ronna! Akala ko mamamatay na tayong dalawa. Ngayon lang nagkaganoon si Señora!" bulaslas nito sa akin. "Bakit? May nasabi ba akong mali?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at ngumiti sa akin. "Maganda ka kase talaga kaya mukang natakot ng konti si Señora. Pero huwag mo ng isipin iyon. Ang mahalaga tanggap ka na. At tandaan mo lahat ng sinabi niya lalo na patungkol sa anak niya." tuwang tuwang sabi nito. Hinatid niya ako sa kwartong tutuluyan ko raw. Magkasama kami nito sa tulugan. Iyong tinutuluyan namin ay nakahiwalay sa mismong bahay. May tatlong kwarto. Sa kabilang kwarto ay iyong dalawa. Tapos dito sa isa ay kami ni Ate Roza. "Oh, etong damit mo. Iyan ang uniform dito. Susuotin mo iyan araw araw. Bukas ituturo ko sa iyo kung anong gagawin mo. Sa ngayon magpahinga ka muna. Tutulungan ko lang doon sila Ella. Iiwanan na kita dito ha?" sabi nito. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa bilis ng pagsasalita niya. Wala akong nagawa ng lumabas na ito sa kwarto. Inayos ko lang iyong mga gamit. Hihiga lang sana ako pero hinila na ako ng antok dahil siguro sa pagod sa byahe. Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Ipinaliwanag sa akin ni Ate Roza ang mga gagawin ko. Maglalaba lang naman ako at kapag nakatapos na ako ay tutulungan ko silang maglinis ng bahay. Tapos itinuro nito sa akin kung ano ano iyong kwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay. Pati iyong kwarto nila Señora at Señorito Lordon. "Ha? Ngayon na?" maang na tanong ko dito. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto nila Señora dahil kukuhanin namin ang mga maruruming damit. Maaga daw umalis iyong mag asawa kaya hindi ko na nakilala iyong asawa ni Señora. "Oo, naliligo naman siya o kaya natutulog pa rin kapag ganitong oras. Kukuhanin mo lang iyong mga damit niya. Tapos lumabas kana agad ha? Ayaw na ayaw pa naman nun ng may pumapasok sa loob ng kwarto niya kapag nandoon pa siya." bilin nito. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa sinabi nito. "Kuhanin mo na. Ako na ang magbaba nito sa laundry area. Bilis na para hindi ka tanghaliin." utos nito kaya lang ako kumilos. Lumabas ako ng kwarto nila Señora at nagtungo ako sa kwarto ni Señorito Lordon. Ilang ulit pa akong napabuntong hininga bago pumasok ng tuluyan sa loob ng dahan dahan. Para tuloy akong magnanakaw na takot gumawa ng ingay para hindi mahuli. Bumungad sa akin iyong kulay white at brown na kulay ng buong kwarto. Nanunuot din ang bago sa paligid. Halatang lalake ang nag mamay ari ng kwarto. Napalunok ako at hinanap iyong lagayan ng marurumi nitong damit. Itinuro naman sa akin ni Ate Roza kung saan ko iyon makikita. Hindi naman ako nahirapan na hanapin iyon. Agad na kinuha ko iyon at nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Pero napahinto ako sa akmang paglabas ng makita ko iyong mga larawan na nasa estante. Nilapitan ko iyon dahil nacurious ako sa itsura nito. Namilog iyong mga mata ko ng makita ko kung anong itsura niya. Tama nga sila Ate Roza. "Hala! Ang gwapo!" impit na humagikgik pa ako. Kinikilig ako bigla. Para siyang sila Brad Pitt at Tom Cruise. Tapos pinakatitigan ko iyong picture na nakalagay sa estante. Ang gwapo talaga. Iyong mata niya kulay berde kamuka ng Mama niya. British daw kase si Señora Lorraine kwento sa akin ni Ate Roza. Pero lumaki siya dito sa Pinas dahil iniwan siya sa ampunan. Ang gwapo gwapo ng anak niya. Mas gwapo pa siya doon sa artista sa TV. Para siya iyong mga leading man sa mga Mexican teleserye na pinanunuod namin ni Nanay. Gwapo na sa picture gwapo pa rin iyong pangalan. Nasaan ang hustisya? Tapos iyong dalawa niyang kasamang lalake sa litrato ay mga gwapo rin. Iyong isa ay kulay berde rin ang mata iyong isa naman ay asul. Nakamilitary uniform pa nga silang tatlo. Iba't ibang kulay nga lang. "Who are you?!" Napatalon ako sa dumadagundong na boses. Napalunok ako ng ilang beses bago dahan dahang humarap. Bumungad sa akin iyong berde nitong mga mata. Pinasadahan ko siya ng tingin. Napanganga nalang ako lalo ng makita ko na nakatapis lang ito ng tuwalya. Tapos tumutulo pa iyong basa niyang buhok. Parang bigla yata akong nauhaw sa nakikita ko sa harapan ko. Ang daming muscle. Napahigpit pa iyong hawak ko sa lagayan ng damit na hawak ko dahil baka himatayin na ako ng tuluyan sa nakikita ko. "I'm asking you! Who the hell are you?!" kunot na kunot iyong noo niya sa pagtatanong sa akin. Hindi ko masyadong maintindihan iyong english niya dahil matigas iyong pagkakabigkas. May accent sabi nga nila. "What are you doing here in my room?!" tanong pa rin nito. "Po? A-ano. A-ako po si R-Ronna." pakilala ko dito. Lalong lumalim iyong pagkakakunot ng noo niya sa sinabi ko. Napangiwi tuloy ako. Mukang iyong kagwapuhan niya ay siya namang ikinasungit niya kagaya ng Mama niya. "I'm not asking for your name!" sabi pa nito at dahan dahang lumapit sa akin. Napakagat nalang ako sa labi ko dahil napakasungit nga nito. "Kinuha ko lang po itong labahin. Lalabas na po ako." sabi ko dito at nagmamadaling akong lumabas. Pero hindi ko na nabuksan iyong pintuan ng may pumigil dito. Ilang beses akong napalunok. Halos malunok ko na nga yata iyong dila ko sa kaba. Nanginginig din ako kase ramdam na ramdam ko iyong presenya niya sa likod ko. Amoy na amoy ko rin ito. Hindi ako makaharap dahil baka kapag humarap ako ay tuluyan na akong himatayin sa nerbyos na nararamdaman ko. "Don't turn your back on me when I'm still talking to you. That's rude. Very rude." bulong nito sa tenga ko. Lalong nanginig iyong katawan ko at para bang hindi ako makahinga dahil hinawakan niya pa ako sa balikat ko. Nagtayuan din ang balahibo ko sa batok dahil iyong hininga niya at tumatama sa punong tenga ko. "Señorito, m-maawa po kayo. A-ayoko pong mawalan ng trabaho." mangiyak ngiyak na sabi ko dito. Napamaang ako ng marinig ko ang halakhak nito kaya napilitan ako humarap sa kanya. Pulang pula iyong muka nito sa pagtawa. Ako naman ay sinamantala iyon. Nagtatakbo na ako ng tuluyan palabas ng kwarto nito. Akala mo ba nakipag habulan ako. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa laundry area. "Oh, anong nangyari sayo Ronna?" takang tanong sa akin ni Ate Roza. Sunod sunod akong umiling. Ayokong sabihin dito na nakaharap ko na iyong si Señorito Lordon. Ayokong sabihin na totoo ang sinabi nito. Nakakanginig talaga siya. Napabuntong hininga nalang ako. Mukang hindi magiging madali iyong magiging trabaho ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD