Part 2

4104 Words
"Ronna, hindi ba at gusto mong makapag aral?" Tanong sa akin ni Ella. Dala dala nito iyong mga ipapalaba pa daw sa akin ni Lordon. "Oo sana. Kaya nga ako sumama dito kay Ate Roza para sana makapag ipon." Sabi ko dito at inilagay ko sa washing machine iyong mga bedsheet na alam kong hindi naman marumi pero pinalalaban ni Lordon. "Sumama ka nalang sa amin ni Oceana. Meron kaseng inooffer iyong TESDA. Tuwing sabado ng gabi ang pasok. Kapag linggo naman daw maghapon. Dayoff naman natin iyon kaya pwede. Mayroon sila na may araw araw iyong pasok kaya lang hindi tayo pwede doon. Wala daw bayad pero kailangan agad nating magparegister." Yaya sa akin ni Ella. Masaya na lumapit ako sa kanya. "Talaga ba?" Tuwang tuwang paninigurado ko pa dito. "Oo. Walang bayad iyon. Bagong program ng TESDA. Ilang months lang naman iyon tapos mag eexam tayo. At kapag nakapasa tayo doon pwede na tayong magcollege." Dagdag nito. "Ano? Sama ka? Bukas pupunta kami doon sa kapitolyo. Mainam na iyong mauna tayo." Sabi pa niyo. Sunod sunod akong tumango. "Sige. Sige. Siguradong matutuwa sila Nanay kapag nalaman nila." Masayang sabi ko pa. Natawa si Ella sa akin. "Huwag mo munang sabihin. Sabihin mo nalang kapag nakapag umpisa na tayo. Para sigurado." "Teka lang. Dala mo ba iyong diploma mo noong elementary. Kailangan yata iyon saka birthcertificate." Alanganing tanong nito. Ngumiti ako dito. "Oo dala ko lahat ng papeles ko Ella. Lahat lahat." Masayang sabi ko. "O basta bukas agahan mo iyong gising at maaga tayong aalis nila Oceana ha?". "Sige. Salamat Ella." Sabi ko pa dito. "Ano ka ba? Wala iyon. Iyon naman ang pangarap natin kaya tayo nandito." Nakangiting sabi nito. Masayang masaya ako kase makakapag aral na ako. Sana lang maipasa ko iyong exam na sinasabi nito para makapag college ako. Pero nawala iyong saya ko ng dumating si Ate Roza. "Ronna, ipinatatawag ka ni Señorito." Kakamot kamot sa ulo na sabi sa akin ni Ate Roza. "Bakit daw?" Kinakabahan kong tanong. Napangiwi pa nga ako. Isang linggo na akong namamasukan. At isang linggo na rin akong pinahihirapan ng Lordon na iyon. Oo. Lordon nalang ang tawag ko sa kanya. Wala ng Señorito. Pero sa isip ko lang iyon. Baka kapag tinawag ko siya na ganun mawalan ako ng trabaho. Ngayon ko pa naman ito kailangan dahil sa sinabi ni Ella. Noong una crush ko siya kase ang gwapo niya pero ng malaman ko kung gaano kasama ng ugali na mayroon siya. Isinumpa ko na siya. Dahil kasumpa sumpa talaga siya. Ngayon lang ako nakakilala ng kagaya niya. Isa siyang demonyo na nagkatawang tao sa sama ng ugali niya. Napakasama ng ugali niya sa totoo lang. Napakaitim ng budhi niya. Kung bakit naman ako pa ang napagtripan nito sa dami naming katulong dito. Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama maliban nalang doon sa una naming pagkikita. Iyon din ang umpisa ng kalbaryo ko dito. Lagi niyang pinalalabahan iyong mga damit niya kahit hindi naman marumi. Nang minsang sinabi ko na hindi naman madumi iyong damit niya. Pinahiran niya ba naman ng chocolate cake iyong damit niyang puting puti. Masyado pa naman ang kusot ko doon para puting puti tapos ginanon niya lang. Manang mana siya talaga sa Mama niya. Mag ina nga sila. Parehong masama ang ugali. Lalo na si Señora. Napakamatapobre niya. Buti nalang iyong si Sir Chris. Mabait kahit halatang mayaman. Samantalang iyong mag ina niya. Pareho yatang ipinaglihi sa sama ng loob. "Puntahan muna. Bilisan mo. Baka mamaya pagtripan ka pa nun lalo." Pananakot pa sa akin ni Ella. Napalunok ako at tumango sa kanila. Napabuntong hininga pa ako bago naglakad papunta sa may pool area. Nandoon daw kase ito sabi ni Oceana ng makasalubong ko siya. Mukang sinisilipan na naman niya si Lordon habang nag swiswimming. Mukang ako lang sa bahay na ito ang hindi siya pinagpapantasyahan. Ang ganda kase ng katawan niya para iyong sa mga modelo na napapanuod ko sa tv at nakikita sa mga magazine. May abs pa siyang tinatawag nila Ate Roza. Napanguso ako ng sa malayo palang ay nakita ko na itong nakatayo sa may gilid ng swimming pool. Naka pamewang pa ito kaya kitang kita iyong mga muscles niya. Naka swimming trunk lang siya kaya bakat na bakat iyong hindi dapat. Kaya naman pala si Oceana ay hindi mapakali. Nginisihan niya ako ng makita niya ako kaya lalo akong napasimangot. Mukang kanina pa niya ako hinihintay. Nagyuko nalang ako ng ulo para hindi niya makita iyong pagkainis ko sa kanya. "Ipinatatawag nyo daw po ako?" Magalang na tanong ko dito. "What took you so long?" Tanong nito. Napanguso na naman ako kase ang tigas tigas ng english niya. Tuwing kakausapin niya ako puro english. Akala niya siguro hindi ko naiintindihan kase puro yes at no lang ang sagot ko sa kanya. Tinawag niya pa nga ako minsan na pathetic at stupid. Akala niya hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Masakit pakinggan pero wala naman akong magagawa. Pamilya niya ang nagbigay ng trabaho sa akin kaya pinag titiisan ko nalang. Lalo na iyong topak niya. Lagi nalang ako iyong pinatritripan niya. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Sabi nga ni Ate Roza sa lahat daw ng naging kasambahay dito ako lang daw ang ginanito ni Lordon. Kapag nandito naman iyong Mama niya hindi naman niya ako ginaganito. Palibhasa nasa ibang bansa si Señora ngayon kasama ni Sir Chris kaya malaya siyang gawin ang kalokohan niya. "Pasensya na po, Señorito. Naglalaba po kase ako ng mga bedsheet at kurtina. Iyon po ang utos nyo sa akin kanina. Hindi po ba?" Magalang na sabi ko dito. "Nonesense!" Sabi pa nito. Napasimangot na naman ako. Nonesense. Nonesense pa siyang nalalaman. Naiinis na talaga ako sa kanya. "What with that face huh?" Kunot noong tanong nito. Umayos ako ng tayo at inayos ko ang muka ko. Ngumiti ako ng kimi dito. Napansin kong natigilan siya pero sandali lang iyon at ngumisi na naman siya sa akin. Mukang may naisip na naman siyang kalokohan. Tumabingi tuloy iyong ngiti ko. "May iuutos po ba kayo, Señorito?" Tanong ko dito. Hindi kase ako mapakali ngayong nasa harapan ko siya at iyon lang suot niya. Parang nanunuyo iyong lalamunan ko at sunod sunod akong napalunok. Bamabalik na naman sa isip ko iyong eksena ng una ko itong makita at nakatapis lang siya ng tuwalya. Walang pinagkaiba iyon ngayon. Naeeskandalo tuloy ako. "Just stay here. Don't go anywhere. Stay here." Utos na naman nito. Inirapan niya pa ako kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa mga utos niya sa akin. "Señorito, marami pa po kase akong dapat-" "What did I tell you Ronna Mae? Stay! Here! f*****g stay here!" Sigaw nito sa akin kaya napapitlag ako. Nanlalaking mga mata na sunod sunod akong tumango at tumayo sa isang sulok. Bigla akong kinabahan. Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba. Hindi ko talaga malaman kung paano ang gagawin ko sa kanya. "Kailangan mo pa palang idaan sa sindak bago ka sumunod." Sabi nito. Nanlaki na naman iyong mga mata ko dahil sa narinig ko. Hindi nga ba at marunong naman pala siyang magtagalog? Pinahirapan niya pa akong intindihin iyong napakatigas na english niya? "Marunong kang magtagalog?" Maang na tanong ko dito. "Surprise!" Ngumisi siya saka pinitik ako sa tungkil ng ilong ko. Hindi naman malakas kaya hindi naman ako nasaktan. "Ang sarap sarap mo talagang asarin kahit kailan. You looked so stupid." Sabi pa nito at saka siya tumawa at nagdive na ito sa pool. "Maka stupid naman siya. Malunod ka sana." Bulong ko. Gigil na gigil ako sa asar dito ngayon. Lalo na at marunong naman pala itong magtagalog. Tapos patatayuin niya ako dito para lang panoorin siyang magswimming? Tapos mamaya papagalitan niya ako kase hindi ko agad natapos iyong una niyang utos? Baliw yata ito! "Hey, Ronna Mae!" Tawag nito sa akin kaya nag angat ako ng tingin dito. "Po?" Tanong ko dito. Gusto kong mapakunot ng noo ng nangalumbaba pa ito sa gilid ng pool at tinitigan ako. Napalunok na naman ako sa tingin na iyon. Iyong berde niyang mga mata. "Come here!" Senenyasan niya pa ako. Napangiwi na naman ako. Hindi ko alam kung ano na naman binabalak niya. "Dito nalang po ako Señorito. Panunuorin ko nalang kayo dito. Hindi po ba at sabi niyo dito lang ako?" Sabi ko pa dito. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sinamaan niya ako ng tingin. Nakakatakot pa naman iyong mga tingin niyang ganun. Kinikilabutan ako. "I said, come here! You are so f*****g annoying! Pinaiinit mo ba talaga iyong ulo ko?" Sabi pa nito. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanya. Pero ganun pa rin iyong tingin niya. Sinenyasan niya ako. Tumalungko ako sa harapan niya. Iniisip ko na siguro na hihilahin ako nito sa pool at baka lunurin niya ako. "Gusto mo pa kase ng sinisigawan bago ka sumunod." Bulong pa nito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi naman niya iyon ginawa. Tinitigan niya lang ako habang magkaharap kami. Hindi ako makatagal sa titig niya kaya nagyuko lang ako ng ulo. "What's with that clothes?" Tanong nito. "Ganito po talaga akong magdamit. Ganito po talaga sa probinsya namin. Bawal po iyong maiikli ang suot. Kailangan po puro mahahaba para hindi bastusin." Paliwanag ko. "How old are you?" Tanong pa rin nito. "Twenty po." Tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit para bang sinisilihan ako ngayon. Hindi ako mapakali na sobrang lapit nito sa akin. Pasimple akong lumalayo dito ng paunti unti pero mukang nakahalata siya at hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil kahit basa iyong kamay niya bakit ang init init ng palad nito. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. "Do you have a boyfriend?" Tanong pa rin nito ng hindi ako binibitiwan. "Wala po. Wala po sa isip ko ang bagay na iyan. Kailangan ko munang matulungan ang Nanay at Tatay ko bago po iyong pagnonobyo." Sagot ko sa tanong nito. Tumango tango siya. "Paano kung ako ang magiging boyfriend mo?" Seryosong tanong nito. Napamaang ako sa tanong nito sa akin. Para tuloy lalo akong aatakihin sa puso sa itinatanong niya sa akin. "I was just kidding Ronna Mae. It was just a joke so don't look so shocked. Hindi ako papatol sa isang katulong." Sabi nito at lumangoy siya palayo sa akin. Napahilot ako sa dibdib ko dahil sa sinabi nito. Ang sakit naman niyang magsalita. Sa tingin niya din ba papatol ako sa kagaya niyang saksakan ng sama ng ugali. Parehas lang kami. Ayoko sa kanya. "Hey!" Napaangat ako ng tingin ng tawagin na naman niya ako pero pag angat ko ng tingin ay may tumama sa muka ko. Nang tingnan ko kung ano iyon ay ganoon nalang ang pagkagulat ko. Iyong suot na swimming trunks nito ang ibinato niya sa muka ko. Nanlaki iyong mga mata ko na napatayo. Nagpalipat lipat iyong tingin ko sa hawak ko at sa kanya. Nakangisi ito sa akin. "You're blushing!" Natatawang sabi nito. Mukang siyang siya siya sa nangyayari sa akin na hindi ko alam kung paanong gagawin ko. "Wanna see it?" Tudyok nito sa akin. Napasinghap ako at ibinato ko pabalik sa kanya iyong kakapirasong tela na iyon. "What the f**k?!" Sabi nito ng saluhin niya iyon. Napatili ako ng makita kong aahon siya sa swimming pool. Kitang kita ko iyong hindi dapat makita. Kaya ang ginawa ko ay nagtatakbo ako papasok ng bahay. Wala akong pakialam kung tinatawag niya ako. Rinig na rinig ko iyong halakhak nito. Mukang buo na naman iyong araw niya dahil naasar na naman niya ako. Mukang bata yata akong mamamatay sa bahay na ito dahil sa lalakeng iyon. ____________ Nang hapon na iyon ay inutusan ako ni Oceana na itapon iyong mga basura. Bukas daw kase ng umaga ay may mangungulekta ng mga basura sa village. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa sa akin kaninang umaga ng demonyitong Lordon na iyon! Virgin pa ako tapos makikita ko ang hindi dapat makita? Probinsyana ako at napakalaking kasalanan para sa akin ang makakita ng pribadong parte ng katawan ng lalake. Naeeskandalo ako. Sigurado na kapag nalaman ito ni Nanay, kukurutin ako nun sa singit. Napasimangot at napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangyayari. Isang linggo palang ako dito pero parang mababaliw na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung makakatagal ako sa pamamasukan dito sa bahay na ito. Gusto ko nalang umuwi sa probinsya at tulungang magtinda sa palengke ang Nanay. Pero habang naiisip ko na kung susuko ako. Paano ko matutupad iyong pangarap kong maging guro at matulungan sila Nanay at Tatay. Napabuntong hininga na naman ako. "Ang lalim naman nun." Napapitlag ako at napabaling sa pinang galingan ng boses na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko ito. Tiningala ko siya kase ang tangkad niya. Napalunok ako at bahagyang umatras ng makita ko kung gaano ito kagwapo. Iyong mata niya ay kulang berde rin katulad ng kay Lordon. Napakunot iyong noo ko ng parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang alam kung saan. Muntik na akong kumaripas ng takbo ng ngumiti ito sa akin. "I'm Bloody Fire Fontanilla, but you can call me Blood. And you are?" Tanong nito sabay lahad ng kamay. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko iyong pakikipag kamay dito. Pinunasan ko iyong kamay ko. Napapitlag ako ng siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. Para akong nakuryente at agad na lumayo dito. "I'm sorry if I bothered you. Hindi ko lang kase maiwasan na lapitan ka. Kanina ka pa kase tulala." Nakangiting sabi nito. Napatanga nalang ako dito kase ang gwapo niya kahit puro siya pawis sa pagtakbo. Kumunot ang noo nito. "Are you okay?" Tanong pa nito. Ipinilig ko iyong ulo ko at sunod sunod na tamango dito. Lahat nalang ba ng gwapong lalake sa village na ito puro english na ang hirap intindihin? "Ok. Oo. Ahm. Okay lang ako." Kandautal na sagot ko dito. Napatawa siya sa sagot. "You're blushing. By the way, may I know your name?" Nakangiting tanong nito. Napaka misteryoso ng mga mata nito kung tumingin. "Ronna Mae. Ronna nalang po Sir Blood." Alanganing sagot ko dito. "Blood would be nice. You don't have to called me Sir." Sabi nito. Tumango lang ako. "Saan ka nga pala nakatira? Ako kase dyan lang sa tapat. I'm just here for a long vacation." Kwento nito sabay turo sa bahay na nasa tapat. "Dito po ako naninilbihan. Isa po ako sa mga katulong ng mga Dela Merced." Sabi ko dito. Hindi na ako nagtaka kung nagulat ito sa sinabi ko. Sa talaga namang katulong ako. Hindi ko naman iyon ikinahihiya. "Oh. But you never looked like one." Sabi pa nito. Tumango lang ako. Mukang may sasabihin pa siya pero narinig ko na naman iyong boses ng taong kinaiinisan ko sa ngayon. "Ronna Mae!" Napangiwi ako ng marinig ko na naman iyong boses ni Lordon. Ano na naman kaya ang problema nito? Baka may iuutos na naman siya o kaya may binabalak na naman siyang kalokohan. "Bakit po?" Tanong ko dito habang palabas siya ng gate ng bahay. "Who told you to talked to that stranger?" Seryosong tanong nito. "May itinatanong lang naman po-" "I don't care!" Sabi nito. Hindi na naman niya ako pinatapos sa sinasabi ko. Ganyan siya lagi kapag may ayaw siya. Sarili niya lang ang pakikinggan niya. "Huwag mo siyang pagalitan Dela Merced. Wala naman siyang ginagawang mali. So don't shout at her!" Sabi ni Sir Blood dito. "Ikaw ba ang kinakausap ko Fontanilla?" Nakangising tanong nito. Hindi sumagot si Sir Blood pero nagsukatan silang dalawa ng tingin. Parang ano mang oras mag aaway na silang dalawa. "Get inside!" Mahina pero madiin iyong pagkakabigkas niya ng salita. Napalunok ako dahil parang ibang kulay na ng berde ang mga mata nilang pareho. "Papasok na po ako." Paalam ko doon kay Sir Blood. Tumango ito sa akin at ngumiti. "I was nice meeting you Ronna Mae. Just Blood, okay?" Sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Pero itinikom ko lang iyong bibig ko ng samaan ako ng tingin ni Lordon. Agad akong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. Impit akong napatili kase ang gwapo ni Sir Blood. Halatang ang bait bait pa hindi kagaya ng King Lordon na iyon. "Oh, bakit? Anong nangyayari sa iyo?" Nag aaalalang tanong sa akin ni Ate Roza. Umiling ako dito saka tumawa. Pinalo niya ako sa braso. "Wala Ate. May nakilala lang akong gwapo doon sa labas." Sabi ko dito saka ako humagikgik. "Sino?" Tanong nito. "Bloody Fire Fontanilla daw iyong pangalan niya." Sagot ko dito. Nanlaki iyong mga mata nito. "Hala! Si Sir Blood nakita mo? Nandito na ulit siya sa Pinas?" Gulat na gulat na tanong nito. Napakamot ako sa ulo. "Kaibigan siya dati ni Señorito Lordon. Madalas siya dito dati. Kaya lang may naging problema yata kaya hindi na sila friends ngayon." Sabi nito. "Hala! Bakit naman kaya!?" Natigilan kaming dalawa ni Ate Roza sa pagkwekwentuhan ng marinig namin iyong boses ni Lordon. "Sinong nagsabi sa inyong dalawa na pag chismisan ang buhay ko? Nandito kayong dalawa para magtrabaho hindi ang pag usapan ang buhay ko." Mahina pero mariin iyong pagkakabigkas nito ng mga salita. Dumiretcho yata iyong pagtatagalog niya. Muka kase siyang galit. Hindi lang galit. Kung hindi mukang galit na galit. Nakakuyom kase ang kamao nito. Mukang ano mang oras ay mukang makakasuntok siya ng tao. Nagyuko kami ng ulo ni Ate Roza at sabay na nanghingi ng despensa dito. Aalis na sana kaming dalawa ng tawagin na naman niya ako kaya naiwan na naman ako sa kanya ng mag isa. Napabuntong hininga na naman ako. "Don't you ever talked to him again, Ronna Mae. I'm warning you! Oras na makita o malaman ko na kinakausap mo ang Fontanilla na iyon. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa iyo. Nagkakaintindihan ba tayo? O gusto mo na tagalugin ko pa?" Tanong pa nito. "Pero Señorito, wala naman po siyang ginagawang masama. Mukang mabait naman po si Sir Blood." Katwiran ko sa kanya. Mas lalong nagdilim iyong muka niya sa sinabi ko. Napaatras pa ako ng bahagya. "Do I need to repeat myself?" Seryosong tanong nito. "Naiintindihan ko po." Sabi ko nalang para hindi na humaba ang usapan at makaalis na ako sa harapan nito. "Good. Now, prepared my food." Utos na naman niya sa akin. Tumango ako at nagmamadaling nagpunta sa kusina. "Kakain na daw si Señorito, Oceana." Imporma ko sa kanila. Tumango ito sa akin. Hinayaan ko silang mag ayos ng makakain ni Lordon. Binigyan ako ng isang basong tubig ni Ella. Mukang napansin niya na hindi ako maayos. Napapalatak si Ella ng makita na dala dala ni Oceana pabalik iyong mga pagkain. Mukang alam ko na iyong mangyayari. "Ikaw daw ang mag asikaso sa kanya. Doon daw siya sa garden kakain." Sabi nito sa akin. Tiningnan ko si Ate Roza. Tumango lang siya sa akin at inayos sa isang tray iyong mga pagkain na dadalahin ko kay Lordon. "Kaya mo yan." Sabi pa sa akin ni Ella. Tumango lang ako sa kanila. Nandoon na si Lordon ng dalin ko iyong pagkain. Mukang ang lalim ng iniisip niya kase hindi niya ako napansin. Nakatalikod na ako ng mapasinghap ako ng marinig ko iyong nabasag na pinggan. Nang lingunin ko ay iyong pinggan na lagayan ng pagkain nito ang nabasag. Halatang sinadya niya. Hindi ako kumibo. Agad na punulot ko iyon. Sunod na nakita ko ay iyong patak ng juice sa sahig. "Are you this stupid, Ronna Mae? Pagtitimpla lang ng juice hindi mo magawa ng maayos? Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Ang maging sobrang tanga." Pagalit na sabi nito sa akin. Napakuyom ako ng kamao at tumayo ako hawak hawak hawak ang tray na pinaglagyan ng pagkain nito. Padabog na binitiwan ko ang tray na hawak ko sa harapan nito. Mukang nagulat siya sa ginawa ko dahil napapitlag siya at nanlalaki iyong mga berdeng mata niya na tiningnan ako. Ubos na ubos na iyong pasensya ko. Hinampas ko pa iyong lamesa sa sobrang galit ko ngayon. "Huwag na huwag mong idadamay ang magulang ko dito! Ayos lang na ako ang alilain at alipustahin mo. Pero ang idamay pa ang mga magulang ko. Ibang usapan na iyan! Sumosobra kana!" Dinuro ko siya. "Ubos na ubos na ang pasensya ko sayo! Oo! Mahirap lang kami. Oo! Grade six lang ang natapos ko. Oo! At kasambahay at labandera nyo ako dito sa bahay nyo! Kaya nga ako namamasukan dahil gusto kong kumita ng pera para makapag ipon! Pero wala ka o kahit na sinong karapatan para maliitin o alipustahin kaming mahihirap. Dahil kayong mayayaman wala kayo kung wala kami. Marami lang kayong pera pero wala kayong mga alam!" "Ronna, tama na yan!" Saway sa akin ni Ate Roza at pilit akong hinihila palayo. Pumiksi ako sa pagkakahawak nito. "Hindi Ate Roza. Kailangang niyang pagsabihan. Hindi dahil amo natin siya gaganituhin niya tayo. Idadamay pa ang mga magulang natin!" Sabi ko dito at hinarap ko na naman ang gulat na gulat na si Lordon. "Hindi ho namin kasalan o ng mga magulang namin Señorito Lordon kung ipinanganak kaming mahirap at hindi kasing yaman nyo. Hindi namin kasalanan kung hindi kami nakakakain ng mga pagkain na kasing sarap ng kinakain nyo araw araw. Hindi namin kasalanan kung hindi kami nakakapagsuot ng mamahaling damit o gamit na katulad ng inyo. Simple lang naman ang pangarap ng mga kagaya namin. Maging maayos lang ang pamumuhay. Pare pareho lang tayong tao. Mahirap man kami pero may damdamin kami. Konting respeto lang naman ho ang hinihingi namin sa inyo! Napakahirap bang ibigay ang bagay na iyon!?" Asik ko dito. Hindi pa rin ito kumikibo. Napabuntong hininga ako. "Sana ho sa susunod. Huwag na huwag nyong idadamay ang magulang ko dito. At para po sa kaalaman nyo, hindi ako ang nagluluto o nagtitimpla niyang kinakain o iniinom nyo. Dahil baka ho kung ako. Lason na iyong ilagay ko dyan sa sama ng ugali nyo. Gwapo sana kayo, kaso kalahi nyo si Satanas." Sabi ko sabay talikod dala dala ang tray ng pagkain na pinaglagyan ko. Nakita kong nakatanga sa akin sila Ate Roza. Kasama iyong dalawa. May nakalimutan pa ako kay pumihit ako pabalik dito. Sabay abot ng panyo na nasa bulsa ko. "Ito ho Señorito. Pakilinis na rin iyang ikinalat nyo na halatang sinasadya nyo lang. Para naman maranasan nyo iyong trabaho ng mga kagaya namin. At para hindi nyo kami minamaliit." Dagdag ko at inilapag ko sa lamesa nito iyong panyo. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumalikod na ako at tuloy tuloy na dumiretcho doon sa tinutuluyan ko. Pagpasok ko doon ay napaiyak ako. Sobrang galit ko na kanina. Sumobra na kase talaga siya. Ayos lang na tawagin niya akong tanga. Pero idinamay pa niya iyong mga magulang ko. Napabuntong hininga ako at inayos ko ang sarili ko ng pumasok doon si Ate Roza. "Ronna Mae." Tawag nito sa akin. "Pasensya kana Ate Roza, sobrang galit ko na hindi ko na napigilan iyong sarili ko. Hindi ko naman sinadya pero sumosobra na kase siya. Papalayasin niya na ba ako?" Tanong ko dito. Ngumiti siya sa akin at umiling. "Hindi. Bilin ni Señorito huwag ng makakarating sa Mama niya iyong nangyari para daw hindi ka mawalan ng trabaho. Mabait pa rin siya kahit papaano. Mukang natauhan sa mga sinabi mo." Sabi nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na may trabaho pa ako o ano. "Alam mo hanga na ako sa iyo. Tahimik ka lang pero ang tapang mo. Alam mo iyong karapatan mo." Sabi pa nito. Tumango lang ako sa kanya. Lumabas na siya at hinayaan akong mapag isa. Naupo ako doon sa may upuan sa labas ng tinutuluyan naming bahay. Hindi ko rin naman alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob kanina para sabihin dito ang lahat ng iyon. Siguro dahil sagad na sagad na iyong pasensya ko. Alam kong may mali sa ginawa ko. Sigurado papagalitan ako nila Nanay kapag nalaman nila iyong ginawa ko. Napabuntong hininga nalang ako at tinawagan sila. Lahat ng pagod at pagkainip ko sa kanila ay naglahong parang bula ng makausap ko silang dalawa ni Tatay. Hindi ko na sinabi iyong nangyari dahil ayoko na mag alala pa silang dalawa. Lalo na si Tatay. "Sige na Nay, matutulog na po ako. Magpahinga na rin kayo. Love you Nay. Mahal na mahal ko kayo ni Tatay." Sabi ko sa kabilang linya bago tinapos iyong tawag. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Lordon. Napakurap ako ng tila mapansin ko na nakasilip siya doon pero wala naman. Nagkibit nalang ako ng mga balikat at pumasok na sa loob. Dinalahan nalang ako ni Ate Roza ng pagkain. Nang mga bandang hating gabi ay nagising ako tapos hindi na ako makatulog ay nagpasya ulit akong lumabas at maupo doon sa harapan ng bahay. Napatingala ako sa langit. Hindi kagaya sa probinsya na maraming bituwin sa langit. Napatingin ulit ako sa veranda ng kwarto ni Lordon. Napakunot iyong noo ko ng may lalakeng itim na itim ang suot at may hood na nakalagay sa ulo nito at may facial mask ang nakatayo mula sa veranda ng kwarto niya. May palaso at pana pa sa likod nito na akala mo si Robin Hood. Napatutop ako sa bibig ko ng bigla nalang itong tumalon mula roon palabas ng bakod ng mansion. Sa takot ko ay agad akong pumasok sa bahay at nagtalukbong ng kumot. Napadasal pa ako dahil baka minumulto na yata ako pero hindi naman siguro. Sino kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD