Tulad ng napag usapan namin nila Ella ay pumunta kami sa kapitolyo. Nakapagparegister na kaming tatlo. Nextweek na pala iyong start. Akala nga namin hindi na kami makakapasok pero buti nalang at may natitira pang slot kaya nakasama kaming tatlo.
Sa wakas matutupad ko na iyong pangarap ko na makapagtapos ng high school para naman makapag college na ako at matupad ko na iyong pangarap namin ni Nanay at Tatay na maging titser ako.
"Ronna, gulat na gulat talaga kami sa ginawa mo kay Señorito kahapon. Natulala sa iyo." Natatawang sabi sa akin ni Ella.
Napailing nalang ako at hindi na nagkomento. Sa totoo lang kase mali rin naman iyong ginawa ko kaya medyo nahihiya rin ako. Ipinilig ko nalang iyong ulo ko dahil ayoko ng isipin iyong ginawa ko.
Naglalakad kami pabalik sa village. Sa isang linggo na daw mag uumpisa iyong klase. Day off naming tatlo ay si Ate Roza lang iyong naiwan sa mansion.
Napadaan kami sa may park ng village. Nagpaiwan ako sa kanila doon tutal ay day off ko naman. Hihinga lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Lalo na iyong pinag gagagawa sa akin ni Lordon.
Naupo ako sa swing na naroon at pinagmasdan iyong mga bata na naglalaro. Kasama nila iyong mga yaya nila. Halatang anak mayayaman iyong nga bata. Ang sarap ng buhay nila. Hindi ko kagaya.
Hindi ko naman naranasan ang maglaro dahil imbes na maglaro ako noon. Inuuna ko nalang tulungan si Nanay At Tatay sa pagtitinda sa palengke para may pambili kami ng bigas at pagkain.
Swerte nga at nakatapos pa ako ng elementary sa hirap ng buhay namin sa probinsya. Hindi ko naman sinisisi ang mga magulang ko kung hindi ako nakaranas ng pagkabata. Nang hihinayang lang ako.
Napahawak ako ng mahigpit sa duyan ng may mag ugoy nito pero mahina lang. Nang lingunin ko kung sino iyon ay si Sir Blood pala. Nakangiti ito at naupo rin sa kabilang duyan.
"Tuwing makikita kita laging ang lalim ng iniisip mo. And you look so sad." Sabi nito.
Ngumiti ako ng kimi sa kanya at ibinaling ko ulit iyong tingin sa mga naglalarong bata.
"Hindi naman po ako malungkot. Marami lang po talaga akong iniisip." Sagot ko sa kanya.
"Matagal ka na bang naninilbihan sa mga Dela Merced?" Tanong nito. Umiling ako.
"Isang linggo palang ho ako. Pero parang isang taon na sa konsumisyon ko sa amo ko." Natatawang biro ko dito.
Natawa ito kaya napatingin ako sa kanya. Umayos naman siya. Nakakahawa iyong tawa niya. Isa lang ang masasabi ko. Gwapo talaga si Sir Blood. Ang lakas ng dating niya. Lalakeng lalake lalo na iyong tindig. Walang duda at mukang mabait siya kumpara doon kay Lordon na demonyito.
"Mabait naman si Lordon. Hindi ko lang alam kung bakit siya ganun sa iyo." Sabi nito.
Gusto kong mapasimangot ng sinabi niyang mabait naman daw si Lordon. Nasaan kaya iyong pagkabait doon? Siguro sa iba oo. Pero sa akin hindi. Pero sabi ni Ate Roza suplado daw talaga iyon.
"Where 'you from?" Tanong nito.
Napakamot ako sa ulo kase ang hirap talagang intindihin ng mga english nila.
"Pwede ho ba tagalog nalang? Hirap na nga akong intindihin si Lordon pati ba naman kayo?" Napapangiwi na sabi ko sa kanya.
Napangiti na naman siya kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Sorry. Taga saan ka ba? Halata kaseng hindi ka lumaki dito sa Maynila." Sabi nito sa akin.
"Taga probinsya ho ako sa Nueva Ecija. Malapit lang ho dito iyon. Mga apat na oras lang po iyong byahe." Sagot ko sa kanya. Tumango tango siya.
"What brought you here?" Tanong niya pa rin.
"Nanilbihan po ako bilang katulong para makapag ipon ng pera. Balak ko po kaseng makapagtapos ng pag aaral." Seryosong sagot ko sa kanya.
"What's with the po and ho? I'm just twenty seven. Please stop using po and ho." Natatawang sabi nito.
Napakunot iyong noo ko kase hindi naman halata na bente syete anyos na siya. Ang bata niya kayang tingnan para ngang magkaedad lang kami. Ang sarap niyang titigan kase ang gwapo niya talaga.
Napahinto ito sa pagtawa ng makitang titig na titig ako sa kanya. Nag iwas tuloy ako ng tingin sabay buntong hininga. Pati siya ay narinig ko iyong pagbuntong hininga.
"Mas masaya ang buhay sa probinsya kasya dito sa Manila. The life in the country side was amazing." Sabi niya bigla.
Napangiti ako. Oo masaya naman talaga ang buhay sa probinsya. Tahimik. Walang wala dito sa Siyudad na maingay. Pero mas asensado kung dito sa siyudad dahil sa probinsya mahirap kumita ng pera. Mahirap ang buhay. Napatitig na naman ako sa mga batang naglalaro.
"You looked so sad looking at those kids." Komento niya. Sinulyapan ko lang siya.
"Medyo may panghihinayang kase sa akin tuwing nakakapunta ako sa mga ganitong parke at nakikita ko iyong mga bata na masayang naglalaro. Hindi ko kase naranasan iyong maglaro. Bata palang ako nagtratrabaho na ako dahil gusto kong tumulong kay Nanay at Tatay. Desisyon ko iyon hindi ako pinilit ng mga magulang ko. Kase sa totoo lang isang kahig isang tuka iyong buhay namin. Nagtitinda pa nga ako noon ng sampaguita sa harap ng simbahan namin. Tapos mga platic sa loob ng palengke para may ipambaon ako sa eskwela. Kung hindi ako nagtitinda nag aaral akong mabuti kase para kila Nanay at Tatay. Nanghihinayang lang ako kase hindi ko naranasan iyong maging bata. Kaya swerte kayong mayayaman dahil nabibili at nakukuha nyo iyong gusto nyo ng walang kahirap hirap. Hindi namin kagaya na mahirap na talagang kailangan naming magbanat ng buto para mabuhay."
"Sa mga katulad namin, pangarap lang ang puhunan namin. Kaya nandito ako sa Maynila para makipagsapalaran. Baka sakaling matupad ko iyong pangarap kong makapag tapos ng pag aaral para sa mga magulang ko." Kwento ko sa kanya.
Sinulyapan ko siya kase hindi siya nagsalita. Nakita kong nakatitig siya sa akin. Napamaawang ako kase ngumiti siya sa akin. Para tuloy nalaglag iyong puso ko.
"Hindi naman lahat nabibili ng pera. Siguro iyong kaligayahan oo. Pero iyong pagmamahal hindi. Kahit kailan hindi iyon nabibili kase kusang nararamdaman iyon." Seryosong sabi niya.
"Siguro nga po. Iyon ang bagay na walang katumbas na halaga." Pag sang ayon ko.
"Hindi lahat ng tao kagaya mong mag isip. Sigurado ako matutupad mo iyong pangarap mo." Sabi niya pa. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Ikaw? Bakit nandito ka sa Pilipinas? Sabi kase ni Ate Roza, nasa Amerika ka daw nakatira?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Yup! I'm just here for a vacation. Nagagalit na kase ang Mama ko dahil matagal na akong hindi nakakauwi. Pinagbigyan ko na." Sagot naman niya.
"Pwede ba akong magtanong?" Sabi ko sa kanya.
"Your already asking a question." Sagot naman niya.
Napasimangot tuloy ako kaya tumawa na naman siya.
"I'm just kidding. Siguro ganyan ka kapag inaaway ka ni Lordon." Sabi niya pa. Lalong nalukot iyong muka ko sa sinabi niya.
"Huwag mo ngang binabanggit iyong demonyito na iyon." Bulalas ko.
Pero napatutop ako sa bibig ko ng malaman ko kung ano iyong sinabi ko.
"Naku! Pasensya na. Hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya iyon." Nahihiyang sabi ko dito. Tumawa lang ulit siya.
"No need to say sorry. Hindi naman ako si Lordon." Sabi pa nito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Nakakaasar lang kase siya. Ang sama sama ng ugali niya. Walang oras o minuto na hindi niya ako inaasar. Ginawa nalang niya akong libangan lalo na kapag tinataranta niya ako." Naiinis na kwento ko.
"But it was odd. He's not like that." Nagtatakang sabi pa nito. Napasimangot nalang tuloy ulit ako.
"Hindi nga. Pero sabi ni Ate Roza magkaibigan daw kayo dati. Bakit ngayon ba hindi na?" Biglang tanong ko.
Kitang kita ko na natigilan siya. Tapos napabuntong hininga.
"Yeah." Simpleng sagot nito.
Akala ko hindi na siya magsasalita pero mali pala ako.
"We're best of friend. Bata palang magkasama na kami. He was a brother to me. We both dream to be a soldier. Natupad naman namin iyon ng sabay. Pero ng mamamatay iyong matalik din naming kaibigan doon nag umpisa na masira iyong pagkakaibigan namin. Pero may pangyayari kase sa buhay naming dalawa na siguro nakatakdang mangyari." Kwento niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
"Iyon siguro yung nakita ko sa picture sa kwarto ni Lordon. Magkakamuka kase kayo ng suot. Iyong suot ng mga sundalo sa ibang bansa." Sabi ko sa kanya.
"Yeah. That was Max. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagalit sa akin si Lordon. I killed our friend. Pero may dahilan. Kahit masakit sa akin kailangan kong gawin para mailigtas ko si Lordon. And it was our duty. Kaya siya nandito sa Pilipinas at hindi na bumalik sa Navy." Malungkot na sabi nito.
Napatutop ako sa bibig ko sa nalaman ko. Kaya siguro matindi iyong galit dito ni Lordon. Pero hindi nga ba at ginawa niya lang iyon para rin mailigtas si Lordon. Ang gulo naman ng buhay nila.
"Bakit?" Nagawa ko pang magtanong. Napabuntong hininga siya.
"He was a terrorist spy that's why I killed him. Kinaibigan niya lang kami ni Lordon. Kahit masakit kailangan kong gawin dahil iyon ang sinumpaan naming tungkulin. Kaya galit sa akin si Lordon. But I did that to saved him. At iyon ang isang bagay na hindi niya matanggap." Walang emosyon na sabi niya.
Hindi na ako nagkomento kase hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Mukang sapat naman na iyong nalaman ko kung bakit ganun silang dalawa sa isa't isa.
"You look so shocked?" Walang emosyo pa rin na tanong niya. Napalunok ako sabay iling.
"Konti lang po. Hindi ko naman po kase alam kung anong dapat kong sabihin dahil wala naman ako sa sitwasyon nyong dalawa." Seryosong sabi ko sa kanya.
Tumango tango siya tapos katahimikan na iyon namayani sa pagitan namin.
Akala ko aalis na siya pero tumayo siya sa harapan ko kaya napatingala ako sa kanya.
"Come with me." Sabi niya.
Inilihad niya iyong kamay niya saka ngumiti sa akin. Matagal akong nakatigtig sa kanya kase para may laman iyong sinabi niya sa akin.
"Ronna Mae." Napakurap pa ako ng banggitin niya iyong pangalan ko.
Bigla kaseng bumilis iyong t***k ng puso ko. Para akong matutunaw sa ngiting iyon. Aabutin ko na sana iyong kamay niya pero bigla akong natigilan ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ronna Mae!"
Nagtaasan lahat ng balahibo ko at bigla akong kinabahan ng malingunan ko kung sino iyong tumawag sa akin. Si Lordon.
Malalaki iyong hakbang niya na lumakad palapit sa amin ni Blood. Nakakatakot rin iyong mga mata niya. Agad akong napatayo sa swing at agad na lumayo kay Blood.
"S-Señorito Lordon." Kandautal na sabi ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya. Nakakatakot siya ngayon.
"Hindi ba at sinabi ko na huwag kang nakikipag usap sa lalakeng yan?!" Mariing niyang sabi sa akin.
Nagyuko lang ako ng ulo. Nagulat pa ako ng hilahin rin ako ni Blood palapit sa kanya. Pero pinigilan ako ni Lordon.
"Day off niya kaya wala kang karapan na pagbawalan siya." Sabi ni Blood.
Nagpalipat lipat iyong tingin ko sa kanilang dalawa. Medyo mahigpit rin iyong pagkakahawak nila sa magkabila kong braso kaya napapangiwi ako. Nakakangawit rin silang tingnan dahil sobrang laki nilang dalawa.
"She's working with me. I have all the rights, Fontanilla. Hands off. She's mine." Sabi nito.
"She's not yours, Dela Merced. If you want her. Treat her right. Your such an asshole. So you better back off." Sagot ni Blood.
Hindi ko maintindihan iyong pinag uusapan nilang dalawa. Napalitan na naman sila ng mga alien na salita.
"She's mine! I found her first. So you better back off!" Gigil na sabi ni Lordon. Ngumisi lang si Blood.
"You find her first but she hates you because you treat her like s**t. Hinding hindi mo siya makukuha. May the best man win." Sagot nito kay Lordon.
Mas humigpit iyong hawak nilang dalawa sa magkabila kong braso. Nasasaktan na ako kay pumiksi ako sa pagkakahawak nilang dalawa. Mukang tauhan naman silang dalawa sa mundo nilang ginawa.
"Nasasaktan na ako! Huwag nyo akong idamay na dalawa kung ano man iyang away nyo! Huwag ako! Labas ako sa inyong dalawa at wala akong kinalaman sa inyo." Inis na sabi ko sa kanila sabay alis.
Inis na inis na iniwan ko silang dalawa. Mag aaway pa silang dalawa. Hindi ko naman maintindihan iyong pinag uusapan at pinag aawayan nila idadamay pa nila ako. Napasimangot tuloy ako.
Hindi pa ako nakakalayo ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon. Si Lordon iyon sakay ng alam kong mamahaling sasakyan. Iyong naibababa iyong bubong ng sasakyan.
"Get in, Ronna Mae." Sabi nito.
Sinimangutan ko siya at hindi pinansin. Patuloy ako sa paglalakad. Akala ko nga iiwanan na niya ako pero inihinto niya lang sa isang tabi iyong sasakyan niya at saka bumaba. Humarang siya sa daraanan ko.
Napabuntong hininga ako kase hindi ko alam kung anong trip na naman niya sa buhay.
"Señorito Lordon, day off ko ngayon kaya hayaan nyo naman akong makahinga." Inis na sabi ko na sa kanya.
"Get in the car, Ronna Mae." Sabi niya. Umismid ako.
"Huwag nyo akong utusan. Bukas pa ulit ang pasok ko." Sahalip na sabi ko.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Tanong niya.
Para kaming nagpapatinterong dalawa kase ayaw niya akong hayaan na makaalis. Tiningala ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napaatras ako palayo.
"Hindi mo ba narinig iyong usapan namin ni Blood? Hindi pa ba sapat iyon?" Seryosong tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko at bahagya akong lumayo. Para kaseng may mali kapag nasa malapit siya.
"Sa totoo lang Señorito Lordon. Wala akong naintindihan sa usapan nyo dalawa dahil ang atensyon ko ay nasa dalawang braso ko na hawak nyong dalawa dahil nasasaktan ako. Huwag nyo na po akong idinadamay sa gulo nyong magkaibigan." Sabi ko naman sa kanya.
Para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Ewan ko ba kung para saan.
"Good. Now, lets go." Sabi niya sabay hatak sa akin. Pumiksi ako kaya kunot noong nilingon niya ako.
"Anong let's go? May pupuntahan pa ako." Sabi ko.
Pilit na binabaklas ko iyong pagkakahawak niya sa akin pero ang higpit ng hawak niya. Ayoko kaseng nasa malapit siya. Nag iiba iyong t***k ng puso ko. May halong kaba na hindi ko maintindihan.
"Walang pang babaeng tumatanggi sa akin." Seryosong sabi niya.
Napatili ako ng buhatin niya ako. At isinakay sa saksakyan niya. Para akong nahilo. Hindi na nga ako nakaimik. Kase naguguluhan ako ng sobra.
Namalayan ko nalang ng papasok na kami sa mansion nila. Dali dali akong bumaba ng sasakyan ng huminto iyon.
"Ronna Mae!" Tawag nito.
Napahinto ako. Bumuntong hininga pa ako sabay baling sa kanya. Ayoko ng ganitong nararamdaman ko. Hindi tama. At naguguluhan ako sa ikinikilos niya.
"Huwag na huwag na ulit kitang makikitang kasama o kausap si Blood, Ronna Mae! Makakapatay ako ng tao. Do you understand?" Galit na sabi niya sa akin. Napalunok ako.
"Mabait po si Blood-"
"At first name basis na pala kayo!" Nakaismid na sabi niya pa sa akin.
"Ano ho bang problema nyo? Nakikipag kaibigan lang naman sa akin iyong tao. At muka naman siyng mabait. Hindi naman ho siguro masama ang bagay na iyon? O baka sabihin nyo na bawal kase mahirap lang ako? At kasambahay lang ako?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko.
"Alam ko naman po iyong lugar ko. Kaya huwag po kayong mag alala. At huwag nyo po sana akong idinadamay sa kung anong gulo mayroon kayong dalawa dahil labas na ako doon. Oo at nagtratrabaho ako sa inyo. Pero hindi nyo hawak ang buhay at desisyon ko." Dagdag ko.
"I didn't mean that way." Sabi na naman niya.
"Hindi ko po maintindihan mabuti iyong sinasabi nyo dahil ingles. Grade six lang po ang tinapos ko. Pero iyong mga sinasabi nyo noon sa akin na stupid. Alam ko po iyon. Hindi naman po ako ganun ka ignorante at tanga, Señorito." Sa halip na sabi ko.
Natigilan ako ng mapatingin ako sa kanya kase ibang iba iyong reaksyon niya. May kakaiba sa titig niya sa akin. Ipinilig ko iyong ulo ko kase may mali talaga. Lalo na sa kanya.
"Mauuna na po ako." Sabi ko sabay talikod.
"I'm really sorry, Ronna Mae. I'm sorry if I misbehave." Mahinang sabi niya pero sapat na iyon para marinig ko.
Napahinto nga ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. Napalunok na binilisan ko nalang iyong pagpunta sa tinutuluyan namin. Hindi ko naintindihan lahat pero sapat na iyong narinig ko na sorry daw.
Malaking palaisipan ngayon sa akin kung bakit ganun ang ikinikilos nito ngayon sa akin. May himala kaya?
__________
Busy ako sa pagbabasa ng dictionary na hiniram ko kay Ella ng mapaangat ako ng tingin sa harapan ko. Napalunok ako ng sumalubong sa akin iyong isang pares ng berdeng mga mata. Agad akong napatayo at itinago sa likuran ko iyong dictonary.
"S-Señorito." Kandautal na sabi ko at nagyuko ako ng ulo. Napakagat pa ako sa ibabang labi.
"What are you doing?" Tanong nito.
Napalunok na naman ako. Nahuli niya kase ako. Baka akala niya hindi ako nagtratrabaho. Hinihintay ko lang namang huminto iyong timer ng washing machine.
Napabuntong hininga na inilabas ko iyong maliit na dictionary na itinago ko sa likod ko. Sigurado na papagalitan na naman niya ako. Baka sabihan niya rin ako ng tatamad tamad ako. Si Lordon pa ba naman?
"N-nagbabasa po, Señorito. Hinihintay ko lang pong matapos itong nakalagay sa washing machine." Paliwanag ko.
Kitang kita ko na titig na titig na naman siya sa akin. Tapos tumango siya. Akala ko nga aalis na siya pero naupo pa siya sa may upuan na naroon. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Señorito, may kailangan po ba kayo?" Alanganing tanong ko.
Kakaiba talaga iyong ikinikilos niya simula noong linggo. Ilang araw na siyang ganito. Tapos ilang araw na niya akong hindi pinagtritripan. Ni hindi niya nga ako inuutusan.
Iniiwasan ko siya sa totoo lang dahil ayoko ng nararamdaman ko. Kakaiba ito sa akin. Tapos tuwing may ginagawa ako nandoon siya sa malapit nakatigtig lang sa akin. Nawiwirduhan na nga ako baka kase mamaya may gagawin siyang kalokohan. Hindi naman kase siya ganito.
"Nothing. Just don't mind me. Just pretend that I am not here." Sagot naman niya.
Gusto kong mapasimangot kase paano naman ako mag iisip na wala siya doon. Presensya niya palang kinakabahan na ako. Napakamot na naman ako sa ulo ko kase naguguluhan talaga ako sa ikinikilos niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Itinabi ko iyong dictionary sa isang sulok para hindi mabasa kase tumunog na iyong timer. Inasikaso ko nalang iyong trabaho ko. Pero nanginginig iyong buo kong kalamnan kase alam kong pinagmamasdan niya ako. Napapitlag pa nga ako ng magsalita siya.
"How old are you, Ronna Mae?" Tanong niya.
Mukang aatakihin pa ako sa puso sa kanya. Ang bata ko namang mamamatay. Ang lalim ng boses niya. Lalakeng lalake iyong dating. Nakakangilabot. Tapos di na naitanong na niya iyon sa akin? Pero sinagot ko pa rin siya.
"Bente anyos na po ako, Señorito. Saka Ronna nalang po. Huwag ng Ronna Mae." Simpleng sagot ko.
Ano na naman kaya ang nasa isip niya at bigla niya akong tinanong.
"I just want to called you Ronna Mae there's nothing wrong about that. Ronna is just to plain and boring." Sabi pa niya.
Gusto ko na namang mapasimangot. Hayun na naman iyong walang katapusan niya ingles na sobrang tigas.
"Kayo na po ang bahala." Sabi ko nalang at inilagay ko iyong huling lalabahan ko.
"Can you tell me about your life?" Tanong niya pa rin. Napalingon tuloy ako sa kanya.
"Ano po ba ito autobiography?" Hindi ko maiwasang itanong.
Napamaang ako ng bigla nalang siyang tumawa. Nakakahawa iyong tawa niya. Ngayon ko lang narinig iyon. Kase lagi siyang nakangisi sa akin. Tapos ngayon tumawa siya. Pinag lalaruan niya ba talaga ako?
"May nakakatawa po ba?" Kunot noong tanong ko.
Natigilan siya at umayos ng pagkakaupo. Pero pigil n pigil iyong ngiti niya. Halatang halata. Mas lalo tuloy siyang gumagwapo.
Napasimangot nalang ako kase bakit ko ba siya pinupuri? Maitim iyong budhi niya. Kahit sobrang gwapo niya.
"I'm sorry. I just really wanna know more about you." Sabi niya.
Hindi ako kumibo. Hindi ko kase talaga maintindihan. Muka namang nahalata niya.
"How can I say this." Bulong niya pa. Tumikhim siya at tumingin sa akin.
"Sabi ko gusto pa kitang makilala." Sabi niya.
Napakamot pa siya sa batok tapos biglang namula iyong muka niya. Para siyang nahihiya na hindi. Magulo talaga siya ngayon.
"Wala naman pong interesado sa buhay ko. Bakit nyo po ba naitanong Señorito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Takang taka kase ako.
Kitang kita ko kung paano siya mapasimangot. Iyong bang tipong asar na asar.
"Laking probinsya ka nga pala." Sabi niya at para bang problemado siya.
"Ano po ba talaga kase ang gusto nyong malaman? Kung pagtritripan nyo lang po ako. Huwag na po. Nandito lang po ako para magtrabaho." Seryosong sabi ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at saka tumayo at lumapit sa akin. Napatingala tuloy ako kase ang laki niya talagang tao.
"Ronna Mae, can we start again? I already say my apology. I know I misbehave. And I apologize for that. Hindi ko naman sinasadya. I just find it cute. Lalo na kapag asar na asar ka." Seryosong sabi niya.
Napalunok ako. Para kase akong nalulunod kapag nakatitig ako sa mga mata niya. May kakaiba sa tingin niya sa akin.
Napaatras ako ng humakbang siya palapit. Para bang may nagrarambulan sa dibdib ko.
"Teka lang Señorito! Ayos na! Ayos na! Tinatanggap ko na iyong sorry nyo. Pero huwag nalang po kayong masyadong malapit sa akin. Ayos na po tayo." Tuloy tuloy na sabi ko. Nagliwanag iyong muka niya tapos ngumiti.
"Really?" Paniniguro niya pa. Tumango ako at sinenyasan siya na lumayo ng konti.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya humakbang palapit sa akin. Para kase talaga akong bibitayin. Kinuha ko nga iyong dictionary at ipinaypay ko sa muka ko. Bigla kase kong nakaramdam ng init. Pinagpapawisan din ako kahit hindi naman mainit.
"Walang ng bawian. Okay na tayong dalawa." Sabi niya pa ulit.
"Opo, Señorito. Huwag nyo nalang po akong pagtritripan." Sabi ko nalang.
Akala ko titigilan na niya ako pero naupo lang ulit siya doon sa silyang naroon.
"May kailangan pa po ba kayo?" Alanganing tanong ko.
Umiling siya at ngumiti. Nangalumbaba pa nga siyang pinagmasdan ako. Para tuloy nalaglag iyong puso ko. Pati bra at panty ko ng ngumiti siya. Napaupo tuloy ako sa isang sulok na may maliit na bangkito.
"Saan nga pala kayo galing nila Ella noong linggo?" Tanong niya. Pinunasan ko iyong pawis ko bago ko siya sinagot.
"Sa capitolyo po, Señorito." Simpleng sagot ko. Ang init talaga ng paligid.
"Anong ginawa nyo doon?" Patuloy na tanong niya.
Titig na titig siya sa akin. Napalunok ako. Parang bigla yata akong nauhaw. Lalo na ng mapatingin ako braso niya. Halatang halata iyong muscle sa suot niyang t'shirt na puti.
"Nagparegister po kami para doon sa ALS na isang programa ng TESDA. Kapag nakapasa sa exam doon pwede ng makapag kolehiyo." Paliwanag ko sa kanya. Tumango tango siya.
"So you wanted to finish your study?" Tanong niya pa rin.
Napakamot na naman ako sa ulo ko. Tumango nalang ako. Ang dami dami naman niyang tanong.
"Bakit kapag ako ang nagtanong sayo ang ikli ng sagot mo? Pero bakit kapag ang Fontanilla na iyon ang kausap mo nakangiti ka pa?" Nakaismid na sabi niya.
Natahimik ako kase asar na asar na naman iyong itsura niya.
"Masarap po kaseng kausap si Blood-"
"So ako hindi ako masarap kausap? Ganun ba yon Ronna Mae?" Masungit na sabi niya. Napamaang ako dito.
"Hindi naman po sa ganun. Mabait lang po kase si Blood kaya nakagaanan ko ng loob." Paliwanag ko.
Umismid lang siya tapos walang sali salita na nilayasan ako. Napamaang nalang ako kase bigla siyang nabadtrip. Wala naman akong sinabing masama. Ang wirdo niya talaga ngayon. Hinayaan ko nalang. Baka kase talagang topakin iyon Lordon na iyon.
Sumapit iyong gabi na hindi ako pinapansin ni Lordon. Nakasimangot siya kapag nakakasalubong ko siya. Pero makikita ko na naman siyang nasa malapit kapag may ginagawa ako. Hindi ko na talaga maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Tapos dumating na sila Señora kasama si Sir Chris. Pero isa lang ang napansin ko. Hindi malapit si Lordon sa Papa niya. Halatang halata sa kilos niya.
"Oh, Ronna ito basahin mo. Hiniram ko iyan doon sa anak ni Aling Mameng sa kabilang mansion. Ingatan mo nalang. Sana ay makatulong sa pakikibaka mo na makapasa sa exam na iyon." Sabi sa akin ni Ate Roza sabay abot ng tatlong libro.
Nakangiting tinanggap ko iyon. Kakayari lang ng trabaho namin sa mansion at tulog na iyong mga amo namin.
"Sus, para yaan lang. Basta galingan mo
Nalang ng matuwa naman iyong Nanay at Tatay mo." Sabi niya.
Nagpasalamat lang ako at agad na lumabas ng kwarto. Pumunta ako doon sa harapan ng bahay na tinutuluyan namin. Baka kase kapag sa kwarto ako nagbasa maistorbo pa si Ate Roza kaya dito nalang sa labas maliwanag naman iyong ilaw.
Ilang minuto na akong nagbabasa ng libro ng bigla nalang may magtakip sa mga mata ko. Bigla tuloy akong kinabahan pero nawala iyong kaba ko ng maamoy ko siya. Pamilyar sa akin iyong amoy niya.
"Señorito, ano na naman po ba ang kailangan nyo?" Nakasimangot na tanong ko kase alam kong siya lang iyon. Siya lang naman iyong may ganung amoy.
"How did you know it was me?" Tanong niya at naupo sa harapang upuan.
Nakapagitan sa amin iyong lamesang semento. Ngiting ngiti siya sa akin ngayon samantalang kaninang umaga nagwalked out nalang siya bigla. Daig niya pa iyong babaeng may regla.
"Basta alam kong kayo iyon." Simpleng sagot ko.
Pisimpleng pinagmasdan ko siya. Naka pajama siya tapos naka sando lang kaya kitang kita ko lalo iyong mga muscle niya. Tapos may tattoo siya sa kanang braso niya. Sa ilalim ng braso na parang mga arow arow tapos sa kaliwang balikat niya mayroon rin. Krus naman iyon. Halatang bagong lagay lang dahil wala naman ang mga iyon ng una ko siyang makita.
"Is there something wrong?" Tanong niya. Umiling ako at itinuro ko iyong mga tattoo niya sa katawan.
"Ah, kakapalagay ko lang noong Sunday. Hindi mo gusto?" Tanong niya. Umiling ako.
"Hindi naman po. Bagay naman po sa inyo Señorito." Seryosong sagot ko.
Bagay naman talaga sa kanya hindi kagaya ng ibang nakikita kong mga lalake na may mga tattoo. Hindi maduming tingnan.
"Bakit nga pala gising ka pa?" Tanong niya.
"Balak ko po sanang magbasa kaya lang dumating kayo." Sabi ko.
"Oh, I'm sorry. Do you want me to leave?" Tanong niya. Umiling ako at itinabi ko iyong mga libro.
"Hindi naman po baka mag walke out na naman kayo." Sabi ko sa kanya.
Natawa siya at sumandal at humalukipkip pa. Napangiti na rin ako kase nakakahawa iyong tawa niya.
"You looked more beautiful when you are smiling." Sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya. Umayos ako ng upo at tumikhim.
"Bakit kayo po ay gising pa?" Pag iiba ko ng usapan.
Ayoko kaseng marinig iyong iba niya pang sasabihin dahil baka kumaripas na ako ng takbo. Hindi ako sanay ng pinupuri. Lalo na at galing sa isang lalake.
"Hindi ako makatulog. Nakita kita dito kaya bumaba ako. Hindi ba dapat nagpapahinga kana? Pwede namang bukas ka nalang mag basa." sabi naman niya.
"Bakit po ipapag pabukas ang isang bagay kung pwede naman ngayon?" Sagot ko sa kanya. Ngumiti na naman siya sa akin.
"Yeah. You're right. Kaya nga ako kumikilos na kase baka maunahan pa ng iba." Makahulugan niyang sabi sa akin.
Napalunok ako. Para kaseng may ibig siyang sabihin.
"May kapatid ka ba, Ronna Mae?" Tanong niya.
"Wala po. Ako lang po." Simpleng sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga siya. Alam ko na iyong iniisip niya.
"Iyong Nanay at Tatay ko po nagtitinda sa palengke. Mahirap po iyong buhay namin sa probinsya kaya hindi ako nakapagtapos ng highschool. Elementary lang po iyong natapos ko. Kaya po ako namasukan bilang katulong para makapag ipon ako ng pang paaral para sa sarili ko." Kwento ko sa kanya. Natigilan naman siya. Ngumiti ako at nagpatuloy.
"Gusto ko kase maging isang guro. Para naman po kahit papaano ay guminhawa naman iyong buhay nila Nanay." Dagdag ko.
Natawa ako kase tahimik lang siya. Parang nagulat pa nga siya sa mga sinabi ko. Hindi niya siguro akalain na magkwekwento ako sa kanya kahit hindi niya sinasabi.
"Hindi po ba at gusto nyo akong makilala katulad ng sabi nyo sa akin kanina?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Napakurap kurap siya.
"Go on." Sabi niya pa.
Nagkwento ako sa kanya dahil iyon ang gusto niya. Hindi na nga namin namalayan iyong oras. Hindi ko alam pero tawa siya ng tawa sa kwento ko. Ang sarap pakinggan.
Bago ako pumasok sa bahay ay tinawag niya pa ako. Nakapamulsa pa siya sa pajamang suot niya.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Can you do me a favor?" Tumango ako.
"Please, stay away from Blood." Pakiusap niya.
Napamaang ako kase iyong mayabang na Lordon ay wala na. Nakiusap pa siya. Napatango tuloy ako ng wala sa oras. Kaya lumapit siya sa akin.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingala nalang ako sa kanya lalo na ng iipit niya iyong buhok ko sa tenga ko. Hinawakan niya pa ako sa pisngi kaya para tuloy akong hihimatayin.
"Good! Now go to bed. You need to take a rest. Alam kong pagod ka." Bilin niya.
Mas lalo akong napatanga ng halikan niya ako sa pisngi sabay bulong.
"Goodnight, Ronna Mae. Dream of me." Bulong niya tapos umalis na siya.
Kumaway pa nga siya sa akin habang nakatalikod. Para tuloy akong robot na pumasok sa bahay. Napaupo ako sa sahig ng maisara ko iyong pinto at napahawak ako sa dibdib ko.
"Hala!"