Part 4

6750 Words
"Psst! Hoy, Ronna Mae!" Tawag sa akin ni Ate Roza. Inaayos kase nila Ella at Oceana iyong almusal nila Señora. Kaya kaming dalawa lang iyong natira sa kusina. Napahikab ako kase inaantok pa ako. Madaling araw na kase kaming nayaring magkwentuhan ni Lordon. Hindi rin maalis sa isip ko iyong ginawa niya. Iyon ang una kong halik. At iyon ang hindi nagpatulog sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka ako kase bumubulong pa siya. Kami lang naman dalawa iyong nandito. Sinenyasan niya pa akong lumapit sa kanya. "Anong oras kana natulog kagabi?" Seryosong tanong nito sa akin. Nagpalinga linga pa siya. "Hindi ko alam. Bakit?" Tanong ko ulit. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Nakita kita kagabi. Kayong dalawa ni Señorito." Sabi niya. "Ah, oo. Kausap ko siya kagabi. Nagkwentuhan lang kami." Balewala kong sabi. Bumalik na ako sa paghuhugas ng pinaglutuan nila. Alam kong iba ang iisipin niya kaya umiwas nalang ako. Pero sinundan pa rin ako ni Ate Roza. "Nagkwentuhan? Ngayon lang nakipag kwentuhan sa isang kasambahay si Señorito! At ngayon lang iyan naglalagi dito sa mansion. Lagi iyan nasa labas at nakikipag inuman noong wala ka pa dito. Ni hindi nga iyan mapunta sa likod bahay tapos nakipagkwentuhan pa sayo? At inabot pa kayo ng madaling araw sa pakikipag kwentuhan niya lang sayo?!" Bulalas nito. Hindi ako kumibo. "Tapos ikaw iyong pinagtritripan? Parang iyong mga teenager na nagpapapansin sa mga crush nila. Ngayon okay na kayo? Tapos lagi kong napapansin na kapag may ginagawa ka nandoon siya sa malapit at tinititigan ka. Kulang nalang lusawin ka sa titig. Iyong mga titig niya sa iyo. Ganyan iyong titig ng Nanay at Tatay ko sa isa't isa. Mga pabebe!" Dagdag nito. Natigilan ako at tiningnan siya. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Napatapik nalang siya sa noo niya. "Ay, nasa pagkatao mo nga pala si Sta Clarang pinong pino. Napaka slow mo." Sabi niya bigla. "Huwag mo Ate Roza bigyan ng malisya. Nakipag ayos lang sa akin si Señorito. Iyon lang iyon. Nakikipagkaibigan lang siya. Saka baka natakot siya na lagyan ko ng lason ang pagkain niya." Sabi ko sa kanya. Inirapan niya ako. "Sinasabi ko lang sa iyo iyong mga bagay na ipinagtataka ko. Hindi nga ba at ikaw lang ang pinagtripan niya ng ganoon? Isipin mo nalang mabuti, Ronna. Hindi ganoon si Señorito. Sa tagal ng paninilbihan ko dito. Ngayon lang nagkaganyan yun. Oo at suplado talaga siya. Pero lahat mapapansin mo sa kanya. Tapos tumatawa pa siya kagabi? E laging parang hindi mapanganak iyon dahil hindi manlang mangiti. Parang laging galit sa mundo iyan simula ng hindi na sila friends ni Sir Blood." Giit nito. Napailing nalang ako at hindi pa rin ako kumikibo. Pinag iisipan ko kase iyong mga sinabi niya sa akin. "Wala naman siguro iyong ibig sabihin Ate." Sabi ko nalang. Tinapik ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. "Baka naman gusto ka ni Señorito? Jackpot ka Ronna kapag nagkataon! Sabagay, ang ganda mo naman kase. Ang amo ng muka mo tapos ang kinis kinis mo. Kaya si Señora ay biglang kinabahan sayo." Bulong pa nito. "Ate Roza, wala sa isip ko ang bagay na iyan. Alam mo naman kaya ako nandito para matulungan ko sila Nanay." Paliwanag ko sa kanya. Natigilan siya at tila nag isip. "Oo nga pala. Pero sayang. Pikutin mo na kung sakali. Masarap ang magiging buhay mo kapag nagkataon. Mag aala Señora Lorraine ka kung sakali." Sabi nito sabay kindat. Napapalatak nalang ako. Ang dami namang napansin ni Ate Roza. Samantalang ako, ang napansin ko lang iyong nasa malapit si Lordon kapag may ginagawa ako. Tapos nakita niya pala kami kagabi. Wala namang malisya sa akin iyon pero para kay Ate Roza meron pala. Lalo na siguro kung nakita niya ng halikan ako nito kagabi. Napabuntong hininga nalang ako. Ayokong isipin na totoo iyong sinabi ni Ate Roza na baka may gusto ito sa akin. Dahil hindi tama. Amo ko siya. Katulong ako. Hindi pwede kahit saang angulo tingnan. Saka baka iyon lang talaga ang gawain niya kapag matutulog na siya. Baka ganun iyong mayayaman. "Tama." Sang ayon ko pa. Oo ganun lang siguro iyon. Wala ng iba. Ayokong bigyan ng ibig sabihin. "Ronna!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ella iyon. "Bakit?" Tanong ko. "Ikaw nalang daw iyong maglilinis ng kwarto ni Señorito simula ngayon. Wala ng ibang papasok doon kung hindi ikaw lang. Hanggang sa paglalaba at pamamlancha ng mga damit niya. Ikaw at ikaw lang. Kabilin bilinan niya. With exclamation point at pasuplado utos iyon." Sabi sa akin ni Ella. Napasulyap tuloy ako kay Ate Roza na nakangisi sa akin. Parang kilig na kilig pa siya. "Ronna, isang dahilan pa. Tama na ang hinala ko." Sabi nito. Ngiting ngiti siya sa akin. Hindi ko ito pinansin. Para bang bigla akong natakot. "Anong sabi ni Señora?" Nag aalalang tanong ko. "Wala. Hindi nga niya pansin iyong utos ni Señorito basta umoo nalang siya kase mukang may away na naman sila ni Sir Chris. My out of town na naman yata kase si Sir ayaw naman isama si Señora. Kapit tuko. Pumasok na nga silang dalawa na nag aaway pa rin." Bumungisngis pa si Ella. "Baka natatakot na palitan siya? Hindi nga ba at kaya lang pinakasalan si Señora dahil nabuntis siya?" Sabi pa ni Ate Roza. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. Tapos sumama pa sa kwentuhan nila si Oceana. Ako naman ay kinuha iyong mga gamit sa pag lilinis. "Ronna Mae." Natahimik iyong buong paligid ng marinig namin iyong boses ni Lordon. Napalunok ako. Si Ate Roza ay kakaiba iyong tingin sa akin. Alam ko na iyong nasa isip niya. "Bakit po Señorito?" Mahina kong tanong. Kinakabahan ako kapag napapatingin ako sa mga berdeng mata niya. Iyong tingin niya sa akin ay kakaiba. Para bang may gusto siyang sabihin gamit lang iyong mga tingin niya. Ganyan iyong tingin ni Tatay kay Nanay. Pero nawala iyo ng mapatingin siya kila Ate Roza na nakatingin sa amin ngayon. Bumalik iyong pagiging suplado niya. "Nasabi na ba sa iyo ni Ella ang dapat gawin?" Biglang seryosong tanong nito. Tumango ako. "Gawin nyo iyong mga dapat nyong gawin hindi iyong pagchichismis ang inuuna nyo." Sabi niya sa tatlo. Ako naman ay pasimpleng tumalilis papunta sa kwarto nito. Kailangan kong dumistansya sa kanya kase kahit ayokong maging ambisyosa pero parang tama yata ang hinala ni Ate Roza. "Ronna Mae." Napatigil ako sa paghakbang sa baitang ng marinig ko na naman iyong pagtawag niya sa akin. Hayun na naman iyong tingin niya na iyon. Napalunok ako. "Bakit po?" Tanong ko na naman. Inilang hakbang niya lang palapit sa akin. "Come with me. I will give you something." Sabi niya. Hinawakan niya ako sa kamay kaya napapitlag ako. Para akong napaso. Napatingin rin siya sa akin. Tapos ngumiti. Natulala ako bigla dahil parang nalaglag yata lalo ang puso ko. Hinawakan niya iyong kamay ko ng mahigpit at hinila ako patungo sa kwarto niya. Napatingin nalang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Alam kong makakatulong ito sa pag aaral mo." Sabi nito sa akin at itinuro iyong mga libro na nasa kama niya. Mga sampung libro siguro iyon. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hinihila ko iyon pero ayaw niyang pakawalan. Lalo niya lang hinigpitan. Tapos ang lapit lapit niya pa sa akin. Para tuloy akong hihimatayin ngayon. "Señorito, iyong kamay ko po." Sabi ko sa kanya. Nakatingala ako sa kanya kase ang tangkad niya. Napasinghap pa ako ng tingnan niya ako at ngitian. "It feels good, isn't?" Sabi pa niya. Napasimangot ako kase english na naman. Natatawa na pinisil niya pa iyong ilong ko. Kinuha niya iyong mga libro ay ipinakita sa akin. Halatang mga bago iyon. Tuwang tuwa nga siya. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. "Bakit po ba ginagawa nyo ang bagay na ito?" Direktang tanong ko sa kanya. Nagkibit siya ng mga balikat. "Hulaan mo." Makahulugang sabi niya. Napasimangot na naman ako kaya tumawa na naman siya. Sumandal pa siya sa kama at humalukipkip na tiningnan ako. Napabuntong hininga nalang ako. Kase bakit ba araw araw yatang nakikita ko siya ay pagwapo siya ng pagwapo. Kakaiba rin iyong kinang ng berde niyang mga mata. Napangiti nalang din tuloy ako. Siya naman iyong natigilan at napabuntong hininga. "Smile more often. Nakakagaan ng loob." Sabi pa nito. "Salamat. At salamat sa mga libro. Dapat hindi kana nag abala. Mukang ang mamahal pa naman ng mga iyan." Sabi ko sa kanya. "You're welcome, Ronna Mae." Sabi lang niya at nahiga pa siya. Tapos yakap niya iyong unan niya at tinitigan ako. Para tuloy ang swerte swerte ng unan na yakap yakap niya. "Pwede mo ng gawin iyong gagawin mo. Just don't mind me." Sabi pa nito. Naghikab pa siya at humilig ng higa. Napabuntong hininga nalang ako. Ang sarap niya kaseng pagmasdan. Iyong demonyito niyang imahe sa isip ko ngayon nag iiba na dahil sa ipinakikita niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko namang isipin na tama ang hinala ni Ate Roza. Dahil kapag nagkataon nasa malaki akong gulo. Lalo na kapag nalaman ni Señora. Napailing nalang ako at nagumpisa na akong maglinis. Inuna ko iyong paglilinis ng banyo niya. Paglabas ko ay ang paglilinis naman ng buong kwarto niya. Papalitan ko sana iyong bedsheet niya pero nakita ko siya sa ganoon pa rin posisyon pero ng lapitan ko siya ay nakapikit siya. Tulog na tulog. Hawak ko iyong bedsheet at pillow case ng lapitan ko siya. Dahan dahan ko siyang nilapitan. Natatakot ako na baka magising siya. Lumuhod ako sa harapan niya para mapantayan ko iyong muka niya. Yakap niya pa rin iyong unan. Bahagyang nakaawang iyong labi nito. Napahagikgik ako ng mahina. Nangalumbaba pa ako sa harapan niya. Ang gwapo niya pa rin kahit na bahagyang naka awang iyong labi niya. Sinundot sundot ko pa ng bahagya iyong pisngi niya para masigurado ko na tulog talaga siya. Napangiti ako kase hindi ko akalain na magiging mabait itong impaktitong Lordon na ito. Hinawakan ko iyong pisngi niya ang lambot lambot tapos ang kinis kinis niya. Ang linis linis niyang tingnan. Tapos iyong ilong niya ang tangos tangos. Mula ulo hanggang paa wala talagang tapon sa kanya. Lalo na kapag tumingin ka sa berde niyang mga mata talagang nakakalunod. Huwag nalang talagang babalik iyong pagiging impaktito niya magkakacrush na ulit ako sa kanya. Pipisilin ko sana iyong ilong nito pero nagulat pa ako ng hawakan niya iyong kamay ko. Lalo akong natulala sa kanya ng dumilat siya. Ang lapit lapit ng muka niya sa muka ko. Ito na naman iyong kabog ng dibdib ko. Baka masugod pa ako sa ospital kapag laging ganito. "What are you doing, Ronna Mae?" Halos pabulong nalang iyong tanong niya. Ako naman ay napalunok. Hindi ko kaya kapag ganito. Diyos ko! "What have you done to me?" Tanong niya pa. Para akong itinulos na kandila sa kinauupuan ko. Lalo na ng hawakan niya ng mahigpit iyong kamay ko at dalin niya sa mga labi niya. Hinalikan niya iyon. Tapos ay inilagay niya sa pisngi niya at pumikit muli. Hihimatayin na nga yata ako dahil nanginginig iyong buo kong katawan sa ginawa niya. Lalo na hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. "Please, stay for a minute. Hanggang sa makatulog lang ako. I want you around. Ngayon lang ulit ako napanatag." Sabi niya pa. "S-Señorito." Kandautal na sabi ko. "Just Lordon, Ronna Mae. Lalo na kapag tayong dalawa lang." sabi niya pa. Nakapikit pa rin siya. Mukang pagod na pagod talaga siya. "Pero-" "Shhhh. I'm not your Señorito anymore. Kapag hindi mo ako sinunod hindi ka makakalabas sa kwartong ito." Sabi niya pa. Napabuntong hininga nalang ako. "King Lordon." Mahinang sabi ko. Napangiti siya at lalong niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero kinikilig ako. "That sounds so good." Sabi niya. Parang may sariling buhay iyong mga kamay ko ng himasin ko iyong buhok niya. Ganito kase iyong ginagawa sa akin ni Nanay noon para makatulog agad ako. Napangiti nalang ako. Kase parang bata ngayon si Lordon. Nakangiti pa siya. Nang masigurado ko na mahimbing na siyang natutulog ay maingat kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Kinumutan ko rin siya at tiningnan ko iyong aircon kung nasa tamang temperatura. Ibinalik ko rin sa lagayan iyong bedsheet at pillow case. Mamaya ko nalang siguro papalitan. Mukang pagod na pagod talaga siya. Sinulyapan ko pa siya ng isang beses at maingat akong lumabas ng kwarto. Nagtaka pa ako ng makita ko sila Ate Roza sa labas ng kwarto ni Lordon at mukang talagang ako ang hinihintay. Agad kase silang lumapit sa akin ng makalabas ako. "Diyos ko, Ronna! Anong nangyari? Masarap ba?" Kinikilig na tanong ni Ate Roza. Impi pa silang nagtiliang tatlo. Napakunot noo ako at sinenyasan sila na huwag maingay. Naghagikgikan pa sila tapos kinaray nila ako patungo sa kusina. "Malaki ba?" Tanong pa ni Ella. "Ano Ronna? Magkwento ka naman?" Pangungulit pa ni Oceana. Naguguluhan ko silang tiningnan. "Ano bang sinasabi nyo? Hindi ko kayo maintindihan?" Kunot na kunot iyong noo ko  sa mga tanong nila. Muka naman silang mga nalugi sa tanong ko. Napapalatak pa si Ella. "Ate Roza, sabi na sayong mali ang hinala mo." Sabi ni Ella kay Ate Roza. "Ano bang iniisip nyong tatlo?" Tanong ko pa. alanganin silang napangiti. "Akala kase namin may nangyari na sa inyo ni Señorito. Ang tagal mo kase sa loob ng kwarto niya tapos kayong dalawa lang. E kapag ganyan si Señorito Lordon. May babae sa loob yon tapos nag jujugjugan sila maghapon." Paliwanag ni Ate Roza. Napatutop nalang ako sa bibig ko. "Hindi ako babae ni Señorito Lordon! Ano bang iniisip nyong tatlo?!" Bulalas ko. Tinapik ako ni Oceana sa braso. Malakas iyon kaya muntik na akong mabuwal. "Ikaw naman Ronna. Akala lang namin. Kase halatang halata na type ka ni Señorito. Pagbanggit palang ng pangalan mo nakakakilig na. Tapos kung titigan ka pa. Makalaglag matres!" Sabi pa nito. Tapos nagtilian na naman silang tatlo. Napailing nalang ako at ibinalik sa dati iyong mga panlinis na dala ko. Pero sinundan pa rin nila akong tatlo. "Nakikipag kaibigan lang sa akin si Señorito. Walang ibang ibig sabihin ang mga iyon." Sabi ko pa. Napasimangot silang tatlo. Ako naman ay napakamot sa ulo. Iniupo pa nila ako sa silya na naroon at tinitigan nila akong tatlo. Para tuloy akong kriminal na pinaamin sa kasalanan. "Slow ka ba talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Ella sa akin. "Ganyan ba talaga ang laking probinsya?" Bulalas pa ni Oceana. Napailing nalang ako sa kanila. "Wala pa kase iyang nagiging boyfriend. Never been touch never been kiss! Ganern! Like a virgin! Touch for the very first time." Sabi pa ni Ate Roza. Tapos nagtawanan silang tatlo. Ako naman ay napasimangot. "Ikaw nga Ronna ay matanong ko. Iyong seryosong sagot." Seryosong tanong ni Ate Roza. "Sa gwapo at matcho ni Señorito. Hindi ka manlang ba nakaramdam ng pagkakagusto sa kanya kahit konti lang?" Tanong nito. Natahimik ako. Bigla akong kinabahan sa tanong niya at mga itatanong pa niya. "Mahalaga pa ba ang bagay na iyan?" Alanganin kong tanong. Pinitik niya iyong noo ko kaya napahawak ako doon. Ang sakit kase. "Aray naman Ate Roza!" Angala ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Sagutin mo ang tanong ko. Hindi ka manlang ba nagkaroon ng pagkakagusto o crush kay Señorito?" Tanong pa rin niya. "Iyong seryosong sagot Ronna. Bawal magsinungaling. Hindi ka mapupunta sa langit. Magagalit si Lord——-don!" Dagdag niya. Tapos nagtawanan na naman sila. Hindi pa rin ako kumikibo. Tinapik ako ni Ella sa braso. "Sumagot ka huy!" Pamimilit pa nila. "Oo. Gusto ko siya." Pag amin ko. Mahina lang iyon pero alam kong narinig nila. Impit pa silang nagtilian. Nagtatatalon pa nga silang tatlo. Para bang mas sila pa iyong tuwang tuwa. Samantalang ako takot na takot sa nararamdaman ko. Ngayon ko talaga nasiguro na may gusto ako sa amo ko. At iyon ang nakakatakot na realidad. "Kahit gusto ko siya. Hanggang doon lang iyon. Amo ko siya, katulong ako. Iyon ang katotohanan. Ang kabilin bilinan ni Señora. Huwag magkakagusto sa anak niya." Seryosong sabi ko. Natahimik sila at tinitigan ako. "At kahit gusto niya ako tulad ng iginigiit nyo. Hindi pwede kaming dalawa. Langit siya lupa ako. At kahit kailangan hindi pwedeng magsama ang langit at lupa. Ang mahirap para lang sa mahirap. Ang mayaman para sa mayaman. Iyan lagi ang nasa isip ko. Kaya sana huwag nyo nalang lagyan ng malisya ang lahat. Mas mahihirapan ako."pakiusap ko sa kanila. Natahimik sila pero saglit lang. "Ronna, anong hugot mo sa buhay? Pwede iyon. Pag lalapitin natin ang langit at lupa para magkasama sila. Kami ang bahala." Sabi pa ni Oceana. Nanlaki iyong mga mata ko. "Ano bang sinasabi nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. "Sa pagmamahal Ronna walang mahirap o mayaman. Lahat pantay pantay." Sabin pa ni Ella. "Teka bakit may pagmamahalan na? Gusto lang ang usapan dito!" Giit ko. Napailing sila at iniwan na ako. Narinig ko pa silang nagbubungisngisan. "Ate Roza kapag tama ang hinala natin para tayong nanunuod nito ng teleserye." Sabi pa ni Ella. Napasimangot nalang ako. Hindi naman nila sineryoso iyong sinabi ko. Pinuntahan ko nalang si Mang Ambo. Iyong hardinero ng mansion at tinulungan ko siyang magdilig ng mga halaman. Wala naman kase akong lalabahan ngayong araw kaya ito nalang ang tinulungan ko. Kapag kase si Ate Roza bibiruin na naman ako nun. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko iyong pag amin ko. Akin lang dapat iyon. Tanggap ko naman na nagkagusto ako sa amo ko. Noon pa iyon ng una ko siyang nakita pero nawala iyon ng patripan niya ako. Tapos pinakitaan naman niya ako na mabait pala siya kaya bumalik iyong pagkakagusto ko. Pero hinding hindi ko aaminin iyon sa kanya. Ayokong mawalan ng trabaho at mawala iyong pangarap ko. "Ronna tawag ka yata ni Roza." Sabi sa akin ni Mang Ambo at itinuro si Ate Roza. Agad akong lumapit dito. May inabot siya sa aking isang papel at isang wallet. "Oh, Ronna ikaw na iyong mag grocery ng supplies. Nakalimutan ko kase kaninang umaga dahil na excite ako sa love story nyo ni Señorito Lordon. The King and the Pauper. O di ba ang ganda ng title? Pang hollywood." Sabi pa nito. Sinimangutan ko tuloy siya na tinawanan nila lang. "Ito naman joke lang. Pero kinikilig kase talaga kami sa inyo. Bagay kase kayo. Sana totoo ang fairy tales no? Tapos ako ang fairy Godmother mo." Dagdag niya pa. "Ate Roza." Nakasimangot na talaga ako ng tuluyan kaya umayos siya. "Marami kase kaming kailangang gawin nila Ella. Tutal naman at wala kang lalabahan kaya ikaw nalang. Naituro naman na sa iyo ni Ella at Oceana kung saan iyong malapit na grocery store dito sa village." Sabi na niya. Tumango ako. "Nandyan naman na sa listahan mo lahat ng dapat bilin. Magtaxi ka nalang. Wala kase iyong driver ni Madam." Sabi niya pa. "Sige. Magbibihis lang ako saglit." Sabi ko. "O siya siya. Bilisan mo at ng makaalis kana. Marami rami iyan." Pahabol niya. Itinaas ko lang iyong kamay ko. Naligo muna ako saglit. Nag pantalon ako saka iyong blouse na suot ko ng lumuwas ako. Nakakahiya naman kase kung lalabas akong suot iyong mga luma kong damit. Malayo layo pa naman iyon. Naglakad lang ako palabas ng village. Kilala naman na ako ng mga guard doon. Hindi naman ako nahirapang sumakay ng taxi. Napabuntong hininga nalang ako kase napasok na naman sa isip ko si Lordon. Sana lang talaga hindi tama ang hinala ni Ate Roza. Dahil kapag nagkataon hindi ko alam kung anong gagawin ko. ___________ Napakamot ako sa ulo kase iyong ibang nakasulat dito sa papel na ibinigay ni Ate Roza ay hindi ko alam. Kailangan ko pang magtanong sa mga empleyado dito kung ano iyon. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi manlang ako nakakapangalahati ng nabibili. Nakasimangot na hawak ko pa rin iyong papel habang tulak tulak ko iyong push cart. "Ay!" Nagulat pa ako ng may mabunggo ako. Agad akong nanghingi ng tawad. "Naku! Pasensya na po! Pasensya na hindi ko po sinasadya." Hinging paumanhin ko. Yumuko pa ako. "Hey, Ronna! It's okay." Napaangat ako ng tingin ng makilala ko kung sino iyong nagmamay ari ng pangalan. Si Blood. "Kayo po pala." Alanganing sabi ko. Napalunok ako. Umaalingawngaw kase iyong boses ni Lordon sa isip ko. Kabilin bilinan niya na layuan ko ito. Ayoko siyang suwayin dahil baka mag ala demonyito na naman siya. "Mauuna na po ako. Pasensya na ulit." Sabi ko sabay tulak ng push cart pero pinigilan niya ako. Kunot na kunot iyong noo nito. Para bang takang taka siya. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito. Napaatras ako ng matitigan ko siya sa mata. Nakakatakot iyon. Seryosong seryoso siya. Ang higpit din ng pagkakahawak niya sa braso ko. "Hindi naman po. Ayoko lang kase ng gulo. Baka kase maipit na naman ako sa away nyong dalawa kapag nagkataon. Gusto ko po tahimik lang." paliwanag ko sa kanya. Kitang kita ko iyong pagbabago ng reaksyon niya. Kanina nakakatakot siya ngayon naman ang hirap sabihin kung anong nasa isip niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. Binitiwan niya ako at napabuntong hininga. "Iyon ba ang sabi sayo ni Lordon. Ang iwasan ako?" Seryosong tanong niya. Umiling ako. "Hindi po. Ayoko lang talaga ng gulo. Baka kase maipit na naman ako sa inyong dalawa." Sagot ko naman. "Pero iyon ang sabi ng mga katulong nila sa bahay. Kabilin bilinan daw ni Lordon na huwag na huwag akong hahayaan na makita ka. I don't know why but he feels so threaten. Gusto lang naman kitang makita at makausap. " Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi nito. "P-Pinupuntahan mo ako sa mansion?" Maang na tanong ko. Tumango siya. "Yeah. But everytime I went there laging hindi pwede. Kaya ang buong akala ko iniiwasan mo ako dahil sa utos niya." Sagot niya. "Pero hindi ko naman po kayo iniiwasan." Sabi ko pa sa kanya. Tinitigan niya na naman ulit ako. Kinikilabutan talaga ako ngayon kay Blood. "Tutulungan nalang kita kung anong ipapamili mo. Hindi mo naman kamo ako iniiwasan hindi ba?" Sabi pa niya. Napalunok ako at napipilitang tumango. Atubili pa ako ng iabot dito iyong listahan ko. Kinuha naman niya iyon at binasa. Tulak tulak niya ngayon iyong dalawang push cart. "How are you Ronna? Hindi ka naman ba pinahihirapan ng amo mo?" Tanong nito. Umiling ako. "Ayos lang po ako. Mabait na sa akin si Lor- si Señorito. Kase baka natakot siya na lasunin ko nalang siya." Sabi ko dito. Tumango tango siya. Seryoso pa rin siya. Bahagya akong lumayo sa kanya. Kase katulad kay Lordon pinagtitinginan siya ng mga tao lalo na ng mga babae. Gwapo naman kase talaga si Blood hindi papahuli kay Lordon. Matikas iyong pangangatawan niya. Iyong mga babae nga kulang nalang patayin ako sa tingin. Napabuntong hininga na naman ako. Sigurado na malaking gulo kapag nalaman ni Lordon na kasama ko si Blood. Baka pagtripan na naman niya ako dahil hindi ko siya sinunod. Sa totoo lang para bang nilalapitan ako ng gulo kahit na anong iwas ang gawin ko. "Hindi ba at dayoff mo tuwing linggo?" Tanong nito. "Oo. Pero may pasok na kami nila Ella. Iyong sa TESDA." Sabi ko sa kanya. "Aayain sana kitang lumabas. Ihahatid nalang kita at pagkatapos ng klase mo. Susunduin kita saka nalang tayo lumabas." Sabi niya pa sabay kindat. Napamaang ako sa sinabi niya. Napahinto ako sa pagsunod sa kanya. Napakurap kurap pa ako. Totoo ba iyong narinig ko? Inaaya niya akong lumabas? Parang date? "I won't take no for an answer, Ronna. I will take you on a date." Sabi niya at tuluyan na niya akong hinarap. Nakatanga lang ako sa kanya habang sinasabi iyon. Hindi ko kase alam kung ano bang sasabihin ko. Ano bang nangyayari sa mundo? Ako ba ang praning o sila? Bakit ako pa?! "Ronna Mae!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Mukang kahit nakapikit kilalang kilala ko iyong may ari ng boses na iyon. Napalunok ako ng makita kong madilim ang ekspresyon ng muka nito habang palapit sa amin. Dumistansya ako kay Blood dahil para na naman silang mag aaway ano mang oras. Agad niya akong nilapitan at hinila palapit sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "What do you want this time, Fontanilla?" Kinilabutan ako sa tono ng boses ni Lordon. Napalingon ako kay Blood. Ganun nalang din ang pagkasindak ko ng makita ko ang reaksyon nito. Kakaiba iyong kulay ng mga mata nilang dalawa. Kuyom na kuyom din ang kamao nito. "How about you Dela Merced? Takot ka?" Tila nanghahamon iyong boses ni Blood. ""Why would I?" Sabi naman ni Lordon sa kanya. Nagpalipat lipat na naman iyong tingin ko sa kanilang dalawa. "I asked her on a date." Pagyayabang pa ni Blood. Nanginginig na ako ngayon sa takot dahil sa itsura nilang dalawa. Halatang galit na galit sila sa isa't isa. "Hindi siya pwede!" Madiing sagot ni Lordon sa kanya. "Lagi nalang bang gusto mo ang gusto ko? Ano ba talagang binabalak mong mangyari, Dela Merced?" Hamon pa ni Blood. "Ako ang dapat magtanong sa iyo ng bagay na iyan. Lagi nalang bang gusto mo ang gusto ko? Back off, Fontanilla! She's mine." Sabi pa ni Lordon. Itinulak niya pa si Blood. Kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Pinagtitinginan na din silang dalawa ng mga ilang namimili doon. Akala nila siguro may nagaganap na shooting ng isang pelikula. "Tama na, Lordon. Nakikiusap na ako. Hayan mo na si Blood. Wala naman siyang ginagawang masama. Huwag kayong mag away na dalawa dito." Pakiusap ko kay Lordon. "Wala! Pero pilit niyang inaagaw iyong bagay na akin!" Sagot nito. "Walang iyo!" Sagot naman nito. "Ano ba?! Tumigil na nga kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Hinila ko si Lordon. Tiningnan niya ako. Napakurap siya. Lumambot na iyong ekspresyon ng muka niya. Tinanguan ko siya. "Tayo na." Yaya ko pa sa kanya. "Aalis na kami Blood. Pasensya na." Hinging paumanhin ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Hinila ko siya palayo kay Blood. Habang ang isang kamay ko ay tulak tulak iyong push cart. Nakatingin pa rin si Lordon kay Blood na akala mo ba silang magpapatayang dalawa. "We're not over with this, Dela Merced. Mark my word!" Habol ni Blood. Hinawakan ko iyong muka ni Lordon ng lilingunin niya pa ito. Sapilitan ko siyang pinatingin sa akin. "Hayaan mo na siya. Nakikiusap na ako." Sabi ko. Pumikit siya at hinawakan ng mahigpit iyong kamay ko at dinala niya sa mga labi niya. Parang mali yata ako ng ginawa. Para na naman akong hihimatayin. Kanina sa nerbyos sa kanilang dalawa dahil baka mag away sila. Tapos ngayon dito na naman kay Lordon. "You're the only one who makes me calm, Ronna Mae. Huwag ka lang talagang lalapit kay Blood. Magiging maayos ako." Bulong niya pa. Napaatras ako ng dumilat siya at tingnan ako. Iyon na naman iyong tingin niya. Ayoko ng ganito. Mali ang lahat kapag nagkataon. Patay malisyang hinila ko ang kamay ko at ipinagpatuloy ko iyong pamimili. Nakasunod naman agad siya sa akin at inagaw sa akin iyong papel na hawak ko. "You looked so tense." Sabi pa nito. "Huh?" Nasabi ko lang. Napapalatak siya. "Baliktad kase iyong pagbabasa mo." Napapailing na sabi niya pa. Napalunok ako. Ayokong tumingin sa kanya. Ayokong makita iyong mga ganung tingin. Ayoko! "Bakit ikaw ang gumagawa ng bagay na ito?" Tanong nito sa akin. "Marami po kaseng ginagawa sila Ate Roza kaya ako na ang bumili." Paliwanag ko. Napatango tango siya. "Binilinan ko na sila na huwag kang palalabasin ng bahay. Lalo na at hindi ako ang kasama mo. Ayoko ng maulit na makitang kausap o makasama mo ang Fontanillang yon!" Sabi niya. Napalingon ako bigla sa kanya. "Ano ba talagang binabalak mo?" Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko na siya. Huminto siya at tiningnan na naman niya ako. "Huwag kang manhid, Ronna Mae." Seryosong sagot niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil para bang hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya sa akin. Bakit ba napupunta yata talaga ako sa isang malaking gulo? "Kung ano man iyan Señorito itigil nyo na ngayon palang. Hindi pwede at hindi dapat." Sabi ko. Natigilan siya at pinakatitigan ako. Tapos ngumisi siya sa akin kaya kinilabutan na naman ako. "I get what I want, Ronna Mae. I get want I want. By hook or by crook." Sabi niya pa tapos pinitik niya iyong noo ko pero mahina lang. "Oh! I know! In tagalog it means. Kung hindi maidaan sa santong dasalan. Idadaan ko sa santong paspasan." Sabi niya pa. Nanlaki iyong mga mata ko. Ang gulo gulo niya kase. Kung ano anong sinasabi niya. Tinalikuran niya ako at siya na iyong naghanap ng mga iba pang bibilihin na nasa listahan. Sumimangot ako habang nakasunod sa kanya. Ginagaya ko pa nga iyong sinabi niya. "Idadaana sa santong paspasan! Che!" Sabi ko pa at inabaan siya ng suntok sa likod niya. Ngumiti lang ako ng humarap siya bigla. "I can see that." Sabi niya at itinuro iyong salamin na nasa gilid namin. Napangiwi ako. "Joke lang! Ikaw naman!" Sabi ko pa. Tapos pabiro ko siyang pinalo sa braso. Pero hinawakan niya lang iyong kamay ko at ipinagpatuloy iyong pamimili. Ako naman ay napatanga lang at nakatitig sa kamay ko na hawak niya. Ayaw niya iyong bitiwan. Pinanlalakihan niya pa ako ng mga mata kapag hihilain ko iyon. Gusto kong kiligin kase para kaming mag kasintahan pero ipinilig ko lang iyong ulo ko sa naisip ko dahil hindi nga pwede! Ang ambisyosa ko naman. Kahit noong magbabayad na kami ayaw niyang pakawalan iyong kamay ko. Nakasimangot naman ako kase iyong mga babae sa pili namin apura ang pacute sa kanya. Ang gwapo niya kase at talagang agaw atensyon. Iniirapan nga nila ako. Titingnan nila ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan sila. "Ano ba yan? Mukang basahan tapos ang gwapo ng lalake!" "Hindi siya bagay! Sigurado na peneperahan niya lang. Halata namang mayaman si pogi." "Hindi na nahiya! Halatang halatang promdi!" "From the province!" Sabi pa nila at nagtawanan sila. Napabuntong hininga ako. Bakit ang daming mapanglait na tao? Ano bang masama kung laki kaming probinsya at napunta kami ng syudad? Kabawasan ba sa pagkatao namin iyon? Mas magalang nga kaming mga laking probinsya kasya sa kanila na may mga pinag aralan nga puro naman palengkera. Nagulat pa ako ng akbayan ako ni Lordon kaya napatingin ako sa kanya. Masama iyong tingin na ibinibigay niya sa mga babaeng nakapila sa likod namin na apura pa rin ang pacute dito. "What's yah problem, girls? Hindi ba kayo tinuruan na gumalang? O nakalimutan nyo na?" Seryosong tanong nito. Natahimik sila tapos pinagtitinginanan na naman kami ng mga tao. Sinenyasan ko iyong cashier na bilisan iyong ginagawa niya. Agad kong inabot sa kanya iyong pera. "O bakit hindi kayo makapagsalita ngayong tinatanong kayo? Kanina puro kayo bulungan na naririnig naman namin. Mind your own business! At wala kayong paki alam kung siya ang pinili kong maging girlfriend." Pagsusungit niya. Nanlalaki iyong mga mata ko. Tinakpan ko iyong bibig niya. Pero tinanggal niya lang iyon. "Tama na!" Sabi ko at pinanlakihan ko siya ng mga mata Hinila ko na siya palabas doon sa grocery store. Ako na iyong nagtulak ng push cart hanggang makarating kami sa saksakyan niya. Nang makalayo kami ay hinarap ko siya. "What?" Tanong nito. "Anong what what? Bakit ipinahiya mo naman sila?" Pinamewangan niya pa ako. Umismid siya. "They deserved that." Sabi niya lang. Tinalikuran niya ako at inilagay na niya doon sa sasakyan niya iyong mga binili namin. Napakamot nalang ako sa ulo. Para kase siyang babaeng may regla. "Let's go, Ronna Mae! Nagugutom ako." Sabi niya at nauna na siyang sumakay ng sasakyan. Atubili pa akong sumunod sa kanya at sumakay doon sa likuran. Hinarap niya ako ng nakasimangot na naman iyong muka niya. "Ano ako? Driver mo?" Sakastikong tanong pa nito. Alanganin akong ngumiti at lumipat doon sa harapan. Kandahaba iyong nguso ko. Kase hindi ko alam kung saan ako lulugar sa kanya. Nanlaki iyong mga mata ko ng makita ko ng magpark siya sa isang mall. "T-Teka! Bakit nandito tayo?" Natatarantang tanong ko. Sumimangot na naman siya. "Kung maka react ka naman akala mo dinala kita sa motel!" Pagsusungit na naman niya. Ako naman iyong napasimangot. "Sabi nyo po kase nagugutom kayo." Sabi ko pa sa kanya. Iwinasiwas niya lang itong kamay niya at pinitik na naman ako sa noo. Para bang tuwang tuwa siyang ginagawa niya sa akin iyon. "Nonesense." Sabi niya at nauna na siyang bumaba. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya. Hayun na naman iyong mga tao. Hindi pwepwedeng hindi mapapatingin sa kanya. "Aray!" Napahilot pa ako sa ilong ko ng tumama na pala ako sa likod nito. Napapalatak siya at tiningnan iyong nasaktan kong ilong. Napamaang na naman ako ng ang lapit lapit ng muka niya sa muka ko. Naaamoy ko na nga iyong hininga niya. "Kung ano ano kase ang iniisip mo. Halika na." Sabi niya pa. Hinawakan na naman niya iyong kamay ko. Pumiksi na ako kaya napatingin na naman siya sa akin. "Kanina ka pa ha?" Dinuro ko pa siya pero mahina lang iyong pagkakasabi ko. Humalukipkip siya at tingnan ako. Mukang siyang siya siya sa reaksyon ko ngayon. "What?" Pigil na pigil iyong ngiti niya. "Hawak ka ng hawak sa kamay ko! Hindi naman kita boyfriend! Hindi mo ba alam?! Wala pang lalakeng nakakahawak sa mga kamay ko! Magagalit ang Tatay kapag nalaman niya ito!" Gigil na sabi ko sa kanya pero mukang balewala lang iyon. "Oh, edi girlfriend na kita tapos boyfriend mo na ako. So, I can hold your hands now?" Sabi niya pa. Itinaas baba niya pa iyong dalawa niyang kilay. "Ayihhh!" Sabi ng mga tao sa paligid namin. Pinagtitinginan na nga kami. Hinila ko siya palayo. "Señorito!" Seryosong sabi ko. Pinagdiinan ko pa iyong salitang Señorito kaya kitang kita ko iyong pagbabago ng reaksyon niya. Napalunok ako dahil kinikilabutan na naman ako pero hindi ako pwedeng matakot ngayon kailangan kong linawin ang lahat. "Huwag kayong nagbibiro ng mga ganyang bagay lalo na at maraming taong nakakarinig at nakakakita. Paano nalang kapag nalaman ni Señora iyang mga biro nyo. Sigurado na mawawalan ako ng trabaho. Isipin nyo naman ako. Kung biro sa inyo ang mga ganyang bagay huwag ako kase marami akong pangarap." Sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Basta tinalikuran nalang niya ulit ako. Sinundan ko siya. "Hindi ho ba at nagugutom kayo?" Tanong ko sa kanya habang nakasunod ako. Ang bilis niyang maglakad kaya halos lakad takbo ang ginagawa ko. "I lose my appetite." Sabi niya lang. "Ano na naman po ba ang problema?" Di na ako makatiis na itanong sa kanya. "Huwag kang manhid!" Sagot niya lang. Napabuntong hininga ako at sinundan nalang siya pabalik ng parking lot. Wala naman akong masamang sinabi pero mukang badtrip na naman siya. Wala kaming imikan ng umuwi kami sa mansion. Inutusan niya lang iyong sila Ella na tulungan akong ibaba iyong mga pinamili namin. Nauna na siyang pumasok sa bahay. "Hoy, Ronna! Anong ginawa mo kay Señorito at mukang badtrip na badtrip siya. Muka na naman siyang papatay ng tao!" Tanong ni Ella sa akin ng papasok na kami sa kusina bitbit iyong mga binili ko. "Wala naman. Lagi naman iyang badtrip sa buhay niya." Sabi ko nalang. Si Ate Roza naman ay hinila ako paupo na naman sa high chair na naroon at pinalibutan na naman nila akong tatlo. "Alam mo Ronna, tama talaga ang hinala ko." Sabi sa akin ni Ate Roza. "Hinala na ano?" Takang tanong ko. "Si Señorito may gusto talaga sa iyo." Direktang sabi nito. Napakunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. "Pagkagising na pagkagising ikaw agad ang hinanap sa amin. Aba'y ng malaman na lumabas ka at pinag grocery ka namin. Pinagalitan kaming lahat dito. Kabilin bilinan daw niya na huwag kang papalabasin ng mansion kapag hindi siya ang kasama. Bakit daw ikaw ang gumagawa ng bagay na iyon? Tapos halatang tarantang taranta kaya ka nga niya sinundan." Sagot naman niya. Umiling ako at sumeryoso. "Ate Roza, tama na iyong mga ganyang bagay. Hindi pwede!" Pinal na sabi ko. Sumimangot silang tatlo. May naalala ako kaya itinanong ko sa kanila. "Totoo bang pumupunta dito si Sir Blood at tinatanong ako?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Nagkatinginan sila at sabay sabay na tumango. "Ang bilin kase ni Señorito bawal kang makipag kita o makipag usap kay Sir Blood." Sabi ni Oceana. "Bakit? Kasama ba dito na bawal makipagkaibigan sa ibang tao?" Maang na tanong ko. Hinila ni Ella iyong buhok ko. "Aray naman!" Daing ko. Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. "Ang manhid mo! Bakit ayaw kang ipakita ni Señorito Lordon kay Sir Blood? Isa lang ang ibig sabihin. Nagseselos si Señorito Lordon kay Sir Blood." Paliwanag nito. "Bakit naman siya magseselos?" Tanong ko pa. "Isa pa Ronna! Sasapingilin na kita ng matauhan ka!" Sabi ni Ate Roza. Sumimangot ako. "Kase nga gusto ka niya! Ronna, gusto ka ni Señorito! Malinaw pa sa sikat ng araw sa labas. Manhid ka lang talaga o kaya sadyang tanga ka lang. Alin lang iyon sa dalawa. Gumising ka nga!" Niyugyog pa ako nito sa braso. "Teka nga! Teka nga!" Singit ni Ate Roza at pinakatitigan ako. "Huwag mong sabihin na mas gusto mo si Sir Blood?" Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata. Agad naman akong umiling sa kanya. "Hindi ah! Ano ba kase iyang mga iniisip nyo? Magdadalawang linggo palang akong namamasukan dito kung ano ano ng iniisip nyo sa akin?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanila. Pero ni hindi manlang nila ako pinansin. "Pareho naman silang gwapo at mayaman. Pero mas bagay kase talaga si Señorito Lordon kay Ronna. Si Sir Blood kase mukang dadanak talaga ng dugo pangalan palang." Sabi pa ni Ate Roza. "Kay Señorito talaga ang boto namin, Ronna! Kaya bawal kang lumabas ng mansion at makipag usap sa kanya!" Sabi ni Ella. "Tama!" Sabi pa ni Oceana. "Hoy! Mag hunusdili kayong tatlo!" Saway ko sa kanila. "Ah basta!" Sabay sabay na sabi nila at nagkanya kanya na sila ng alis. Maghapon na ang iniisip ko ay iyong mga sinasabi nila. Maghapon din hindi lumabas ng kwarto si Lordon. Pero sabi ni Ella nakita niya si Lordon na umalis ng mansion. Mukang may sapi na naman siya. Iyong mag asawa naman ay dumating ng nag aaway. Tapos sabay din umalis ulit. Mukang pareho na naman silang naglayas kaya walang tao sa mansion. Kaya wala namang kumain ng mga iniluto ni Ate Roza. Ang laki nga ng bahay nila pero parang kulang sa pag mamahal. "Ronna, matulog kana. Baka magpuyat ka na naman." Sabi sa akin ni Ate Roza ng makita niyang hawak hawak ko iyong libro na ipinahiram niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Excited lang kase akong mag aral, Ate." Sabi ko lang. "Oh, siya siya! Matulog ka nalang agad at marami tayong gagawin bukas. Lalo na at siguradong bad mood na naman si Señora. Ibabaliktad na naman nun ang buong mansion." Bilin nito. Tumango ako sa kanya. Lumabas ako ng tinutuluyan namin pero pagbukas ko ng pintuan ay nabungaran ko si Lordon na akmang kakatok sa may pintuan. "A-anong kailangan nyo?" Tanong ko. Agad kong isinara iyong pinto at baka makita pa siya nila Ate Roza ano na naman ang maisip nila. "Nakalimutan mo sa kwarto ko." Sabi nito sabay abot sa akin ng isang paper bag. Nang tingnan ko ay iyong mga libro na ibinigay niya. "Salamat." Sabi ko lang. Akala ko aalis na siya pero hindi manlang siya natinag sa kinatatayuan niya. Napatingala tuloy ako sa kanya. Gusto kong kumaripas ng takbo ng makita ko na naman iyong ganung tingin niya. "What have you done to me, Ronna Mae?" Seryosong tanong niya. Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin pero pintuan na iyong nasa likod ko. Itinukod niya iyong dalawa niyang braso sa gilid ko para hindi ako makaalis. "Bakit hindi ko magawang magalit sayo? Lagi kang nasa isip ko." Halos bulong nalang iyong lumalabas sa bibig niya. Ang lapit lapit rin ng muka niya sa muka ko. Para tuloy akong aatakihin sa puso. Bumubuka iyong bibig ko pero wala naman lumalabas na salita. Nagulat kaming pareho ng bumukas iyong pintuan. Pareho tuloy kaming bumagsak sa sahig. Nasa ibabaw ko siya. "Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Hawak hawak niya iyong ulo ko kaya hindi iyon tumama sa sahig. "Ah! May shooting pala dito!" Napatingin kaming pareho sa nagsalita. Si Ate Roza iyon. Tapos nakita ko sa labas ng isang kwarto na naroon si Ella at Oceana na nakatangang nakatingin sa aming dalawa ni Lordon. "Ayos lang ako Señorito. Pwede bang tumayo na kayo?" Sabi ko sa kanya. "Oh, I'm sorry." Sabi niya. Tamayo siya at inalalayan ako. Pinanlakihan ko ng mga mata sila Ate Roza ng may mapanudyong ngiti sa mga labi nila. "Naku, Señorito. Wala kaming nakita huwag kayong mag alala. Ituloy nyo lang iyan ni Ronna." Sabi pa ni Ate Roza at itinulak ako kay Lordon tapos basta nalang isinara iyong pintuan. "Ate Roza buksan mo iyong pinto! Mali iyong iniisip nyo!" Kinalampag ko pa iyong pintuan dahil nakalock siya. Napabuntong hininga ako at hinarap si Lordon. Napakunot iyong noo ko ng makita kong napapangiwi siya habang hawak iyong kaliwa niyang kamay. Agad akong lumapit at tingnan iyon. Namumula iyon. "Naku pasensya kana." Sabi ko sa kanya at hinila ko siya papasok sa mansion. Kumuha ako ng cold compress at ako na mismo ang naglagay nun sa kamay niya. Sigurado na nasaktan siya ng madaganan ko iyong kamay niya kanina. Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga siya at nangalumbaba sa island counter at pinakatitigan ako. "Ayos ka lang ba talaga?" Tanong pa nito. Napangiti ako. "Ayos lang ako. Ako pa ang inalala mo ikaw nga itong nasaktan. Dapat hindi mo ginawa iyon." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Napatanga ako. Inutusan niya akong ikuha siya ng ice cream sa ref. Ibinigay ko sa kanya iyon pero umiling lang siya at itinaas iyong kamay niya. "Subuan mo ako." Sabi niya. Sumimangot ako at sinunod ko ang utos niya. "May nakapag sabi na ba sayo Ronna Mae?" "Nakapagsabi na ano?" Takang tanong ko. "Na ang ganda mo." Direktang sabi nito. Ngumiti pa siya sa akin. Wala akong nasabi pero napangiti nalang din ako. Alam ko simula ng gabing iyon. Na tinitigan at nginitian niya ako. Inaamin ko. Pagmamay ari na niya ang puso ko. Suko na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD