Hanggang sa lumipas ang mga araw at hindi namalayan ni Kany na dalawang buwan na pala ang nakalipas.
Sa loob ng dalawang buwang iyon ay dalawang beses lang niyang nadalaw ang kanyang ina.
Hindi na ganoon kalamig si Dylan.
Hindi na rin ito mailap.
Sa bawat umaga, sinasamahan siya nito sa almusal.
Sa gabi, nilalambing siya nito bago matulog na minsan ay may kasamang halik sa noo, minsan ay yakap na hindi niya inaasahan.
At sa mga simpleng bagay na iyon, unti-unting naniwala si Kany.
Na baka mahal nga siya nito.
Hindi na rin bumalik si Yell.
Parang bigla na lamang itong naglaho.
At sa isip ni Kany, marahil ay tinanggap na nito ang lahat.
Na tapos na talaga sila ni Dylan.
Na wala na itong laban pa.
At sa unang pagkakataon ay naging magaan ang pakiramdam niya.
Parang pwede na siyang maging masaya.
Parang pwede na niyang bitawan ang takot.
Ngunit ang katahimikan ay hindi palaging nangangahulugan ng kapayapaan.
Isang hapon.
Tahimik ang buong kwarto.
Naroon si Kany, mag-isa.
Maaga pang umalis si Dylan kaninang umaga, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. May emergency meeting daw ito kasama ang ama nitong si Don Brixton.
Napabuntong-hininga siya.
Sanay na siya.
Sa mundong ginagalawan ng asawa niya, normal ang biglaang pagkawala.
Lumapit siya sa desk ni Dylan.
Balak lang niyang ayusin ang mga gamit nito, isang simpleng bagay na ginagawa niya paminsan-minsan.
Tahimik niyang inayos ang mga papel, inayos ang mga gamit.
Hanggang sa may napansin siya.
Isang maliit na panlalaking bag.
Isang leather shoulder holster bag, yung tipong madalas dalhin ng mga taong may dalang hindi dapat basta nakikita.
Napakunot ang noo ni Kany.
Hindi niya pa iyon napapansin dati.
Dahan-dahan niya itong kinuha.
Sandaling nag-alangan siya.
Pero nanaig ang kuryosidad.
Marahan niya itong binuksan.
At sa isang iglap ay nanginig ang buong katawan niya.
Isang baril iyon.
Makintab, mabigat at nakakatakot.
Napaatras siya ng bahagya, halos mabitawan ang bag.
Hindi niya inaasahan na ganoon kalapit sa kanya ang mundong iyon.
Alam niyang hindi basta tao si Dylan.
Pero iba pa rin pala kapag kaharap mo na ang katotohanan.
Napalunok siya.
Ngunit hindi doon natapos ang lahat.
May isa pa siyang napansin.
Isang maliit na bulsa sa loob ng bag.
Dahan-dahan niya itong binuksan.
At doon, parang biglang huminto ang t***k ng puso niya.
Isang litrato.
Kinuha niya iyon.
At nang makita niya kung sino ang nasa larawan ay parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.
Si Yell iyon.
Nakasuot ito ng two-piece, nakangiti, puno ng kumpiyansa. Maganda. Kaakit-akit. Halos perpekto.
Parang mundo na hindi niya kailanman maaabot.
Nanlambot ang mga tuhod ni Kany.
Napaupo siya sa gilid ng kama.
Mahigpit niyang hinawakan ang litrato.
Bakit?
Bakit nasa bag ni Dylan ito?
tapos na sila hindi ba?
Kung wala na sila ay bakit itinago pa ng asawa niya ito?
Unti-unting bumigat ang paghinga niya.
Lahat ng katahimikan na naranasan niya sa loob ng dalawang buwan ay
Biglang nagkaroon ng lamat.
Parang salamin na unti-unting nababasag.
Naalala niya ang mga sinabi ni Yell.
"He doesn’t love you."
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Pero hindi niya mapigilan.
Ang sakit.
Mas masakit pa kaysa dati.
Dahil ngayon, may pinanghahawakan na siya.
May pinaniwalaan na siya.
At ngayon, parang unti-unti iyong kinukuha sa kanya.
Napatingin siya sa pinto.
Parang gusto niyang punitin iyon.
Itapon at sirain.
Pero hindi niya magawa.
Dahil kahit siya ay natatakot sa katotohanan na maaaring dala nito.
Dahan-dahan niyang ibinalik ang litrato sa loob ng bag.
Kasama ng baril.
Isinara niya iyon,
maingat at parang walang nangyari.
Pero sa loob niya,
may nagbago.
At sa unang pagkakataon matapos ang dalawang buwan ay muling bumalik ang takot.
Hindi na kay Yell.
Kundi sa katotohanang baka ang lalaking minahal niya agad ay may bahagi pa rin ng puso
na hindi kailanman naging kanya.
Sa malawak na Valerioso Palace, tanging katahimikan lamang ang bumalot sa hapong iyon.
Nakabalik na si Don Brixton mula sa kanyang mahabang pulong sa headquarters ng pamilya.
Ngunit si Dylan ay wala pa rin.
Pero okay lang si Kany. Sa lahat ng oras ay handa niyang iintindihin si Dylan basta nasa trabaho lang ito. Hindi rin siya nagtanong kay Don Brixton dahil nahihiya siya sa kanyang byenang Don. Si Donya Karah Isabelle naman ay minsan lang sila magkausap nito, at ang mga anak nito na mga kapatid ni Dylan.
Hindi kasi siya marunong makihalubilo, tanging nasa kwarto lang siya at tahimik na maghihintay kay Dylan.
Ngunit hindi niya alam, wala na si Dylan sa meeting at may pinuntahan ito.
Isang private residence ang napapalibutan ng mga ilaw, musika, at mga taong halatang mayayaman.
Isang simpleng selebrasyon.
Birthday ng isang kaibigan ni Dylan mula sa underground circle ng mafia elite kaya nandito siya ngayon.
"Dylan! Bro, finally you came!"
bati ng kaibigan nito, sabay akbay sa kanya nang dumating si Dylan sa simpleng party.
At pagpasok niya sa loob ng malaking bahay ng kaibigan ay bigla siyang natigilan.
Parang huminto ang mundo niya.
Nasa gitna ng sala, nakasuot ng eleganteng fitted dress, nakataas ang buhok, at nakangiting parang walang nangyari, Si Yell!
Dahan-dahang nawala ang ingay sa paligid.
Tanging siya at si Yell na lang ang tila naiwan sa eksena.
"Hi, babe."
Mahinang boses.
Pero sapat para bumalik ang lahat ng gusto niyang kalimutan.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong.
Ngumiti si Yell.
Yung ngiting alam niya noon pa man, yung hindi basta ngiti lang.
"Friend of the birthday celebrant," casual nitong sagot.
Lumapit ito ng bahagya.
"Small world, right?"
Humakbang si Dylan paatras.
"Don’t start."
Ngumiti si Yell ulit, mas mabagal, mas deliberate.
"Start what? I'm just greeting my ex."
"Stop calling me that," mariing sabi ni Dylan.
Saglit na katahimikan.
At pagkatapos ay lumapit si Yell ulit, mas malapit na ngayon, sapat na para maramdaman niya ang pabango nito.
"Still cold as ever," mahinang sabi nito.
"Or… you're just pretending you don’t feel anything anymore?"
Hindi sumagot si Dylan.
Doon niya unang naramdaman ang tensyon.
Ang mali.
Ang delikado.
Dahan-dahang umikot si Yell sa harap niya.
"Three years, Dylan."
Mahina ang boses pero mabigat.
"Three years tayo. And then suddenly… you married someone else in just days?"
Tumitig ito sa kanya.
"Tell me honestly…"
Lumapit pa lalo ito sa kanya.
"Nakalimutan mo na ba talaga ako? O pinili mo lang siya upang saktan ako?"
Nanigas si Dylan.
"Stop it."
Ngumiti si Yell, pero mas malungkot na ngayon.
Marahang hinawakan nito ang sleeve ng suit ni Dylan.
"You’re still angry that I broke up with you."
Tinanggal ni Dylan ang kamay nito.
"Don’t touch me, Yell,"
Pero hindi umatras si Yell.
Sa halip ay mas lumapit pa.
Ngayon, halos bulong na lang ang boses nito.
"Look at you… you're still the same Dylan I fell for."
"Cold. Dangerous. But…" huminto ito, tiningala siya.
"You always hesitate when it comes to me."
Napaatras si Dylan ulit, pero mas mabagal.
"Wala na tayo, Yell."
Ngumiti ito.
"Then why do you still look at me like that?"
Tahimik ng isang segundo, dalawa.
At doon ay sa pagitan ng ingay ng party at katahimikan nila ay
halos magdikit ang hininga nila.
Hindi salita ang ginamit ni Yell.
Kundi galaw.
Dahan-dahan nitong inilapit ang kamay sa collar ng polo ni Dylan, inaayos iyon na parang walang malisya.
Pero ang tingin ay
hindi na inosente.
"Still perfect," mahinang sabi nito.
"Even after all this time."
Hinawakan ni Dylan ang wrist nito ng mahigpit.
"Enough." Wika ni Dylan na malagkit na ang mga titig kay Yell.
Pero hindi ito umatras.
Sa halip, ngumiti lang si Yell, parang nananalo.
"Are you sure… you don't miss me even a little?"
Doon ay naramdaman ni Dylan ang pamilyar na bigat.
Hindi niya dapat nararamdaman iyon.
Hindi na.
Pero si Yell,
alam nito kung paano bumalik sa espasyong hindi na dapat bukas.
At doon, bigla siyang hinila ni Yell at hinalikan sa labi.
Nanigas si Dylan.
Ilang segundo siyang hindi gumalaw, parang naglaban ang isip at alaala.
Pero bago pa siya tuluyang makaiwas,
naramdaman niya ang pamilyar na init ng halik na matagal niyang pilit kinalimutan.
Saglit siyang napapikit.
Ngunit sa gitna ng lahat ay biglang pumasok sa isip niya si Kany.
Parang malamig na tubig na gumising sa kanya.
Bigla niyang tinulak si Yell.
"May asawa na ako, Yell."
Namula si Yell.
"Kasalanan mo dahil nagpadalus-dalos ka, Alam kong ako pa rin ang kaligayahan mo, alam kong hindi mo mahal ang babaeng pinakasalan mo." Mariin na wika din ni Yell.
Saglit na natahimik si Dylan.
Mariin niyang hinigpitan ang panga niya.
Ayaw niyang aminin, kahit sa sarili niya ay may parte pa rin sa kanya na hindi ganap na nakawala kay Yell.
Akala niya ay ganon kadaling makalimutan niya ito.
At ang mas masakit,
mas madaling sumagi sa isip niya ang nakaraan kaysa sa hinaharap na kasama si Kany.