Sa meeting naman ng Clan... medyo nahuli pagdating ang mag-amang Don Brixton at Dylan. Naroon na ang lahat ng kasamahan nila, ang mga miyembro ng clan. Hindi lahat ng lugar ay nakikita sa mapa. At ang lugar na iyon, nakatago sa ilalim ng lungsod ay para lamang sa mga taong may kapangyarihang mag-utos at magpatahimik. Sa kailaliman ng isang lihim na pasilidad, nakapalibot ang matataas na pader na gawa sa makapal na bakal at konkretong halos walang bakas ng buhay. Sa bawat sulok ay may armadong tauhan, tahimik ngunit mapanganib. Ang bawat hakbang ay may kasamang bigat, parang kahit ang hangin ay may bantang dala. Ito ang Secret Mafia Headquarters ng angkan ng Valerioso. Sa loob ng isang malawak ngunit malamig na conference hall, nakaupo ang mga haligi ng kanilang clan. Walang ingay. Wa

