Tahimik ang silid. Tanging tunog ng heart monitor ang maririnig.
Nakatitig lang si Dylan kay Yell. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan nila.
"Yell…" mahina niyang tawag.
Pero bago pa siya makapagsalita ay biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Kany.
Yung inosenteng tingin nito kanina at ang pag-aalala ng asawa.
Napapikit siya.
"You're asking me to destroy her," mariin niyang sabi.
Napailing si Yell, umiiyak.
"No, Dylan… I'm asking you to stop lying." Wika ni Yell.
Tumahimik siya.
At doon siya tuluyang tinamaan.
Dahil tama si Yell.
Niloloko niya si Kany.
At mas masakit ay niloloko rin niya ang sarili niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at dahan-dahang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Yell.
Agad itong kumapit ulit.
"Babe…" mahina pero desperadong sabi nito.
Pero ngayon ay ibang klaseng bigat na ang nararamdaman ni Dylan.
"I need to go home."
Natigilan si Yell.
"Dylan…"
"I need to face my wife."
"Sana sabihin mo sa kanya na ako pa rin ang mahal mo, Dylan. Kung naawa ka sa kanya, huwag mong ipagpapatuloy na paasahin mo siya."
"Huwag mong pahirapan ang mga sarili natin lalo na ang asawa mo. Alam kong masakit ito sa kanya, Dylan, pero kailangang itigil mo ito."
"Handa ka bang makulong habang buhay sa isang kasal na hindi mo naman talaga gusto? Dahil sa pride at galit mo sa akin ay pinakasalan mo siya para saktan ako. Itigil mo ito habang maaga pa, Dylan." Mariing sabi ni Yell.
Tumayo na si Dylan at pilit na kumawala sa pagkahawak sa kanya ni Yell.
"Saka na muli tayo mag-usap, Yell. Uuwi na ako." Malamig at tuloyang paalam ni Dylan.
Walang nagawa si Yell upang pigilan siya. Mahina itong tumango.
"Okay, babalik ka dito." Ang sabi nito sa kanya.
___
Tahimik ang buong palasyo. Nasa veranda ng ikalawang palapag si Kany nakatayo. Nakatulalang nagmamasid sa ibaba habang naghihintay sa pagdating ni Dylan.
Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya, may mawawala sa kanya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas nang makita niya ang pag bukas ng malawak na gate ng Valerioso palace at dumating ang kotse ng kanyang asawa.
Tuwang-tuwa siya sa pag-uwi nito.
Nagmamadali siyang bumalik at pumasok agad sa kanilang kwarto.
Pagdating niya doon ay hindi naman nagtagal narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanilang kwarto.
Napalingon siya agad.
At doon ay nakita niya si Dylan.
Pagod. Gulo ang buhok. At may kung anong mabigat sa mga mata nito.
"Dylan…"
Mahina ang boses niya.
Sandaling tumahimik ang asawa.
"Kany… we need to talk."
At sa apat na salitang iyon ay para bang biglang gumuho ang mundo niya.
Lumapit si Kany agad sa asawa.
"Okay ka lang ba?"
tanong nito, puno ng pag-aalala.
"Kagabi pa kita hinihintay,"
Hindi agad nakasagot si Dylan.
Hindi dahil wala siyang sasabihin, kundi dahil napakarami.
Pero wala ni isa ang lumabas.
At bago pa siya makapag-isip ay ngumiti si Kany.
"Alam ko na…" mahina nitong sabi.
Natigilan siya.
"Ano… ang alam mo?" tanong niya, pilit na pinapantay ang boses.
"Yung tungkol sa kaibigan mo…" sagot ni Kany.
"Naaksidente si Mr. Archie De Guzman, diba?"
Parang biglang nawalan ng hangin ang paligid.
Saglit na napapikit si Dylan.
At doon niya naramdaman na parang mas lumala ang kasalanan niya.
"Mom Karah told me…" dagdag ni Kany, may konting lungkot pero nangingibabaw pa rin ang pag-unawa.
"Kaya pala bigla kang umalis kagabi…"
Tahimik si Dylan.
Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ng asawa niya.
"Okay lang…" mahinang sabi ni Kany.
At bago pa siya makaiwas ay niyakap siya nito.
Mahigpit at mainit.
Natigilan muli si Dylan.
"Ang importante… umuwi ka na," bulong ni Kany sa balikat niya.
At doon na tuluyang nabasag ang loob ni Dylan.
Dahan-dahan niyang ibinalik ang yakap rito.
Mas mahigpit.
Pero hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa konsensya.
"I'm sorry…" mahina niyang bulong.
"Ha?" bahagyang lumayo si Kany, nakakunot ang noo.
Mabilis siyang umiling.
"I'm sorry I wasn't able to inform you. I didn't want to wake you up."
Ngumiti ulit si Kany.
Yung ngiting walang bahid ng duda.
Mas lalo siyang tinamaan.
"Huwag ka na mag-alala, Dylan. Okay lang ako," sabi nito.
"Magpahinga ka na. I’ll take care of you."
Take care of you.
Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa isip ni Dylan.
Samantalang siya ay
Hindi man lang kayang protektahan ang puso ng babaeng nasa harap niya.
Magkatabi silang nagpahinga.
Tahimik si Dylan.
Pero hindi payapa.
Nakatagilid si Kany, nakayakap sa braso niya.
Pero si Dylan ay nakatitig sa kisame.
At sa bawat paghinga ay mas bumibigat ang dibdib niya.
Dahan-dahan niyang nilingon si Kany.
Tahimik lang ito at payapa.
Parang walang problema sa mundo.
At doon niya napagtanto na si Kany ay hindi niya lang asawa kundi ito ang
taong handang magtiwala sa kanya kahit wala itong alam.
At si Yell…
Siya ang taong hindi niya pa rin makalimutan.
Napapikit si Dylan.
"God…" bulong niya sa sarili.
"Anong gagawin ko?"
___
Tahimik ang buong Valerioso Palace. Nasa alas dos na iyon ng hapon.
Isa-isang umalis ang sasakyan nina Don Brixton, Donya Karah, at ang mga kapatid ni Dylan para sa kanilang lakad.
Matapos makapag pahinga si Dylan at Kany ay nagtungo siya
sa loob ng Valerioso Library. Niyaya niya ang kanyang right hand man doon para mag-inom sila ng kunti.
Sa gitna ng silid, nakaupo siya sa isang leather chair, may hawak na baso ng alak.
Sa harap niya ay nakaupo si Gardo.
Tahimik lang muna ang dalawa habang umiinom.
Isang lagok, dalawa at hanggang sa magsalita si Gardo.
"Sir… bihira kang uminom ng ganito," basag ni Gardo sa katahimikan.
Hindi agad sumagot si Dylan.
Nakatitig lang siya sa laman ng baso niya.
Parang doon niya hinahanap ang sagot.
"May problema," diretso niyang sabi.
Hindi na nagulat si Gardo.
Matagal na niya itong kilala.
At bilang right hand man nito ay alam niya, hindi ito basta-basta bumibigay.
"My wifi at si Yell ang problema ko," dugtong ni Dylan.
Doon napatingin si Gardo.
Sandaling katahimikan.
"Akala ko, Sir, tapos na 'yon si Ma'am Yell? Nagtaka nga ako na lihim mo pa siyang pinuntahan." wika niya.
Mapait na napangiti si Dylan.
Humugot siya ng malalim na hininga at isinandal ang ulo sa upuan.
Pero sapat na iyon.
Naintindihan na ni Gardo.
" I thought I could easily forget Yell, that marrying an innocent woman would be enough." mahinang sabi nito.
"Paano yan, Sir? may asawa ka na ngayon," dagdag ni Gardo.
Mas lalong bumigat ang hangin.
"She asked me to leave Kany," diretsong sabi ni Dylan.
Hindi nagulat si Gardo.
Sa halip ay uminom lang ito at saka nagsalita.
"Sir… babae lang 'yan."
Napatingin si Dylan.
"What do you mean?"
"In short… huwag mong gawing komplikado ang bagay na kaya mong kontrolin," kalmadong sagot ni Gardo.
"Matapang kang leader, mana ka sa ama niyo. Hindi ka natitinag sa mas mabibigat na desisyon kaysa rito."
Tahimik si Dylan.
Nakikinig.
"Tingnan mo ang sarili mo ngayon, Sir," patuloy ni Gardo.
"Hindi ka na yung Dylan na kinakatakutan at sinusunod ng lahat."
Parang tinamaan siya.
"Dahil sa konsensya?"
Diretso ang titig ni Gardo sa kanya.
"Huwag mong hayaan na makulong ka sa sitwasyon na 'yan, Sir."
Mahigpit na napahawak si Dylan sa baso niya.
"You're better than this."
Tahimik, mabigat at
totoo.
"Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ni Dylan, mababa ang boses.
Hindi na siya ang nagbibigay ng utos.
Sa sandaling iyon ay
parang isa lang siyang lalaking nawawala.
"Simple lang, Sir," sagot ni Gardo.
"Sabihin mo ang totoo kay Ma'am Kany."
Napapikit si Dylan.
"She deserves that."
Parang umalingawngaw sa buong silid ang mga salitang iyon.
Deserve, truth para kay Kany?
At sa likod ng isip niya ay nakita niya ulit ang mukha ng asawa niya.
Ang ngiti nito kanina,
ang yakap at
ang tiwala.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
"And then what?" tanong niya, halos pabulong.
"Then face the consequences," sagot ni Gardo, walang pag-aalinlangan.
Tahimik si Dylan.
Matagal.
Hanggang sa inubos niya ang laman ng baso niya.
At dahan-dahang tumayo.
"Wait, maiwan na kita, kakausapin ko ang asawa ko." Disperadong wika niya.
Napatingin si Gardo sa kanya.
"Sir…?"
Sandaling napahinto si Dylan sa pinto.
Hindi siya lumingon.
Pero malinaw ang bigat ng boses niya.
"It's time…"
Huminga siya nang malalim.
"…to tell my wife the truth."
___
Sa loob ng banyo…
Mahinang bumagsak ang tubig mula sa shower, pero tila mas malakas ang t***k ng puso ni Kany.
Napahawak siya sa dingding.
"Ahh…" mahina niyang ungol.
Biglang umikot ang paningin niya.
Parang may humihila pababa sa kanya.
Dahan-dahan siyang napasandal, pinikit ang mga mata, pilit kinokontrol ang sarili.
"Anong nangyayari…" bulong niya.
Ilang segundong
tahimik.
Pero pagmulat niya ay
nandun pa rin ang hilo.
Mas malala.
Napahawak siya sa ulo niya, at doon ay
bigla niyang naramdaman ang pag-akyat ng kung ano sa lalamunan niya.
"Ugh—"
Mabilis siyang napayuko sa gilid ng banyo.
At hindi nga nagtagal,
bigla siyang naduwal.
Mahina pero sunod-sunod. Nagtaka siya kung bakit puro laway lang ang lumabas.
Pero kahit ganoon ay
ramdam niya ang sakit at panghihina.
"Ahh…"
Napaupo siya sa sahig, hinihingal.
Hindi niya maintindihan.
Hindi naman siya ganito kahina.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang labi niya, pilit na tumayo kahit nanginginig ang tuhod.