CHAPTER 15

1245 Words
"Akala ko… hindi ka na darating…" Mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Dahil sa isang banda ay hindi naman talaga siya dapat pumunta. Pero nandito siya. Mas hinigpitan ni Yell ang kapit sa kamay niya, kahit mahina. "Don't leave me… please…" Sabi nito. At doon na naman siya tinamaan. Yung boses at takot ng babaeng minahal niya nang buong-buo. Napapikit si Dylan. Damn it. Sa isip niya, biglang sumingit ang imahe ni Kany, yung yakap nito, ang ngiti, at ang simpleng salita na "Basta nakauwi ka." At ngayon ay hindi siya uuwi, mananatili siya sa tabi ni Yell. Dahil kailangan siya nito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. "I'm not going anywhere," sabi niya kay Yell. At sa mga salitang iyon ay parang may tuluyang naputol sa loob niya. Samantala… Sa Valerioso Palace. Nakaupo pa rin si Kany sa kama. Hindi na siya muling nakatulog. Tahimik ang paligid, pero ang dibdib niya ay parang ang ingay-ingay. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Wala namang nangyari. Wala namang sinabi si Dylan kanina na may pupuntahan ito. Bigla nalang itong nawala sa tabi niya. Para bang may mali ng gabing iyon? Dahan-dahan niyang niyakap ang sarili. At sa unang pagkakataon ay hindi sapat ang katahimikan para patahimikin ang puso niya. Sa hospital ay mahigpit pa ring hawak ni Yell ang kamay ni Dylan, parang natatakot na mawala siya. At si Dylan, hindi na bumibitaw. Pero sa likod ng isip niya, alam niyang may isang taong naghihintay sa kanya. At sa gabing iyon, hindi lang aksidente ang nangyari. Kundi isang desisyon na posibleng magbago sa lahat. Maagang-maaga pa lang ay abala na sa kusina ang Valerioso Palace. Pero kahit gaano kaaga, ramdam na ang bigat ng umaga. Tahimik si Kany habang pilit na inaayos ang mga pinggan sa dining table. Kahit sinasabi ng mga katulong na hindi niya kailangang tumulong, hindi siya nakikinig. Parang gusto niyang gawing abala ang sarili para lang hindi maramdaman ang bigat sa dibdib niya. "Ma'am Kany, ako na po niyan," mahinahong sabi ng isang katulong na kasama ni Manang Martha sa dining room. Ngumiti siya nang pilit. "Okay lang… kaya ko naman. Sanay ako nito." Sabi naman niya. "Kahit na ho, Ma'am Kany, baka magagalit si Sir Dylan, kapag nakita ka niyang tumulong lagi sa obligasyon namin." Wika naman ni Manang Martha. "Naku, hindi yun magagalit, ako nang bahala sa kanya. Gusto ko lang naman na maaliw din ako." Sagot naman niyang nakangiti. Pero sa likod ng ngiting iyon, halata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Ilang ulit niyang sinulyapan ang upuan ni Dylan sa dulong bahagi ng hapag. Walang nakaupo at walang dumating. At kagabi pa iyon. Kinagat niya ang labi. "Nasaan kaya siya?" mahina niyang bulong. Sa gitna ng katahimikan ng umaga, bumukas ang malalaking pintuan ng dining hall. "Good morning po, Ma'am Karah," anunsyo ng isang katulong. "Ay, iha Karah. Maaga kang gumising." Nakangiti namang wika ni Manang Martha sa kanyang donyang alaga. Napatingin si Kany agad. Pumasok ang ina ni Dylan, maayos ang tindig, malamig ang awra, ngunit may kakaibang bigat sa mata nito nang makita si Kany. "Good morning ho, Mom," Nahiyang bati ni Kany. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siyang tawaging Mommy at Daddy ang mga biyenan niya, lalo na si Don Brixton. "Good morning din sa inyo, Manang Martha at lalo na sa'yo, hija Kany," mahinahon nitong bati. Saglit na tiningnan ni Donya Karah ang paligid. "Wala pa si Dylan?" Umiling si Kany. "Bigla nalang siyang umalis kagabi at hindi po siya umuwi hanggang ngayon," Doon na tuluyang bumagsak ang boses na sabi ni Kany. "Hindi ko po alam kung nasaan siya." At kasabay noon, hindi na niya napigilan. Tumulo ang luha niya. Pinunasan niya agad pero lalo lang dumami. "Pasensya na po…" garalgal niyang sabi kay Donya Karah Isabelle. "Hindi ko po talaga alam kung saan ang punta niya, tulog kasi ako nang umalis siya…" Tahimik si Donya Karah. Matagal nitong tinitigan si Kany. At sa unang pagkakataon, may bakas ng lambot sa magandang mukha ng donya. Dahan-dahan itong lumapit at inabot ang kamay ni Kany. "Hija, baka may problema lang siya kagabi kaya umalis siya at hanggang ngayon hindi pa nauwi." mahinahon nitong sabi. Pero imbes na kumalma si Kany, lalo siyang napahagulgol. "Hindi ko po talaga alam kung ano ang dapat kong iisipin." Hikbi ni Kany. Sandaling napapikit si Donya Karah. Alam niya. Alam na alam niya kung nasaan si Dylan. At kung bakit hindi ito umuwi. Kagabi pa, tinawagan nito ang ama para hindi mag-alala. Isang simpleng linya lang ang sinabi ng asaeang Don sa kanya kagabi. "Naaksidente si Yell. Nasa ospital si Dylan, baby." Ang sabi ng kanyang asawang Don. "Umupo ka," mahinahong utos ni Donya Karah kay Kany. Awang-awa siya sa asawa ni Dylan. Alam kasi nila na si Yell talaga ang mahal ni Dylan. Kahit anong advice nila dati kay Dylan na hindi magpadalus-dalos sa pagpapakasal sa iba dahil bukod sa masaktan lang nito si Kany ay mahihirapan lang ito sa huli dahil si Yell naman ang mahal nito. Dahan-dahang inalalayan niya si Kany sa upuan. Sandaling nag-atubili ang donya. Parang may laban sa dibdib niya kung sasabihin ba niya ang totoo rito. Pero pagtingin niya sa batang babae sa harap niyang luhaan, litong-lito, at naghihintay ay napagdesisyunan niyang magsinungaling. "Hindi ka niya sinadyang iwan kagabi na walang paalam." sabi nito sa wakas. Napatingin agad si Kany. "May nangyari kagabi. Naaksidente ang isa sa mga kaibigan niya, hija," Wika ni Donya Karah. Natigilan si Kany. "Si... Si Mr. Archie De Guzman, ang naaksidente. At hindi niya natiis ang k-kaibigan niya, pinuntahan niya agad." Ani Donya Karah. Tumango si Kany. "G-ganon po ba? Kaya pala. Sana ligtas ang kaibigan ni Dylan." Parang gumaan ang pakiramdam na wika ni Kany. Parang nakonsensya naman si Donya Karah sa pagsisinungaling niya. Kailangan lang niyang pagaanin ang loob ni Kany at hindi rin pweding sabihin niya ang totoo. "Yes, Kany. Kaya hihintayin mo lang ngayon ang asawa mo. Uuwi na rin yun." Wikang muli ni Donya Karah. "Ahh, o-opo, Mom." Ani Kany na nauutal. Sandaling katahimikan. Tumayo siya nang mabagal at ngumiti sa magandang donya. "S-Salamat po sa pag-sabi, Donya Karah, ayy, mommy pala." Nahiya niyang wika. "Wala yun, Kany. Sige, sabay ka nalang sa amin ni Brixton sa almusal." "Ay, saka na po ako, b-busog pa po ako." Sabi niya. Kahit kailan ay mahihiya talaga siya sa Don dahil sa maitim na mga titig nito. Para bang laging sinasabi sa mga mata nito kung bakit siya pa ang babaeng pinakasalan ni Dylan. ___ At sa ospital. hindi pa rin bumibitaw si Dylan sa kamay ni Yell. Ngunit sa isip niya, unti-unti nang bumabalik ang isang tanong na pilit niyang iniwasan, "How am I going to tell Kany the truth?" Aniya sa isipan. "Dylan, m-may pera kayo, a-alam kong hindi pa huli ang lahat, pwede mo pang ayusin ang kalagayan natin. Hindi pa kayo nagkaanak ni Kany, please, makipaghiwalay ka na sa kanya." Nagulat si Dylan sa narinig mula kay Yell. "For our happiness. Don't give Kany false hope anymore, it's better if you just tell her that I'm still the one you love." "Tell her that… you just rushed your decision because you were angry at me." Dagdag at umiiyak na pakiusap ni Yell. Napatitig si Dylan kay Yell. Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin rito. "Dylan, niloloko mo lang siya, ako ang mahal mo. Niloloko mo rin pati ang sarili mo." Patuloy ni Yell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD