Hindi naman nagtagal si Dylan sa kanyang ponubyahan, bumalik agad siya para makabawi sa kasalanang nagawa sa kanyang inosenteng asawa.
Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang nagsasalita.
Pero hindi na tulad kanina, hindi na magulo ang isip niya.
Mas malinaw na ngayon.
Mas mabigat pero mas sigurado.
"Diretso na tayo sa bahay," maikli niyang utos kay Gardo.
"Yes, Sir," sagot nito agad.
At sa unang pagkakataon, hindi na siya nag-alinlangan.
Pagdating sa Valerioso Palace, hindi na siya dumiretso sa opisina. Hindi rin sa study room.
Kundi sa kwarto nila.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Nandoon si Kany.
Nakatayo sa may bintana, hawak ang kurtina habang nakatanaw sa labas. Parang may hinihintay.
At nang marinig ang pagbukas ng pinto, agad itong napalingon.
"Dylan…" mahinang sambit nito.
May halong gulat at saya ang mukha nito.
Bahagyang natigilan si Dylan. Sa simpleng reaksyon pa lang nito, parang may kumurot na naman sa dibdib niya.
"Umuwi ka agad…" dagdag pa ni Kany.
Tumango siya. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat, kahit hindi naman nagtatanong si Kany.
"Sandali lang naman ako," sabi niya.
"Ayokong… matagalan sa labas."
Sandaling katahimikan.
Tumingin si Kany sa kanya. Diretso at malinis.
Parang wala pa ring duda. O baka hindi lang niya pinipiling magduda.
"Okay lang," ngumiti si Kany.
"Basta nakauwi ka."
At iyon na naman.
Iyong simpleng pagtanggap. Na parang wala lang.
Dahan-dahang lumapit si Dylan. Huminto siya sa harap nito.
For a moment, wala siyang masabi.
Hanggang sa muli siyang nagsalita.
"Kany…" mahina niyang tawag.
"Hmm?"
Napabuntong-hininga siya.
"I have something to tell you."
Bahagyang kinabahan si Kany. Pero tumango ito.
"Ano 'yon?"
Saglit siyang tumingin sa gilid. Parang inaayos ang sarili.
"Next year…" panimula niya.
"I'll send you back to school."
Nanlaki ang mga mata ni Kany.
"H-ha?"
"Sa College," diretso niyang sabi.
"I'll enroll you. You can choose whatever course you want."
Parang hindi agad nakapagsalita si Kany. Nakatingin lang siya kay Dylan.
Parang hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya.
"Ako…?" mahina niyang tanong.
Tumango si Dylan.
"Yes, sweetheart. Hindi ka pwedeng… nandito lang palagi," dagdag niya, mas maingat na ang tono.
"I want you to grow and learn. And I want you to have a future."
Tahimik si Kany.
Pero unti-unting namuo ang luha sa mga mata nito.
Hindi dahil sa sakit.
Kundi sa saya.
"T-totoo?" nanginginig ang boses niya.
"Yeah."
Isang saglit at hindi na napigilan ni Kany.
Yumakap siya kay Dylan ng mahigpit.
"Salamat… Dylan…" bulong niya.
Parang bata na binigyan ng pangarap.
Napahinto si Dylan.
Hindi siya agad gumanti ng yakap.
Pero ilang segundo ang lumipas ay dahan-dahan niya ring itinaas ang kamay niya. At niyakap siya pabalik.
Mas mahigpit.
At sa yakap na iyon, may kung anong nagbago.
Hindi pa buo. Hindi pa malinaw.
Pero sa unang pagkakataon, hindi na lang obligasyon ang naramdaman niya.
May kung anong mas malalim.
"Mag-aaral ako… I’ll do my best," sabi pa ni Kany, bahagyang lumayo pero hawak pa rin ang damit niya.
Ngumiti si Dylan ng mahina.
Pero totoo.
"I know."
Tumingin siya sa mukha nito.
At sa pagkakataong iyon ay wala si Yell sa isip niya.
Kundi si Kany lang. At iyon ang nararapat, si Kany na dapat ang kanyang iisipin, dahil ito ang pinakasalan niya.
Napabuntong-hininga siya. Sa isip niya ay sana matutunan na niyang mahalin si Kany para tuloyan nang mawaglit sa isip niya si Yell.
Sa labas ng silid, tahimik ang buong mansyon.
Pero sa loob ng kwartong iyon, may isang bagay na unti-unting nagsisimula.
Hindi pa pag-ibig.
Pero hindi na rin kasinungalingan.
At sa unang pagkakataon, pareho silang may inaasahan,
isang bagong bukas.
Tahimik ang gabi sa Valerioso Palace.
Tanging marahang pag-ihip ng hangin at ang mahinang paggalaw ng kurtina ang maririnig sa loob ng silid.
Magkatabi na sa kama sina Dylan at Kany at magkayakap.
Mahimbing ang tulog ni Kany, nakatagilid paharap sa kanya, hawak pa ang laylayan ng damit nito, parang takot na pakawalan siya kahit sa panaginip.
Samantalang si Dylan ay gising pa.
Nakatitig sa kisame.
Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang bigat na naman sa dibdib niya.
Hanggang sa narinig niya ang mahinang pagtunog ng kanyang cellphone.
Biglang umilaw iyon sa bedside table. At alam niya agad na hindi lang basta message iyon.
Isang tawag iyon.
Inabot ni Dylan ang kanyang cellphone. Nakita niya agad na
unknown number.
Bahagyang kumunot ang noo niya. Ganito ang mga tawag na hindi niya pwedeng i-ignore, lalo na kung may kinalaman sa clan nilang mag-ama na si Don Brixton.
Saglit niyang sinulyapan si Kany.
Mahimbing ang tulog nito.
Maingat niyang sinagot ang tawag.
"Hello?"
"G-good evening po, Sir Dylan…"
Nanlaki ang mga mata niya.
Kilala niya ang boses, ang assistant ni Yell iyon.
At sa isang segundo ay parang tumigil ang mundo niya.
"What do you need?" malamig niyang sagot, pero may bahid ng pag-iingat.
"Na-aksidente si Ma'am Yell, Sir…"
Parang may sumabog sa tenga niya.
"N-nasa hospital siya ngayon…"
Hindi na niya narinig ang kasunod.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
Parang may pumipiga sa dibdib niya.
"Saan?" mabilis niyang tanong.
Nang maibigay ang pangalan ng hospital ay agad niyang pinatay ang tawag.
Sandaling katahimikan.
Pero sa loob niya ay magulo.
Sobrang gulo.
Napatingin siya kay Kany.
Nandoon ito. Tahimik. Payapa. Walang kaalam-alam na natutulog.
Pero sa likod ng isip niya ay ibang mukha ang sumisingit.
Duguan, nag-iisa at nasasaktan, iyon ay si Yell.
"Damn it…"
Mariin niyang ipinikit ang mata.
Hindi niya dapat ginagawa ito.
Hindi na dapat.
Pero hindi niya kayang balewalain si Yell, ang babaeng minahal niya nang buong-buo.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama.
Maingat.
Halos hindi huminga.
Ayaw niyang magising si Kany.
Isang segundo at dalawa ay napatigil siya.
Napatingin ulit sa asawa.
Parang may pumipigil.
Parang may bumubulong na huwag kang umalis.
Pero mas malakas ang isa pang boses.
Paano kung huli na ang lahat?
Mariin siyang napalunok.
At tuluyan siyang tumayo.
Kinuha niya ang susi ng kotse.
Hindi na siya nagpalit ng damit at diretso na siya.
Hindi na rin siya nag-iwan ng kahit anong salita.
Hindi niya kayang gisingin si Kany at hindi niya kayang makita ang mga mata nitong nagtitiwala sa kanya habang siya ay aalis para sa iba.
Alas-onse ng gabi.
Tahimik ang buong palasyong mansion ng Valerioso, habang nagmamadali siyang bumaba.
"Sir?" gulat na tanong ni Gardo nang makita siya.
"Ihanda mo ang sasakyan. Now."
Walang tanong at walang paliwanag.
At ilang minuto lang, umaandar na ang sasakyan palabas ng gate. At nakasunod agad sa kanya ang kanyang anim na guardian maliban kay Gardo na siyang nagmamaneho sa kanyang sasakyan. Nagmessage nalang siya sa kanyang ama para hindi ito mag-alala sa pag-alis niya ng gabing iyon.
Habang papalayo siya ay mas lalo niyang nararamdaman ang bigat.
Hindi lang dahil kay Yell.
Kundi dahil sa kung ano ang iniiwan niya sa likod.
Sa loob ng silid naman, hindi nagtagal ay bahagyang gumalaw si Kany.
Dahan-dahang nagmulat ng mata.
Madilim, tahimik at malamig.
Kinapa niya ang kabilang side ng kama.
Wala si Dylan.
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Dylan…?" mahina niyang tawag.
Walang sumagot.
Umupo siya.
Tumingin sa paligid.
Walang tao.
At sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang kaba ang pumasok sa dibdib niya.
Parang may nawalang hindi niya maintindihan, hindi naman niya hawak,
pero pakiramdam niya, unti-unti itong kumakawala.
Hinawakan niya ang kumot ng mariin.
At kahit wala pa siyang alam ay parang may unti-unting nababasag sa loob niya.
Habang si Dylan naman sa hospital ay nagmamadaling pumasok kasama ang kanyang mga guardian. At doon ay nakita niyang kararating lang din ng mga magulang ni Yell.
Laking pagpapasalamat ng mga ito sa kanya na hindi niya natiis si Yell.
Nang makita niya si Yell na nakahiga, maputla, may benda ay parang may sumaksak sa dibdib niya. Mahal na mahal niya si Yell. At ayaw niyang mawala ito.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Dylan.
Diretso siyang lumapit sa kama kung saan nakahiga si Yell. Mabagal ang bawat hakbang niya, pero mabigat.
"Yell…" mahina niyang tawag.
Hindi agad ito gumalaw. Nakapikit pa rin, maputla ang mukha, at may mga galos sa braso.
Nakakabit ang dextrose at may bahid ng dugo ang benda sa noo.
"Sir, buti na lang po at dumating kayo," mahinang sabi ng assistant ni Yell sa likod niya.
"Yes, hijo. Kanina pa siya pabalik-balik sa malay, kayo ang hinahanap ng anak namin," Umiyak na wika ni Mrs. Fernandez.
Habang ang ama ni Yell ay tahimik lang na nagmamasid sa ina.
Bahagyang napapikit si Dylan.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Yell. Malamig iyon.
"Yell… I'm here, babe." Wika ni Dylan na tinawag na ito sa kanilang tawagan.
Ilang segundo ang lumipas.
Hanggang sa bahagyang gumalaw ang mga daliri nito.
Unti-unting nagmulat ng mata si Yell. Malabo pa ang paningin, pero nang tuluyang luminaw ay nagliwanag ang mukha nito.
"D-Dylan?" Mahinang sambit na may halong sakit at ginhawa ang boses nito.
"Yeah. I'm here," mas lumambot ang tono niya.
Biglang namuo ang luha sa gilid ng mata ni Yell.