CHAPTER 13

1146 Words
Tahimik ang buong paligid. Tanging ilaw ng lampshade ang sumasayaw sa mga dingding pagdating nila sa kanilang silid. Maingat na binuhat ni Dylan si Kany hanggang sa kanilang kwarto. Nahihiya pa siya sa asawa na binuhat siya nito, nais niya sanang ibaba na siya pero umiling ito at kayang-kaya lang daw siya nito. Para bang gustong bumawi agad si Dylan sa kanyang nagawa sa asawa at para siyang inuusig ng konsensya agad nang makitang naghihintay ito sa kanya sa sala at nakatulog na lang. Magaan lang ito para sa kanyang mga bisig. At wala talaga sa mukha nito ang pagdududa sa kanya na madaling araw na siyang nakauwi. "Dylan…" mahinang sambit ni Kany, halos pabulong, habang nakapikit pa ang mga mata. "Nandito na ako, sweetheart, sorry talaga." sagot niya. Pero kahit simpleng salita lang iyon, parang may bumara sa lalamunan niya. Dahil alam niyang hindi siya ganap na nandito. Dahan-dahan niyang inihiga si Kany sa kama. Inaayos niya ang kumot sa katawan nito, mas maingat pa kaysa dati. Parang sa bawat galaw niya, may kasamang paghingi ng tawad na hindi niya masabi. At maingat siyang humiga rito. "Dylan…" "Thank you… nandito ka na." Ulit na sabi ni Kany sa asawa. Parang batang natakot na mawala ang sandigan. Parang walang ideya kung gaano siya kalapit sa pagkasira. Hindi sumagot si Dylan. Hindi niya kaya. Tahimik siyang niyakap lang ito. Huminga pa siya nang malalim. Pero imbes na gumaan, mas lalo lang bumigat ang dibdib niya. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Yell. Ang ibang kama. Napapikit siya nang mariin. "Damn it…" Mahina, halos pabulong. Bakit ba nalagay siya sa ganitong sitwasyon? Niyakap man niya si Kany pero ang nangyari naman sa kanila ni Yell ang gumagambala sa kanya. Kinabukasan. Tahimik ang almusal sa Valerioso Palace. Nandoon si Kany, maaga pa ring nagising. Masigla, kahit halatang puyat. Naghahanda siya ng pagkain at nagpupumilit na tumulong sa matandang si manang Martha. Simple niyang sinubukang gawing normal ang lahat. "Good morning," masayang bati niya kay Dylan nang bumaba ito. Saglit na natigilan si Dylan. Tumingin siya sa kanya. At sa isang segundo ay halos hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. "Morning," malamig niyang sagot. Umupo siya. Hindi siya kumain agad. Nakatingin lang siya sa pagkain, pero wala siyang gana. "Late ka na naman kagabi, madaling araw ka na nakauwi," mahinang sabi ni Kany habang inaayos ang plato niya, noon lang ito nagsalita pero kagabi ay wala itong ni kahit isang tanong man lang. Parang inosenteng tanong lang iyon ni Kany. Pero para kay Dylan, parang kutsilyong dahan-dahang pumasok sa dibdib niya. "After meeting, nagyaya ang mga, kasamahan namin ni Dad," sagot niya agad. Simpleng sagot. Pero hindi naman siya sanay sa pagsisinungaling. Ngumiti si Kany. "Okay lang. Basta safe ka." "T-thank you sa pag-iintindi, sweetheart." Sabi pa niya rito. "Ahhm, Sir, kakain nalang ba kayo ng asawa mo? Mamaya pang 8:00 am kakain ang Mommy at Daddy niyo. Ang mga kapatid mo rin ay tulog pa. Napuyat na naman siguro sa panonood ng movie sa kwarto nila." Sabi naman ng matandang si Manang Martha. Tumango si Dylan. "Yes, mauna na kami ng asawa ko." Malamig na sagot ni Dylan. "Come on, sweetheart, mag breakfast na tayo." "S-sige," Masayang wika ni Kany at umupo na agad sa tabi ng asawa. Habang kumakain si Kany, hindi niya napapansin ang unti-unting paglayo ng tingin ni Dylan. Parang bawat sandali na tinitingnan niya ito, may ibang mukha na sumisingit sa isipan niya. Hindi dapat. Pero ayaw umalis. "Dylan," biglang sabi ni Kany. Natigilan siya. "Hmm?" "May amoy kang kakaibang perfume kagabi. Parang hindi sa'yo." Hindi napigilan na sabi ni Kany. Sandaling katahimikan. Parang huminto ang mundo ni Dylan. Napatingin naman sa kanila ang matandang si Manang Martha. "B-because of a meeting with a lot of people," mabilis niyang sagot. "Baka may nakadikit lang sa akin." Dagdag ni Dylan. Tumango si Kany. Pero hindi siya agad sumagot. Parang may iniisip. Parang may naramdaman. Pero hindi pa niya kayang bigyan ng pangalan. "Okay…" mahina niyang sabi. Ngumiti ulit siya. Pero mas mabagal na ngayon. Nakailang subo lang si Dylan at tumayo na ito. "Mauna na ako. May dapat pa pala akong mahalagang puntahan, pero babalik agad ako, Sweetheart." Paalam ni Dylan. At totoo naman iyon. May halaga nga siyang puntahan ng umagang iyon sa isa sa mga kasamahan niya. Kaya pala maaga itong naligo at nagbihis kahit na madaling araw na ito nakauwi. "Ah, o-okay," sagot ni Kany. "Mag-iingat ka." Tumigil si Dylan sa paglakad. Isang segundo hanggang dalawa. Pero hindi siya lumingon. "Okay." At umalis siya. Pagkaalis ni Dylan, nanatiling nakaupo si Kany. Tahimik. Nakatingin lang sa platong hindi niya naubos. Unti-unti, nawala ang ngiti niya. Hinawakan niya ang kutsara. Pero hindi na siya kumain. May kung anong hindi niya maintindihan. Pero ramdam niya. ___ Sa kabilang banda. Sa loob ng kotse ni Dylan, mariin siyang nakahawak sa manibela. Nang nagmamaneho ang alalay niyang si Gardo papunta sa kanyang pupuntahan ay nakatingin lang siya sa kalsadang nadadaanan. Habang ang ibang guardian ni Dylan ay nakasunod na rin sa kanilang kotse. Blanko siya At sa loob ng isip niya ay magulo pa rin. "She's your wife now… not her," "Kaya dapat siya ang laman ng isip mo," Anang isipan niya. Mariin niyang ipinikit ang mata. "Shut up…" Mahina. Parang kausap ang sarili. At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang kasal ay hindi na sigurado si Dylan kung sino ang mas sinisira niya. Ang babaeng iniwan niya kagabi… o ang babaeng araw-araw niyang inuuwian. Mariin pa ring nakahawak si Dylan sa manibela habang umaandar ang sasakyan. Tahimik. Pero sa pagkakataong ito, hindi na lang kaguluhan ang nasa isip niya. Unti-unti, parang may pumipigil sa kanya. At iyon ay ang imahe ni Kany. Naghihintay at tahimik. Natutulog sa sofa nang walang reklamo. Parang walang alam sa mga kasalanang pilit niyang tinatakasan. Huminga siya nang malalim. "Tama na." Mahina, pero desidido. Kahit mahal na mahal niya si Yell ay nangibabaw ang malinaw na desisyon sa isip niya. Hindi na siya uulit. Hindi na niya hahayaan na maulit pa ang gabing iyon. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mata. At sa likod ng isip niya, unti-unting nabuo ang isa pang plano. Para kay Kany. Hindi lang bilang asawa. Kundi bilang babaeng unti-unti niyang nakikitang kailangan ding lumago sa mundong ginagalawan niya. "Kailangan niyang matutong makisalamuha…" bulong niya sa isip. Hindi siya perpekto. Hindi siya sanay sa mundo ng mga Valerioso. Tahimik ito. Madalas nasa sulok lang. Laging naghihintay. At sa unang pagkakataon, hindi na lang ito basta asawa sa papel ni Dylan. Kundi responsibilidad na rin niyang alagaan ang magiging kinabukasan nito. "Next year…" mahina niyang sabi sa sarili habang nakatingin sa kalsada. "Magpapatuloy siya sa kanyang pag-aaral," Aniya. Hindi para palitan ang nakaraan. Kundi para bigyan siya ng sariling mundo. Sariling lakas at sariling boses. Para hindi ito kailanman mangailangan ng mundo na hindi siya kayang panindigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD