CHAPTER 19

1072 Words
Bumangon siya para makapagsalita ng maayos. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang mga salitang sisira sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Huminga siya nang malalim. "Kany… may kailangan akong sabihin." Bahagyang natigilan muli si Kany. Yung klase ng tigil na parang may masamang kutob na agad. "Ano yun…?" maingat nitong tanong. Hindi agad sumagot si Dylan. Napapikit siya sandali. At sa likod ng mga mata niya ay sunod-sunod na pumasok ang mga alaala—si Yell. Ang mga panahong kasama niya ito. Ang mga maling desisyon niya. At si Kany… yung inosenteng babaeng pinasok niya sa mundong hindi naman talaga ng para dito. Binuksan niya ang mga mata niya. Diretso siyang tumingin kay Kany. At doon pa lang ay parang gusto na niyang umatras. Pero huli na. "Kany…" muling tawag niya, mas mabigat na ang boses. "Hindi talaga kita minahal." Parang biglang tumigil ang mundo. Hindi agad nagsink in ang mga salita. Napakurap si Kany. "A-anong… sabi mo?" Huminga nang malalim si Dylan. Hindi na siya umatras dahil nasimulan na niya ang pagsasalita. "I married you because I had no choice." Parang unti-unting nababasag ang kung anong meron sa pagitan nila. "Dahil… mula noon hanggang ngayon…" napalunok siya. "There's a woman I love. She was my girlfriend for three years. And I love her very much, Kany." Hindi na gumalaw si Kany. Hindi na rin ito nagsalita. Nakaupo lang ito sa harap niya, parang unti-unting nawawalan ng lakas. "S-si Yell..." mahina niyang dugtong. At doon, tuluyan nang bumagsak ang lahat. Napailing si Kany. Isang beses at dalawang beses. Parang hindi niya matanggap. "Hindi…" pabulong niyang sabi. "Hindi… hindi totoo 'yan…" Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. "Sinabi mo… sinabi mong mahal mo ako, pinaniwala mo ako, Dylan." nanginginig ang boses niya. "At sinabi mong wala ka nang pakialam pa sa kanya diba?" Humihikbing dagdag ni Kany. Grabe, sobrang sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Napapikit si Dylan. Mas lalong sumikip ang dibdib niya. "I tried…" mahina niyang sabi. "But I can't forget Yell just like that. I'm sorry, I never intended to hurt you, Kany. I thought everything would be easy and that I would learn to love you right away." Tahimik ang namayani sa kanilang dalawa. Pero mas masakit kaysa sigawan. At ang katahimikang iyon ay binasag ng biglang paghagulgol ng iyak ni Kany. Pinipilit niyang manatiling matatag sa mga sinabi ni Dylan ngunit hindi niya kaya. Durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon. "M-May magiging anak na tayo, Dylan." nanginginig niyang sabi habang hinahawakan ang tiyan niya. At doon, halos hindi na makahinga si Dylan. Alam niyang iyon ang pinaka masakit na parte para kay Kany. "I know…" paos niyang sagot. "I won't abandon our child." Natawa ng hilaw si kany habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Walang kasing sakit ang naramdaman niya ngayon. "Anong ibig mong sabihin?" diretsong tanong niya. Hindi agad nakasagot si Dylan. Ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata ay sunod-sunod niyang pinahid iyon. "Kany, makipaghiwalay ako sa'yo. I'm sorry. Pero hindi ibig sabihin na pababayaan ko ang pagbubuntis mo. Isisilang mo pa rin ang anak ko na nandito ako sa tabi mo." "Ganun lang?" mahina niyang tanong. "Ganun lang ako kadaling hiwalayan mo, Dylan? Bakit ginawa mo ito sa akin?" Muling hagulgol na iyak ni Kany. Napayuko si Dylan. Hindi niya kayang sagutin iyon. Kasi kahit anong sabihin niya, alam niyang wala nang magpapagaan sa sakit na binigay niya. Napatayo si kany at napaatras. Parang kailangan niya ng distansya. Parang nasasakal siya. "Ang daya mo…" umiiyak niyang sabi. "Pinakasalan mo ako… pinaasa mo ako…" Humawak siya sa dibdib niya. "At ngayon… habang dinadala ko ang anak mo… saka mo sasabihin na hindi mo talaga ako mahal? At si Miss Yell pa rin ang mahal mo?" Napakagat si Dylan sa labi. Doon na niya naramdaman, hindi lang guilt. Kundi bigat ng sarili niyang kasalanan. "I'm sorry…" iyon lang ang nasabi niya. Pero kulang. Alam niyang kulang na kulang. Umiling si Kany. "Wag…" pigil niya. "Wag kang magsorry kung makikipaghiwalay ka rin naman sa akin." Tahimik ulit. Pero ngayon, basag na ang lahat. Napahawak si Kany sa tiyan niya. Parang doon na lang siya kumakapit. Napatayo rin si Dylan mula sa kama nila. At tiningnan ang reaksyon ng babaeng pinakasalan niya. Kung gaano niya ito nasaktan ngayon. "Ano na lang ang mangyayari sa akin? Bakit mo nagawa ito sa akin? Dahil ba nasa itaas ka? Kaya pinapaikot mo lang ang isang kawawang babaeng tulad ko?" Patuloy ni Kany. Lahat ng saloobin niya ngayon ay gusto niyang ilabas. "Napakatanga ko rin pala ano? Nag eexpect akong totoong mahal mo, naniwala ako. Sana nakinig ako kay inay na huwag akong mangarap ng lalaking tulad mo dahil imposible." Patuloy na iyak at pagsasalita ni Kany. Napapailing si Dylan at napahawak sa kanyang noo. "Please, tumigil ka na sa pagpapa konsensya mo sa akin, Kany. Inamin ko nang mali ako." Ang sabi ni Dylan. "Hanggang hindi ka pa nanganganak ay ayokong umalis ka dito. Obligasyon ko ang anak ko na bibigyan ng magandang buhay. Habang buntis ka sa anak ko ay ipa-process ko na ang annulment natin. And that's my final decision." Wika ni Dylan. Nasaktan na niya si Kany. Kaya iisahin na lang niya lahat. Para wala na siyang problema pa. "Dylan, huwag mo itong gawin sa akin. Siguro ay hindi mo pa ako sa ngayon matutunang mahalin. Pero alam kong darating ang araw na mahalin mo rin ako. Magkakaanak na tayo!" Nanginginig at umiiyak na pakiusap ni Kany. Wala na siyang pakialam pa. Nilapitan niya si Dylan at niyakap ngunit umiwas ito at kinalas ang kanyang mga brasong yumakap rito. "Please, stop. Huwag mo nang saktan pa lalo ang sarili mo. Sorry, Kany. Pero ipapangako ko, hindi kita pabayaan at ang anak ko. Kahit nakipaghiwalay aka sa'yo ay bibigyan ko kayo ng magandang buhay." "And after our annulment, I will marry Yell. She’s the one I truly love. She was my girlfriend for three years." Wika ni Dylan. "Dylan, maawa ka naman sa akin." Pinagpawisan na wika ni Kany. Hindi niya matanggap ang katotohanan at ang mga salitang narinig mula kay Dylan. Hindi na sumagot si Dylan. At sa loob ng palasyong minsang puno ng pangarap, tuluyan itong naglaho. Wala nang natira kundi sakit at katahimikan. At wala ng pag-asang mabubuo pa ito ulit dahil hindi pala siya minahal ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD