Tahimik ang kwarto.
Nakatayo pa rin ang doctor sa gilid ng kama, hawak ang clipboard niya habang mahinahong sinusuri ang mga huling notes.
Si Kany ay nakaupo, nanginginig ang kamay na nakahawak sa kumot.
Hindi niya alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib niya.
At si Dylan,
nakatayo pa rin sa tabi niya.
Hindi gumagalaw at hindi niya talaga makita sa mukha nito na natutuwa ito sa kanyang pagbubuntis. Parang iba ang nakita niya sa mukha nito. O baka masyado lang siyang nag ooverthink?
Parang hindi pa rin fully umaabot sa utak niya ang narinig na siya ay buntis.
Paulit-ulit na nag echo lang iyon sa isip niya.
Simpleng napahigpit naman ang kamao ni Dylan.
Hindi siya makatingin kay Kany. Sa halip, nakatitig lang siya sa hangin, parang may hinahanap na sagot na wala.
"Thanks, Doc," mahina niyang sabi, halos pabulong.
Tumingin ang doctor sa kanya.
"You're welcome, Mr. Valerioso. And congratulations to you and your wife."
Hindi na niya narinig yung kasunod na mga sinabi ng Doctor.
Kasi sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Kany.
Nakatingin sa kanya.
Tahimik.
Parang naghihintay na may maganda siyang reaksyon sa pagbubuntis nito.
Para itong umaasa.
At doon ay
parang may kumaluskos sa dibdib niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa niya.
"Kany…" mahina niyang tawag.
Ngumiti si Kany.
Pero hindi buo.
"Dylan…" sagot niya, mahina rin.
At sa ngiting 'yon ay
lalo siyang nasaktan.
Huminga si Dylan nang malalim.
Parang gusto na niyang sabihin.
At gusto na niyang aminin lahat.
Ang tungkol kay Yell.
Yung tungkol sa mga pagkakamali niya. At higit sa lahat, ang kanyang padalos-dalos na desisyon na pakasalan ito kahit na hindi niya ito mahal. At nanatiling si Yell ang minahal niya.
Nagpaalam na lang ang Doctor sa kanila na hindi nakasalita si Dylan.
Sandaling katahimikan.
Yung klase ng katahimikan na mas mabigat kaysa ingay.
Naiwan silang dalawang magkatapat.
"Dylan…" mahinang tawag ulit ni Kany.
Hindi siya agad sumagot.
Umupo siya sa gilid ng kama.
Mabagal.
Parang mabigat ang bawat kilos niya.
"O-okay ka lang ba, Dylan? Parang hindi ka natutuwa sa pagbubuntis ko." tanong ni Kany na nasaktan ang kalooban at Kitang-kita sa mukha nito.
Muling natigilan si Dylan. At parang may sumabog sa loob niya dahil sa narinig mula sa asawa.
Napapikit siya.
Matapang siyang lalaki sabi ng kanyang alalay pero parang hindi pa talaga pwede na sabihin niya agad kay Kany ang lahat.
Hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo dahil sa pagdadalantao nito ngayon.
"W-Who said I'm not happy? Of course, I'm happy that we're having a child, Kany. Take care of yourself for our baby." Wika ni Dylan.
Tila naiyak naman si Kany sa narinig sa kanya.
"Thank you," Mahina niyang wika.
Ewan ba ni Kany, kung bakit naramdaman niyang hindi natuwa si Dylan sa kanyang pagbubuntis.
Napabuntong-hininga si Dylan. Nais niya sanang tumabi ng higa sa kanyang asawa, pero simula nang nagkaayos silang muli ni Yell ay parang hindi na niya kayang tatabi sa asawa.
Kinahapunan. Walang nagawa si Kany nang muling nagpaalam sa kanya si Dylan na may importante na naman daw itong lakad.
Kahit masama ang loob ni Kany, dahil ayaw niya munang aalis ang asawa ay inintindi na lang niya. Baka iyon talaga ang realidad dahil nag-aasawa siya ng makapangyarihang lalaki at maraming obligasyon araw-araw.
Ang hindi alam ni Kany na muling dumalaw si Dylan kay Yell sa hospital.
Tahimik ang loob ng ospital.
Puting ilaw, mabahong amoy ng disinfectant, at mga hakbang ng mga nurse at Doctor na nagmamadali sa pasilyo.
Mabagal ang lakad ni Dylan habang papasok sa private room ni Yell sa private hospital na iyon.
Hindi niya alam kung kailan maging ganito ang lahat.
Pero alam niya ang isang bagay,
Hindi siya dapat nandito kapag paiiralin n'ya ang tama. Pero mahal na mahal niya si Yell, hindi pwedeng hindi niya ito muling dadalawin sa hospital.
Huminto siya sa harap ng pamilyar na pinto.
Saglit siyang napahawak sa doorknob.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
At agad niyang nakita si Yell.
Nakaupo na ito at ang assistant lang nito ang kasama. Baka umuwi muna ang ina ni Yell.
Paglingon nito sa kanya ay agad na nagliwanag ang mukha nito nang makitang siya ang pumasok.
"Dylan…" Masayang sambit nito.
"Bumalik ka…" Wika nito.
Mabilis siyang lumapit rito at niyakap agad ito.
Mahigpit silang nagyakapan.
Sandaling hindi kumilos si Dylan.
Pero hindi rin siya unang kumalas rito.
Hanggang sa dahan-dahan nitong inilayo ang sarili sa kanya at tumingala sa kanya. Napansin naman nito agad na parang may mabigat sa kanyang pakiramdam. At may pinoproblema siya.
Napakunot ang noo ni Yell.
"Why, babe? Is something wrong?" Tanong ni Yell.
Tahimik si Dylan.
Hindi niya alam kung saan magsisimula.
"Yell…" mahinang tawag niya.
Pero alam na nito agad na talagang may mali.
"Dylan…" bumaba ang boses nito.
"What happened?"
Huminga nang malalim si Dylan.
"I need to tell you something."
Natigilan si Yell.
Sandaling katahimikan.
At sa katahimikan na iyon, unti-unting bumigat ang hangin.
"Tell me," mariing sabi ni Yell.
Hindi agad nagsalita si Dylan.
Parang bawat salita ay may bigat na ayaw lumabas.
Napahigpit ang hawak ni Yell sa kamay niya.
"Dylan… ano na naman 'yan?"
Huminga siya ulit.
"My wife is pregnant."
Parang biglang nawala ang ingay ng mundo.
Hindi kumurap si Yell.
Hindi gumalaw.
"Anong… sinabi mo?" mahina niyang tanong.
Hindi sumagot si Dylan.
At doon,
unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Yell.
Mula sa pag-asang nakangiti kanina ay
naging blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
"B-buntis?" ulit niya, halos pabulong.
At biglang sumikip ang dibdib ni Yell. At napapailing.
"Buntis ang asawa mo?" ulit niya, this time mas malinaw, mas mabigat.
Tumango si Dylan.
Isang beses lang, at
sapat na iyon.
"That's why it's so hard to leave her." Dagdag ni Dylan.
Biglang natahimik ang paligid.
At pagkatapos ay muling nagsalita si Yell.
"Are you kidding me?"
Biglang tawa ni Yell.
Pero walang saya ang pagtawang iyon.
"Dylan… you're here again, at kailangan mo na talagang mamili. Wala akong pakialam kung buntis ang asawa mo." nanginginig na boses ni Yell sa galit.
"Leave her, Dylan. Her pregnancy isn't a reason for you to stay with someone you never loved."
"Isa kang makapangyarihang tao. Bakit ka natatakot sa babaeng katulad lang ni Kany? Haller? Ikaw pa ba yan, Dylan?" Inis na wika ni Yell.
Napayuko si Dylan.
"You didn't—"
"Stop." putol ni Yell, biglang tumaas ang boses.
"Stop coming here if you can't even choose me."
Napatingin si Dylan.
"Yell…"
"At gusto ko na lang magpapakamatay. Umalis ka na," Hagulgol ni Yell.
"What!?" Naningkit ang mga matang sigaw ni Dylan.
"Yes. Kung natatakot kang masaktan mo si Kany ay umalis ka na lang… gusto ko na lang din tapusin ang buhay ko." Ani Yell na agad niyang hinila ang kanyang mga dextrose.
Nanlaki ang mga mata ni Dylan pati na ang assistant ni Yell.
"Damn it, Yell! Stop it!" Galit na kaagad na pinigilan ang pagwawala ni Yell.
Ngunit huli na. Natanggal ang kanyang mga dextrose at agad na humihingal si Yell kaya nataranta si Dylan at ang assistant.
"Sh*t! Tawagin mo ang Doctor, Leah!" Pasigaw na utos ni Dylan sa assistant ni Yell.
"Y-yes po, Sir! Sandali!" Natarantang wika ng assistant.
Hindi naman nagtagal ang Doctor ni Yell, mabilis agad na inasikaso si Yell at muling inayos at ibinalik ang dextrose nito.
Napapailing si Dylan habang pinagmamasdan si Yell. Kahit nasa ganitong kalagayan ito, hindi pa rin nito mapigilan ang emosyon nito.
___
Nakatulog si Yell pagkatapos itong magwala. At si Dylan ay nanatili sa tabi nito. Ayaw niyang iiwan si Yell hanggang maging okay na at siguradong ligtas na ito.
Iisa na ang kanyang desisyon. Sasabihin na niya kay Kany ang lahat. Hindi naman niya pabayaan ang pagbubuntis nito, at lalo na ang kanilang magiging anak ni Kany.
____
Tahimik ang buong palasyo pagdating ni Dylan dahil malalim na ang gabi. Lahat ng mga tauhan sa palasyo ay tulog na, maliban sa mga guwadiya na naka schedule na magbabantay sa gabing iyon ng buong palasyo.
Mabigat ang bawat hakbang niya habang naglalakad paakyat at papasok sa kwarto nila ni Kany.
Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita ang ilaw mula sa lampshade ng kanilang kwarto.
At doon naaabutan niyang tulog na ang asawang si Kany. Sa isip niya ay dapat na talaga niya kinabukasan sasabihin ang lahat para hindi na siya araw-araw makokonsensya dahil sa kanyang pagsisinungaling kay Kany.
Tumabi na lang siya ng tulog rito pero hindi na niya ito niyakap.
____
Kinaumagahan. Nagising siyang nasa tabi niya si Kany.
Nakaupo ito.
Tahimik at nakatitig lang sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Siguro iniisip na naman nito kung saan siya nanggaling kagabi.
Bahagya itong napalingon nang maramdaman na gising na siya.
"Dylan… good morning." mahina nitong bati at ngumiti ng matamis sa kanya.
Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya.
Naroon na naman yung tingin ang inosenteng awra nito at ang tila anghel sa kabaitan na nakangiti sa kanya.
At iyon ang mas lalong nagpapabigat sa kanya.
"Good morning too, Kany." Tugon naman niya.
Natigilan si Kany. Napapansin na niya na hindi na talaga siya tinawag ng sweetheart ng asawa.
Hindi niya alam kung bakit,
pero biglang may kung anong kumirot sa dibdib niya.