"Alam ko." "Alam mo?!" Halos mapataas ang boses ni Donya Karah Isabelle. Napahawak siya sa dibdib niya. Parang hindi niya matanggap ang naririnig. "Ganito ka ba pinalaki namin ng Daddy mo?!" puno ng sakit ang boses ni Donya Karah. Dahil awang-awa siya kay Kany. "Hinayaan ka naming magdesisyon na magpakasal agad kay Kany dahil akala namin ay wala na talaga si Yell para sa'yo, Dylan. Pero bakit? Kawawa naman ang asawa mo." Natahimik si Dylan. Pero ang katahimikan niya, hindi kawalan ng pakialam. Kundi pagtanggap sa galit na nararapat lang sa kanya. "I will take responsibility for the child, Mommy." Malamig na wika niya sa kinilalang ina. "I’ll provide everything they need." Napatawa si Donya Karah Isabelle. Pero walang saya. Puro pait ang tawa na pinakawalan ng batang Donya

