Chapter 8

2332 Words
“Habang nakikipaglaban ay tumulong ang isang lalaki… Ikaw yun, Kuya Jiro… Bawat galaw mo ay nakakahanga nun ngunit mas kinaagaw ng pansin ko na tatlo na tayo… Tatlo tayong napaligiran ng 20 darkenians nun… Isang babae, I got interested to the both of you while we are in the fight… Who are you?? Pano nyo nagagawa yun?? Ni parang magkasing galing lang tayo don. Nagulat ako ng muntikan akong masaksak ngunit sinangga yun nung babae. Nang makita kong handa ka ng saksakin din nun ay sinangga ko yun hanggang sa mapalibutan uli tayo… Ewan ko pero parang sinasabihan ako ng loob loob ko na protektahan mo sila, parang ang lapit na ng damdamin ko sa kanilang dalawa na ang pagprotekta namin sa isa’t isa ay tumitibay… And honestly, it’s the first time that I feel relieve, happy, and joy within me.” Tumigil uli ito at makikita mo ang ngiti sa labi nito.   “After that mas nakilala nating tatlo ang isa’t isa… Nakilala ko din ang buong mamamayan ng Caupo dahil sa inyong dalawa na taga-doon… Sa buong araw na yun, nabago nyo ang prinsipyo ko sa bayan ng Caupo… Dahil sa bayan ng Caupo ko naramdaman ang pagmamahal, pagmamalasakit nyo kahit na bago pa lamang ako doon… Kung pano kayo magturingang parang pamilya… Simula nung araw na yun araw araw na tayong nag gagala ni nakikipagkulitan sa isa’t isa ni minsan ay iginagala mo kami ni Jeesu sa mga bundok o kaya naman sa gubat haha. Naalala ko pa nung nagkamission ako kasama ang royalties nun at nagsabi ako sayo na hindi ako makakasama sa inyong dalawa… Doon sa mission may nakasalamuha kaming lobo kaso nagulat ako ng muntikan na akong kagatin nun kaso may dalawang palasong sabay na tumusok sa puso ng lobo… Palaso ng dalawang kapatid ko na may sulat pa…” tumigil ito at tumingin pa sakin at sa grave ni Kuya Jiro, tanda ko pa yun.   “Sabi nyo pa ay gagabayan mo ako kahit ang royalties sa mission na iyun kaya pagkatapos ng lobo ay wala na kaming nakasalamuha pa na nakakapagtaka sa iba ngunit para sa akin ay hindi… Para tayong pamilya… Alam mo namang mas close ako kay Jeesu pero hindi ka din nagpapahuli syempre haha ni perehas pa tayong yayakap bigla kay Bunso na nanghihingi ng lambing… Ang dami dami pa pero maraming maraming salamat, Kuya Jiro… Nangako ako sayo at tutuparin ko yun… Brad tayong tatlo, triplets tayo… Kahit kambal nalang ang natira, triplets at triplets padin ang isasapuso namin. Ikaw naman nga, Brad!! Nakakainis, naluluha ako!!” saad ni Leo na nagpunas pa ng luha na bahagya naming kinatawa dito. Nabatukan ko na lamang toh sa kaartehan nito. “Pepsi ka talaga, ganda ng sinasabi mo sisingitan mo ng kabalastugan!!” saad ko dito na kinatawa naman nila doon at lalo na si Leo na sobra sobra ang lakas ng tawa nya.   “Ahmmmm, hi?? Potek na yan!! HAHAHAHA hindi ko alam sasabihin ko!!” nakaramdam naman ako na binatukan ako ni Lionel at tawanan nila, eh sa hindi ko alam ang sasabihin eh.   “Ayusin mo naman, gayahin mo ako…” saad nito na binelatan ko na lamang at tsaka ako bumaling muli sa grave nito.   “Hello, Kuya Jiro… Eto na ata ang pinakauna kong beses na kausapin ka ng hindi mo ko ginagaya… The first time we met, saan nga ba?? Ah!! The day before mabuo ang triplets ay nakilala kita kaso hindi kita pinansin haha. Binangga mo ako nung dala ko yung mga binake kong tinapay na paninda namin ni Kuyang loko ka!! Hindi kita pinansin nun kese hindi din kita kilala, ewan ko ba pero nung iniabot mo sakin yung box magpapakilala ka dapat kaso umalis ako, eh kese naman epal ka nun napagalitan din ako nung madamunyung may ari ng bakery!!” nakarinig naman ako ng mga hagikgik sa haba ng sinabi ko, eh sa ganun nangyari eh.   “Okay, sinabi mo na sakin noon yung dahilan mo eh kung bakit mo ko binunggo so ako naman ang mag-eexplain kung bakit kita hindi pinansin… Everyone in Caupo knows me, because of my mask at dahil din siguro sa hindi ako natatakot ni isa sa kanila kese wala namang katakot-takot eh… I have some trust issues dati kaya natakot ako nung magpakilala ka, I really don’t have friends dati until kinabukasan ay narinig ko ang sangga ng espada… Mabilis akong gumalaw nun at yun nga nabuo tayo… Mabilis ang pangyayari eh pero hindi na kataka-taka… Close ako sa inyong dalawa kese komportable ako na makipagkaibigan sa lalaki dahil kay Kuya nadin… Salamat, Kuya Jiro.” Tumigil ako ng maramdaman kong may nagbabadyang luha sakin.   “Salamat kese pag wala si Kuya ikaw ang nagiging ama or ina ko minsan… Namiss namin ni Leo yung tawa mong napakalakas, yung mga malulutong mong salita kapag pinaprank ka namin at lalo na yung mga paglalambing mo na daig mo pa ang babae haha miss ko na yun… And syempre sobrang laking thank you sa inyong dalawa, nakakainis ka!! Mamimiss ko yung pagsayaw nyo sakin nung birthday ko, yung slow dance haha madami pa e lalo na yung pag-aaya mo samin ni Leo sa kung saan saan ni madami kaming nakilala dahil sayo at ang panggagaya mo pa kay Leo pag hindi sya nakakdating minsan satin… Salamat, Kuya Jiro!!” napabuntong hininga naman ako upang pigilan ang luhang nagbabadya sakin.   “Ngayon nandito kami kese gagawin ulit namin sa tatlong araw yung mga espesyal na eksena na importante saming dalawa ni Leo dahil sayo… Kaya nandito din kami para humingi syempre ng gabay, gabayan mo sana kami sa mga kalokohan namin kese ngayon wala nang magsasabing ‘Wag yan, baka mapano kayo.’, ‘Masama yung ginawa nyo, magsorry kayo.’ Yung mga ganun mo haha kaya ayun… Happy… 2nd Anniversary, Kuya Jiro… Love you, Kuya… Miss na miss ka na namin…” Saad ko na lamang tsaka ako bahagyang nakaramdam ng mga yakap, ang girls ngunit nanaig ang yakap ni Arganna sakin na kinatingin ko dito.   Ngunit sa halip na mabaling dito ay may nahagip ang mata ko, alam kong malayo sya samin ngunit hindi na kataka taka dahil sa gem ko ang makita ito. Alam kong naramdaman din yun ni Leo dahil napatingin din ito doon.  Biglang may naubo na emosyon sakin nang makita ko itong lumitaw sa harap namin. Nakablack cloak ito kaya’t hindi maaninag ang mukha nito ngunit sa aura nito kilalang kilala ko toh. Napatayo agad kami doon ng sumulpot ito.   “J-jeesu and Prince L-leo.” Saad nito na kinakuyom ko mas lalo ng kamay ko, walang umimik samin ni Leo ni sa mga kasama namin ngunit ramdam ko sa sarili ko na nalakas ang aura ko sa emosyong nararamdaman ko.   “Sino ka?? Lumayo ka samin kung ayaw mong mamatay ng maaga.” Saad ni Lovery nakinatingin ng nakablack cloak dito ngunit bumaling uli ito samin o sakin ata.   “G-gusto ko sana kayong makaus-”   “Pero hindi ka namin gustong makausap ngayon kaya kung ako sayo habang pigil na pigil namin ang emosyon namin, umalis ka nalang…” pagputol ni Leo dito na kinabuntong hininga nito tsaka sya bumaling sakin at napatingin pa sya sa kamao kong gigil na gigil nang tumama sa mukha nya.   Naramdaman kong may humawak nun at alam kong si Leo yun ngunit hindi padin ako mapapakalma dun ng ganun lang. “J-jeesu… Tatlong araw nalang ang meron ako para kausapin kayo, tumakas lang ako kaya please makinig naman kayo sak-”   “Tapos na lahat, Luke… Wala na si Kuya Jiro and we are trying to let him go!! Wrong timing ka eh… Umalis ka muna tsaka mo kami balikan bago mag tatlong araw, Luke… Ako na nakikiusap hangga’t kaya ko pa… Lumayas ka sa harap namin hangga’t nakakapagpigil pa kami…” madiin ang bawat salitang binabanggit ko habang nakatingin ako sa mata nito, masasabi kong sunod sunod ang paglunok nito ngunit hindi ko yun binigyan pansin.   “Kung y-yun ang hiling mo… Babalik ako bago magtatlong araw kaya sana… ayos na tayo dun kese kailangan ko talaga ng tulong.” Saad nito at nawala ito sa isang kisap-mata lamang. Nakahinga ako ng maluwag kahit si Leo after nun ay napagpasyahan naming magsimula na lamang sa plano ni Leo.   HALOS inabot kami ng 10 ngayong gabi, gabi na nga po opo haha. Masyado silang natuwa doon sa pakikipaglaro sa mga bata dito sa Caupo at syempre bumisita kami sa ampunan din at namigay ng pagkain. Nakita ko yung side nila na parang ngayon lang nila ito naranasan na kinatuwa ko naman. Nagkaharana din kami yung parang nangharana kami sa unang bayan hanggang sa pangalawa doon tsaka naman kami nag-adventure sa Caupo na itinuro namin yung mga parts parang tour ganun then pinakilala din namin sila sa mga kakilala namin.   “Saan naman ang last natin?? Awiiiee it’s gabi na we should take a rest for tomorrow right guys??” saad ni Arganna na kinaagree naman ng iba, nasanay na kami minsan mataray but kanina parang hindi sya si Arganna dahil sa nawala ang kasungitan nya ni hindi na sya nakapit pa kay Lovery kanina eh.   “Meron tayong last pa, diba Jeesu??” saad ni Leo na kinahinto namin dito sa medyo part ng Caupo na malaking lot. Bigla akong kinutuban sa sinabi nito.   “Ano naman yan?? Nandito tayo sa isang malaking lote ng lupa sa bayan nyo… Anong gagawin natin??” saad naman ni Larry na bahagyang umakbay sakin na kinasiko ko naman dito at kinatawa nila. Umalis ako sa pagkakaakbay nito at naupo ako sa gitna nung lote, syempre dahil sa ability ko kaya ko nalaman ang gitna.   Nag-indian sit ako doon at tumingin kay Leo na naghihintay na ng senyas ko. “Itatry natin yung last naming ginagawa lagi nila Kuya Jiro, naming tatlo lagi kaya pumorma kayo ng palibot sakin.” Saad ko na kaagad na kinagalaw nila doon kahit si Leo na nakatapat sa harapan ko habang nagtataka naman si Lovery na katabi nito.   “Close your eyes and focus… Pakiramdaman nyo yung kapangyarihang dumadaloy sa inyo.” Saad ni Leo na kinatango nila tsaka ako nagsimulang pumikit at nanalantay samin ang katahimikan. Tahimik at tanging pagfocus lang ang ginawa ko.   Nakaramdam ako ng enerhiya sa katawan ko, dumadaloy ito sa dugo ko na nagpapaayos ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang mga nasa paligid ko, rinig ko ang boses ng royalties kahit si Leo mukhang nakamulat na sila ngunit hindi pa ako. Ifinorm ko ang kamay ko at inilabas ang simbolo ng Healing Gem tsaka ko sapilitang ipinasok sa katawan ko tsaka ko naramdaman ang paglindol kaya’t iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang dahan dahang pagkabuo ng isang mansyon sa kinatatayuan namin na naging sala na.   Kita ang pagkamangha nila ngunit masasabi kong mas malaki ang bahay mansyon namin noon sa ngayon ngunit malaki nadin naman ito. Tumigil iyon sa bubong na salamin, ang salamin na pinakamatibay ni animo’y kahit na anong kapangyarihan ay hindi ito matatablan.   “Woaaaaahhhh!!” sabay sabay na saad ng boys while yung girls naman ay nagtititili sa ganda ni naupo lamang kami nila Lovery, Larry at Leo dito sa couch eh.   “Pano mo nagawa yun, grabe…” saad ni Larry na halata ang pagkamangha nito sa bawat salitang ibinagsak nito.   “Madaming enerhiya kang mauubos sa ginawa mo tsaka Enhance of Sight, Hearing at Healing power ang meron ka, how come??” saad naman nI Lovery na kinatango tango ko na lamang doon, sabi na eh tatanungin nila yun. Hindi ko napansing nasa akin na pala ang pansin nilang lahat at naghihintay ng sagot ko.   “Nung pumikit kayo ay naramdaman nyo ang dumadaloy na enerhiya sa inyo… Sabay sabay ang pagmulat nyo ng marinig nyo ang tinig ng God or Goddess nyo at ramdam nyo ang medyo panghihina nyo sa pag-upo lamang dahil ang enerhiyang yun ay kinuha ko… Lakas at aura ang ibinigay nyo sa akin sa pamamagitang ng paglibot nyo sakin… Ipinahintulutan iyun ng Gods or Goddesses nyo na ibigay ang konting lakas sa akin kaya’t nagawa ko ang mansyong ito sa gabay ng Gods or Goddesses nyo… At mas lalong lumakas ang ibinigay nyong aura dahil sa nasa akin ang simbolo ng Healing Gem.” Saad ko na kinatango tango naman nila doon.   “So, pwede na tayong magpahinga at bukas sa last day nyo ay mas nakakatuwang adventure ang gagawin natin… Hindi natin masasabing hindi kayo masusugatan o masasaktan ngunit parte yun ng saya at ginhawa… Humayo na tayo at sa kung saan kayo dalhin ng paa nyong kwarto ay doon kayo… Hindi ko masasabing may kasama o wala kayo… Kaya goodnight!!” saad ko sa mga ito at sabay sabay kaming naglakad, sa totoolang ay alam kong kapag pumunta sila sa hindi nila kwarto ay makukuryente ang kamay nila at kung susundin nila ang patutunguhan ng kanilang paa ay nasa tamang daan sila.   Tumigil ako sa pintong kulay ginto kasabay ni Leo, Lovery, Chin, at Larry. Dalawa lamang kwarto ngunit malaki yun para sa limang tao kaya nakakamangha talaga. Sabay sabay kaming pumasok at mangha ang masasabi mo doon. Nahiga agad ako doon sa black na kama doon, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa noh at tinanggal ko ang sapatos ko.   “Goodnight people in this world!!” saad ko sa kanila at nakarinig pa ako ng tawa bago ako makatulog hehe tawa muna tayo bago matulog HAHAHAHAH.                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD