Chapter 5

2869 Words
*RING*RING* NAGISING na lamang ako sa alarmclock ko sa lakas, nakakainis. Kung tatanungin nyo nangyare kagabi, wlaa namang mahalaga. Nagkwentuhan lang kami, nasarapan sila sa luto ko at parang isyu pa ang nangyaring pagluluto ni Lovery first time daw yun eh kesyo daw ganyan at ganire. Nagtaka pa sila sa iniinom ko puro dahin daw kasi at lime but ganun padin ang kulay ng tubig ko eh sa healthy yun hehe. First day of scool na pala. Napabuntong hininga na lamang ako at dumeretso sa banyo para maligo. Nagbihis nadin naman ako ng uniform tsaka nadin nung sneakers ko eh sa ayaw kong suotin yung heels na partner ng uniform natoh. Pinagbigyan ko na nga tong uniform na de palda pati ba naman ang heels aba sobra na hindi na ako mas komportable. Yung parang diamante na nakalagay doon sa leeg namin ay doon nadedetect if may dugo kang Darkenian at magiging black sya but if normal then blue lang sya, ganda nga eh. Kinuha ko yung maliit kong backpack tsaka yung gitara kong black but sa totoo lang may mga perma yun ng mga mahahalaga sakin aba lodi eh at nakamaskara naman ako at tuyo nadin ang buhok. Bumaba na agad ako doon at naabutan kong nagluluto si Kuya Jeycee at natulong naman si Ate Lovely doon. “Morning!!” bati ko na kinatingin nila sakin. Lumapit naman agad si Kuya at humalik sa noo ko. “Morning, my princess…” saad nito na kinangiti ko na lamang at nakipagbeso naman si Ate Lovely sakin. “Morning, Chichu!! Aga natin ah!!” saad nito, nickname ko naman yung Chichu. Kumuha nalamang ako ng baso tsaka ginawa yung sinabi kong madahon na tubig hehe paborito eh. Eksperimento ko lang naman yun but naging paborito ko nadin naman. Sa lalagyanan ng tubig ko nilagay yun para madala ko sa labas at nilagyan ko ng sandamakmak na yelo. Kumuha din ako nung bread para gumawa nung avocado egg sandwich eh hindi ako mahilig kumain ng breakfast with rice or mga ulam basta bread lang ako. “Una na ako, Kuya Jeycee!! Ate Lovely!!” saad ko at lumabas nadin ako ng mansion/dorm daw namin. Dumeretso ako kay Lola or HM para ibigay tong dala kong fried carrots nya na paborito nya for real hehe. *TOK*TOK* “Come in…” rinig kong saad sa loob kaya’t pumasok nadin naman ako. Pagpasok ko nakita ko agad doon si Lola na halatang antok pa eh alas-sais nadin naman haha. “Good morning Tanda!! May dala akong food.” Saad ko dito na kinaayos nya agad ng upo at ngiting ngiti na nakatingin sakin haha. “Good morning din, Bata!! Nasaan ang pagkain??” saad nito na kinatawa ko na lamang at inilapag sa lamesa yung food na yun. Binuksan nya agad yun at kuminang pa ang mata nito na animo’y sumisilaw ang pagkaing nasa harapan nya. Sinunggaban nya agad yun na mas lalo kong kinatawa, minsan naiisip ko na isip bata talaga si Tanda haha. “Wag mo kong titigan bata!! Kung kakanta ka, doon ka sa kwartong yon ako lang nakakaalam nyan.” Saad nito at tinuro yung bookshelf nya. Kilala talaga nya ako hehe. “Salamat, Tanda!!” saad ko dito at agad kong pinaikot ang shelf na yun para makapasok doon sa secret room. Pagpasok ko may mic na doon at may couch na ey tapos amy maliit na table pa pwedeng pwedeng tambayan haha. Naupo ako doon sa couch at inayos ko ang gitara ko. Nilapag ko muna yung inumin ko sa table aba baka matapon eh. Pag kaindian sit ko ay nistrap ko yung gitara ko ngunit wala pala sa tono haha oh loko loko. Inayos ko muna bago ko simulan ang pagstrap muli eh nakaisip na ako ng kakantahin. Yung isa sa mga sinulat ko hehe. ♪Yelling at the sky Screaming at the world Baby, why'd you go away? I’m still your brad Holding on too tight Head up in the clouds Heaven only knows where you are now♪ Lumitaw yung araw na una ko syang nakilala, mas nauna ko nga pala syang nakilala kay Lionel. Isang araw lang din ang agwatan nung makilala ko sya tsaka si Lionel haha pero naging kaibigan ko sya nung nakilala namin si Lionel kesyo vibes kami eh haha. ♪How do I love, how do I love again? How do I trust, how do I trust again? ♪ Hirap pa ako noon makipagkaibigan kese may trust issues ako ni si Ate Lovely naman kasi ay nililigawan noon ni Kuya kaya kilala ko talaga but nung nakilala ko si Brad grabe yung pag-iwas ko agad then the next day pa nun ay nagkasagapan kaming tatlo, kumbaga nagtulungan kaming tatlong palayasin yung Dark Gem Users sa bayan ng Caupo at nagkataong sinusundan daw ni Lionel si Ate Lovely kaya ayun. ♪I stay up all night, tell myself I'm alright Baby, you're just harder to see than most I put the record on, wait ’til I hear our song Every night, I'm dancing with your ghost Every night, I'm dancing with your ghost♪ Lahat ng ala-ala namin tuwing gabi ko inaalala pa noon nung namatay sya. Hirap ako sa lahat sa pagkawala nya. Triplets ng Caupo ang tawag samin ng mga kabayan ko at ng Dark Gem Users dahil para kaming triplets, kung makipaglaban pero ngayon kambal nalang kami ni Lionel eh sa magkamukha naman kaming tatlo kaya triplets na literal haha. Ang hirap lang tanggapin na sa next birthday ko hindi na kami tatlo na magdiriwang kundi kami nalang ni Lionel haha isinasayaw pa nila ako na parang prinsesa, naalala ko pa. ♪Never got the chance To say your last goodbye I gotta move on But it hurts to try♪ ♪How do I love, how do I love again? How do I trust, how do I trust again? ♪ Naalala ko pa noong nawala ka brad, halos tumira si Lionel samin eh. Isang linggo ba naman syang nasa bahay ni alam kong nag-aalala na ang reyna at hari na parents nya pero ayaw nyang umuwi kesyo hindi daw nya ako iiwan. Kese alam mo, brad. Nag breakdown ako ng ilang beses kese kahit saan ako tumingin sa paligid ko, naaalala ko ang ala-ala nating tatlo haha ganun kahirap yun. Ni si Tanda ay nag-leave sa Academy for a week kasabay ni Lionel para lang sakin haha. ♪I stay up all night, tell myself I'm alright Baby, you're just harder to see than most I put the record on, wait 'til I hear our song Every night, I'm dancing with your ghost♪ Every night, inaalala ko ang mga habilin mo bilang isang kuya ko. Kesyo gento ganyan na ipapakilala mo pa ako sa magiging girlfriend mo o di kaya ay dadaan sayo ang magiging boyfriend ko haha. Kaso lahat yun hindi na matutupad ni ang pangako mo samin ni Lionel bilang nakatatanda kahit na isang taon lang ang tanda mo sakin pareho lang kayo ng edad ni Lionel kaso mas nauna kang ipanganak kaya naging kuya ka na namin haha. Kaso kailangan ko na daw eh, kailangan ko na daw ikaw i-let go so I let you go kahit mahirap samin-sakin. Kahit na-First and last birthday ko nalang pala mabubuo ang Triplets ng Caupo. ♪Every night, I’m dancing with your…ghost♪ Pinatay ko agad yung mic na yun at agad na hinablot ang bag at inumin ko. Iniligpit ko nadin ang gitara ko sa bag tsaka ako lumabas bng room ngunit bago yun ay napatigil pa ako. Inopen ko ang phone na hawak ko kasama ang inumin ko. Yung wallpaper ko na kasama si Lionel pati sya. I’m letting you go, kuya Jiro Larius. “Nakaya ko.” Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sakin tsaka ako nakangiting lumabas ng room na yun. Nakaya ko kaya kakayanin ko pa sa wakas. Paglabas ko ay wala doon si Tanda kaya dali dali nalang akong lumabas eh kesyo 5 minutes nalang late na ako. Mabilis kong hinanap ang room ko sa dami ng room dito at masasabi kong may mga estudyante pa na kesyo gento at ganyan na nakatingin sakin. Nang mahanap ko na ang room ng Royals ay binuksan ko agad yun at nakahinga ng maluwag. Wala pang teacher hayysss. Tumingin ako sa paligid at mukhang kakaupo palang nila Ate Lovely kaya’t naupo ako doon sa walang nakaupo na lamang. Sa tabi ni Lionel sa bintana eh yun nalang ang upuan. Pagkaupo ko ay napatingin agad ako sa likod ko ng may kumalabit sakin. “San ka galing, girl?? Aga mo namang nawala.” Saad ni Lily, yep si Lily yun at katabi nya si Rulstin then si Chin tsaka si Zlyder. Aba, pumoporeber sila. “Nauna pa kami sayong pumasok eh maaga kang umalis, saan ka gaaling girl??” saad naman ni Chin na kinatawa ko na lamang. “Naglibot lang ako dyan, anyare at parang maga ang mga mata nyo… Huy, Zlyda!! Rana!! Bat maga mata nyo??” saad ko at sumigaw pa ako para marinig ako sa kanila nung dalawa. Eh sa kabilang hilera na kapantay kasi nila Chin si Rana then si Kye at si Zlyda tsaka naman si Larry. Oo nga pala, nakalimutan ko. Break na pala sila Rana at Lionel naalala ko lang hehe nung 5 months ago pa kesyo si Rana na fall out of love. Umiling naman ang dalawa na nagpupunas pa ng luha. “Eh kasi naman, Chichu. Grabe!! Yung speaker kasi na ginagamit lang pang sabi ng mahalaga ni HM pag nasira yung sa kanya biglang nagbukas then yun… Nakakaiyak yung kumakanta!! Ang saket eh!!” saad ni Ate Lovely na kinakunot ko ng noo. Napatingin ako sa katabi ko na si Lionel at maga ang mata nito na kinataka ko. “Hoy, brad?? Mga brad, umiyak din toh??” saad ko at bumaling kay Kye na natatawang tumango sakin. “Nauna pa nga syang umiyak, brad. Kakkagulat nga eh, nung nagstrap na yung tunog ng gitara nagulat kami syempre tapos biglang nung kinanata na nung kung sino man yung unang linya kasunod nung pangalawa napayuko sya agad nun. Nagtataka pa kami pero nakikinig kami sa kanta hanggang sa kita nalang naming umiiyak sya kahit yung girls eh nakakadala daw sabi nung girls pero si Leo (short for Lionel) hindi na sya umimik kahit kausapin si Lily eh.” Saad ni Larry sakin na kinatango tango ko dito tsaka ako bumaling uli kay Lionel. Tinitigan ko ito ng mabuti ngunit hindi ito makatingin sakin na kinataka ko. “Ayos ka lang, brad??” bulong ko dito na kinatango lamang nya at napaayos kaming lahat ng pumasok ang isang babae sa mid-30s na ata sya. “Good morning!! I’m sorry if I’m a minute late but don’t worry I will tell this time the history of our Kingdom but before that… I’ve heard that we have some new students here…” saad nito at nilibot pa ang paningin at tumigil sa akin. “Please introduce yourself, mister.” Saad nito at bumaling kay Kuya Jeycee. Tumayo si Kuya doon sa gitna at ngumiti na halos nag-ingay ang kababaihan dito sa room. “I am Jeycee Leric Mendez, Metal, Shadow, and Energy Manipulator. Nice to meet you!!” saad nito at nagtilian muli ang mga kababaihan sa pagdaan ni Kuya. Tumingin naman sakin yung babaeng teacher at sinenyasan akong tumayo sa gitna na aking ginawa naman. “Sino sya??” “She looks cool.” “Nakamask?? Anong pakulo yan.” “Siguro pangit sya haha. Ewww” Sari saring mga opinyon ang naririnig ko ngunit hinayaan ko nalang. Pagharap ko sa lahat ay binigyan ko agad sila ng malamig na awra. Kita sa lahat ang pagpigil hininga doon haha yan kase. “W-would you m-mind introducing yourself, M-miss.” Saad ni Ma’am na kinatango ko dito. “Jeesu…” saad ko na kinapitlag nila doon tsaka ako naupo na lamang sa upuan ko muli. Napatingin ako sa guro namin na halatang takot at parang makapagpigil hininga ang nasaksihan. “Okay, class dismiss… I mean, Let’s s-start our c-class.” Nanginginig na saad nito jusko para naman ata akong nakakatakot sa ganun lang. “Hinga, madame… I’m not gonna eat you so continue your interesting class, while my co-students, breathe I’m not gonna eat you it’s so kadiri.” Saad ko sa isip nila except sa mga kaibigan ko na kinahinga nila doon at nagpatuloy na si Madame na magturo ng mapukol nito ang interes ko. “Lampr`os Kingdom, that is called in our place. Even the palace of our Queen Jessica and King Lance is called Lampr`os Kingdom. Lampr`os Kingdom is the second most powerful here in Magic Realm but here in our place it is the most powerful… Our queen and king have three childrens, two boys and a girl who is the youngest… But 17 years ago, there was a war eksaktong panganganak ng reyna. Nanganganak ang reyna ng nalaban ang hari natin. Sa pagkapanganak ng reyna ay hindi nya alam kung anong nangyare dahil after nyang umire is she lost her consciousness. Ang alam ng lahat ay nanganak ng babae ang reyna ngunit nawala agad ito sa pagkapanganak dito. Ang sabi nung nagpaanak sa reyna ay ipinatakas nya ang sanggol sa kapatid nitong tatlong taong gulang lamang na lalaki… Nawala ang dalawa for 17 years ng hindi nila malaman kung saan hahanapin. Yung panganay na lalaki ay 10 years old nun kaya hindi na kataka taka kung nakikipaglaban din ito nung mga oras na yun, ngunit simula noon ay hindi na nagpakita pa ang prinsipe at tanging sa palasyo na lamang sya namalagi kaya kahit na sino ay hindi alam kung anong mukha nito tanging ang Hari at reyna lamang ngunit… A week ago, nakita natin ang prinsesa, ang itinakda na tatapos ng laban natin sa pagitan ng Dark Kingdom kaya’t masaya ang lahat ngunit nakita ito sa harap ng gate. Nasa kanya ang patunay na pagiging prinsesa na ang balat nito na kidlat sa tiyan. Yun lamang ang sinabi nung nagpaanak sa reyna bago sya malagutan ng hininga kundi ay may balat daw ito na kidlat ngunit hindi nabanggit nito kung saan ngunit ngayon ay masasabing tiyan ay meron sya… Ang tanging hinahanap na lamang ang Kuya nya, kaya kung mahanap man natin ang kuya nya tagumapy na tayo sa pagdating ni Prinsesa Arganna ay mas tagumpay pa kung makikita na si Prinsipe JL-” *RING*RING* “Okay, I think ituloy nalang natin… So, Class dismiss.” Saad nito at lumabas na. Inayos ko naman ang bag ko pati ang bag ng gitara ko. Lintek grabe yun apat na oras na nakaupo sa upuan ng history, at lunch na yeheyhey. “Tara na, guys!! I’m so hungry na!!” maarteng saad ni Arganna na kinairap naman ng girls at palihim nalang ako napasmirk doon na kahit ang boys ay parang naiirita except kay Val na wala na namang emosyon. “Tara na nga mga brad, para kayong mga tuod!!” saad ni Kye na kinabatok namin sa kanya except sa nanguna na sila Arganna at Val. Loko kasi tinawag pa kaming tuod pero si Lionel hindi padin umiimik na kinaalala ko sa kanya, anyare?? Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ngunit sinarado ko ang Enhance Hearing ko eh sa ayaw kong marinig ang bulungan nila but patuloy lang ang pagtatawanan namin dahil kay Kuya Jeycee at Kye haha para silang mag-ama. “Eh ikaw kaya yun!! Tinatawag mo kong bata eh may muscle na ako tsaka 17 na kaya ako!! Twenty ka lang tsaka si Ate Lovely eh!!” sigaw ni Kye dito. “Hoy, bata!! Tigilan mo ko sa kakasigaw mo nakakarindi!! Ikaw ata ang tuod eh, tuod na maingay.” Saad naman ni Kuya Jeycee na kinatawa namin while si Kye ayun nakamangot at animo’y nagsusumbong pa kay Zlyda na namula bigla while si Kuya Jeycee naman ay kay Ate Lovely haha para silang mga baliw. Nang makapasok kami ay napatingin samin ang lahat ng nasa cafeteria at sari sariling mga tili ngunit napatigil kami sa paglalakad ng tumigil si Lionel na taka naming tiningnan. “Anyare, Leo?? Kanina ka pa tahimik, brad ah??” saad ni Rulstin dito na may halong biro. “Are you okay, Leo?? Is there something that is bothering you??” saad naman ni Lily at umiling naman si Lionel tsaka bumaling sakin na kinataka ko. “You okay?? Kanina ka pa daw tahimik… May nararamdaman ka ba?? Akin na gagamitan kita ng healing powers ko.:” saad ko dito na kinangiti nito ngunit kita mo ang pain sa ngiti nyang yun. There is something wrong. “Ahmmm guys, p-pwedeng humiwalay m-muna kami ng t-table ni J-jeesu?? May pag-uusapan lang kaming i-importante.” Saad nito na kiankunot ng noo ko ngunit hindi nakatakas ang pagpipigil nya ng luha sa gitna ng maliit nyang ngiti sakin. There really is something wrong with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD