Chaptet 6

2133 Words
“Ahmmm guys, p-pwedeng humiwalay m-muna kami ng t-table ni J-jeesu?? May pag-uusapan lang kaming i-importante.” Saad nito na kiankunot ng noo ko ngunit hindi nakatakas ang pagpipigil nya ng luha sa gitna ng maliit nyang ngiti sakin.   There really is something wrong with him.   “Mukhang mahalaga naman ang pag-uusapan nyo, sige… We’ll be there far away from you but we can see the both of you.” Saad ni Kuya Jeycee na kinatango naman ng mga kasamahan namin samin kaya humiwalay na kami sa pagbili ng pagkain.   “Ano sayo, brad??” tanong nito habang nagtitingin sa mga pagkain sa harap namin. Nakangiti ito sakin na kinangiti ko din dito.   “Isang carbonara nalang sakin, may drink naman ako eh. Slamat, brad.” Saad ko dito na kinatango nya at inorder naman nya yun at pereha slang kami kaso sya may Ice tea na kasama. Sa paglakad namin ay napuno ng bulungan ang canteen.   “Bakit kasama nya ang freak na yan??”   “Is that Prince Lionel?? He’s with the freak.”   “He’s so handsome!!”   “Ang gwapo mo, Prince Lionel!!”   Tumigil naman kami doon sa pangdalawahan at siyam na lamesa ang pagitan sa mga Royalties kaya komportable na siguro sya doon. Nagsimula kaming kumain at walang kumikibo na animo’y may dumaan na anghel while naririnig namin ang mga ingay sa Cafeteria ni abot padin samin ang malalakas na boses ng Royalties.   Nang matapos ako ay hindi ko nakayanan ang klatahimikan namin at ni nakakadalawang subo pa lang sya. “Are you okay, Lionel?? Kambal tayo pero kahit na hindi tayo magkadugo ay nararamdaman kong may gumagambala sayo.” Saad ko dito na kinatingin nya sakin at kita ko ang naluluha nyang mata.   “Y-you are the o-one who sang kanina right?? Yung k-kumanta… Narinig ko yun nung nagbreakdown ka na kinakanta yun.” Saad nito na kinatigil ko at napatingin ako sa kanya na puno ng pag-aalala dahil alam kong kung sya ay pangiti ngiti nung ako ang nagbebreakdown siguradong mas mahirap ang sa kanya.   “Ang hirap pala ano, kambal… Kese hanggang ngayon hindi natin matanggap na wala na sya… Hindi ko matanggap eh kahit isang taon nadin. Para tayong triplet noon, naaalala ko pa nung birthday mo. Alam mo bang nag-ambagan kaming dalawa ni Jiro syempre ang bunso namin ang may birthday eh.” Saad nito at nagpunas pa ng luhang tumulo na kaagad kong kinausog ng upuan ko sa tabi nito.   “Tapos alam mo bang pinutol ni Dad ang allowance ko eksakto nun kese nalaman nilang nawawala ako sa Academy eh nagsumbong ang mga sundalo na nakakita kaya ayun, sabay kaming nagtinda ni Kuya Jiro kaya nagkapera din kami dagdag pa ang allowance na binigay ni Mom na palihim…Ibinili namin nang mga pagkaing paborito mo, yung lamesa na de pukpok nya at syempre yung mga upuan natin at lalo na ang kandila natin nun haha nag-enjoy ako don sa ginawa namin kahit na absent ako dito sa Academy.” Dagdag nito at patuloy na ang pag-iyak nito na kahit ako ay nahahawa na ngunit agad kong ding pinunasan ang luha ko.   “Yung pagkanta natin, yung slow dance natin… Nya sayo, alam mo bang planado yun?? Lalo na yung tayong tatlo ang nagslow dance haha nag-enjoy talaga tayo nun… Yung saya na naramdaman ko parang ayoko nang gumalaw pa ang oras nun… Nangako tayong taatlo nun, walang iwanan hanggang sa huling pagkakataon pero… Nauna pa sya satin, nauna sya dahil sa pagprotekta nya sating dalawa… Parang huminto yung oras ko nung nakita ko sya nakahiga at naghihingalo… Ngunit namaalam pa sya sakin gamit ang pagkausap nya sakin sa isip ko… Namaalam sya na huli na daw yata nya tayo makikita kaya sana daw ay protektahan kita at laging gabayan bilang kuya…. Hirap na hirap ako nun kese, nagalit si Dad sakin at dissapointed si Mom but hindi…. Hindi kita pwedeng iwan kese nangako ako… At hanggang ngayon tutuparin ko ang pangako ko… Yung kanta… Yung kanta nalang siguro ang magiging ala-ala natin sa kanya.” Mas napahagulgol itong nakayakap sakin na kinaalo ko dito agad.   “Alam mo, Lionel… Namimiss ko nadin sya… Andami nating ala-ala sa paligid ng bayan ng Caupo kaya hindi maikakaila na hindi natin maramdaman ang lungkot pero alam mo… Masakit padin sakin na i-let go sya, ang triplet natin. Hindi mabubuo ang triplet kung walang Kuya Jiro sa tabi natin… Yung naging tatay at nanay na satin kapag nangangailangan tayo haha… Kung makasermon ay parang nanay at kasing sweet naman ng tatay… Ang laki nyang kawalan satin kaya kahit ngayon… Perehas tayo, hindi ko matanggap… Hindi ko parin pala matanggap… Kala ko kaya ko na eh. Ikaw naman kasi!! Pinaalala mo pa!!” saad ko dito at sinuntok ko pa ang braso nito na kinatawa naman nito sakin lah baliw.   “Oh sige ka!! Si iyak tawa ka na ngayon ah!!” saad ko dito na kinalapit nito sakin at hinagod ang likod ko.   “Para tayong baliw.” Bulong nito at nagkatinginan pa kami at sabay na tumawa haha. Wala na end of the world na.   “Gusto ko syang bisitahin…” lumabas nalang bigla sa bibig ko ang salitang yun na kinatigil nya at napatingin sakin ng nakangiti. Napapunas naman ako ng luha at inangat ko ang maskara at yumuko aba baka makita nila ang mukha ko.   “Bisitahin natin sya ssa lugar…” -Lionel   “Kung saan…” -Ako   “TAYO LAGI!!” sabay na sigaw namin at sabay pang nakatayo na ang hintuturo naman ay half na nakataas. Sabay na naman kaming natawa uli doon, baliw na ata talaga kami eh.   “Nakarinig ako ng sigaw!! May nangyayari ba??” biglang dumating si HM na nasa b****a ng canteen na agad naming pinuntahan ni Lionel ni hinablot namin ang mga gamit namin. Nagpaunahan pa kay HM na halos mabangga na namin haha.   “Ano ba’t nag-uunahan kayong dalawa?!” sigaw ni HM samin na kinangiti lang namin dito at nagtataka nya naman kaaming tinitigan.   “Ahmmm, HM. Magpapaalam po sana kami… Alam nyo naman po, kailangang magpaalam sa inyo para makapunta kaming… sementeryo diba?? Baka naman payagan nyo kami bukas… Alam nyo na po…” saad ni Lionel dito na kinatingin nya skain na kinangiti ko din dito.   “Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang pumunta doon, deleka-”   “Eh bukas po kasi ang anniversary namin!! Dili na, Lola!! Tsaka isang araw lang yun!!” saad ko dito na kinagulat nya at nagtatakang tumingin sakin.   “What she means, HM ay anniversary naman talaga namin bukas at magcecelebrate pa kami bukas din kaya give us some leave for a day lang then kinabukasan ora mismo nandito na kami.” Pakiusap naman ni Lionel ngunit umiling padin ito samin.   “ANNIVERSARY?!” nagulat pa kami ni Lionel ng may sumigaw na nasa likod namin at paglingon namin ay sina Lily yun ngunit wala na naman si Val at si Arganna.   “Hindi pwede!! Ni hindi ko nalamang ikaw ay nobyo pala ng aking apo, Lionel Liel!!” saad naman ni HM na kinatingin namin sa isa’t isa at tinuro pa ang isa’t isa.   Nagkatinginan kami uli at sabay na natawa ng malakas sa sinabi nila. “What the heck!! Anniversary nga namin but friendly anniversary yun!! 2nd anniversary na kasi namin at kapag hindi kami papayagan ni HM tatakas kami!!”   “Tama tama!!” sang-ayon ko naman kay Lionel na kinasapo nalang ng noo ni HM at tinitigan pa kami ni Lionel na animo’y tinititigan kami kung nagsasabi kami ng totoo. Napabuntong hininga na lamang ito at tumango tango na kinaning ning nang mga mata namin ni Lionel. “Yes!! Gagawin ulit natin yung bond natin dati, brad!! Tapos marami pang ib-”   “Pero kasama nyo ang royalties.” Pagputol ni HM kay Lionel na gulat naming tiningnan at kita ang desidido sa mata nito.   “Pero, HM… Hindi naman sa ayaw namin silang kasama eh kaibigan ko naman din na sila pero kasi… ano… alam mo nama-”   “No buts, kahit anong gawin nyo my decision is final… Malaya kayo nun for two days at kasama ang royalties or a Day na may nagmamatyag na sundalo ko sa inyong dalawa.” Saad nito samin at napatango tango nalang kami ni Lionel eh wala kaming choice mas magandang two days yun.   “You can do whatever you want in three days nalang tutal… It’s an anniversary and I want the both of you to enjoy it freely… Make yourself free, the both of you… No matter what the past made, gawin nyong inspirasyon… I’m proud of the both of you. Kaya ko toh ginagawa.” Saad nito at iniwan kaming tulala ni Lionel sa sinabi nya. Sabi na alam nya lahat but the way she telled us the words, parang gumaan ang pakiramdam ko. “Something is strange to HM, right?? Dati rati pinipilit nya tayong mag-move on.” Bulong sakin ni Lionel na kinatango tango ko anman dito.   “Baka naman… NARINIG NYA ANG PINAG-USAPAN NATIN!!” sabay an sigaw namin at nakaramdam kami ng pambabatok na kinatingin namin doon. Si Kuya Jeycee at mga kasamahan namin. “Kanina pa kayo sigaw na sigaw!! Grabe, agaw pansin kayo mga brad!!” saad ni Zlyder samin na kina-peace namin dito.   “Excuse me, hindi ako sasama sa inyo… Pinapapunta ako ni Dad sa palasyo ‘coz my mother is awake so I gotta go…” saad ni Arganna at bahagya pa akong binangga sa balikat at nakita namin si Val.   “Sasama ako, wag nyo kong tingnan ng ganyan.” Saad nito na kinatango tango nalang namin. Nagkatinginan pa kami ni Lionel at sabay na napangiti sa aming naisip.   “May plano ka na noh?? At may plano nadin ako… This will be the most memorable day of our life for SURE!! But bibisitahin muna natin sya.” Saad ni lionel na kinatango tango ko dito. “Anniversary ba yan ng Triplet??” sabay na tanong nila Ate Lovely at Kuya Jeycee na kinatango namin dito at napatili na lamang si Ate Lovely doon.   “Waaahhhh!! Sayang hindi ako makakasama at date ang paalam namin kay HM ni Jeycee but don’t worry sasama kami sa Third day at for sure that will gonna be fun!!” saad ni Ate Lovely na kinatawa naman naming tatlo nila Kuya Jyecee.   “Wait… wait… Can you explain us what is happening?? Naguguluhan na kasi kami… Sasama kami sa anniversary nyo?? What is it all about?? Triplet?? Ano yun??” sunod sunod na tanong ni Rana na kinwento naman ni Lionel sa mga ito but hindi buong detalye at hindi din nya sinabi ang pagkamatay ni Jiro yung ibig sabihin lang ng sinasabi namin at ang ¼ ng plans nya haha ni nandito kami sa classroom at magkakausap except sa mga kaklase naming may sari-sariling mundo.   “Wala daw si Ma’am kaya pwede na daw magdismiss!!” sigaw nung kaklase namin na kinatayo agad namin at nagtatatakbo agad akong pumunta sa mansion namin. Dumeretso ako sa kwarto ko at nilock yun.   Agad kong pinili ang mga damit na dadalhin ko, ang mga damit na hindi ko nakasanayan pero ayos lang anman tsaka sapatos nadin at tsinelas ko eh suot ko naman yun kaya yako na. Isang malaking bag ang pinaglagyan ko nun. Nang matapos ako ay nag half bath na muna ako tsaka ako nagbihis ng V-neck Drop Shoulder Solid Tee na black tsaka Frayed Edge Denim Shorts na greyish. Mabilis kong sinuot yung medyas ko na below the knee tsaka ko sinuot ang tsinelas.   Kinuha ko ang phone ko at dali dali akong tumakbo pababa ng makita kong nakatalikod si Lionel na kaagad kong dinambahan ang likod at sumakay pa sa likod nito. Namiss ko toh!! Namiss kong gawin sa kanya toh haha dati kasi walang buhay ang mga pinagagagawa naming dalawa dahil wala na si Kuya Jiro but now parang nagfull ang energy ko tulad ng dati.   “Umandar ka na, Leo!! Gusto kong manood ng movie!!” sigaw ko na kinatawa naman nito sakin. Tumalon talon pa ito na kinakapit kong mabuti sa leeg nito na kinatawa naman ng mga kaibigan namin sa sala except sa kanino paba edi kay Val kese si Arganna nakikitawa nadin, totoong tawa.   Tomorrow will be a great great day.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD