bc

His Dearest Surgeon

book_age16+
1.5K
FOLLOW
3.4K
READ
family
kickass heroine
brave
drama
bxg
expert
betrayal
cheating
illness
seductive
like
intro-logo
Blurb

Larken Montes, hated her father so much for having an affair that cost their family to part. Dahil sa pangangaliwa ng ama ay nagpasya silang mag-ina na mangibang-bansa at doon na manirahan. She swore to herself that she will never step back in PH anymore. A thought of her father's infidelity made her really sick.

But, all of the sudden. Lana made a request for her return, and she couldn't say no to her mother. And in no time, she found herself again in front of their own hospital. Keeping herself together as she will soon face a monster in her eyes.

But, why he seems so weak? Why does he look like he was about to die? Why does he desperately needed a surgeon like her?

chap-preview
Free preview
His Dearest Surgeon Episode 1
"Sir Theodore, anong gagawin natin? Paano na ako?", nanlulumong wika ng sekretaryang si Tamara sa kanyang boss. "Sigurado ka ba? Nagpa check up ka na ba? Paanong nangyari yan?", ani Theodore. "Ano pong sabi ninyo?! Wag mong sasabihing itatanggi mo 'to? Alam mong may nangyari nang gabing iyon! At walang dudang nagbunga ang ginawa mo noon. Tapos ngayon parang nag aalangan ka?", gigil na sabi ni Tamara. "Please don't get me wrong Tamara. I just can't believe that this is happening. I can't even remember what you're talking about," nagugulumihan nitong tugon. "You can't even remember what you've done Sir? Are you f*****g serious?!", mataas ang tinig na wika ni Tamara. "Please Tamara. Wag kang sumigaw, pupunta dito ang mag ina ko. Baka may makarinig sayo. Pag usapan natin 'to sa ibang araw at lugar. Wag dito please lang...", "Siguraduhin mo Sir, dahil hindi ako papayag na hindi mo ito papanagutan. Karapatan ng anak ko ang ipinaglalaban ko rito. Subukan mong wag makipag usap ng maayos. Kay Ma'am Lana ako lalapit at sasabihin ko sa kanya lahat!", pagbabanta nito. "Is that a threat?!" "No Sir. It's just a merely reminder." "Pag usapan natin 'to sa ibang lugar. I am willing to cooperate. But please, don't let my wife know about this." "Sure, madali naman po akong kausap." nakangising sagot ng sekretarya. "Please leave, baka maabutan ka pa ng mag ina ko. I don't want any trouble today." wika ni Theo sabay titig sa kanyang sekretarya na ubod ng sexy ang suot. "Okay aalis ako. Pero bibigyan kita ng rason para maalala mo kung anong ginawa natin ng gabing iyon." ani Tamara bago nito kabigin ang batok niya at mariing halikan sa labi. Ni hindi siya nakahuma sa labis na pagkagulat sa ginawa ng dalaga. "D-dad???", wika ng isang tinig kasabay ng pagbagsak ng hawak hawak nitong doll house. Dahil sa narinig na boses ay marahas niyang naitulak ang dalaga at agad na tumingin sa pinto. "L-larken, anak..." tila nahihiya niyang sambit. "Bakit po kinikiss ka ni Ate Tamara?", inosenteng tanong ng bata. "Baby, hindi ko hinahalikan ang Dad mo, hinihipan ko lang ang mata niya kasi napuwing siya. And since you're here na ikaw naman ang mag alaga sa Daddy mo, okay lang ba?", sabad ng dalaga. "Mauna na ako Sir Theo, I just hope na susunod po kayo sa usapan. Have a great day ahead Sir!" Isang mahinang tango lang ang naitugon niya sa dalaga dahil ubod ng lakas ang tambol ng kanyang dibdib. Halos hindi siya makapaniwala na muntik na silang mahuli ng anak. Buti na lang at hindi si Lana ang nakakita sa kanila, kung hindi ay tiyak na sasamain siya. "Dad, are you okay?", ani Larken habang naglalakad papalapit sa ama. "Yes baby, I'm fine" "Pero sabi po ni Ate Tamara may something sa mata mo. Can I see it Dad? Gagamutin ko po," "Hahaha, ang sweet naman ng anak ko...Ito na ba ang hudyat na magiging doctor ka din someday?" "Yes Dad! At tutulungan ko po kayo sa pagpapatakbo ng hospital na 'to." nagniningning ang mga matang sambit niya. "Wow baby! Napakaganda ng pangarap mo anak, mukhang magkakasundo kayo ng Dad mo", biglang wika ni Lana na kapapasok pa lang at may bitbit na maliit na box. "Honey!!! Ano 'yan?" "Well, isang masarap at matamis na cake lang naman. Nag request ang anak mo ng maagang birthday cake. Kasi daw next week ay baka busy ka na. So heto bumili na ako." sagot ni Lana sa kabiyak. "Mommy before po tayo kumain, can you please take a look at Daddy's eyes? Ate Tamara told me na may something daw po sa mata ni Daddy." "Ha? Bakit honey, napano ka?" "Wala ito, napuwing lang ako kanina. Ang mabuti pa ay kainin na natin ang cake ng anak mo. Then itotour ko ulit kayo sa buong ospital, para paglaki ni Larken ay gamay na niya rito. 'Di ba anak?", wika ni Theo. "Yes Dad!", malambing na sagot ng bata. Habang kumakain ay kapansin pansin ang pananahimik ni Theo na waring may malalim na iniisip at parang may napakabigat na problema kaya naman agad itong nilambing ng kabiyak. "Nag aalala ka ba para sa 7th birthday ng unica hija mo? Don't worry, may inihanda akong surprise sa kanya. Inayos ko na lahat kaya wala ka ng iintindihin o iisipin pa." matamis nitong sabi sa mister. "Napakaswerte ko talaga sayo Lana... Napakabait at napakahands on mom, kaya wala akong pagsisisi na ikaw ang naging asawa ko", maluha luha niyang wika. "Ako din naman, worth it ang pag stay ko dito sa Pilipinas. Tho aaminin kong namimiss ko din ang pamilya ko sa Denmark, pero okay lang basta andiyan kayo ni Larken, wala na akong ibang hihilingin pa. Kayo ng anak mo ang tunay kong kayamanan." tugon ni Lana sabay yakap ng mahigpit sa mister. Wala itong kamalay malay na sa mga sandaling iyon ay may mga matang nagmamasid sa kanila. Mga matang puno ng inggit at pagkasuklam. --- 3days later... "Gusto kong magkaroon ng paternal test, bago ko isipin ang susunod na hakbang." wika niya kay Tamara isang hapon habang nasa isang bakanteng lote sila. "W-what?!" "You heard it right Tamara." pinal niyang sabi. "At pagkatapos ano? Ibig mo bang sabihin hangga't hindi mo pa nakukuha ang resulta ay hindi mo pangangatawanan ang ipinagbubuntis ko? Alam mo ba kung gaano kaselan ang pagdadalang-tao ko? Anytime pwede akong makunan, at natatakot ako na mangyari yan! Tapos heto ka at yan lang ang sasabihin mo sakin?!", talak ng dalaga. "Habang ako nahihirapan, ikaw naman ay nagpapakasaya sa pamilya mo?!" "Nakakapagtaka lang kasi all of the sudden bigla mong sasabihin na buntis ka. Yes I can remember that I was drunk that night, pero hindi ko matandaan na may nangyari sa atin." "Aaah! So ngayon, may ganyan ka ng sinasabi, hindi ko na siguro kailangang magulat if one day sasabihin mong ipalaglag ko 'to!", asik nito. "Tamara, please try to understand. I am a married man, ayokong masira ang pamilya ko!" "At ako? Okay lang masira ang kinabukasan ko ganoon ba? Ang lakas ng loob mong galawin ako tapos pagdating sa hirap tatalikuran mo ako at bibigyan mo ako ng dahilan na kasal ka? Cut it off Theo, don't give me that bullshit!" "Once na lumabas ang resulta ng paternity test at nalaman kong ako ang ama, I am willing na sustentuhan ang bata. I'm sorry Tamara, pero yan lang ang kaya kong ioffer sayo. I doubt na akin nga 'yan, and the only thing that you can do ay pumayag sa gusto ko. At kung mapatunayan mong akin yan, then saka natin isettle ang financial support at kung anu ano pa." sagot niya bago iwanan ang dalaga na namumula na sa galit. "No Theo! You can't do this to me, not to my child!", ani Tamara sabay habol sa sasakyan na kinalululanan ng lalaki. "Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos mag usap! Wag kang duwag!!! Sa tingin mo ba matatakasan mo ako? Diyan ka nagkakamali!", humihiyaw na sambit ng dalaga habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng lalaki. Hindi siya makakapayag na hindi makuha ang kanyang gusto lalo na kung ang lahat ng iyon ay para sa kanyang anak. "Hindi pa tayo tapos!", gigil niyang bulong sa hangin. "Kung ayaw mong makipagcooperate puwes tingnan natin kung anong gagawin mo kapag nalaman ito ng asawa mo."aniya sabay ngisi. 'Kringgg, kringgg, kringg' Biglang tunog ng kanyang cellphone. Bahagya pa siyang napangiti ng makita ang pangalan ni Lana sa screen. "Hello Mrs. Montes, may kailangan po ba kayo?", "Hi Lana. I know late na at nakakahiya, pero wala na kasi akong choicr eh, at isa pa hindi mo naman trabaho ito pero pwede ba akong makahingi ng pabor sayo?", "Okay lang po Mrs. Montes pauwi na rin po ako. Ano po ba iyon?", "Ganito kasi 'yon, birthday party ng anak ko ngayon at surprise ang handaan. Aligaga kasi ako sa pag aayos dito sa bahay, tapos si Larken nasa school pa. Pwede bang sunduin mo siya para sa akin? Si Theo kasi ay nagpunta sa pagawaan ng cake kaya di siya pwedeng sumundo sa anak ko. Okay lang ba?" "Okay lang po, wala pong problema. Ako pong bahala sa anak ninyo. At magbibigay din po ako ng regalo sa kanya na kailanman ay hindi niya malilimutan," nakangising sambit niya. "Naku, napakabait mo naman Tamara, maraming salamat ha. Hulog ka ng langit sa amin." "Wala po 'yon Mrs. Montes," "Sige, ibaba ko na 'to ha? Magdedecorate pa ako sa garden. See you later." "Okay Ma'am," sagot niya. Habang naglalakad siya papunta sa paradahan ng taxi ay abala naman ang kanyang isipan. Yaman din lamang na ayaw makipag cooperate ni Theo, pupwersahin niya ito para maibigay ang gusto niya. At mamayang gabi, isasakatapuran niya ang balak niya. At sa gagawin niya ay tiyak na mananalo siya. "This will gonna be a long night for us baby, but trust mommy okay? This is all for you..." mahinang bulong ng dalaga sabay haplos sa kanyang tiyan. "What a beautiful day to confront demons, Larken..."malumanay niyang bulong habang pababa ng kanyang sasakyan para tingnan ang building na matagal na niyang hindi nakita. Nakailang buntong hininga pa muna siya habang nakatitig sa napakatayog na ospital na pag aari ng kanyang ama na si Theodore Montes. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin makumbinsi ang sarili na kaya siya nandoon ay dahil sa kanyang ina, at kailangan niyang isantabi ang personal na galit niya sa may ari ng ospital. Naroon siya bilang isang heart surgeon at hindi bilang anak ng lalaking nanakit sa kanyang ina. "Excuse me Ma'am,guest po ba kayo? Pwede po bang pakitabi ng sasakyan ninyo? Dadaan po kasi ang asawa ni Sir Theo." pakiusap ng gwardiya sa kanya na may halong paghanga. "Asawa?", patuyang sagot niya sabay tingin sa magarang kotse na kasunod ng kotse niya. "Yes Ma'am". "Ang alam ko nasa ibang bansa ang asawa ng may ari ng ospital na 'to. Maybe ang ibig mong sabihin ay nag fefeeling asawa?", nakataas ang kilay na tugon niya sabay alis ng sunglass niya na tumatabing sa napakaganda niyang mata na kulay luntian na minana niya pa sa ina na isang Danish. "P-po?", gulantang na sagot nito. "Tssss. Never mind." aniya sabay hakbang papalapit sa kanyang sasakyan para maiparada niya ng maayos. Ang alam niya ay naabisuhan ng kanilang attorney si Theo na pupunta siya sa ospital. Ngunit hindi niya sinabi kung kailan dahil gusto niyang bulagain ang mga tao na matagal niya ng kinamumuhian. Pasakay na lang siya sa sasakyan ng marinig niyang sumigaw ang driver na kinasasakyan ng kinakasama ng ama. "Hoy ano ba! Hindi ikaw ang may ari ng daan. Ang may ari ang dadaan kaya wag kang haharang harang diyan. Tangina mo ah! Kaaga aga pinapainit mo ulo ko!" sigaw nito. Laking Denmark man ay matatas pa rin siyang manalog kaya naman alam niya kung ano ang sinasabi nito. At hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. Ang kapal ng mukha nitong murahin siya. May ari? Hindi ba siya ang dapat na may ari? The nerve! Kuyom ang kamao habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil baka makagawa siya ng bagay na hindi niya sinasadya. Mabilis pa naman siyang magalit lalo na pag ang nanay niya ang naaagrabyado. "Hoy!! Bingi ka ba! Umalis ka diyan, kung hindi bubundulin kitang hayop ka!" muling tungayaw ng driver. Dahil doon ay padaskol siyang umibis sa kanyang sasakyan at nanginginig ang buong kalamnan na naglakad papalapit sa mga ito. "Anong sabi mo?!", gigil na sabi niya sabay sapak sa panga ng lalaki.. Sa laki at tangkad niya at sa kaalaman niya sa muay thai ay tiyak na mapapabagsak niya ito sa isang bira lang. "Eeeeh!! What are you doing? Stop it!", malakas na sigaw ng matandang babae sa likod ng driver seat. "Tumahimik kang bruha ka!", asik niya rito. "At ikaw namang lalaki ka, wag na wag mo akong mamumura at idadamay mo pa ang nanay ko dahil maghahalo ang balat sa tinalupan, tandaan mo 'yan! Wala kang alam sa nanay ko kaya itikom mo yang bibig mo na kasing dumi ng imburnal!", "Ayyy!!! Oh my God, he's bleeding!", tarantang wika ng babae ng makitang duguan na ang driver. "Guard! Anong ginagawa ninyo diyan, tutunganga?! Di ko kayo siniswelduhan para tumayo lang diyan!", Dahil sa sinabi ng babae ay dali daling lumapit ang mga gwardiya para awatin siya. "Subukan mong lumapit, baka ikaw ang sisantehin ko!", nanlilisik ang mga matang baling niya sa mga ito. "What's going on here?!" bulyaw ng isang tinig mula sa likuran nila. Kaagad naman niya itong nilingon at pinasadahan ng tingin. May kaliitan at katabaan ito, kapuna puna rin ang pagiging moreno nito. "S-sir Voltaire, ang mommy niyo po!' "Anong nangyari kay Mommy?!", tarantang sagot nito sabay lapit sa kotse ng ina. "Are you okay Mommy? What's going on? Who do you think you are para manakit, ha!", ani Voltaire sa kanya. "Who am I? Tsss, I have no time for a punk like you. I have to go, may appointment pa ako sa loob. See yah!", sambit niya sabay talikod sa mga ito. "And where are you going? Matapos ng ginawa mo sa driver ni Mommy, lalayasan mo lang kami na parang walang nangyari?", sigaw ni Voltaire. "So? He deserves it, as a matter of fact kulang pa nga 'yan. Sa susunod na magsalita pa siya ng kung anu ano hindi lang yan ang aabutin niya sa akin," "Hey lady, come back here! Hindi pa tayo tapos!", gigil na wika ng binata. "Anak, hayaan mo na 'yan. Mukhang isa yan sa mga empleyado na iinterviewhin ngayon. alas dies pa ang simula ng interview. Di 'yan makakaalis agad agad. Ang mabuti pa ay gamutin mo muna ang driver ko. Pupuntahan ko muna ang Dad mo, may kailangan lang akong malaman mula sa kanya, sumunod ka na lang sa akin kapag nagamot mo na si Dindo." "No! Kung isa lang siyang empleyado dito o mag aapply pa lang. She should know kung sino ang kinakalaban niya." matigas na sigaw nito. " Kaya ano pang hinihintay niyo? Dalhin niyo 'yan sa hr department, dapat sa babaeng 'yan ay bigyan ng leksyon!". "Hahaha, Okay then I'll go with you." she said. "Mom, ikaw na muna ang sumama kay Mang Dindo para magamot,may tuturuan lang ako ng leksyon. Kabago bago lang dito eh nag aangas na." Isang matalim lang na titig ang itinugon niya rito. She never heard na nagkaanak pala ang tatay niya sa babae nito. At sa hitsura ng lalaki ay malayong malayo ito sa hitsura ng ama niya na may lahi pang caucasian. "Anak ka ba talaga ng may ari?", tanong niya. "One and only son." matigas nitong wika. "I see". "Why did you asked?!" asik nito. "Wala naman, akala ko kasi anak ka ng driver ng mommy mo, mas hawig kasi kayo nun kesa sa sinasabi mong ama. Believe me you look very alike with that bastos na driver." "What did you just say?! Ang bastos mo ah! Sino ka ba sa akala mo!" galit na wika ni Voltaire sabay hiklas ng balikat niya. "Ooops, relax! Easy ka lang, kapag sinapak mo ako, madaming makakakita, sayang doktor ka pa naman. Baka maeskandalo ka? Alam mo naman sa panahon ngayon, isang video lang ng kagagohan mo, tapos na ang career mo." pang aasar niya. "Damn you! Magbabayad ka sa ginagawa mo sa akin!" gigil nitong sabi bago siya binitawan. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad habang may tinatawagan ang binata. Base sa sinasabi nito ay halatang si Theo ang kausap nito. "Yes Dad, can you please come over? May gusto lang akong idiscuss sayo." anito. "Yeah. About the incident earlier this morning. I think nasabi na sayo ni Mom? Yes Dad. Thank you. I'll wait for you then, bye..." sunod sunod nitong wika. Napaismid naman siya dahil sa kanyang narinig. Mukhang mapapaaga ang pagkikita nila ng kanyang ama. At sa tingin niya ay mas lalo iyong nakaka excite. Ang kanina lamang ay pag aalinlangan niya ay napalitan ng halo halong emosyon. "Hey lady, we're here!" biglang sabi ni Voltaire ng matapat sila sa isang kwarto. "Okay." tipid niyang sagot. Tahimik siyang pumasok sa loob niyon at nagulat pa siya ng madatnan ang ina at driver nito na tahimik na nakaupo sa couch. "How are you Mister? Are you alright?",she grinned. "Next time kasi kikilalanin mo muna ang aawayin mo, hindi lahat ng tao ay masisindak mo, okay?" she added. "Shut up Miss. Once nakita ka ng may ari, you're dead, I am telling you. Lalo na at kamuntikan mo ng ipahamak lalo na ako." nakalabing wika ng ginang. "Oh really?", aniya sabay upo sa swivel chair na namataan niya sa sulok. "Let's see kung totoo yang mga sinasabi ninyo." "Ang bastos niya talaga Ma'am. Sino ba 'yan? Nakakagigil." bulong ni Dindo. "I don't know. Malalaman din natin pagdating ni Theo." Tahimik lang siyang kinakalikot ang cellphone niya para ibalita sa ina na nakarating na siya ng ospital ng ligtas at muli na niyang makikita ang ama. Gayunpaman ay hindi niya sinabi rito ang nangyari dahil tiyak niyang labis itong mag aalala at iyon ang ayaw niyang mangyari. Ilang minuto pa ang ipinaghintay nila ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang matandang lalaki at agad na dumiretso kay Voltaire. "What happened?", alalang tanong nito. "Mommy's okay, but Mang Dindo is not. It's all because of that lady!", anito sabay turo sa kanya. "Buti na lang at nakalapit ako kaagad, if not baka pati si Mommy binugbog na niya." "Tamara, are you alright? Ano ba kasing nangyari?", tanong ni Theo sabay lapit sa kinakasama. "Wala akong alam. Ang babaeng iyan ang agad agad na lumusob sa amin at binanatan si Dindo. Pinapatabi lang siya ng driver ko dahil nakahambalang ang kotse niya sa daanan. Then nagulat na lang ako dahil sinugod na niya ang driver ko and all of the sudden binubugbog na niya." Pigil ang kanyang hininga ng masilip ng peripheral vision niya ang unti unting paglingon ng kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita. Dahan dahan niyang naikuyom ang kamao dahil sa matinding bugso ng damdamin. "Miss, is this true?", untag ni Theo. "It's not my fault, minura niya ako bigla kaya nagpanting ang tenga ko. Ikaw kaya ang murahin ng napakaaga at idadamay pa ang nanay mo matutuwa ka ba?", "I think may misunderstanding lang kayo. Pero sana Miss, wag kang masyadong bayolente. Nasa ospital tayo at nabanggit ni Tamara na mukhang mag aapply ka daw sa ospital ko? Do you think ihahire kita sa kabila ng ginawa mo?" "Well pabor sa akin yan. Babalik na lang ako sa Denmark para makasama ko ang Mommy ko. In the first place I'm not supposed to be here, pinakiusapan lang ako." sabi niya habang unti unting tinatanggal ang sunglasses niya. Matalim niyang tinitigan ang ama na sa isang iglap lang ay biglang namutla at nanghina. "Isa pa I don't deserved to be treated like this. Hindi ako nagpunta dito para murahin at idamay pa ang nanay ko. Because the truth is, my Mom was never been a slut, I knew someone na talaga namang puta sa paningin ko, right Tamara?",nanlilisik ang mga mata niya habang ibinabaling ang tingin sa babae. Tigagal at halos hindi makapagsalita si Tamara ng makita ang panganay na anak ni Theo. Hindi niya ito nakilala agad, kung nalaman lang sana niya ay baka nagawan niya pa ng paraan. "Oh bakit naumid ata mga dila ninyo? Gusto niyo bang dukutin ko 'yan ng bumalik ang pagkadaldalita ninyo?" "Wait, what's going in here? Can you please tell me what's happening?", nagugulumihang tanong ni Voltaire. "Well, kawawa ka naman. Mukhang hindi ka aware sa nangyayari sa paligid mo?", aniya sabay baling sa binata. "Bueno ngayon na andito ka na Mr. Theodore Montes, let's talk about us. Ngayon na kilala mo na ako, do you still want me here? Oh padadala ka sa sulsol ng iyong "asawa" ooops sorry, "kabit" pala. Kasi kung susundin mo siya ngayon din ay babalik na ako sa Denmark to be with my Mom." "K-kumusta ka na a-anak..." nangingilid ang mga matang tanong ni Theodore. "Hahaha! That's all? Iyan lang ba ang sasabihin mo sakin, after 20years na hindi tayo nagkita? Well, as you can see, okay naman ako. I am doing good at ganon din si Mommy. Eh ikaw Mr. President, how are you? Are you happy with your life now?" gigil niyang wika. Nakita niya pa ang sunod sunod na paglunok ng kanyang ama na tila ba nag aalis ng nakabara sa lalamunan. "So totoo pala ang narinig kong balita na uuwi ka nga dito sa Pilipinas,"biglang sabad ni Tamara. "Poor little Tamara... Kaya ba napasugod ka dito kaagad dahil sa nabalitaan mo? Are you scared?", panunuya niyang tugon. "I'm not. Hindi naman ako dapat matakot sayo. In fact I am happy to see you again", ani Tamara. "Oh c'mon Tamara. You're being melodramatic, nakakairita sa totoo lang. Why don't you show your true color. Maglolokohan pa ba tayo rito? I'm not 7years old anymore!"gigil niyang sumbat. "Larken, anak. Please stop... Let's talk about this in my office."sabat ni Theodore. "No. Wala na tayong dapat pag usapan, I think I'm done here. I thought makakaya kong masikmura na makita kayo ulit. Pero nagkamali ako, I was literally wrong." mapait niyang sabi. "Please anak..." "Please wag mo akong tatawaging anak, matagal mo ng pinutol ang pagiging ama mo sa akin... You can't change the fact na malaki ang kasalanan mo sa amin. Because of your---!", namumula niyang sabi sa ama habang mapait na nakatitig rito. "Never mind, akala ko okay na ako. Hindi pala dahil nung nakita kita ulit, parang naging sariwa ulit ang sakit na ibinigay mo sa amin ni Mom. I hated you so much that I can't even see you as my father..." aniya habang unti unting nalalalaglag ang mga butil ng luha niya. "I am sorry Larken, I am sorry anak...", naluluha na ring wika ni Theo. "No. You're not sorry. Not at all." pabulong niyang sambit bago naglakad papalabas ng kwartong iyon. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding galit na namumuo sa kaibuturan ng puso niya. Kung pwede lang niyang isigaw ang lahat ng sama ng loob niya ay ginawa na niya. "Excuse me Miss, are you alright?", wika ng isang tinig sa unahan niya. "Yes, pwede ko bang malaman kung saan ang restroom?",paiwas niyang tanong. "That way Miss, pakifollow lang po yung instruction sa bawat wall." "Thanks." "You're welcome!" masiyahing sagot nito. Hindi na siya sumagot sa lalaki dahil nagmamadali na siyang nagpunta sa restroom para maghilamos at ayusin ang sarili. "I think we need to talk." wika ng isang tinig mula sa pinto at sa pagtingin niya sa salamin ay nakita niya si Tamara na kakapasok pa lang. Sinundan pala siya ng bruhildang babae ng ama niya. "I don't talk to strangers." "You have to." sagot nito. "May mga itatanong lang ako sayo, hindi naman madami at mahirap. Simple lang ang mga tanong, alam ko masasagot mo lahat." "Sorry, I'm not interested." "Tell me Larken, bakit ka umuwi? Porke ba mahina na ang iyong Daddy? Natatakot ka bang mawalan ng mamanahin?". akusa nito. Bahagya siyang natigilan dahil sa narinig. "Mahina? Who told you na mahina na si Dad?", "Ang tanong ko ang sagutin mo. Nandito ka ba para sa mamanahin mo?", "Bakit Tamara? Are you scared na walang matira sayo?",patuya niyang sagot. "No. For sure may matitira sa akin at sa anak ko. Pero sana wag ka na lang bumalik. Masaya na kami, sana di ka na bumalik para manggulo. You're rich enough para makihati sa kayamanan ni Theo." "Hahaha! I can taste your words Tamara. Kasing bitter ng bitterguard sa totoo lang. Look at your eyes, it tells you something na hindi mo kayang maamin. You're scared with the thought na bumalik na ang tunay at legal niyang anak. Tell me Tamara, sa tingin mo ba walang matitira sayo ha?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook