"This is going to be bad!" sabi niya sa sarili. Kailangan niyang makalabas ng bahay bago siya tuluyang mag pass-out. Kaagad siyang tumakbo sa pintuan ngunit hindi niya ito mabuksan. Palibhasa hindi niya makita ang dinadaan kaya nasasagi niya ang ilan sa mga display nila. "What the hell?" takang tanong niya habang pilit na inaaninag ang pinto. Hindi niya nakita na may bagong lock na nakakabit doon. Marahil ay ikinabit iyon ni Dindo para hindi siya tuluyang makalabas. "Hindi mo ba mabuksan, Larken? Gusto mo bang buksan ko para sa'yo? Ay teka, hindi ikaw ang nagsara niyan? Sinigurado ko lang na hindi mo na nga talaga mabubuksan." tila nang-uuyam na wika ni Dindo. Sasagot pa sana siya ngunit wala na siyang lakas na gawin iyon. Unti-unti na siyang nanghihina dahil sa nalalanghap niyang usok.

