"Mom... Is everything ready?",aniya sa ina ng tawagan niya ito ng gabing iyon. Nasa labas na siya ng building ng ospital kung saan gaganapin ang tuluyang pagbibigay ng posisyon kay Tamara bilang lehitimong pinuno ng MMC. "Yes anak, we're on our way." "Okay Mom, please be safe."sagot niya. "We will anak, ikaw din... Paparating na din si Reuben diyan. Mauuna na siya kasi sabay na kami ni Fidel mamaya." "Okay Mom, I'll be okay. Don't worry." "Okay, gotta go Anak. See you later."aniya ng ina bago nito pinutol ang pag uusap nila. Malayo pa kasi ang panggagalingan ng mga ito kaya nagmamadali na rin sila. Ilang beses muna siyang bumuntong-hininga bago bumaba ng sasakyan niya. She was wearing the most revealing red dress that she could ever wear. Kung may makakakita lang sa kanyang ibang tao

