"Good Morning po Mama, Papa . ", Nakangiting bati ko sakanila sa bungad palang ng Dining Area.
Nakasunod sakin si Francis at binati din ang mga magulang ko. Pinaghila niya ko ng upuan at inalalayan sa pag upo.
"Salamat." Tipid akong ngumiti sakanya at ganun naman din siya.
Habang kumakain ay panay sulyap samin ng mga magulang ko. Normal lang naman kaming kumakain kaya nagtataka ako sa kilos nilang dalawa.
Tumikhim si Papa kaya natutok ang atensyon namin ni Francis sakanya.
"May problema ba kayong dalawa?" Seryosong tanong ni Papa habang tumatango tango naman si Mama na nakatingin din saamin.
"Wala po 'Pa. wala naman po kaming problema, Diba Francis?" Sagot ko at nilingon si Francis na nakatingin din sakin.
Tumikhim din siya na parang may nakabara sa lalamunan at uminom ng tubig bago sumagot. " Opo tito. Okay lang po kaming dalawa. " Ngumiti siya pero hindi parin mawala ang seryosong tingin samin ni Papa.
"Pag usapan nyo yang problema nyo hindi yung ganyan kayo. Para kayong naiilang sa isa't isa. Hindi nyo kami maloloko." Sabi ni Papa at tumayo na para lumabas sa Dining. Huminto ito saglit bago kami lingunin. " Ayusin nyo yan. " Pagkasabi nun ay nagtuloy tuloy na siyang lumabas.
Sumundo si Mama pagtapos kaming bigyan ng makahulugang tingin. Okay naman kami diba? Okay nga ba?
Simula ng sagutan namin kagabi ay hindi pa kami ulit nakakapag usap. Magkatabi kami sa pagtulog habang nakayakap siya mula sa likuran ko. Ganun parin ang pwesto namin paggising umaga.
"Let's go." Sabi ko at tumayo na sa upuan. Ngumiti naman siya ng maliit at tumango.
Sabay kaming lumabas ng Dining at nagpaalam sa mga magulang ko na nasa Living Room. Mas nauuna kasi lagi ang oras ng pagpasok namin ni Francis kesa sa pagpasok nila sa Opisina.
Pinagbuksan nya muna ako ng pintuan ng sasakyan at inintay na makapasok bago siya naglakad at sumakay sa Driver's Seat.
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Francis habang nasa byahe. Lumingon lang ako sakanya at ngumiti ng pilit.
"Oo. Wala lang ako sa mood ngayon. " sagot ko at muling itinuon ang tingin sa labas.
"We're here." napadilat ako at tumingin sa paligid. Nasa School parking lot na kami.
Nagtanggal ako ng seatbelt at kinuha ang ilang mga gamit ko sa backseat. Bababa na sana ako pero nakita kong hindi kumikilos si Francis at nanatiling nakahawak ng mahigpit sa manibela habang nakatingin sa harap.
"What's wrong?" Takang tanong ko sakanya. Napalingon naman siya sakin na bahagyang namumula ang mata.
"Okay naman tayo dba, Anne? Tanong niya naman sakin.
"Oo naman ." sagot ko at nag iwas ng tingin. Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Sinilip ko muna siya sa loob. " Mauuna na ko." sabi ko at sinarado na ang pinto at nauna ng maglakad papasok.
..
"Bat ka nakasimangot?"
Napalingon ako sa nagsalita bago ngumiti.
"Hindi naman ah? Ganto lang talaga mukha ko ." natatawang sagot ko sakanya.
"Anong hindi e tulala ka nga eh." sabi niya umupo sa tabi ko. " Gusto mo magrides mamayang uwian? " tumingin siya sakin at nag aantay ng sagot.
"San naman pupunta , Jake?"
"Kahit saan. kung san mo trip. Ano G ka?" Nakangiti ito.
"Sige. Magmall nalang tayo, gusto ko nag arcade saka manood ng sine. May bagong labas ngayon e suspense movie. " Nakangiti na din ako sakanya.
Nagkwentuhan lang kami sandali dahil nagpaalam din siya na may meeting sila ng mga ka team niya sa basketball. Umalis na rin ako sa Garden at nagtungo sa ladies room.
Nasa loob ako ng cubicle ng may pumasok na mga babae. Natatawanan sila at naririnig kong nanghihiraman ng mga pampaganda.
"Girl, nakita mo ba yung kasama ni Sir Francis kanina papasok sa Office niya? Ang ganda no? Bagay sila! Sayang ang pogi pa naman si Sir. Andami nagkakagusto sakanya dito sa school pero mukhang taken na." sabi ng isa sa mga babae.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. 'Sinong kasama?' Gusto kong itanong at makisabat sakanila pero nanatili parin ako sa loob ng banyo.
"Parang nakita ko na yun eh. wait isipin ko.. Hmmmmmmm....." sabi nung isa sa kanila.
Tahimik akong nakikinig sa usapan nila. Nacurious din ako.
"Ah! Naalala ko na! Nakita ko siya sa TV! Model siya sa ibang bansa! Napanood ko siya. Mahilig kasi ako manood ng mga ganun ." Natatawang sabi nito.
'Model?' Bakit naman kasama nito si Francis? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Francis. Nagriring lang ito at walang nasagot. inulit ko pa yun ng dalawang beses ngunit wala parin kaya napairap nalang ako sa kawalan.
Lumabas na ko ng banyo ng maglabasan na din ang mga babaeng nag uusap kanina. Dumiretso ako sa Basketball court at hinanap si Jake. Ang sabi niya kasi kanina dito din sila magmemeeting.
"Hey lady you look like a lost kitten."
Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isnag lalaki na madalas kong makitang kasama ni Jake.
"Ow ikaw pala yan. Are you looking for Jake?" Tanong niya sakin ng mamukhaan niya ako. Hindi ko na pinansin kung bakit niya ako kilala.
"Yes please. Where is he? " Sagot ko naman sakanya at nagpalinga linga ulit.
"Nasa locker siya. Tawagin ko nalang. wait him here. " Sabi niya at napatango ako.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko din si Jake na papalapit saakin. Nakangiti ito habang nakasukbit ang gym bag nito.
"Why? Hinahanap mo daw ako?" Nakangiting tanong niya sakin.
"Ahmmm..... C-can you .... " alanganin kong panimula nakatingin sa sahig at pinagiikot hintuturong daliri sa isa't isa.
"Can i? What?" sabi niya. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti kaya tinignan niya ako na naguguluhan ang mukha.
"Can we go now? i mean... may klase kapa ba? Gusto ko na sana ngayon umalis? You know... sa Mall? " Sagot ko sakanya.
"Diba may klase kapa? alas kwatro pa ang uwian nyo dba?" takang tanong nito sakin.
"Ahmmm.. magseself study nalang ako... Bawal kasi ako gabihin. ano tara na?" yaya ko sakanya.
Tinitigan niya muna ako ng saglit bago magbuntong hininga. Makahulugan niya muna akong sinulyapan bago tumango. Nagpatiuna na ko sa paglabas ng Court at pumunta sa Parking lot.
Huminto kami sa tabi ng isang itim na Ducati motorcycle.
"Wow. i didn't know na ngdadrive ka ng motor. i mean i thought sasakay tayo sa kotse. " nakangiti kong sabi.
Humarap siya sakin na nakapamewang. " Ayaw mo ba dito? Pwede naman tayo magcab. " Sabi nito.
Umiling naman ako at tumawa. " Okay lang. Dahan dahan lang and pagdrive ha? first time ko sumakay sa motor. " sagot ko.
Tumango siya at binuksan ang compartment ng motor. Kinuha nya ang isang helmet doon at isinuot sa ulo ko.
"Bat kulay pink tong helmet? Sa girlfriend mo ba to?" Tanong ko sakanya habang nilalock niya ang ang helmet ko.
"No. i don't have a girlfriend." sagot niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko.
"We? ikaw wala? imposible naman yata yun." nakangisi kong sabi sakanya.
"Eh sa wala eh. " nagkibit balikat siya at sinuot naman ang helmet niya.
"Wala kang nagugustuhan? " tanong ko ulit sakanya.
"Meron. "
"Sino?"
"Secret."
Sumakay na siya at inistart ang motor. Nilahad niya ang isang kamay niya pars maalalayan niya akong sumakay sa likod. Nilagay niya ang dalaa kong braso payakap sa bewang niya. Nagkatinginan kami dahil nakatagilid ang ulo niya para makita ako.
"Kumapit ka ng mabuti ah. Baka mahulog ka. " sabi niya. "Kung pwede lang na sakin kanalang sana nahulog eh. "
"Ano?" sabi ko? Hindi ko kasi naintindihan ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na iyon at naka full faced helmet pa siya.
"Wala sabi ko aalis na tayo kumapit ka ng mahigpit. " Pinaandar na niya ang motor paalis ng parking lot.
Tumigil kami sa Parking lot ng Mall. Tinago na nya ulit ang ginamit kong helmet habang bitbit naman niya pagpasok sa loob ng Mall ang kanya.
Tinanong niya ako kung saan muna kami mauunang pupunta. Niyaya ko muna siya sa coffeshop at umorder ng hot chocolate drink at chocolate cake. Kape naman skanya at cake din.
"Ang hilig mo sa chocolate no? Buti hindi ka nataba . " Natatawang sabi niya habang nakatingin sakin.
"Sabi ni Mama tumataba na daw ako. Tumataba na ba ako?" Tanong ko sakanya at sumubo ng Cake.
Natawa naman siya at umiling. " No, sexy ka parin naman. You're still beautiful in my eyes. " nakangiting sagot niya.
"in your eyes kasi kaibigan kita. Pero yung seryoso. isipin mo hindi mo ko kaibigan . ano? tumaba nga ako?" tanong ko ulit sakanya.
Tinitigan niya muna ako bago seryosong sumagot. " Maganda ka parin. sobrang ganda mo parin. "
Ngumiti naman ako sakanya. " ikaw din ang gwapo mo. Humanap ka na ng Girlfriend mo para hindi sayang lahi. " pang aasar ko sakanya.
"Bat pa ko maghahanap ng Girlfriend e girlfriend kita dba?" sagot niya bago inumin ang kape habang nakatingin sakin.
Tumawa naman ako.." What i mean is karelasyong babae. Hindi kaibigang babae. "
"Bat ang slow mo?" seryosong tanong nito at sumandal sa upuan.
"Bakit aalis na ba tayo? sige ubusin ko lang to." sagot ko itinuon ang atensyon sa pagkain.
Bigla naman siyang tumawa kaya napatingin ako sakanya. Napapiling siya habang nakangiti. "Take your time . You don't need to rush. kaya kitang antayin kahit gaano katagal. even if it lasts a lifetime, i'm still waiting for you" sagot nito.
"Ha? anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sakanya. Kanina pa ko pa napapansin na nagsasabi siya ng kung ano ano.
"Wala. Ang dungis mo kumain. " Tumawa siya bago abutin ang gilid ng bibig ko ng hinlalaki niya. May pinunas ito at ipinakita sakin ang icing ng cake bago ipinunas sa tissue.
"Thanks."
Sinunod namin ang panonood ng Sine bago pumunta ng Arcade.
"Andaya mo huwag mong galingan!" Hinampas ko siya sa braso dahil natalo na naman ako sa basketball shooting. Tumawa lang siya at hinimas ang braso na hinampas ko.
"Gusto mo kumanta?" tanong niya sakin.
"Nakanta ka?" taas ang kilay na tanong ko din skanya.
"Oo. tara kanta tayo. " sabi niya at marahan akong hinila papunta sa maliit na stage sa sulok ng Arcade. Pinaupo niya ako sa harap at nagselect ng kanta.
"Nais Kong Malaman Mo" by Daryl Ong
Napangiti ako sakanya nang magsimula ang kanta.
Di na kayang dalhin ng puso ko
Sana'y marinig sigaw nito
Nagsisikip aking dibdib
Di na makatulog
Sana'y dinggin mo
Kahit ikaw na saking tabi
Parang ako'y di naririnig
O kay sakit
Bakit sayo'y parang bale wala
Seryoso siyang nakatingin sakin habang binibigkas ang bawat lyrics ng kanta. Napahanga ako dahil sa sobrang ganda ng boses niya.
Nais kong malaman mo
Nais kong sabihin sayo
Ngunit parang di ko masabi
Nandito lang, di mabigkas saking labi
Ako ba ay iyong nakikita
Ba't parang hindi mo naman marinig
Ika'y iibigin di nalang sasabihin
Mararamdaman mo sa bawat sulyap
At tingin ko sayo.
Napapikit siya na para bang ninanamnam ang bawat salitang kinakanta niya. Nakatitig lang ako sakanya at nasasaktan sa hindi ko malamanng dahilan ng dahil sa kinakanta niya.
O, may hangganan ba
Ang kailan ma'y, ang paghihintay
Hanggang saan
Hanggang kailan
Ang pagibig ko sana'y maramdaman
Nais kong malaman mo
Nais kong sabihin sayo
Ngunit parang di ko masabi
Nandito lang, di mabigkas saking labi
Ako ba ay iyong nakikita
Ba't parang hindi mo naman marinig
Ika'y iibigin di nalang sasabihin
Mararamdaman mo sa bawat sulyap
At tingin ko sayo
Di ko alam, ang gagawin
Kailan mo kaya ako papansinin
Sana'y dumating na ikaw ay akin
Nang makapiling
Matawag kang akin.
Hindi naaalis ang tingin niya sakin na para bang nakikita niya sakin ang babaeng kinakantahan niya. Nakocurious tuloy ako kung sino ang babaeng gusto niya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mganluhang tumakas sa kanyang mga mata sa muling pagpikit niya. Hindi ko din napigilan ang maiyak dahil sa nakikita ko sakanya. Para bang sobrang sakit ng pinagdadaanan nito ngayon at gusto ko siyang yakapin para mapagaan ang nararamdaman niya.
Nais kong malaman mo
Nais kong sabihin sayo
Ngunit parang di ko masabi
Nandito lang, di mabigkas saking labi
Ako ba ay iyong nakikita
Ba't parang hindi mo naman marinig
Ika'y iibigin di nalang sasabihin
Mararamdaman mo sa bawat sulyap
At tingin ko sayo.
Nang matapos ang kanta ay ngumiti ito ng pilit at nagpunas ng mata.
Bumaba siya sa Mini stage at patakbo ko siyang sinalubong at yumakap sakanya. Yumakap naman siya pabalik sakin at naramdaman kong hinalikan ang ulo ko.
"i'm sorry.." Sabi ko sa pagitan ng pag iyak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko dahil naaawa ako sakanya. Sigurado ako na ang kanta niya na yun ay para sa babaeng nagugustuhan niya.
"B-bakit ka nag sosorry? " tanong niya habang hinahamplos ang buhok ko.
Mula sa pagkakayakap ko sakanya ay dinig ko ang bilis ng t***k ng puso niya at lalim ng paghinga niya. Hindi ko man siya nakikita dahil nakasubsob ako sa dibdib niya ay alam kong naiyak din siya katulad ko.
"Sorry kasi naiiyak ako... Nakakinis ka kasi... Sino ba yung babaeng kinakantahan mo? Gusto mo kausapin ko siya para sayo? Ayokong nakikita kang malungkot.... " Sabi ko sa pagitan ng maghikbi.
Tumawa naman siya kaya naman napaangat ako ng tingin. Tumutulo parin ang luha niya katulad ko.
"Hindi na kelangan. Sapat na sakin na malaman na may epekto pala ko sakanya. " Pagkasabi nun ay pinunasan niya ang mata niya at ganun din ang ginawa sa mukha ko.
"Ganun mo ba siya kamahal para iyakan mo?" Seryoso kong tanong saknya.
"Oo eh. Mahal na mahal ko na siya. Hindi ko masabi kasi may mahal siyang iba. " Sagot niya at malungkot na ngumiti.
"Ang saklap naman pala. ihahanap nalang kita ng iba. huwag kanang malungkot. " Pag aalalo ko saknya. At nagsisimula na namang pumatak ang luha sa mga mata ko.
Ngumiti naman siya at umiling. " Masaya ako dahil masaya siya. Nasasaktan man ako pero ayos lang. Mas masakit makita kung malungkot siya."
Niyakap ko ulit siya at ganun din naman siya saakin.
"Hindi kita pipilitin mag move on kasi bilang kaibigan mo ramdam ko kung gano mo siya kamahal. Papasayahin nalang kita lagi para hindi kana masyadong malungkot. importante ka sakin Jake at mahal kita. Ayokong nalulungkot ang mga taong mahal ko. " sabi ko sakanya at hinimas himas ang likod niya.
"Mahal din kita Anne kaya gusto ko ding masaya ka. " Sabi nito at bumuntong hininga.
Bumitaw na ko sa pagkakayakap sakanya at niyaya na siyang kumain ng Dinner bago umuwi.
Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Maswerte ako dahil minahal ako pabalik ng taong gusto ko. Naaawa ako sa kaibigan ko dahil hindi kayang suklian ng taong mahal niya ang pagmamahal na ibinibigay niya. He deserve to be loved. He is a good man. He deserves someone who can love him as much as he loves.
--*