CHAPTER: 21

1130 Words
We are now on our way home to Manila. Hanggang ngayon ay hindi mawala wala ang ngiti sa aming mga labi. Pasulyap sulyap si Francis sakin habang nagmamaneho habang nakawak ang isang kamay niya sa kamay ko na may singsing. Napag usapan na nila ng parents ko na after Graduation ay ikakasal kami pero hindi ko inexpect na magpopropose pa siya. Hindi din naman ako nag expect dahil ang mahalaga naman sakin ay makasal kaming dalawa. Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ng mga magulang ko sa labas ng bahay. Masayang lumapit si Mama at niyakap ako ng mahigpit. Ganun din si Papa na hinalikan ang sa ulo at niyakap. "Our baby is Getting married. " Naluluhang sabi ni Mama. "Next year pa Ma!" Sagot ko na naluluha na din. "Bakit ang bilis mong magdalaga. Siguro dapat hindi ka namin pinauwi dito sa Pilipinas at kami nalang ang pumunta sa US para hindi kayo nagkita nitong Lalaking ito. " Sabi ni Papa sabay tingin kay Francis na ikinatawa naming tatlo nila Mama. "Don't worry po tito, sa malapit lang naman po kami lilipat ng bahay. Hindi ko po siya ilalayo sa inyo." sabi ni Francis. Napangiti ako at yumakap sakanya. Napakasaya ko dahil hindi lang feelings ko ang inaalala niya kundi pati rin sa mga magulang ko. i'm not promoting Teenage pregnancy. isa ako sa maseswerteng kabataan na hindi na kelangan magtrabaho to support my studies. After Graduation ay may position na ako sa kompanya ng magulang ko. Siguro kaya hindi din ako natakot because i am the heir of my parents company so i'm a financially stable. Alam kong mali na ginawa namin iyon bago ang kasal pero ipinapapasalamat ko na malaki ang tiwala ng mga magulang ko saming dalawa at hindi kami hinusgahan dahil sa kapusukan namin iyon. "Pumunta na tayo sa likod bahay dahil may inihanda kaming maliit na salo-salo para sainyong dalawa. " Pag-anyaya samin ni Mama at nauna na sila maglakad ni Papa. Sumunod na din kami agad ni Francis pagkakuha niya ng cake na binili namin kanina sa nadaanan naming Bakeshop. "Bes! Congrats!!!!" Nagulat ako dahil sakto sa pagliko ko ay bumungad agad siya. Napahawak ako sa dibdib ko at napabuga ng hangin. Pinalo ko siya ng mahina sa braso. " Huwag kang manggulat! Muntik na ko mapatalon." inirapan ko siya saka tumawa. "Naexcite lang bes. i'm so happy for you! nakakainggit sana all!" Kinikilig na sagot niya. "Oh Dave sana all daw. " sabi ko sabay turo kay Marielle. Tumawa ito at inakbayan ang Girlfriend niya. "Pwede naman natin gawin yung ginawa nila e. Gawa tayo kambal tapos magpropose di ako sayo." nakangisi nitong sabi. Hinapas siya ni Marielle sa tiyan na ikinatawa naming lahat. "Andami mo talagang alam!" singhal ni Marielle sakanya. "Tama na yan at magsiupo na kayo at dito ipagpatuloy ang pag uusap. " sabi ni Papa na nauna ng naupo. "Kelan ang kasal 'insan?" Napatingin kami kay Dave ng magsalita. Nakangisi ito kay Francis pero tinignan lang niya ito bago sumagot. "As soon as Possible." "Madali lang naman mag asikaso para sayo dahil madami kang tauhan na pwedeng utusan.," Sabi nito bago uminom ng tubig. "Kung gugustuhin mo nga bukas na bukas pwede na kayo maikasal eh." Natawa naman si Francis kaya napatingin kami sakanya." i like your idea. But, ipapakilala ko palang kila Dad si Anne." "Hindi mo pa siya naipapakilala?" Kunot noong tanong ni Papa at nahinto sa pagkain. "My parents already know her po tito. But they have not yet met in person. They live in Switzerland." Paliwanag nito. Napatango tango naman si Papa. "So wala nang pamamanhikan ang magaganap. okay lang naman samin yun kahit sa kasal nalang kami magkakilala." Nakangiting sabat naman ni Mama. Nagpaalam na din sila Marielle after dinner. Nauna na akong pumanhik ng kwarto dahil may tatawagan pa daw si Francis. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nakatapos na ako pero pag labas ng kwarto ay wala parin siya. Nakaharap ako sa Full size mirror sa loob ng kwarto habang tinitignan ang baby bump ko. Actually hindi pa siya halata dahil magtu-two months palang ito. Hindi lang ako makapaniwala hanggang ngayon na may laman na dalawang munting anghel sa loob ng sinapupunan ko. Hindo ko mapigilan ang ngumiti. "Masaya kaba?" malambing na tanong sakin ni Francis at niyakap ako mula sa likod. Hinimas himas niya ang tiyan ko habang nakangiti. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa walk in Closet ko. Napatingin ako sa kanya sa repleksyon ng salamin. "Bat ang tagal mo? Sino bang tinawagan mo?" Tanong ko sakanya. Humigpit ang yakap niya sakin pero sapat lang para hindi maipit ang tiyan ko. "Wala yun. Trabaho." sagot niya. Napatitig ako sa mukha niya dahil hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Hindi siya makatagal sa titig ko kaya nagsumiksik siya sa leeg ko at hinalik halikan ito. Tinggal ko ang pagkakayakap niya at humarap sakanya. Tumingin naman siya sakin kaya natitigan ko ng mabuti ang mga mata niya. "May itinatago ka. " siguradong sabi ko sakanya. "Wala. Just trust me okay?" niyakap na naman niya ako." iniisip ko lang ang kasal natin. Magpakasal na tayo next week?" Napahiwalay ako sakanya at gulat na napatingin. Seryoso ang mukha niya kaya napakunot noo ako. "Are you really serious? Diba after Graduation ko pa? Hindi pwede malaman sa School ang relasyon natin diba?" Naguguluhang tanong ko. "We can do it privately, Baby. imbitahan lang natin ang mga malalapit nating mga kaibigan." Seryosong sagot nito. " Kung gusto mong ng ingrande pwede naman natin ulitin yun." Napahalukipkip ako ng braso at seryosong tumitig sakanya. ",Bat sobrang nagmamadali ka? Wala naman issue sakin kung bongga o simpleng kasalan. Gusto ko lang maging memorable yun kasama ng mga mahal natin sa buhay. Hindi ko pa nga namemeet ang parents mo diba? bat nang aatat kana? Sino ba kasi ang tumawag? hindi ka naman kaninang ganyan ah!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naiinis kasi ako sa ikinikilos niya. Para siyang nagmamadali na hindi mapakali! Ay ewan! inirapan ko siya at naglakad papuntang kama para mahiga na. Tumalikod ako sakanya dahil naiinis ako. Pakiramdam ko talaga may something eh. Masaya lang kami kani-kanina. Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan dahil masyado akong mapuna. Ako yung tipo ng tao na pinipigilan maging sobrang saya dahil natatakot ako na pagkatapos nun ay may malaking problema naman ang darating. Kelangan ko na ba kabahan? Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago pumasok sa loob ng banyo. Wala pa nga kami sa umpisa ng buhay naming dalawa bilang mag asawa ay hindi na niya kayang maging transparent sakin. Alam kong may gumugulo sa isip niya. At hindi ako masaya sa pakiramdam na para bang hindi niya ko kayang pagkatiwalaan sa mga ganung bagay. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD