"Wife, matagal kapa ba?" naiinip na tanong niya sakin.
Sabado ngayon at nakaplano ang unang date namin ni Francis. Sa nakalipas na apat na buwan ng relasyon namin ngayon lang kami makakapagdate ng kaming dalawa lang. Usually kasi lagi kaming Double Date nila Marielle.
Kanina pa ako nag-aasikaso habang nakalumbaba na naghihintay at sinusundan lang ako ni Francis ng tingin na inip na inip na.
"Huwag kana magpaganda. maganda ka na naman na." dagdag pa nito.
Tumayo ako sa upuan at lumapit ako sakanya at inabot ang suklay at panali ko sa buhok.
"tie my hair" nakangiting pag-utos ko sakanya.
Saglit siyang tumitig sa mukha ko bago kinuha ang suklay at panali ng buhok.
Umupo ako sa harap ng Vanity table habang siya naman ay nakatayo at hirap na nagtatali ng buhok. Medyo naiinis pa siya at ilang beses inulit bago natali iyon ng maayos.
"Yan okay na yan." Nakangiting sabi nito na ikinangiti ko din.
Nagpasalamat ako sakanya at hinalikan ang kanyang labi. Saglit pa kaming nagtagal sa kwarto upang linisin ang mga gamit ko na nagkalat dahil sa paulit ulit kong pagsusukat ng damit kanina.
..
"San ba tayo pupunta Hubby?" Tanong ko sakanya dahil kanina pa ako naiinip sa tagal ng byahe.
Kanina pa ko naiirita dahil puro kibit-balikat at ngisi lang ang kaya niyang ibigay sakin.
"Gisingin mo nalang ako! inaantok na ko. Kanina pa tayo nabyahe! Nasa manila pa ba tayo?" naiirita na talaga ako sa pagngisi ngisi niya. "Kung mahaba pala ang byahe edi ssna umaga tayo umalis. Papadilim na hindi parin tayo nakakarating!"
"Malapit na tayo." Natatawang sagot niya na kinairap ko nalang.
Pumasok kami sa isang malaking gate na nakapagpamangha sakin. tumigil ang sasakyan niya sa isang open space parking lot. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan at inilahad ang kamay. Inirapan ko muna siya bago inabot yun. Ngumiti siya ng malaki na nagpalabas ng pantay at mapuputi niyang ngipin. He has a dimple both sides of his cheeks na hindi naman kalaliman pero nagpadagdag pa lalo ng kagwapuhan niya.
"Let's go, Wife. You gonna Love here." Sabi niya .
Pumasok kami sa Malaking pintuan at naglakad sa hallway bago pumasok ulit sa isa naman Glass door.
"Woooooow! " manghang sabi ko ng makapasok sa loob.
Isang open space Garden na punong puno ng iba't ibang klase ng mga bulalak ang bumungad sakin. Puro salamin din ang paligid pero hindi makikita itong loob mula sa labas. May daanan ito ng tao para mas makita mo ang mga bulaklak ng malapitan. May dalawang bench din sa gitna at may maliit na light post. Sa Dulo nito ay malaking puno sa Gitna na may dalawang upuan at isang lamesa.
"Do you like it here?" Nakangiting tanong nito sakin ng mapatingin ako sakanya.
"Do i like it? No... i Love it !" Namamanghang sabi ko at binalik ang tingin ko sa mga bulaklak.
"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito e." sagot naman niya at inakbayan ako.
inakay niya ako maglakad sa gitna ng mga ito hanggang sa makarating kami sa may puno. Napatingin ako sakanya dahil may mga pagkain na nakalagay sa lamesa. Pandalawang tao ito at may ilang pirasong bulaklak na nakalagay sa maliit na vase na nakalagay sa sentro ng lamesa.
Pinaghila niya ako ng upuan kung saan ako pinaupo bago siya pumunta sa pwesto niya.
"Habang papunta tayo dito, pinaasikaso ko na ang lahat sa kanila. " Sabi nito ng mapansin ang pagtingin ko sakanya habang hinihiwa niya ang steak na nasa plato. inabot niya saakin yun at kinuha ang plato na nasa harap ko at pinagpalit yun.
"Thanks.. Pero kilala mo ang may-ari? Pwede ko din bang makilala?" Nakangiting tanong ko. Gusto kong makilala ang may-ari ng ganitong kagandang lugar. Pangarap ko din na magkaroon ng Garden na ganito kaganda in the future pag may sarili na kong bahay.
"Oo, bakit?" tanong niya sakin at nagsimula na kaming kumain.
"Gusto ko lang makilala. Babae ba siya? Ang ganda ng ginawa niya dito sa lugar. Parang ayoko na nga umuwi eh!" sabi ko at inilibot ulit ang tingin sa paligid.
"Gusto mo ba dito tumira?" Uminom siya ng Wine na nasa baso niya at tumingin sakin.
Natawa naman ako dahil seryoso ang mukha niya habang tinatanong sakin yun. " Para naman pwede. Hindi naman satin to." sagot ko.
"Sabihin mo lang kung gusto dito tumira at ipapalipat ko na agad ang mga gamit mo dito sa bahay ko."
Napatingin ako sakanya at mukha namang hindi siya nagbibiro. Uminom muna ako ng Juice bago sumagot.
"Sayo to? ikaw ang may-ari?" Gulat na tanong ko.
"Oo" sagot nito at ibinalik ang tingin sakin.
"Wow Sir rich kid ka pala" Hindi makapaniwalang bulalas ko.
"Marami akong negosyo. Kasosyo ang mga kaibigan ko. Kaya hindi ka maghihirap kahit umalis ako sa pagtuturo."
Napatango tango naman ako at hindi parin makapaniwala na mas mayaman pa pala ito samin. Pano naman, may mga bahay pala siya pero nakikisiksik sa kwarto ko.
"Kung gusto mo dito nalang tayo tumira pagkatapos ng kasal natin. " Sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Tumayo na ito at inakay ako maglakad papunta sa Glass door din na nasa gilid.
"Kasal?" tanong ko habang sakanya nakatingin.
"Oo bakit? Sa tingin mo ba bubuntisin lang kita at hindi papakasalan? inuna ko lang ang anak para hindi ka na makawala sakin." Mayabang na sagot niya. Inirapan ko naman siya.
Binuksan niya ang Glass door at bumungad naman sakin ang isa pang open area na pabilog. Napapaligiran naman ito ng mga halaman at may malaking Fountain sa Gitna. Napatingin naman ako sa four storey house. Actually mansyon na iyon at hindi bahay.
"You own this?" Hindi makapaniwalang tanong ko na naman sakanya.
Natatawa naman siya sa reaksyon ko at hinalikan ako sa labi. "Yes baby. Gusto ko kasi magkaroon ng malaking pamilya in future." nakangiti nitong sagot.
Hawak kamay kaming naglakad para makapunta sa bahay niya. Palinga linga ako sa paligid dahil sa sobrang ganda nito.
"Welcome home my Wife." pagsabi niya nun ay pagbukas naman ng pinto.
May nakaabang samin na apat na kasambahay.
"Magandang gabi po sainyo Senyorito, Malinis na po ang kwarto gaya ng inutos niyo. Pwede na po kayo makapagpahinga." Nakangiting sabi ng isa sa kanila na sa tingin ko ay ang Head.
"Salamat po Manang Hilda." sagot niya at sinabihang pwede na din silang makapagpahinga.
Nag-alisan na ang mga kasambahay bago siya tumingin sakin at niyaya paakyat sa kwarto niya.
Pagpasok sa kwarto niya ay namangha ako sa laki at linis nito. Mas maayos pa at very organized ng mga damit dito kesa sa kwarto ko. Gray ang kulay ang kabuuan nito na hinaluan lang ng ibang mga gamit na kulay puti.
May malaki itong kama na kasya ang apat na tao.
"Wow ang ganda naman ng kwarto mo." Sabi ko hang nililibot ang kabuuan nito.
" Ano gusto mo na tumira dito?" Tanong niyang kanina na inulit nya ngayon.
Sumimangot naman ako. "Gusto ko sana, pero ayoko humiwalay kala Papa. Alam mo naman yun diba. " sagot ko na may kasamang panghihinayang.
Kung pwede lang bakit hindi diba. Maganda dito at malawak. Kahit sino atang tanungin ay mas gugustuhin sa tahimik at magandang lugar kumpara sa syudad na maraming nakaabang sa pagkakamali mg isa't isa.
"Alam ko. kaya nga aa malapit lang ako bumili ng bahay natin. " Nakangiting sabi nito at yumakap sa likod ko.
"Francis, pagod na ko. " Sabi ko sakanya dahil nagsisimula na namn siyang halikan ako sa leeg at balikat. Ang isang kamay niya ang pinapakabang sa hita.
"One round lang pwede?" tanong niya sa pagitan ng paghalik sa balikat ko.
"No, Francis i'm tired. Baka makasama sa mga baby natin kung ipipilit mo." sagot ko at nilingunan siya.
Tumigil naman siya at bumuntong hininga. " Alright. "
Naglakad siya at humiga sa kama saka niya itinaas ang kamay niya para yayain akong lumapit sakanya.
Humiga ako sa tabi niya at niyakap namin ang isa't isa.
"i love you Wife. so much. " Sabi niya ag humalik sa noo ko.
Napangiti ako dahil a
sa mga sweet gesture na laging nagpapabilis ng t***k ng puso ko.
"i love you to Hubby. So so much ." sagot ko at lalong sumiksik sa katawan niya.
..
Sabay kaming lumabas ng kwarto para mag almusal. Mamaya ay may pupuntahan daw kami na magugustuhan ko daw. Sinusulit niya talaga ang dalawang araw na walang pasok.
"Saan na naman yan? baka naman sobrang layo na naman niyan ah." Nakasimangot kong tanong sakanya kanina. Niyakap lang niya ako at tumawa sa pagitan ng leeg ko.
"Malapit lang Baby. don't worry hindi kita papagudin ngayon dahil sa ibang bagay kita gustong pagurin." sagot nito at tumawa na naman.
"Baliw ka talaga." sabi ko.
Bumaba kami sa isang five star hotel at dumiretso sa elevator. Pinidot niya ang top floor kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya at hinalikan ang kamay ko.
Isang candle light dinner ang bumugad sakin pagpasok ng pinto ng rooftop. May malaking hugis puso gamit ang rose petals at nasa loob ang upuan at lamesa na gagamitin namin.
"Thankyou Francis." Naluluha kong sabi sakanya. Simula kagabi ay lagi akong namamangha sa mga ipinapakita niya.
"Anything for you, Wife. tara na?" Pagyaya niya sakin at nilahad ang kamay. inabot ko naman yun habang ang isang kamay ay pinupunasan ang luha na tumakas sa aking mga mata.
Hinalikan niya ako sa labi bago naglakad papunta sa lamesa. Umupo na kami doon. May dumating na dalawang waiter na may dala ng mga kakainin namin at isang wine.
Para kaming nasa blind date na nagsusulyapan at nagngingitian habang kumakain. Patapos na kaming kumain ng mapatingala ako dahil sa mga fireworks na nagputukan sa langit.
"Wow...." Masyado akong namangha sa makukulay na paputol at masaya itong pinanood.
Nawala sa isip ko si Francis kaya naman ng matapos ito ay saka palang ako napatingin sa kasama ko.
Napatakip ako ng bibig at nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko sa mata. Nakaluhod siya sa isa niyang tuhod at may hawak na maliit na pulang box at may diamond ring sa loob.
"Baby, I liked you the first time I saw you. You got my attention right away so I quickly fell for you. Everything happens so fast between us. i sincerely love you with all my heart. Anne Marie Domingo, will you allow me to be with you forever? " Naluluhang tanong niya saakin.
Tumango naman ako habang umiiyak. " Yes, Francis. i'll want to spend my life forever with you ." sagot ko sa pagitan ng pag iyak. Sinuot niya sakin ang singsing at sabay na tumayo.
Buong puso kong tinugon ang halik niya na punong puno ng pagmamahal. Maswerte akong mahalin ng isang katulad niya. Alam ko siyang ang tipo ng lalaki na hindi ako sasaktan kaya sobrang laki ng tiwala ko sakanya. I want to be with Francis in the next chapter of my life.
--*