CHAPTER: 19

1619 Words
Nagpapatuyo ako ng buhok sa harap ng vanity table ko. Naghahanda na ako sa pagpasok pero ang mahal kong Professor ay nakahiga pa sa kama at sobrang sarap ng tulog. Pinatay ko na ang blower at sinuklay ang buhok ko. Naglagay lang ako ng tatlong hairpin sa bandang kaliwa at naglagay din ng red liptint. Maputla kasi ngayon ang kulay ng labi ko. Lumapit ako kay Francis at ginising na ito. "Sir, gising na." Sabi ko habang tinatapik tapik ito sa braso. "Hmmmm..." nagkamot lang ito ng dibdib at tumagilid. Mukhang pagod na pagod talaga ang lalaking ito. 1month nalang naman at magki- Christmas break na. Makakapagpahinga na din siya. iniwan ko na muna siya sa kwarto at bumababa sa Kusina. Nagluluto si Mama at tinutulungan ni ate Linda sa pag aasikaso ng mga rekado. "GoodMorning Mama!" Masayang bati ko sakanya at humalik sa pisngi niya. Ngumiti naman siya sa akin at binati ako pabalik. Umupo muna ako sa upuan ng island counter at nangalumbabang nanonood kay Mama. "Tulog pa din ang boyfriend mo?" Sumulyap siya sakin at binalik ang tingin sa pagluluto. ",Yes Ma. Ginigising ko nga ayaw magising e. Hinayaan ko muna maaga pa naman. " sabi ko at kumuha ng cookies na nasa mangkok at kinain ito. "Limitahan mo ang pagkain ng matamis. Mas nauuna pang lomobo ang mukha mo kesa sa tiyan mo ." natatawang sabi ni Mama at binigay kay ate Linda ang sandok. Umupo siya sa tapat ko at uminom ng tubig. Napanguso naman ako habang ngumunguya. " Tumataba na ba talaga ko? Baka naman maghanap ng sexy si Francis niyan. " at napairap ako sa isiping iyon. Tumawa naman si Mama at naiiling. " Mahal ka non. Kahit tumaba ka panigurado hindi ka ipagpapalit ni Francis. Patay na patay kaya yun sayo. " "Sinong ipagpapalit?" Napalingon naman ako sa likod ko. Papasok si Papa sa kusina at lumapit sakin para halikan ako sa ulo pagkatapos ay kay Mama para halikan sa labi. "Yang anak mo kung ano ano ang naiisip. Baka daw ipagpalit siya ni Francis dahil nataba na siya." pagkwento ni Mama. "Subukan niya lang at hindi na siya makakapasok sa pamamahay ko. " sabi ni Papa. Kinurot naman siya ni Mama sa tagiliran. Sabay sabay na kaming pumunta sa Dining Area habang naghahanda ng pagkain sila Ate Linda at Manang. "Good Morning po Tito, Tita ." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Francis. Umupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa labi. "GoodMorning Baby. " Nakangiti ito at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula na kaming kumain ng mapatingin ulit siya sakin at bumulong. " May pupuntahan ka?" takang tanong nito sakin. Umiling ako. "Nakalimutan mo ba na Studyante pa ko? Papasok na ko. Dalawang araw na kong absent. " Sagot ko habang kumakain. "Ah. kala ko kasi may bahay na kita. Nakalimutan ko ." Nakangisi ito habang nakatingin sakin. inirapan ko siya kaya natawa siya. "Tapusin nyo na yang kinakain nyo at baka malate na kayo. " Sabi ni Papa. Ngumiti naman si Mama na parang kinikilig. .. "Sigurado kabang kaya mo na?" tanong niya sakin na panlimang beses na. Nakasakay na kami sa loob ng kotse niya pero hindi parin niya pinapaandar. "Paulit ulit ka Sir. Okay nga lang ako. " sagot ko at napakamot ng ulo. "Nagaalala lang naman ako. Baka delikado sainyo ng mga baby natin. Maghome school ka nalang kaya? Pano kung madulas ka sa hallway o restroom? Pano kung aksidenteng malaglag ka sa hagdan? Pano kung aksidenteng matulak ka?" Sunod sunod na tanong nito at bumuntong hininga. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. " Don't overthink okay? mag- iingat naman ako. Hindi ko hahayaang may mangyari saming masama. Tatapusin ko lang ito. Sa January maghohome school na ko. " Bumuntong hininga siya at hinalikan ang kamay ko. " Okay baby. " labag sa loob na sagot nito. Nagsimula na siyang magmaneho papuntang School. .. Nakaupo ako ngayon sa Bench at hinihintay ang magboyfriend na Marielle at Dave. "Bes! Oh my God!!! " patiling sabi nito at hinawakan ang dalawang kong kamay. Nakaupo lang ako habang siya talon ng talon habang napapailing nalang si Dave. "Kamusta kayo? May gusto kabang kainin? Bibilhin ni Dave para sayo!" Masayang tanong nito at umupo sa tabi ko. Umupo naman si Dave sa tabi niya. "Magkakaron na pala ko ng pamangkin kay insan. Babae ba o lalaki?" tanong nito sakin at umakbay kay Marielle. ",i don't know. wala pa silang Gender." sagot ko. "They're twins?!" patili na namang tanong ni Marielle. "Ano ba yan Marielle!" "Babe naman!" sabay naming sabi ni Dave at napatakip ng tenga. "Will you please calm down? " naniningkit kong mata na nakatingin sakanya. "i'm sorry bes excited lang. " natatawang sabi nito. "Gusto mo gawa na din tayo?" Nakangising tanong ni Dave sakanya. "Ouch naman Babe!" Kinurot kasi siya ni Marielle sa tagiliran. Natawa naman ako. Napalingon ako sa kabilang gilid ko ng maramdamang may tumabi sakin. "Hi" nakangiti nitong sabi. "Hi, Jake kamusta?" Masayang tanong ko. Sakanya na ko nakaharap ngayon at tinalikuran sila Marielle. Ngumiti naman to at may inabot na naman sakin na imported na chocolate. "Salamat." sabi ko. "Ayos lang naman. Wala kaming practice ngayon kaya maluwag ang sched ko. Kamusta kana? "sagot at tanong niya sakin at hinawi ang ilang buhok na pumunta sa mukha ko. "Okay lang din. Masaya kong makita ka. " Nakangiti kong sagot. Napahawak naman ito sa dibdib at nag inarte. " Ouch! my heart is beating fast. Take me to the hospital. " hinampas ko naman siya sa braso at tumawa. " Hindi ka magaling umacting. Try harder next time." Tumawa din ito at hinimas ang brasong tinamaan. " But Seriously, i missed you Anne. " sabi nito at inakbayan ako. "Me too." nakangiting sagot ko. Sa nakalipas na apat na buwan ay naging matalik kaming magkaibigan ni Jake. Nagkakatext din kami minsan at madalas siya ang nakakasama kong kumain pagbreak time dahil laging may date sila Marielle at Dave habang busy naman si Francis. "Tigilan mo na kakaakbay diyan. Mamaya may makakita sayo baka may magwala nalang dahil sa galit. " Napatingin naman ako kay Dave dahil sa pagpaparinig nito. "Sino namang magagalit? " sagot na tanong ni Jake habang nakatingin kay Dave. Tumayo nalang ako sa pagkakaupo at ngumiti sa kanilang tatlo. " Cr lang ako. " paalam ko sakanila. "Sama ko Bes! " tumayo naman si Marielle. Pasimpleng nilakihan ng mata si Dave na parang babala na huwag gagawa ng gulo at iniwan namin ang dalawang lalaki na nasa bench. Bago kami makalabas ng Garden ay lumingon pa ako at hindi ko na nakita si Jake doon. Nasa Cr ako at naghuhugas ng kamay sa sink ng makatanggap ng text galing kay Francis. "Come to my Office." .. "Bakit anong meron?" Bungad ko kay Francis ng makapasok sa Opisina niya. Naningkit ang mata nito at ibinaba ang hawak na papel. inalis niya ang suot na salamin at kumunot noong nakatingin sa dala ko. "San yan galing?" tanong niya sakin. "Ah ito..." Tinaas ang hawak kong box ng chocolate. " Kay Jake.." Umupo ako sa Sofa at sumandal. "Jake? Bat lapit ka ng lapit doon? Nanliligaw ba sayo yun?" Seryosong tanong niya sakin. "Anong sinasabi mo? Magkaibigan kami malamang lalapitan niya ko at lalapitan ko siya. " kunot noo ko ding sagot saknya. "Sabi ko wag kanang lalapit sakanya dba?! May gusto siya sayo!" Parang bata nitong sabi. "Sinisigawan mo ba ko Mister?" mataray kong tanong sakanya at napahalukipkip ng braso. "No.." anito at napakamot ng ulo. Lumapit ako sakanya at umupo sa kandungan niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para magtama ang mga mata namin. "Masyado kang seloso. Wala kabang tiwala sa kagwapuhan mo?" nakangisi akong nakatingin sa mukha niya. "Alam kong gwapo ako." mahanging sagot nito. "Pero anong gagawin ng kagwapuhan ko kung magkakagusto ka iba." sabi niya at bumuntong hininga. Napangisi ako lalo ng makita ang pag aalala sa mukha niya. "to tell you the truth, Crush ko siya. Kung hindi nga lang kita siguro naunang nakilala, siya siguro ang boyfriend ko ngayon. " mapang asar kong sabi na ikinasimangot naman niya. "Baby naman..." malambing niyang sabi at niyakap ako. "Don't worry Sir. ikaw lang naman ang mahal ko. Ngayon pa ba kung kelan may baby na dito." sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. " Kaya nga binuntis kita e para siguradong akin kana." nakangisi na rin siya at umiral na ang kayabangan niya. "Ang galing mo talaga magplano. ibang klase ka. " natatawang sabi ko. "Bat mo pala ko pinapunta dito?" naalala ko bigla ang text niya. "Wala lang. Namiss lang kita. Kumain kana?" "Yes! " Tumayo na ako at lumipat na ulit sa sofa. Binuksan ko ang chocolate na bigay ni Jake at kinain ito. "Hmmmm.... " napapatango ako habang ngumunguya. " Gusto mo?" pag aalok ko sakanya. "No, thanks" sumimangot na naman ito kaya natawa ako. "masarap kaya. try mo tara dali!" nakangiti kong anyaya. "Sa susunod kung gusto mo niyan ako nalang ang bibili. Bakit nagpapabili kapa sakanya. ako kaya asawa mo. " supladong sagot nito. Natawa naman ako lalo sa sagot niya. " Anong asawa? Hindi pa tayo kasal Sir baka nakakalimutan mo. " "Hindi pa pero malapit na. Saka dipa ba tayo mag asawa e iisang kwarto na tayo natutulog. " sabi nito. "Nakikitulog ka lang. " sagot ko naman. Pagkatapos kong kumain ay saktong pagdating naman nila Marielle. Nagpaalam na ko sakanya at alam kong madami din siyang ginagawa. Nagbilin pa siya kay Dave na lagi akong bantayan at mananagot daw ito pag may nangyare daw sakin na masama. "Grabe talaga si insan sakin. " napapailing nalang nasabi nito habang nakaabay kay Marielle. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD