FRANCIS's POV: Chapt.5

1075 Words
"Pre Tama na yan nakakarami kana ." awat sa akin ni Anthony. Nandito ako ngayon sa Bar niya sa Makati. Nasa Private Room kami ngayon dalawa at nag iinom. Nakakailang Hard Drinks na rin ako pero bakit parang hindi ako tinatamaan. "Wala na siya sakin Pre.." Sabi ko sa kanya kasunod ng pagbagsak ng aking mga luha. "iniwan na niya ko. Ni hindi man lang niya sakin sinabi sakin kung saan siya pupunta. Willing naman akong sundan siya kahit saang lupalop man yan ng mundo eh." Muli kong tinungga ang hawak kong bote. Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon. "Babae lang yan Pre. pwedeng palitan. " Napapailing na sabi niya sakin. Nagpantig ang tenga ko sa narinig. " ANONG BABAE LANG?! HINDI SIYA BASTA BASTA BABAE LANG !!!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya at hinagis ang hawak kong bote. "Bahala ka na nga dyan sa buhay mo. Tumawag ka nalang kung may kailangan ka bababa na ko. " sabi niya at umalis na sa loob ng Private room. Napahagulgol naman akong napatakip sa mukha. Miss na miss ko na siya. May dalawa babae naman akong minahal dati Pero hindi ganito kasakit katulad ng nararamdaman ko ngayon. Ibang iba ang sakit na nararanasan ko ngayon . Sa loob ng isang linggo na pinagsamahan namin lagi ko siyang pinapasaya. Masaya akong makita siyang masaya. Pero nakakagag* lang dahil kung kailan pinagpaplanuhan ko ng magtapat sa kanya saka naman napurnada. Ni hindi ko alam kong babalik pa ba siya. -- ouch.. Sh*t ! Napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dito sa Bar. Buti nalang talaga at kaibigan ko ang may-ari kaya walang nangahas na gisingin ako. Tinignan ko ang buong paligid. Sobrang gulo. Madaming basag na bote, mga maduduming plato at upos ng sigarilyo. Tumayo ako at naglakad kahit parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa hangover. Pagbaba ko ay dumeretso ako sa bar counter. Umupo ako dun at nagpakuha ng isang bote ng alak sa tauhan ng kaibigan ko. Papainom palang ako ng may umagaw sakin ng bote. Nakarinig ako ng sunod sunod na palatak. Napatingin at nakita sa tabi ko si Anthony. "Ang aga aga bro alak na naman. Baka gusto mo munang kumain?" Seryoso niyang puna sa akin. Tinignan ko siya ng masama. "Ano naman? wala kong gana.. Akin na yan! " Sabi ko at pilit na kinukuha ang bote ng alak. Pero itong gag* na to pilit inilalayo . "Tama na Francis! " Dumagundong sa loob ng bar ang boses niya dahil sa pagsigaw. "Tsss.. ang Kj mo." Sabi ko at lumipat ng upo sa may Sofa. "Wala kabang balak pumasok? Mag-iinom ka nalang dito ng mag-iinom?! Aba naman pare baka naman malugi ako niyan! " Pangaral niya sakin at sumunod na naupo sa sofa. "Wag kang mag alala babayaranan kita Tang *n@ ka. Baka nakakalimutan mo mas mayaman ako sayo." masama ang tingin kong sagot sa kanya. "Wala kong paki sa yaman mo tol. Bayad mo ang kailangan ko " sabi niya at humalakhak pa nga ang gag*. Kala naman niya may nakakatawa. Tsss.. Kala mo kung sinong concern na kaibigan, takot lang pala malugi. tssk. May nilapag na mga pagkain sa harap naming lamesa ang isa sa mga tauhan niya. Mukhang masasarap naman pero wala talaga akong gana kumain. "Ubusan mo yan tol. tas saka kana ulit uminom. " sabi niya at tinapik tapik ang balikat ko bago bumalik sa loob ng opisina niya sa bar. Walang buhay kong sinubo ang mga pagkain na nasa harapan ko. Pinilit ko iyong kainin kaysa masayang ang pagkain, marami pa namang nagugutom at walang makain. Halos di ko malasahan ang mga pagkain na nakahain dahil wala talaga akong mood at alak lang talaga ang hinahanap ng katawan ko. Nang maubos ko ang pagkain, kahit papaaano ay nawala ang sakit ng aking ulo. iniwan ko na ang pinagkainan at pumunta ng CR para mag-ayos. Kailangan ko ng umuwi ng bahay. -- Natapos ang dalawang linggo kong Vacation Leave sa University. inubos ko ang buong oras ko sa pag-iinom. Hindi ako tumigil hanggat hindi ako kumakalma. Pero ngayong araw medyo okay na ko kaya balik trabaho na ulit. As if naman may choice ako. Paghindi pa ko pumasok malamang sa malamang tatawagan ni Lola si Daddy at sasabihin na pinapabayaan ko ang trabaho ko. Dumiretso ako sa Opisina dahil maaga pa naman dalawang oras bago magsimula ang unang klase ko.Naupo ako sa swivel chair at pumikit. Starting to day i need to focus in more important things. Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya pinindot ko ang botton to unlock the door. "Hi Babe! " matinis na boses ang bumungad sakin. i rolled my eyes. Why she's here?. tsk. "What do you want Kate? What are you doing Here?" Seryoso kong tanong sa kanya. Umupo siya sa Visitor's Chair at nagcross legs at arms. "You Don't Miss me Babe?" Nagpapacute nitong tanong sakin. "Stop calling me 'Babe' Kate. We're done 2 years ago don't you remember?" iritado kong tanong ko sakanya. Napanguso siya. Akala naman niya maaakit ako sa pagganyan ganyan niya. "But i told you diba, that i want a comeback?" ngpapaawang sabi nito. "Come on Kate, i already decline your comeback thing. i'm done with you." tumayo ako at pumunta sa mini kitchen ko at nagtipla ng kape para sa sarili. "At isa pa, i told you that i already inlove with someone. and that's not you Kate." Naghiwalay kami ni Kate dahil hindi siya marunong makuntento. Kami pa pero patuloy siya na nakikipagdate sa iba. Masyado kasi niyang kinareer ang pagiging liberated niya. Lumaki kasi sa ibang bansa kaya siguro naadopt ang pag uugali niyang yun.. "Well, i know i have a space pa in your heart so i will do everything and anything para bumalik ka lang sa akin Francis." Confident naman niyang sabi at naglakad papuntang pintuan. "Well, sorry to tell you but you don't have to do everything and anything dahil wala kang mapapala sakin . i Love my woman that much at wala kong balak ipagpalit siya sa katulad mo lang Kate." Seryoso ko paring sabi sa kanya at pinindot ang unlock botton. Bago lumabas ay inirapan nya muna ako at nginisian sabay sabing "We'll See." at padabog na sinara ang pintuan. Napailing nalang ako at sinimulang ayusin ang mga gamit ko na dadalhin sa klase. Lumabas na ako ng Opisina at naglakad papuntang sa unang klase ko. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD