Naglalakad ako sa Hallway papuntang opisina ni Sir Francis. Magpapaalam na ko sa kanya na aalis.
Kaninang umaga ay kinausap ako ng parents ko na doon ako pansamantalang mag-aaral sa US. Matatagalan kasi ang business trip ni Papa at ayaw naman nila akong iwan mag-isa sa bahay. Kasisimula palang ng klase pero heto at magtatransfer na agad ako.
Pabor naman sakin ang desisyong iyon ng parents ko. Gusto ko din kasing mapalayo kay Francis at maka move on. Wala naman kaming naging relasyon pero gusto ko pa rin magpaalam sakanya dahil may pinagsamahan naman kami kahit papaano. Gusto ko rin siyang makita sa huling pagkakataon. i really miss that man. Pero hindi pwede at kailangang putulin ang anumang nararamdaman ko sa kanya. Studyante ako at isa siyang Professor.
Huminto ako sa nakasarang kulay brown na pinto. Nakasulat sa gilid ng pinto ang pangalan niya.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Automatic namang nag unlock yun kaya pumasok na ko sa loob. Nakita ko siyang nakayuko habang binabasa ang ilang mga papel na nasa lamesa.
Hindi muna ako naglakad palapit at pinagmasdan muna siya. Dalawang linggo din kaming hindi nagkita kaya miss na miss ko siya. Gustuhin ko mang yakapin siya ng mahigpit ay pinigilan ko ang aking sarili. Nandito ako para magpaalam. Mas mahihirapan akong umalis kung magkakaayos kami.
Naramdaman naman niyang hindi parin ako lumalapit kaya napaangat siya ng tingin papunta sa akin. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya at agad na napatayo sa upuan at mabilis na naglakad papunta sa akin.
"Baby, i miss you!" sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Gustuhin ko man na yakapin din siya pabalik pero hindi ko ginawa. Mas mahihirapan siyang pakawalan ako kung ipapakita ko sa kanya na namiss ko din siya.
Hinalik halikan niya ako sa buhok pero mahina ko siyang itinulak palayo.
Tinignan ko siya sa mata at nakita ko ang lungkot niya dahil sa ginawa ko.
Lumayo ako ng konti sa kanya at bahagyan yumuko.
"S-sir , m-magpapaalam lang po ako." sabi ko sa kanya at nag-angat ng tingin.
Tinitigan naman niya ako na parang bang naghihintay ng susunod ko pang sasabihin.
Tumikhim muna ako dahil feeling ko may bumara sa lalamunan ko at walang lalabas na salita sa aking bibig.
" m-magtatransfer na po ko s-sir. Wag kana din po sanang magtext at t-tumawag saakin. " sabi ko sa kanya.
"WHAT? NO WAY!!!" Gulat na sigaw niya na nagpaigtad sakin.
Kinabahan ako at nanginginig ang mga tuhod. Napayuko ako.
Bigla naman niya ulit akong niyakap ng mahigpit. "No baby please.. Don't Leave me...", mahina niyang pakiusap kasunod ng pamamasa ng balikat ko.
Umiiyak siya. Naririnig ko ang pigil niyang paghikbi at pag-alog ng balikat niya.
Parang may sariling isip ang kamay ko at niyakap siya pabalik.
"B-baby P-please...." sabi nya ulet sa pagitan ng maghikbi nya.
"i-im sorry S-sir... " Gusto ko man magpaliwanag at sabihin ng dahilan pero hindi ko na kayang magsalita ng mahaba. Baka pag nagsalita pa ako ay hindi ko na mapigilan pa at mapaiyak na din ako.
Bumitaw siya sa pagyakap at tumingin sakin. Namumula ang maganda niyang mga mata dahil sa pag iyak.
"h-hindi ka n-na ba b-babalik?" malungkot niyang tanong sa akin.
Bumuntong hininga ako bago nakasagot. " i-i dont know. H-hindi ko alam sa parents ko. its t-their decision . " Nangangatal kong sagot sa kanya.
Naglakad siya papuntang visitor chair at nanghihinang umupo doon. "Kailan ang alis mo?" malungkot na tanong niya habang sa lamesa ang tingin.
"This Coming Sunday po." sagot ko naman sakanya.
"Okay... " yun lang sinabi niya at tinakpan ng dalawa niyang kamay ang mukha habang Nakapatong ang mga siko sa hita nya.
Masyado na kong nahihirapan. Kaya napagdesisyonan ko ng umalis. Nakailang lunok na din ako para lang pigilan na wag mapaiyak.
"A-alis na ko s-sir..." paalam ko sa kanya bago naglakad papuntang pinto. Hindi na naman nakalock yun kaya dere-deretso na akong lumabas at hindi na muling tumingin pa sa kanya.
Patakbo akong pumunta ng Rest room at pumasok sa isang cubicle at doon tahimik na umiyak.
Sobrang sakit ng puso ko ngayon. Lalo na't nakita ko ang pag-iyak ni Francis dahil sa pag alis ko. Mas lalo ko siyang mamimiss. Pero kailangan na naming magmove forward dalawa. Alam ko din naman na sa pag-alis ko makakahanap din sya ng iba. Hindi naman matagal ang pinagsamahan namin kaya nakakasiguro ako na makakamove on agad siya.
---
"Honey let's go downstair na. Baka ma traffic tayo.." Yaya sakin ni Mama habang nakasilip sa pinto. Tumayo na ako at muling tumingin sa salamin. Okay na..
Sabay kaming bumaba ni Mama at pumunta sa garahe. Nandun na si Papa at mga gamit namin sa loob ng Van. Si Mang Berto ang maghahatid sa amin sa airport at babalik din siya dito sa bahay.
"Baby Don't be Sad. Magugustuhan mo dun sa US. babalik din naman tayo dito pag natapos na ang gagawin ko dun. " sabi sakin ni Papa. Nginitian ko naman siya bilang sagot.
'Baby..., ang tawag niya saakin.. I miss Francis so Much...'
itinuon ko nalang ang mata ko sa bintana.
--*