sh*t! sh*t! sh*t!
Napaharap ako kay Anne at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Hinatak niya ng mabilis ang braso niya na hawak ko at mabilis na naglakad paalis.
Tinignan ko ng masama ang nakangisi paring studyante sa harap ko.
"Pinsan naman wala namang ganyanan. Nakakamatay yung tingin mo eh." natatawang sabi ni Dave habang nagkakamot ng batok.
"Bakit mo kong tinawag na Prof?" Tanong ko sakanya na hindi pinag-iisipan ang sinabi.
"What? Masama ba yun e Prof ka naman talaga? Bakit Sekreto ba dapat yun?" Parang tangang balik tanong niya sakin habang ngisi-ngisi parin mukha.
Pasalamat lang talaga 'tong taong 'to at pinsan ko sya. Malamang galit na sakin si Anne. Pano ko naman siya susuyuin? Hays.
Balak ko naman talaga aminin sa kanya yun pero hindi pa sa ngayon. Hindi din naman kami nagkikita dahil 4th year students ang hinahawakan ko.
"Umalis kana sa harapan ko." sabi ko at nagsimula ng lumakad. Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin habang tumatawa pero hindi ko na siya nilingon pa.
Papunta ako ngayon sa Private Office ko dto sa University. Papupuntahin ko nalang si Anne dito para makausap ko siya ng maayos. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ba siya hahanapin.
Umupo ako sa sofa pagpasok sa Opisina ko. Kamag-anak namin ang nagmamay- ari ng University kaya madali lang akong nabigyan ng Private Office. Ayoko kasi sa Faculty dahil hindi ako makapagfocus pag madaming kasama.
kinuha ko ang cellphonne sa Bulsa ko at nagtext kay Anne.
to: Anne
'baby where are you? iwant to explain. can we talk?'
Pagkasend ko ng text ay napabuga ako ng hangin. Hindi ko inexpect na malalaman niya agad na isa kong Professor. Hindi ko sinasabi sa kanya dahil gusto ko munang maging malapit kami sa isa't isa at hindi niya isipan ng malisya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung kakausapin pa ba nya ako. Hays!
Gigil na ginulo ko ang aking buhok. Naiinis talaga ako! Bwisit talagang Dave na yun! Kung pwede lang gilitan ng leeg yun eh!
Pumasok ako sa kwarto doon at pabagsak akong humiga sa kama. Pinatong ko ang braso ko patakip sa aking mga mata.
My Baby...
Napabuntong hininga ako.
Bakit ang bilis matapos? isang linggo palang e, ni hindi pa nga ko umaamin sakanya dahil baka mabilisan siya masyado.
Tinignan ko ang Cellphone ko. Walang paring reply. ilang minuto na wala paring reply galing saknya. Samantalang araw araw wala pang isang minuto ang tinatagal e may sagot na agad siya.
Tinawagan ko ang number niya. Habang nagriring ay paulit ulit akong bumubuntong hininga. Paulit ulit ko din siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
huli na 'to tinawagan ko siya at ganun nalang bumilis ang t***k ng puso ko ng sagutin niya na ang tawag.
"Baby, Finally you answer your phone!" sabi ko at biglang mapatayo.Lumabas ako ng kwarto at nagpalakad lakad ako balik balik sa tapat ng sofa.
Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko. Hindi siya nagsasalita at nanatiling tahimik sa kabilang linya.
"Baby where are you?" malambing kong sabi saknya at upo na ulit sa sofa. Napabuntong hininga ulit ako. Alam kong nagulat siya at baka nga galit pa siya sakin dahil sa pagtatago ko ng totoo.
Narinig ko naman siyang suminghot.
"Baby umiiyak ka ba?" nag aalalang tanong ko ulet sakaniya. Hindi na ako mapakali. Nasan ba kasi siya!
"i-im H-home p-po s,-sir.." garalgal ang boses na sagot nya sa kabilang linya. Narinig ko naman ang muli ng pagsinghot.
oh Sh*t my baby is Crying!!
and she's calling me Sir,,!!!!
"Shhh. please don't cry my Baby." pag aalo ko naman sa kanya. " i want to explain baby. Please give me a chance." malungkot kong sabi sa kabilang linya.
Narinig ko naman ang pigil na paghikbi niya. "N-next t-time n-na lang p-po siguro S-sir. " aniya at pinatay ang tawag.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ano na ang gagawin ko?
---
Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa isang sikat na bar sa Makati. Pagmamay-ari ito ng isa sa mga kaibigan ko. Dumiretso ako sa isang private room kung nasaan ang aking mga kaibigan.
"Oh, si Prof napadalaw!" mapang-asar na sabi ni Anthony. Ang kaibigan kong may-ari ng Bar.
Umupo ako sa bakanteng sofa at tinungga ang isang beer na nakalagay sa lamesa.
"Mukhang may problema ang mahal nating Professor ah!" Sabi nito at nagtawanan silang lahat.
Napatingin naman ako kay JR na ngising ngisi ang loko. Sinamaan ko siya ng tingin habang tinutungga ulit ang bote ng beer.
"Tigilan niyo ako." Seryoso kong saad sakanila. Nagsingisian naman silang habang nakatingin saakin.
"What?!", iritado kong sabi. Parang silang mga baliw na nagtitinginan bago bumalik ang tingin sakin.
"Ano bang Problema Prof?" mapang-asar na tanong ni JR. Kami ang magkatabi sa sofa na inuupuan namin.
"Tsss..." ani ko at ininom ang beer ng isang tunggaan nalang.
"Mukhang heartbroken ang mahal nating kaibigan ha!" natatawang sabi naman ni Michael na nakatingin sakin.
"Ano bang Problema bro?" seryosong tanong naman ni Jack. Sa aming magkakaibigan kaming dalawa lang ang laging naka poker face at seryoso.
"Wala. ituloy niyo nalang yang ginagawa niyo." iritado kong sagot.
Hindi na nila ako pinansin at nakipaglandian nalang sa mga kasama nilang babae. Ako naman ay patuloy sa pag-inom ng beer. Nakakaapat na bote na ko wala parin tama. Kailangan ko ata ng hard drinks.
"Bro, gusto mo rin ba? para naman marelax ka. Ano patawag na ko?" nakangising tanong sakin ni Anthony.
Ang tinutukoy niya ay kung gusto ko rin ba ng katable at fling.
Parang di naman nila ako kilala. Kelan ba ko nanghingi sa kanila ng ganun. Tss.
"No Thanks." sagot ko habang masamang nakatingin sa kanya.
Humalakhak naman ang gag*. Tumayo na ako at aakmang lalabas.
"San kana pupunta? Uuwi kana?" tanong sakin ni Michael habang may nakakandong sa kanyang babae.
"Yeah..." walang ganang sagot ko at lumabas na ng private room at naglakad papuntang kotse.
--
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makausap. Lagi ko siyang inaabangan sa Garden pero parang wala siyang balak magpakita sa akin. Hindi din siya nagrereply sa mga text ko at hindi sinasagot ang mga tawag ko. Miss na Miss ko na ang baby ko... Hays ...
Napabalik ang aking diwa sa kasalukuyan ng makarinig ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ko.
"Come in." seryoso kong sabi sa tapat ng intercom na nakalagay ibabaw ng mesa.
Pumasok ang isang studyante at nahihiyang nakatingin sakin habang may bitbit na mga bondpaper.
"Sir, ito na po lahat ang gawa ng klase namin. Nakapagpasa naman po lahat." nakangiti niyang sabi sakin at inilapag sa ibabaw ng desk ang dala nya.
"Okay, you may go." walang emosyong sagot ko sa kanya.
Lumabas naman agad sya at sinara ang pinto. Naka auto lock yun at may pipindutin lang din ako para maunlock kung may papasok.
Pinagpatuloy ko ang pagchecheck ng mga gawa ng mga studyanteng hinahawakan ko. Sinisikap kong maging busy lagi para maibsan ang pagkamiss ko sa dalaga. Ayoko namang pilitin siya ng pilitin na kausapin ako at baka mamaya mas lumayo na talaga siya sa akin ng tuluyan.
Halos mag-iisang oras na kong nagbabasa ng mga gawa ng mga studyante ko ng may kumatok ulit sa pintuan ko. Pinindot ko naman ang botton para mag unlock ang pintuan. Narinig kong pagsara niya ng pinto at nag auto lock na ulit iyon.
Napataas ako ng tingin ng maramdaman kong hindi gumagalaw ang taong nasa loob ng opisina ko. Napatayo ako bigla at mabilis na humakbang papalapit sa taong yun.
"Baby, i Miss you!" sabi ko at mahigpit siyang niyakap.
God, i miss this woman!
Hinalik halikan ko ang buhok niya pero naramdaman kong mahina niya akong tinulak palayo.
Tinignan ko siya sa mga mata. Malungkot yun hindi katulad ng isang linggo naming pagkikita na laging masaya.
Lumayo siya ng konti sakin at bahagyan yumuko.
"S-sir , m-magpapaalam lang po ako." sabi niya at nag-angat ng tingin sa akin.
Tinitigan ko siya at hinintay ang sasabihin nya. Tumikhim muna sya at ipinagpatuloy ang sinasabi.
" m-magtatransfer na po ko s-sir. Wag kana din po sanang magtext at t-tumawag sa akin. "
"WHAT? NO WAY!!!" Napaigtad siya sa gulat gawa ng pasigaw kong sagot sa kanya.
--*