Biyernes na ngayong araw. Masaya akong bumaba papuntang Dining room. Naabutan ko sila Mama at Papa na naglalambingan sa harap ng hapag kainan. Napangiti naman ako sa nakita. Kahit antagal na nilang mag-asawa sweet parin sila at hindi sila nagsasawa sa isa't isa. Makikita din kasi sa mga mata nila kung gaano sila ka-inlove sa isa't isa.I hope i can also find love similar to how my parents love each other. ilove my family
"Good Morning Mama, Papa" Masaya kong bati sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
"Ang saya mo ata masyado anak ha" sabi sa akin ni Papa na nakangiti. Nilalagyan naman ni mama ng kanin ang plato ni papa kasunod naman ay ang ulam.
"Aalis na din po ako Ma,Pa" paalam ko sa kanila habang pinapasok sa backpack ang baon kong bento box.
"Hindi kana mag-aalmusal?" tanong naman sakin ni Mama.
"Hindi na po Ma. sa School nalang po. Babye po! iLove you Mama at Papa." sabi ko at nagflying kiss sa kanila habang palabas ng pinto.
"ingat ka anak . " sabay nilang sabi sakin.
Pagsakay ko sa loob ng kotse ay agad kong binuksan ang cellphone ko. Tinext ko si Francis at sinabing papasok na ako sa University. Wala pang isang minuto ng makatanggap ako ng reply galing sakanya.
Francis:
I'm on the way na din, baby. Kita nalang tayo sa garden.
Napangiti naman ako habang tumitili sa loob loob ko. Kinikilig talaga ko. Inaamin ko na din naman talaga sa sarili ko na crush ko sya eh. sa sarili ko lang ha. Ayokong umamin sa kanya kahit halata naman. Over my dead body.
Simula ng kinuha niya ang number ko ay walang palya na ang pagpapalitan ng mensahe naming dalawa. Mahirap na kase pag gumamit ng social media app kasi uso ang mga hacker. Nasanay na din ako na tinatawag niya kong baby, sa text man o sa personal. Ewan ko ba dun sa lalaking yun napaka Clingy na hinahayaan ko din naman kasi feel na feel ko din. Oo na ako na ang maharot!
Francis Dela Fuente ang tunay niyang pangalan. Ayoko naman tanungin kung anung year na ba siya dahil ayoko mailang siya sa akin lalo na't nagiging close na kami sa isat isa. At his age naman kasi na 24 years old, e naisip ko kung repeater ba suya o irregular student. Ayokong magbukas ng topic ng ganun dahil baka hindi siya maging komportable.
Masaya akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa Gate. iniscan ko muna ang id ko at nagtuloy tuloy na papuntang garden. Nakita ko naman si Francis na nakatayo paharap sa Pasukan papunta dito . Kumaway siya sakin at patakbong akong lumapit at huminto sa harapan niya. Tinaptap niya ng mahina ang ulo ko habang nakatingin kami sa isa't isa na may malawak na ngiti. Sobrang sweet niya ngayong magkaibigan palang kami, what more kung maging boyfriend ko pa siya diba. Assuming hahaha!
Nakatingala ako sa kanya dahil hanggang dibdib lang nya ako. tama lang nan ang tangkad ko pero siya kasi 6footer. Hinalikan niya ang noo ko na mas lalong nagpalawak ng pag ngiti ko. Pafall maman masyado si Crush ! iiiiiihhhhhh...
Feeling ko mapupunit na yung mukha ko kakangiti.
"Francis upo na tayo." sabi ko at hinawakan ang kamay niya para makaupo na sa bench. Same spot ulit kami pero hindi na katulad ng dati na sa magkabilang dulo kami nakaupo, ngayon ay magkatabi na kami.
Naglatag siya ng tela sa tapat namin at doon lumipat ng upo. Nilabas niya ang dala niyang baon. Nasa bench naman nakapatanong ang mga gamit nya at gamit ko.
Ganito kami tuwing umaga. Napagplanuhan niya ito at nagkasundo na sabay kami lagi na mag-aalmusal dito sa garden. Wala naman kasing napunta dito pag umaga dahil usually dumidiretso ang mga studyante at Professor sa Canteen, classroom or office. Kaya hindi nakakahiyang magsweet sweetan dito pag umaga.
"Baby ,try this one." Sabi sakin ni Francis at tinapat sa bibig ko ang kutsarang may ulam na adobong manok.
"Hmmm.." kako habang ngumunguya. Masarap siya infairness. Alam niya kasi na di ako kumakain ng Rice at ulam lang talaga ang kinakain ko. Feeling bloated kasi ko pag nagraRice.
"Ang sarap sinong nagluto?" nakangiting tanong ko sa kanya ng malunok ko na ang ulam.
"Syempre ako Baby. Gusto kong ipatikim sayo mga luto ko eh" nakangiti niyang sagot sa akin.
"Sana all talaga marunong magluto." Natatawa kong sabi. Sanay kasi ako sa bahay na uupo nalang at kakain. Natatakot kasi akong magluto lalo na kapag may mantika. Nakakatakot pag nagtatalsikan ang mantika.
"Okay lang kahit dika marunong magluto. ipagluluto naman kita lagi."
Malambing niyang sabi sakin.
Kaya lalo akong naf-fall sa lalaking ito eh. Kaya ba niya kong panindigan pag minahal ko na siya? Lintek naman oh.
Masaya naming pinagsaluhan ang agahan. Halos hindi kami nauubusan ng topic at sa kung saan saan nalang inaabot ang pagdadaldalan namin.
"Francis papasok na ko. malapit na magtime." Paalam ko sakanya.
Tapos na kaming iligpit ang pinagkainan namin. Mamayang tanghali naman pigil na pigil na naman siyang maging clingy dahil may mga mangilan ngilan na tao na dito sa Garden.
"Sige baby mauna kana. Dadaan pa kong faculty." sagot naman niya sakin at hinalikan ang likod ng kamay ko at noo. Ngumiti lang ako sa kanya at nag ba-bye.
Naglalakad na ko sa corridor ng may bumangga sakin.
Leteral! Sinadya niya. Nakita ko naman na nakita niya ko pero binangga niya talaga ko. Pero bago pa ko tuluyan matumba mabilis naman niya kong hinapit sa bewang palapit sa kanya.
Nakita ko ang ngising ngisi nyang pagmumukha. Gwapo sya, matangkad at maputi din. Pero mas gwapo pariin si Francis sa paningin ko.
"Ano ba!" sabi ko saknya at tinulak sya. "Sinadya mo talaga kong banggain!" nanggigigil kong singhal sa kanya.
"Do you have a proof miss?" nakangisi niyang tanong sakin.
Aba kapal ng mukha! Tinulak ko siya palayo sakin.
"Argggh!!!!" tanging nasabi ko na may kasamang pagpadyan ng kanang paa. nakakafrustrate naman tong lalaking to!
inirapan ko nalang sya. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Baka mahuli pa ko sa klase dahil sa kagag*han ng lalaking yun! Narinig ko naman ang pagtawa niya.
--
Cafeteria
"Coke Zero dalawa" sabi ko sa bantay. Agad naman niyang ibinigay sakin at inaabot ko na ang bayad. Papunta na rin akong Garden dahil nag+aantay na si Francis. Yung taong yun Early Bird lagi. Parang di busy sa buhay niya dito sa Campus.
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko na naman yung baliw na lalaki. Agad naman sumilay ang ngisi sa labi niya na nagpasimangot sakin.
Anlakas ng trip niya! At mukhang ako ang trip talaga niyang asarin.Humarang siya sa harapan ko ng taas noo. Siraulo talaga.
"Tumabi ka, daan ako" seryoso kong sabi sa kanya. Wala naman kasi akong balak makipagbiruan sakanya. ni hindi ko nga sa kilala tapos siya feeling close? tsk.
"Hi, You Again Miss." nakangisi pa din siya.
Napairap nalang ako. Nabigla naman ako ng hinakawan niya ako sa kamay. Hinila ko agad pabalik ang kamay ko. Ang kapal niya talaga! May pahawak hawak pa siya ngayon. siraulo talaga!
"i'm Dave Acosta. From now own you are my Girlfriend Ms. Anna Marie Domingo" Sabi nya sakin ng nakangisi.
Confirm.May sayad nga talaga siya! But wait? "HELL NO!!! How do you know my name?!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
"You dont have the right to say no Mrs. Acosta" natatawa niyang sabi sakin.
As if. Yak!
"Anne Marie...." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.. Si Francis. Nakatayo siya sa likod ko at madilim ang mukha. Hinatak niya ko papalapit sa kanya at itinago sa likod niya.
Seryoso siyang nakatingin sa lalaki. Ano nga ba ulit pangalan? Dave ba yun?
First time ko nakita ang galit at seryoso niyang mukha. Humihigpit na din ang hawak niya sa braso ko.
"F-francis masakit na." mahina kong sabi sakanya at pilit kong tinatanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko. Naramdam ko naman na niluwagan niya ang kapit pero hindi parin inaalis ang kamay niya.
"Hi Prof! "Masayang bati niya kay Francis. Pero nanatiling madilim ang mukha ni Francis na nakatingin sa kanya.
teka ano????! Prof??!
"PROF?!" halos pasigaw kong sabi.
Napalingon naman silang dalawa sa akin. Si Dave with his usual Smirk at si Francis na naging malambot ang ekpresyon.
Hindi ako makapaniwala. Prof sya? Saan? Dito sa School?! MALAMANG! Sh*t naman oh!!!
Hinatak ko ng malakas ang braso ko at naglakad ng mabilis palayo sa kanila dalawa. Pumasok muna ako ng rest room at cubicle.
Umupo ako sa nakasarang toilet bowl at nangalumbaba habang kinakagat kagat ang kuko sa hinlalaki ko.
Professor siya. Si Francis..
Nalungkot naman ako bigla. Ano ba naman yan. Kung kelan hulog na ko sa kanya saka ko malalaman na Prof pala siya dito sa University! Kung inalam ko pala in the first place edi naawat ko ang paghanga ko sakanya. Hays!!!!
Lumipas ang ilang minuto ng mapagpasyahan kong lumabas na ng cubicle. Naghugas ako ng kamay sa sink at lumabas na ng Restroom. Pang apat ko na naman na subjet ang susunod pero hinayaan ko nalang. Babawi nalang ako next week.
Nawalan ako ng gana pumasok kaya dumiretso ako ng parking kung nasan ang kotse. Wala dito sa mang berto kaya pumasok nalang ako sa loob at nahiga sa backseat.
Sumakit ang ulo ko bigla.