CHAPTER: 1

2210 Words
"Baby, Wake up . it's your first day at school.." sabi niya habang marahang hinahaplos ang aking buhok. Dahan dahan naman akong nagmulat ng mata at napatingin kay Mama na nakangiti saakin. "GoodMorning po Mama.," nakangiti kong bati sakanya at niyakap sya. "Halika na Baby, tumayo kana at mag-asikaso. kanina pa nag aantay ang Papa mo sa Dinning Room." sabi ni Mama pagkakalas ng yakap naming dalawa. Tumayo na sya at nagtungo sa pintuan bago ako lingunin ulit. " Get ready na baby ha. don't go back to sleep. We will wait you downstair." pahabol niyang salita bago sinara ang pinto. Mabilis akong pumunta ng banyo para gawin ang morning routine ko. Dumiretso ako sa walk in Closet ko pagtapos maligo at nagbihis. Tumingin ako sa full size mirror kung tama na ba ang suot ko.Nakuntento naman ako sa itsura ko ay naglakad na pababa sa Dinning Room. "Good Morning po, Papa" Sabay halik sa pisngi ni Papa ng makalapit ako saknya. Binati naman ako ni Papa pabalik at ngumiti sa akin. Umupo na ko sa tapat ni Mama at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpaalam na sakanila para pumasok sa School. .. Pagbaba ko sa sasakyan namin ay agad na akong pumasok ng gate. Kelangan munang itapat sa scanner ang id ko para makapasok ng tuluyan. Dumiretso muna ko sa Garden. Maaga pa naman bago magstart ang klase. May Bench doon na katapat ang isang Fountain at may lumalangoy na mga ibat ibang uri ng pet Fish. "Excuse Me Miss , Can i seat here?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Para akong nakakita ng isang Anghel na bumabasa sa langit. Matangkad. Matangos ang ilong. Manipis na labi Mapungay na mata Mabango. hahaha "wow..." i mouted. Nakakatulala naman talaga. Ang ganda ng unang araw ko ulit sa Campus. "Miss.." untag nya saakin. Napabalik naman ako sa reyalidad. Para akong nahipnotismo sa perpekto niyang mukha. " A-ahmm. S-sure ..." nauutal ko naman sagot saknya ng makabawi ako. Ngali-ngaling batukan ko ang sarili dahil nautal pa ako sa harapan niya. Tumikhim muna sya bago umupo sa kabilang dulo ng bench. bali kasi, pang- apatang tao ang kasya sa isang bench at parehas kami nakaupo sa magkabilang dulo. Napatingin na naman ako sakanya. Nilabas nya na sa Hand bag nya ang mga folder at isa isa yun tinignan. "What?" Sabi nya sakin ng napatingin siya sakin. Napansin niya ata ang pagtitig ko sa kanya. Nakakahiya! Napaiwas naman ako ng tingin. Sh*t! nahuli pa niya kong nakatitig sakanya! Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis ng Garden. Nakakahiya talaga baka kung anung isipin nya. Baka maisip nya na ignorante ako at first time makakita ng gwapo. Pumasok na ko ng Building at nagpunta sa classroom ko. Doon parin naman ang room namin sa thirdfloor kung saan kami nagroom last year. Nawala rin naman sa isip ko ang gwapong lalaki na yun ng magsimula ang Klase. -- Pabalik na ulit ako ng Garden para doon mananghalian. Dito talaga ang tambayan ko since last year at favorite spot ko talaga dito sa bench na nakatapat sa fountain, yung inupuan ko kanina. Sa ngayon wala pa kong kasama. Dipa kasi pumasok yung bestfriend ko na si Marielle. Pinababaunan naman ako ni Mama ng Bento box kaya halos di talaga ako naglalagi sa Cafeteria. Mas gusto ko talaga dito. Konting tao, less noise. merong peace of mind. "Oh, Hi! Dito ka pala ulit?" Nakangiti nyang sabi saakin. Napalingon ako sa kanya at sumilay ang ngiti ko sa aking labi pagkakita sa gwapo niyang mukha. Umupo sya ulit sa kabilang dulo ng bench at inilabas din ang baon niyang dala. Bali ang style namin e mga pagkain namin ang pumapagitna sa aming dalawa. "Oo. Dito talaga ko lagi natambay." nakangiti ko din sagot sa kanya. "My name is Francis. How about You?" tanong nya sa akin bago kumagat sa sandwich na dala nya. "Anne.... Anne Marie... " Sagot ko naman. Yumuko ako para makasubo ng pagkain na dala ko. "Hmmm, Anne.... " napatingin naman ako sa kanya. Nakita kong nakatingin din sya sakin ng nakangiti pa din. " Nice to meet you, Anne." sabi nya sa akin.. Nagbaba naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Ang ganda ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko. Ang sarap sa tenga! Gosh! nahihibang na nga ko. Masyado akong nadadala sa matatamis niyang pag-ngiti na nagpapasingkit sa mata niya. Ang puputi pa ng pantay pantay niyang mga ngipin. Nakakainis sana all talaga! " ilan taon ka na Anne?" tanong nya sa akin habang nakatingin sya sa fountain. Malaya ko naman napapagmasdan ang side face nya. Ang perpekto ng pagkakaukit sa mukha nya. Magaling gumawa ang magulang nya. "Ahmm.. 17 palang.. ikaw? " balik tanong ko naman kay Francis. Nakatingin parin ako sakanya. Alam kong nakikita niya ako sa gilid ng mga mata niya pero hindi siya lumilingon. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Parang katatapos ko lang magmarthon sa sobrang lakas ng pintig nito. Feeling ko nga naririnig nya na eh. " baka naman matunaw na ko nyan ha. " natatawang sabi nya. "Sh*t naman... ang sarap sa tenga ng tawa nya." sabi ng isip ko. "24 na ko. " dugtong nya sa sagot nya sa tanong ko habang nakangiti siyang napalingon sa akin. "Hindi ba nangangawit ang bibig mo? parang kanina kapa nakangiti eh . baka mahanginan ka niyan." pabiro kong sabi sa kanya. Para kasing hindi nawawala ang pag ngiti-ngiti niya. Ang sarap niya sa mata. Tumingin naman siya sa akin na may maamong mukha. "Masaya kasi ako kaya diko mapigilang mapangiti. Nalove at first sight ata ako." natatawa nyang sabi sakin at napapailing. Ang Gwapo nya talaga Nakaunat ang mga binti niya habang ang dalawang braso ay nakatukod patalikod pahawak sa inuupuan nya. medyo na ka slant siya habang hinahangin naman ng bahagya ang bangs niya sa noo. Kung titignan mo siya para siyang nasa pictorial na may pahangin effect pa. iniwas ko ang tingin sa kanya. Nagkibit balikat nalang ako at nagcellphone. Hindi pa naman kasi kami close para makipag-usap sakanya ng tuloy tuloy. Nakakapanibago nga dahil sa totoo lang hindi ako mahilig makipag-usap sa mga lalaki. Maliban nalang kung sa mga groupings at may mga reports na kelangan talaga sila kausapin. Sabi nga ng ibang mga istudyante dito masyado daw akong mailap. Naiilang lang naman talaga ko. Unlike sa Bestfriend ko na si Marielle na halos lahat ata ay kaibigan niya. Masyado kasi siyang Jolly Person kabaliktaran sakin na mas gusto kong tahimik at ayokong napapaligiran ng maraming tao. "Uuwi kana ba agad pagtapos ng klase mo?" tanong niya sakin na nagpaangat ng tingin ko sakanya. *tug.tug.. tug.tug.. tug.tug. Napakalakas ng t***k ng puso ko na para kong mabibingi sa sobrang lakas nito. "hmmm. O-oo. Wala naman akong ibang gagawin.." sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya. Nagkatitigan kami. Feeling ko nga nagstop ang oras at nawala ang mga tao sa paligid namin. Tanging malakas na pagkabog lang ng puso ko ang naririnig ko . Nakakabingi. Nahihipnotismo ako sa color golden brown niyang mga mata. Kawawa naman ako. Kawawa naman ang batang puso ko. Mukhang mapapaaga ang pagpunta ko kay Lord sa sobrang lakas at bilis ng puso ko. Feeling ko malalagutan ako ng hininga. Nakakahiya naman kung bigla akong mahimatay sa harapan nya! Ano ba kasing nangyayari sa akin?! NagkakaCrush naman ako dati. Pasimpleng kerengkeng din kasi ako hahaha! pero Crush-crush lang. Katulad ng pagkakaCrush ko kay Lee Jung Suk at Song jong Ki. Pero ibang level ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking nasa tabi ko. Hindi ko maExplain! Bago lang saakin ang ganitong pakiramdam. Nakakexcite na nakakakaba talaga. Napatulala ako at napatuwid ng upo ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko Nanlaki ang mga mata ko. GOSH !!!!! ANG FIRST KISS KO!!! Ninakaw niya ang first kiss ko !!!! Nakatulala ako sa kanya habang siya naman ay nakapikit. Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ganito ba talaga ang feeling? Ang lambot ng mapula niyang labi. Mas mapula pa ata ang labi niya kaysa sa labi ko eh. Dahan dahan naman niyang inalis ang labi nya sa labi ko. Hindi siya sakin makatingin ng maayos habang ako ay gulat at nanlalaki ang mata sa ginawa niya. Nakita kong namula ang magkabila niyang tenga hanggang batok. Marahan pa siyang napahimas sa batok nya at napayuko. " S-sorry A-anne... H-hindi ko lang n-napigilan.." mahina at nahihiyang sabi niya sakin ng hindi parin nakatingin. Napatingin naman ako sa Fountain at bahagyang napangiti. Oo napangiti ako. imbes na magalit ay ngumiti pa ako! Nababaliw na nga talaga ako. Mukhang tinamaan ako sa lalaking to. Sa unang pagkikita namin ganito na agad ang epekto nya sakin. Ewan ko nalang sa kanya. Mahilig ako magbasa ng w*****d at mga stories online kaya alam ko kung anong kahulugan ng nararamdaman ko pero totoo ba to? Parang ang bata ko pa para dito. Ang bata ko pa para sa nararamdaman ko. Masyado naman atang napaaga ng isang taon ang pagdadalaga ko. Next year pa yun eh. "G-galit ka b-ba A-anne?" kinakabahan siyang napatingin sakin. Hindi siya makatingin sakin ng matagal. Patuloy parin namumula ang tenga at batok nya. Napakagat siya sa labi niya. "O-okay lang. Hindi naman ako galit". sabi ko sakanya. Ang lakas ng loob kong titigan siya. Naamaze akong tignan siya. Siya ang nagfirst move pero siya ang tiklop haha. inayos ko na ang gamit ko at tumayo. Napatayo din sya. Bakas sa mukha niya ang pagkailang sa akin. Ganun naman din naman ako, pero hindi ko alam kung paanong natititigan ko parin siya ng matagal. Ang sarap titigan ng mukha niya. "A-alis ka na? " sabi niya na parang may panghihinayang. "ahm... oo eh . Kita nalang ulit tayo bukas." sabi ko at ngumiti sakanya. Mukha kase siyang aligaga na ewan eh. Pero Gwapo padin siya. Kahit ata anung maging expression niya e mananatili parin siyang gwapo. Ang unfair naman. Sana all talaga perfect looks! " Gusto mo parin ako makita bukas?" alangan man pero bakas ang saya sa boses niya. "oo naman bakit hindi. Sige na, naghihintay na ang driver namin eh. See you." Nginitian ko ulit siya at naglakad na paalis. Nakakailang hakbang palang ako ng hawakan niya sa bandang siko ko. Humarap naman ako sa kanya. Napahimas na naman siya batok niya habang nakayuko ang ulo. "Bakit Francis?" tanong ko sa kanya. "ahmm... P-pwede ba m-makuha yung n-number mo?" nahihiya niyang tanong sakin. Napangiti naman ako. "Oo naman. akin na cellphone mo." nakangiti kong sabi sa kanya. inabot naman niya ang cellphone niya at mabilis tinype ang number ko. Binalik ko ito sa kanya. May pinindot pindot pa siya bago maramdamang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Nakita ko ang unknown number at napatingin sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango. "Sige na alis na ko " paalam ko ulit sa kanya pagtapos isave ang number niya. "Sige ingat ka. Kita ulit tayo bukas. Salamat Anne!" sabi niya sa akin at kumaway. Masaya na naman siya ulit. Nawala na ang pagkailang nya dahil sa paghalik niya sakin. Nagpatuloy na ko sa paglalakad at iniwan na siya sa Garden. Mukhang hindi pa siya uuwi. Alas kwatro ng hapon. Dumiretso na ko sa backseat ng kotse at napabuntong hininga. Grabe, ngayon lang umayos ang t***k ng puso ko ngayon hindi ko na siya nakikita. Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong nagtext si Francis. Francis: 'nakasakay kana ng kotse? ingat kayo ha .' Napangiti naman ako at nakaramdam ng kilig. Me: 'Sure. ingat ka din. ' Reply ko sakanya at napapikit pagtapos ilagay ang cellphone sa backpack na nasa kandungan ko. -- "Maam Anne nandito na po tayo sa bahay niyo." narinig kong sabi ni Mang Berto habang mahina akong tinapik tapik sa balikat. Napahikab ako. Nakatulog pala ako? Nasa loob na ng gate ang sasakyan kaya naman bumaba na ako. "Good Afternoon Mama, Papa" bati ko sakanila sa Living room. Mukhang nagmomovie date sila ngayon. "Nagugutom ka ba anak? Paghahanda na kita " sabi ni mama at akmang tatayo pero nagsalita agad ko. "Hindi na po mama busog pa po ako. Matutulog na ako. " sagot ko at naglakad na papuntang secondfloor kung nasan ang kwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang katawang lupa ko sa malambot kong kama. King size bed pero ako lang mag-isa. Malikot kasi akong matulog hahaha. Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang may tatlong missedcall galing kay Francis. ilalagay ko na sana ang cp sa mini table sa gilid ng kama ko ng magvibrate na naman ito. Tumatawag na naman siya. "Ahmm. Hello, Francis?" sabi ko pagkasagot ng tawag. "Hello Anne. Nakauwi ka na ba?" tanong niya sa akin. Kahit na sa cellphone bakas ang pagiging masiyahin niya. "Oo. Nakatulog nga ko sa sasakyan . kaya diko nasagot ang tawag mo." sagot ko naman sa kanya. Baka isipin nya kasi iniisnob ko agad sya at maguilty na naman siya sa paghalik niya sakin. "Sige baba ko na 'tong tawag. I call 'coz i want to check if nakauwi ka ng maaayos. Sige na ingat" Masaya niyang sabi at binabaan ako ng tawag . Hindi pa nga ko nakakasagot eh. Napakamot nalang ako ng kilay. Bumalik ako sa pagkakahiga at hinayaan kong lamunin ako ng antok. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD