Chapter 22 Stella Napatingin ako sa pintuan dahil may kumatok ng tatlong beses doon. Iniluwal ng pinto ay si Aliyah. Umayos ako sa pagkakaupo sa kama. Ngumiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin 'yon. "Bakit, Aliyah?" tanong ko. "Pinapatawag na po kayo ni Ginoong Leandro, handa na po ang hapunan." "Ganoon ba? Sige, susunod na lang ako sa baba. Salamat." Pagkatapos kong magsalita ay lumabas din siya agad ng kwarto ko. "Mabuti kung ganoon iho, kumusta ka naman dito sa mansyon? Ang sabi ko naman kasi sa 'yo iho ay maaari ka na munang makauwi sa inyo, kaysa naman na dito ka nanirahan sa mansyon ng mag-isa." "Ayos lang ho 'yon, Ginoong Leandro." "Biglaan kasi ang pagsunod sa akin ng aking apo noon, pasensya ka na kung nawalan ka ng kasama." Naabutan kong nag-uusap si Lolo at Xander p

