Chapter 21 Stella Akala niya kakain ako roon kasama siya? No way! Hindi por que nagluto siya ng marami, doon na ako kakain. Oo. Hindi por que nagluto siya ng maraming hotdog, doon na ako kakain. Ano'ng akala niya? Kakainin ko yung niluto niyang hotdog? Never! Hindi na muli ako kakain ng kahit anong hotdog galing sa kaniya. Kahit itlog. Bugok! Bugok siya! Bugok! Kilala niyo na ba kung sino ang tinutukoy ko? Tama kayo... Si Xander. Bwiset siya. Paano niya nagagawang umarte na parang wala lang nangyari sa aming dalawa noon? Bakit siya komportable? Bakit cool lang siya? Ako lang ba talaga ang naaapektuhan? Napaka-unfair! Ang unfair-unfair! Nakakainis! "Stella," "H-ha?" "Nakikinig ka ba?" Tiningnan ko nang diretso ang kasama ko sa restaurant na ito. Si Dave. Ang kaibigan ni Xander.

