Chapter 20 "HINDI ako dito kakain ng lunch, lo." Pursigidong wika ni Stella sa kaniyang lolo. "Pero iha, sayang naman itong mga inihanda ni Xander." "Basta, hindi ako kakain dito." aniya at tumalikod na. Hinawakan siya ni Xander sa braso niya upang pigilan. "Makinig ka sa lolo mo, Stella." Tiningnan niya ng matalim ito bago nagsalita. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ako dito kakain." inalis niya ang pagkahawak ng binata sa kaniyang braso. "Bye, lo. Enjoy your lunch." hinalikan niya ang lolo sa pisngi bago nagrampa ng lakad palabas. NAPABUNTUNG hininga na lamang si Xander. Still a brat sa isip isip niya. "Kumain na ho tayo, Sir." Inaya niya ang lolo ni Stella. "Aliyah, maari mo ba kaming iwan muna saglit ni Xander, may pag-uusapan lamang kami." seryosong wika ni Ginoong L

