Chapter 19 Stella ISANG TAON NA ANG LUMIPAS… "Iha, nakahanda ka na ba?" Mabilis kong pinatay ‘tong pinapanood ko at niyakap ang tablet. Mabuti naka-silent 'to. Bakit hindi ko napansin si Lolo? Nandito na pala siya sa loob ng kwarto ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya dito sa loob. May lahi ba kaming magna para ‘di ko maramdaman ang presensya ni Lolo? "Lolo! Huwag ka po kasing manggulat. Sana kumatok ka muna bago pumasok." Sobrang bilis ang t***k sa dibdib ko. Kamuntikan na kasi akong mahuli ni Lolo na nanonood ng alam niyo na. Tumawa si Lolo dahil sa aking naging reaksyon. "Pasensya na apo, excited lang si Lolo dahil uuwi na tayo ng Pilipinas." I pouted. Hindi ko alam kung paano pahuhupain ang kaba sa aking dibdib. "Papatayin mo ako sa gulat Lolo." “Pasensya ka na, A

