Foreword Stella "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Stella?" "Leslie, this is the best solution." "Ang umalis ng bansa? Friend, sinasabi ko na sa 'yo, hindi ito ang magandang solusyon." "Leslie," "Alam na ba 'to ni Blake? Si Xander, alam niya na ba? At saka bakit ka ba aalis ng bansa?" Dahil gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan si Xander dahil sa tuwing nakikita ko ang perpekto nilang pamilya mas lalo lamang akong nasasaktan dahil ako ang magiging dahilan ng pagkasira noon. "Gusto ko lang bisitahin si Lolo, uuwi rin ako agad." Sabi ko na lang sa kaniya. Alam ko na kapag sinabi ko ang tunay na dahilan sa kaniya ay sasabihan niya ako na ang babaw ng rason ko. At alam ko iyon sa sarili ko pero hindi ko lang talaga kaya. Wala na talaga akong balak pang bumalik dito sa Pilipinas.

