Chapter 28 Stella "Saan pupunta si Blake?" Napalingon silang lahat sa 'kin pagkatapos ko magsalita. Katahimikan ang bumalot sa kanila.. "Patay kayo. Ang ingay niyo kasi." dinig kong wika ng isang bata. "Hala" "E ano naman kung nalaman n'ya?" masungit na tanong ni Cindy. Hindi pumasok ang batang 'to? "Ayaw ngang ipaalam ni Kuya Blake niyo kay Ate Stella niyo." mahinang wika ni Tita Slendra. Nagbubulungan yata sila. Dinig na dinig ko naman. Sana hindi na lang sila umaarte na nagbubulungan. Tahimik lang si Xander sa isang tabi. Naka-cross ang dalawang braso. Napakamot ng sentido si Blake at nagpaliwanag na. "May nag-offer kasi sa 'kin na trabaho sa ibang bansa. Tinanggap ko na. Sayang naman kung tatanggi ako." "That's good." tumango tango ako. "Congrats." ngumiti ako sa kanila.

