Kabanata 15 - Patunayan

1895 Words

Tulala tuloy ako hanggang sa magpasya ako na maglakad na pabalik sa staff house. Eh, kasi naman, ginugulo ako ng pag-iisip na baka nga may gusto sa akin si X. Paano na lang kung magka-crush sa akin si X, tapos may asawa at anak na siya? Pero wala naman siyang singsing na suot 'di ba? Inaatake ako ng pag-o-overthink nang tamaan ako ng bola sa ulo. Halos masubsob ako sa buhangin. Inis na tumingin ako sa mga foreigner na naglalaro ng volleyball. They were looking at me, ang isa ay lumapit para kunin ang bola. Matangkad ito at namumula na dahil sa init kanina. Malapit na kasi mag-sunset ngayon. "Sorry, Miss. Are you hurt?" tanong niya sa isang matigas na ingles. Tinaas ko ang kilay ko. Hinimas ko ang ulo at kung hindi lang ako staff dito, iirapan ko 'tong guest na 'to. "No, I am Bebang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD