Maghapon akong nakatulala kinabukasan sa trabaho. Naalala ko lang naman ang kagagahan ko kagabi. Ano naman ba ang pumasok sa kokote ko at hinalikan ko si X. At sinabi ko pang may pinapatunayan lang ako bago ko siya sukahan sa dibdib niya. Bigla na namang nag-flash flood ang mga alaala sa akin. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang paggalaw ng kaniyang mga labi. Ano ito? Gusto rin ba niya ako or may gusto siyang patunayan. Pero habang gumagalaw ang labi niya, naramdaman ko naman ang puwersa na galing sa mga kamay niya. Parang hinihiwalay ang mga katawan namin. Naibalik ako noon. Tinutulak niya ako papalayo sa kaniya. Gulat na gulat ang mga mata ko at tila nagising na sa kagagahang pinaggagagawa ko. Nakakahiya. Ano ba ang naiisip ko? Saglit kong tiningnan ang mga mata niya, para

