Kabanata 13 - Gustong Samahan

2343 Words
Patapos na ang araw at hindi ko pa nakakasalamuha si X. Masyadong malaki ang resort. Marami rin ang bisita kaya naman sobrang busy ko sa paglilinis ng mga kuwarto. Iniwan ko na rin si Sir Bliss kasi gusto raw muna niyang mapag-isa. Feeling naman niya na gusto ko siyang makasama. Siya nga itong may gusto sa akin kasi like niya ako? Mabilisan kong nilinis ang toilet kasi mamaya ay may gagamit na bisita agad. Ganito pala talaga kalakas ang Anchor's Port sa mga turista. Kaya naman pala parang hari at reyna ang pagtanggap ng mga taga Sitio sa pamilya ni Blaise. "Tapos ka na, Bebang?" tanong ni Pio na nagpapalit ng bedsheet. Tumango ako at kinuha na ang mga panglinis at sinakay sa cart para makaalis na kami doon. Pinindot ko ang flush at hinubad na ang gloves na suot. Lumapit sa akin si Pio at nilagay ang bedsheet sa cart. Tinulak niya iyon habang ako naman ang nagsara ng pintuan. "Grabe, last kuwarto mo na 'to, ano? Tapos na first day mo, congrats!" bati ni Pio sa akin. Bumaba na kami sa laundry kung saan ilalagay ang mga marurumi. Feeling ko mahuhulog na lang basta ang mga braso ko sa sobrang pagod. Bigla tuloy akong nag-alala sa kalagayan ni X. Ganito rin ba siya araw-araw? Ako nga na halos araw araw na nagbabanat ng buto sa palengke ay ganito na lamang ang pagod, paano pa kaya siya? Kinuha ko ang bag ko at sinamahan ako ni Denise sa magiging kuwarto namin. Hati kaming mga babaeng staff sa napakalawak na kuwarto. May mga double deck na kama iyon at halos kasya ang dalawampung tao. Sabi ni Denise, nasa tapat na kuwarto ang mga lalaki. Sa dulo ang kama ko. Nilagay ko ang damit sa maliit na cabinet at nagpalit na. Tapos na ang shift ko kaya puwede ko nang gawin ang mga gusto kong gawin. "Puwede ka namang lumabas at mag-enjoy, Bebang. Basta huwag kang makikihalubilo sa mga foreigner." bilin ni Denise. Tumango ako. Saka wala talaga akong balak kasi baka dumugo na ang ilong ko kapag kinausap nila ako. "Maglalakad lakad lang naman ako sa dagat." sabi ko na may ngisi at kinuha na ang cellphone para kumuha ng pictures. Ganoon nga ang ginawa ko. Sa buong talambuhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa kabuuan ng Anchor's Port. Kumuha ako ng picture sa mga magagandang view. Tinawagan ko rin si Maria. "Aba! Mukhang enjoy na enjoy ka diyan, bruha ka!" aniya sa kabilang linya matapos kong ikuwento ang mga nangyari. "Anong enjoy? Eh, paano 'yon? Sabi ni Bliss like niya ako?" naguguluhan kong tanong na ikinatawa ni Maria. "Gaga! Hindi ka naman gusto noon na parang girlfriend. Gusto niya personality mo, in short sa pagiging english carabao mo!" sabi niya at tumawa na naman. "Excuse me, Maria! 'Di nga halata na empleyado ako rito, naka-bread in ako sa mga turista! It means pang mga ganitong lugar talaga ang ganda ko." pagmamalaki ko at naglakad sa puting buhangin. Maingay ang dagat. Maraming foreigner ang naglalangoy doon at halatang enjoy na enjoy sila sa mga water activities. "Tanga! Ano ka tinapay?" tanong ni Maria. "Blend in, Ateng! Blend in 'yon ha? Diyos ko, puro ka talaga ganda." puna ni Maria. "Nakita mo na ba si X?" tanong ni Maria ulit. Ngumuso ako at lumingon. "Hindi nga eh! Sa maghapon ko rito wala ni anino ni X. Pero sabi ng mga ka-work ko, palagi daw nakadikit si Miss Sitio. Tapos parang may gusto raw at binabakudan."umirap ako habang patuloy ang pagkuwento. Tumahimik ang kabilang linya. "Lakas maka-jowa niyang si Blaise. Tandaan mo, Best... ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maagawan ka, lumaban ka!" panggagaya ni Maria sa linya sa pelikula. Umupo ako sa buhangin. Narinig ko ang tawanan mula sa kabilang panig. Doon ay nakaupo ang mga grupo ng lalaking foreigner. Lahat sila naka-topless at may pinakikinggan sa gitna nila, ay si X at si Miss Sitio na malaki ang ngisi. Mistulang tourist guide si X. Kung hindi ko siya kilala baka isipin ko na kasama siya ng mga ito. Malapit na silang dumaan sa harapan ko. Tila ba kinabahan ako at agad na lumayo at tumago sa puno ng niyog na malapit. Hindi nila ako napansin. Tumigil sila sa tapat ko dahil may tinanong ang isang foreigner. "Can we set up a net here so we can play volley?" tanong nito sa matigas na ingles. Tumango si X at tumingin kay Blaise. "Of course, you can. We can call a staff and set it up for you, Logan." sagot niya sa napakadiretsang ingles. Tumango si Logan at nilingon ang mga kasama. "We'll, we're kinda need two more players so we can play... I suppose, you can join us?" tanong noong isa. Tumawa si Blaise at humawak sa braso ni X. Parang kumulo ang dugo ko sa nasaksihan. Wala namang ginawa si X at ngumiti pa pabalik kay Blaise. "Laro tayo, X? I am sure we can squeeze our schedule for our VIP?" tanong niya sa malambing na boses. Huminga ng malalim si X at tumango rin. Ngumiti siya nang pagkatamis tamis kay Miss Sitio. Ngumiwi ako. "Sure. We can play. But please go easy on us?" aniya sa mga foreigner at ngumisi siya na may halong mapaglaro. "You can count on it, man!" saad noong isa at nilahad noong isang foreigner ang kaniyang kamay. "Anything for this gorgeous lady..." Nanatili akong nakasilip sa may puno. Tumawag si Blaise ng mga empleyado para magtayo ng net doon. Mukhang maglalaro sila ng volleyball. Napanganga ako dahil hinubad ni X ang kaniyang polo shirt. Grabe talaga ang pandesal niya. Pero agad ding nawala ang aking pagkamangha dahil hinubad din ni Blaise ang kaniyang polo shirt at bumungad sa lahat ng naroon ang maganda niyang katawan. Sumipol ang mga foreigner sa kaniyang katawan. Sinuklian ni Blaise ang mga ito ng ngisi. Sus! Mas maganda pa rin ang katawan ko, ano? Nakalimutan ko na ang pinunta ko dahil sa laro nila. Para akong nanonood ng tv. Hindi nagpapatalo si X at talagang magaling din. Napa-irap ako ng madapa si Blaise sa buhanginan. Agad na dumalo si X sa kaniya. "Lampa," bulong ko. Halatang gumagawa ng eksena 'tong si Miss Sitio para sa mga hawak at tulong ni X. Tama si Maria! Nasa Quiapo nga ako at si Blaise ang magnanakaw. Kaya naman tumayo ako ng tuwid mula sa pinagtataguan kong puno at handa nang ipakita ang maganda kong mukha ng makarinig ako ng bulong sa bandang likuran ko. "What are you doing here? What are you looking at? Nangboboso ka ba?" tanong ni Bliss at ginaya ang posisyon ko. "Ay pusang kalabaw!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon. Natatawang tumingin sa akin si Bliss. Naka krus ang mga kamay nito at malaki ang ngisi. "What does even pusang kalabaw is? You're really magugulatin." puna niya. "Ginulat mo naman ako, Sir Bliss!" sabi ko at humawak pa sa aking dibdib. Humalakhak siya at nagkibit-balikat. "Bliss," tawag ni Blaise na ngayon ay nakatingin na sa banda namin. Natigil ang laro nila dahil sa kumosyon. Ngumisi si Bliss at tumango sa kapatid. Saglit na nagpaalam sina Blaise at X sa laro para pumunta sa banda namin. Kunot-noo si X habang nakatingin sa akin. "Bebang?" tanong niya. Lumunok ako at panis na ngumiti. Naguguluhan na siya ngayon na nakatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya muli, hindi naiintindihan ang sitwasyon. Tumingin ako kay Bliss, hindi alam kung paano magsasalita. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa pagkikita namin ni X. Panira naman kasi 'tong si Sir Bliss. "A-Ah! Hehe kasi X..." sabi ko at nilingon si Bliss na nakatingin na rin sa akin. Sumipol si Bliss at inakbayan ako. Nakatingin si Blaise sa kamay ng kapatid niya na nasa braso ko. Malapit din ang katawan ko sa katawan ni Bliss. "Oh, this is our new employee...my friend Bebang." pagpapakilala ni Bliss sa akin. "I suppose kilala niyo ang isa't-isa?" tanong pa nito. "I am also her friend. Sila ng pamilya niya ang kumupkop sa akin." sagot ni X at tumingin kay Bliss. Tumawa ako ng kabado at inalis ang kamay ni Sir Bliss sa akin. Tumaas ang kilay ni Blaise sa akin. "Nice to meet you, then." ngumiti si Blaise at naglahad ng kamay. "Same." tamad kong sagot. Tiningnan ko iyon at tinanggap kahit na alam kong napipilitan lang siya. Nakatingin ngayon sa akin si X. "Puwede pa-excuse muna kami? May I go out muna?" sabi ko at nagtaas ng kamay. "You're already outside, though... But I will excuse you," ngiti ni Bliss at hinayaan akong hilahin si X papalayo sa kanila ng kapatid niya. Tumigil kami ni X sa hindi kalayuan. Binitawan ko siya at kinagat ang aking labi. "Hi! Kamusta na?" tanong ko para mawala ang kaba ko. Mukhang nagkalaman siya kumpara noong nasa amin. Medyo humaba na rin ang buhok niya at talaga namang bumagay sa kaniya. "I am okay. Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito? Paano ang mga magulang mo? Si-" sunud-sunod na tanong niya. Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. "Hep! Isa-isa, X!" pigil ko. "Nandito ako para sa'yo. Nag-aalala na kami nina Mamsy sa'yo." "I am okay, Bebang. You don't have to do this." sabi ni X sa seryosong boses. Hindi ko inakala na ganito ang magiging ekspresyon niya. Para siyang... galit. Hindi ako sanay na ganito si X sa akin. Simula noong umalis siya sa amin, nag-iba na siya. Hindi kaya? "Galit ka ba?" tanong ko, medyo kinakabahan sa ekspresyon niya. Nagawa ko pang sundutin ang tagiliran niya pero iniwas niya iyon. Sinubukan ko ulit pero hinuli niya ang kamay ko at binaba iyon. Gusto kong ma-iyak. Hindi ko siya maintindihan. Dapat ay masaya siya dahil iyon ang nararamdaman ko. "Uy, sorry na! Sorry na kasi! N-Nag aalala lang naman ako, X." dugtong ko pa. "If you are doing this because of me, Arizona. Then, don't. Hindi mo ako responsibilidad." sagot niya. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman sa ganoon. Pero... Kasi..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Aaminin ko, medyo natatakot ako sa titig ni X. Para bang galit siya sa akin. Parang gusto ko na lang lumuhod at magmakaawa. May kakaiba sa kaniya, parang pinanganak siya para sundin. "I saved up. I can pay you for the hospital bills you paid." sabi niya at hinila ako papaalis muli doon. Nakita ko sina Bliss at Blaise na tila ba naguguluhan kung bakit ako hinila papalayo ni X. May ilang staff ang napapatingin sa amin. Laglag ang panga ni Denise at Pio habang nakatingin sa amin kahit na nag-se-serve ng inumin sa mga nagpapa-tan na turista. Umakyat kami sa hotel. Pumindot si X sa elevator. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Marahan iyon. Bumukas iyon sa sixth floor at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Card iyon para sa pintuan. Tama nga si Denise may sariling kuwarto si X rito. Binuksan niya ang cabinet at may kinuha doon. Napalunok ako ng makita ang ilang libo. "Suweldo at mga tip ko ito mula sa mga turista. This is enough payment para sa mga nagastos mo sa hospital." sabi niya at nilagay ang sa tingin ko ay dalawampung libo sa palad ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Para akong sinampal ng kung sino. Bakit siya ganito sa akin? Ang kanina kong pinipigilang luha ay tumulo na. Lakas loob kong tinapon ang pera sa kama. Gulat rin si X sa asal ko. Tiningnan ko siya ng diretso. "Be-" "Ang sama mo! Ang sama-sama mo!" sigaw ko sa kaniya at pinunasan ang pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa tingin mo pumunta ako rito para maningil?" singhot ko. Pumikit si X at umawang ang bibig niya. Sinubukan niya akong hawakan pero inilag ko ang braso ko. "Hey, it's not what I-" "Huwag mo akong ma-ingles ingles! Na-offense mo ako, X!" sigaw ko ng buong puso pero ngumiti lang siya matapos ang ilang sandal hanggang sa parang pinipigilan na niya ang matawa. Mas lalong lumukot ang mukha ko. "Ano ang nakakatawa, ha?" singhal ko sa kaniya. Umiling siya at humakbang papalapit sa akin. Niyakap niya ako kaya halos manigas ako sa gulat. Hinaplos niya ang buhok ko. "Your english, though. God, I missed that about you..." bulong niya at tumawa. Bumitiw rin siya at ngumiti. "Hindi ko gusto na 'ma-offense' kita. " Ginaya niya pa ako. "Ayoko lang na maging burden mo ako, Bebang. Ayaw kong maging pabigat at dagdag pa sa responsibilidad mo." paliwanag niya. Kumunot ang noo ko. Iyon ang iniisip niya kaya ako pumunta rito? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon niya? "Bata ka pa para intindihin ako. I may be having an amnesia pero hindi naman ako baldado. I can work so you don't have to feel bad." paliwanag niya. “And to be honest, I am doing very good at this resort.” mayabang na sabi niya at kumindat. Kumunot ang noo ko at pinitik ang noo niya. Napapikit siya sa ginawa ko. Umirap ako. "Sira ka talaga, X! Nandito ako kasi gusto kitang samahan! Hindi ito dahil sa awa o anuman. Gusto ko 'to! Gusto kong nasa tabi mo ako habang inaalala mo kung sino ka ba." pag-amin ko. Napa-awang ang bibig ni X at tumikhim. "Malay mo, mayaman ka pala eh 'di tiba-tiba ako sa'yo!" sabi ko pa at tumawa ako para matakpan ng biro iyon. Tumawa siya sa sinabi ko at tumango. "Right. Okay, I believe you. Pero paano ang pamilya mo? Sina Maria? Trabaho mo sa palengke?" tanong niya. Ngumiwi ako. "Si Ate Sydney ang nag-impake ng mga gamit ko, nilibre ako ni Maria sa bistro kahit na kuripot siya, excited sina Mamsy ng malaman na may trabaho ako rito. Ikaw, ang bumasa sa sitwasyon..." diretso kong sinabi sa kaniya. Tumango si X at tinapik ang ulo ko. Mapungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Okay... Okay, bebang." bulong nita at huminga siya ng malalim. Akala ko tapos na ang panlalamig niya sa akin pero sinamaan niya ako ng tingin. "Now, tell me… paano kayo naging magkaibigan ni Bliss?" seryosong tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD