Kabanata 12 - Like

2407 Words
Akala ko nanaginip ako kaya sinampal ko ang mukha ko ng paulit-ulit sa salamin pagkauwi ko sa bahay. Natanong na tuloy ako ni Kuya France kung okay lang daw ba ako kasi mukha akong baliw sa pula ng mukha. Umiling lang si Ate Sydney at nagpatuloy na sa pakikinig ng paborito niyang drama sa radyo. Kaya naman bilang mabuting anak, sinabi ko iyon kina Mamsy at Papsy pagkauwi nila galing sa palengke. "Oo, hija. May anak na binata iyong may-ari ng resort. Mabuti naman at magkakatrabaho ka na!" sambit ni Mamsy habang naghahain ng kanin sa amin. Nakataas ang kilay ni Ate Sydney na tumingin sa akin. "Hindi ko alam kung anong orasyon ginawa mo roon sa anak ng may-ari pero sana ayusin mo ang asta mo doon. Huwag mo ipapahiya ang pamilya natin." bilin niya. Sumimangot ako sa kapatid ko. Umirap ako dahil sobrang kontrabida niya talaga sa akin. "Ate, magtatrabaho ako sa Anchor's Port hindi ako sasali sa PBB." sagot ko at sinamahan pa ng pag-irap. Inawat kami ni Mamsy bago pa man uminit ang tensyon at mag-umpisa kaming magsabunutan. Si Papsy naman ay halos makahinga raw ng maluwag dahil sa wakas hindi na kami malulugi sa palengke kasi wala na ako roon. Nagtawanan tuloy silang lahat. Hindi ko akalain na ganoon tatanggapin ng aking pamilya ang pagtatrabaho ko sa Anchor's Port. Akala ko pa naman ay ma-mi-miss nila ako kasi kailangan kong mag stay-in doon at tuwing weekends lang makakauwi. "Bakla! Ma-mi-miss kita sa palengke. Wala nang lutang magsukli o kaya mamimigay ng discount doon sa mga budol." naiiyak na sabi ni Maria noong binalita ko iyon sa kaniya. Nasa tindahan kami at kumakain ng ice cream. Binatukan ko siya kaya naman halos malulon niya ang popsicle na buo niyang pinasok sa kaniyang bibig. "Gaga ka, Bebang! Muntikan ko ng mahalay ang ice cream!" reklamo niya na inuubo na. "Alam mo, isa ka pang OA! Hindi naman ako mag-aabroad, Maria! Diyan lang ako sa kabilang kanto. Sampung piso lang pamasahe sa tricycle! Ganoon lang kalayo, oh!" tinuro ko sa kaniya ang direksyon. Tumayo si Maria at hinarap ako na nakaupo sa kawayan na bangko. "Alam mo, sa tingin ko... crush mo na talaga 'yung si X. Tapos sabi mo guwapo din 'yung Bliss? Shocks, ateng! Ang swerte ng kipay mo!" pagbibiro nito. Ngumiwi ako at tinuro siya ng popsicle. "Napakabastos mo talaga, Maria. Tama nga 'yang pangalan mo sa'yo... Pang porn-star." balik ko sa kaniya. Humalakhak si Maria sa sinabi ko. "Saka hindi naman hamak na mas magaling ako sa pornstar na tinutukoy mo!" Natatawang sabi niya. "Huwag kang mag-alala, Arizona Batungbakal... Pag kayo na ni X, tuturuan kitang gumiling sa ibabaw-" Mabilis ko na tinakpan ang bibig ng kaibigan ko bago niya pa man matapos ang sasabihin niya. Hinawi naman niya 'yon at nang-aasar na tumingin sa akin. Napakainosente kaya ni X! Sa tingin ko napakabait ng isang iyon! Kaya nga baliw na baliw ang mga bakla rito sa kaniya eh. Si Maria naman puro kahalayan ang nasa isip. "Best! Basta kaibigan lang kami ni X. Nag-aalala lang talaga ako sa kaniya baka sinasamantala na nila ang pagkawala ng alaala niya. Ako na lang muna ang guardian angle niya." seryosong sabi ko. "Tanga! Guardian angel kasi Bebang! Bulok na nga sa english bulok pa sa math. Ganda ka lang talaga eh, no?" sarkastiko niyang sinabi at humalakhak pa si Maria. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Alam mo, ang plastic mo talaga. Palagi mo na lang akong kinakawawa eh." sabi ko na mas lalo pang nagpatawa sa kaibigan ko. "Saka buti nga ako may ganda eh! Ikaw, Maria? Kawawa ka, walang natira sa'yo." bawi ko sa kaniya. Nagtawanan pa kami bago ako kumaway papalayo sa kaniya. Kinaumagahan ay pumunta ako sa Anchor's Port dala ang mga requirements na sinabi ni Bliss sa akin. Hinarang ako nung guard kahapon. "Ikaw 'yong babae kahapon, ah?" medyo galit niyang tanong. Umirap ako at tiningnan ang pangit niyang mukha. Pinag-krus ko ang aking mga braso at sumagot sa kaniya. "Ikaw rin 'yong guard kahapon, ah?" ginaya ko siya. Kumunot ang noo niya at tila ba gatilyong nakalabit iyong galit niya. "Aba at talagang-" "Ms. Batungbakal." Naputol ang sasabihin ng guard ng magsalita si Bliss sa likuran nito. Nakasuot ito ngayon ng shorts at polo na bukas. Nakabalandra tuloy ang dibdib niya. "Sir," bati ng guard sa kaniya. Takot ka naman pala, eh! Tumango siya rito at hinubad ang suot na shades. Nilagay niyo iyon sa ibabaw ng ulo niya. "She will be an employee here, okay? Ms. Batungbakal, shall we?" aniya at nilahad ang kamay sa resort para papasukin ako. Tumango naman ako at tiningnan ang guard na parang nanalo ako. Tinaas ko ang kilay ko at hinawi ang malakas ang mahaba at itim na itim na buhok ko bago sumunod kay Bliss. "Have you seen your friend here?" tanong ni Bliss habang naglalakad kami. "Ha? Hatdog." sagot ko na walang pag-iisip. Nilingon ako ni Bliss na nakakunot ang noo. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Automatic na kasi iyon sa akin. Baka masisante ako sa kadaldalan ng bibig ko! "S-Sorry po..." agarang bawi ko at nagpakita pa ng peace sign. "It's okay. Uso rin pala 'yon dito? Kala ko sa Maynila lang. " sabi niya at tumawa. Maging ang tawa niya para bang isang anghel na tumatawa. Tinampal ko naman ang bibig ko para pigilang sabihin iyon. Baka akalain niya pa na crush ko siya! "Who's your friend? Iyong gusto mong bantayan?" tanong niya. "Ah, si X." sagot ko. "Ex? Ex boyfriend mo kaya kaibigan na lang?" pag-usisa niya. "Hindi! X lang yung pangalan niya. May amnesia kaya pinangalanan ko po ng ganon. Yung parang sa commercial pag hindi alam ang brand. X na lang. " paliwanag ko. "Woah, that's witty." papuri ni Sir Bliss. Malaki ang ngiti nito na para bang nasa commercial siya ng toothpaste. Binabati siya ng mga empleyado. Pumasok siya sa isang building. "Mrs. Asuncion, ito 'yong sinasabi ko po na kaibigan ko. Pakisamahan kay Denice para ma-orient." magalang na sabi nito sa staff na naroon. Tumango ang babae sa counter at tinawag ang isang dalagita na may nakaburdang Denice sa polo shirt. Mukhang mas bata ito kaysa sa akin. "Ms. Batungbakal, siya si Denice. She will tour you at tuturuan ka rin kung paano sa housekeeping. I will see you around, okay?" sabi ni Bliss at kumaway na papalayo sa akin. Sumama ako kay Denise. Pumunta kami sa isang kuwarto kung saan may kaka-check out lang na guest. Bitbit ko ang panglinis. Tinuruan niya ako ng mga paraan para mabilis na maalis at mapalitan ng bedsheet ang mga kama. "Kailangan mabilis ka rito, ate. Exclusive resort kasi ito at talagang jam-packed lagi. Minsan nga may nga artista pa rito kaya kailangan talaga focused ka." pangaral ni Denise at nag-demonstrate pa paano nililinis ang mga bathtub. Tumango ako at sinubukang gayahin ang ginawa niya habang inoorasan niya ako. Mabilis akong kumilos dahil ganoon dapat sa dalampasigan pagkatapos mangisda. Napatingin ako sa ilang lalaking staff na dumaan na nagtatawanan. Mabilis na hinanap ng mata ko kung nandoon ba si X pero mga payat at mga mukhang sipunin ang grupong iyon. Lumipat kami sa pinakamalaking suite. Laglag ang panga ko sa pagkagarbo ng kuwartong iyon. Malalaki at mukhang diyamante ang mga ilaw. Talaga naman lahat ng bagay ay sumisigaw ng karangyaan. "Eto naman, honeymoon suite 'to. Pinakamahal na kuwarto sa floor na ito. Itong floor na ito ay ang VIP floor. Hindi ka pa madedestino rito kasi baguhan ka pa. At tanging hotel card lang ang way para makaakyat ang mga gaya natin dito." paliwanag muli ni Denise. Tumingin ako sa kaniya at pinakinggan ang mga sasabihin niya. Malay ko ba kung mamaya biglang may pa-exam si Bliss, este Sir Bliss. "Ang ganda rito. Siguro mga artista lang may kaya rumenta rito ano? Makakakita na ba ako ng mga artista rito?" natutuwa kong tanong. Pag nagkataon, baka makita ko rito si Sora Luna at ang ka love team niya. Palagi na dapat ako magdala ng notebook para sa autograph ng mga artista. Tumango si Denise. "Madalas may artista. Pero karamihan nang narito sa floor ay mga businessman o 'di kaya politiko." sagot ni Denise. Tumigil si Denise sa paglilinis at tumingin sa akin. "Ikaw, kaano ano mo si Sir Bliss? Bakit ka niya na-hire agad, Bebang?" tanong nito. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko nga rin alam eh. Pero hindi kaya.... Hindi kaya nagandahan siya sa akin? O 'di kaya nadala siya sa alindog ko noong mahulog ako sa ibabaw niya? Oh my? "Ah, friend ata kami? Ewan?" sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagpupunas ng marmol na sahig. "Usapan kasi 'yon sa quarters. Siyempre, ang mga babaeng staff minsan lang makita si Sir Bliss tuwing semestral break kaya talagang usapan kasi guwapo at mabait." saad niya. "Saka nga pala, 'yong bago rin na staff. Si X, halos lahat ata may crush sa kaniya sa staff house... Pero walang makalapit kasi laging nakadikit si Ma'am Blaise." aniya pa. Napangiwi ako. Sabi na nga eh! Type ni Miss Sitio 'yang si X! Grabe makabakod. Subukan lang niya sa akin, hihilahin ko pabalik si X sa bahay. Matapos iyon ay dinala ako ni Denise pabalik sa admin building. Binigyan nila ako ng uniform at pinapirma ng kontrata. Start na ako ngayong araw at sa housekeeping ako. Buti na lang at mabait si Denise. Tinuruan niya ako. Kaya naman noong lunch ay dinala niya ako sa staff house. Maingay ang malaki na cabana kung saan iyon ang staff house. "Guys, magandang tanghali. Ito nga pala ang bagong hire na si Bebang." pagpapakilala niya sa akin. Kumaway siya sa mga iyon. Ang ilan ay tumango at ngumiti. "Teka! Ikaw 'yong sumali sa Miss Sitio noong isang taon?" tanong noong isang patpatin. Tumango ako. Mahirap talagang kalimutan ang ganda ko! "Ah! Iyon daw trip ni Warren?" tanong pa noong isa. "Nice! Ang galing mo rin noon. Sayang naman at si Miss Blaise ay sumali din noong taong iyon. Ako nga pala si Pio at ito naman si Ernesto." pagpapakilala noong isa at naglahad ng kamay. Kinilala ko sila at tumabi na. Binuksan ko ang packed lunch ko. Kami pa lang apat ang naroon. Ani Pio, nasa shift pa ang iba . "Iba ang shift ni Ma'am Blaise?" tanong ko at nilingon ang paligid. "Lunch na rin 'yon. Saka ngayon lang ‘yon nagtrabaho kasi trip ata si Tisoy. Baka nga sa kuwarto ni Ma'am Blaise 'yon kumakain." sabi pa ni Ernesto. "Tisoy? Si X?" tanong ko at kinunot ang noo. Tumigil si Denise sa pagkain. "Kanina pa kita napapansin na lumilingon sa paligid, Bebang. Trip mo ba si X? At saka bakit kilala mo siya?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi ah! Close lang talaga kami." sagot ko. Nagkatinginan sila at tumawa sa sinabi ko. "Hala, Bebang! Si Tisoy, halatang mayaman. Galing mag-english eh!" sabi ni Pio. Umirap ako. Hindi ko mapigilan kasi mukhang kinukutya niya ako. "Eh, ano naman kung magaling mag-english? Kapag englishero bawal maging kaibigan?" tanong ko at umirap kay Pio. Umiling si Pio at tinaas ang kamay. "Naku, mahihirapan ka makalapit doon. Halatang gusto ni Miss Blaise. Kung gusto mo na magtagal sa trabaho mo, huwag kang lalapit kay Tisoy kasi malakas kapit noon." banta ni Pio. Sakto namang nakita ko sa mata ko si Bliss na kakakahon lang ata sa hindi kalayuang dagat. Naka maikling short at may tuwalya sa balikat. Pinupunasan nito ang basang buhok habang ang isang kamay ay hinawakan ang cellphone. Lumingon siya sa paligid hanggang sa magtama ang paningin namin. Ngumiti ito at naglakad papalapit sa amin. "Hello, Miss Batungbakal." bati niya at pinanood ang mga kasamahan kong hindi makapaniwala na nilapitan ako ng guwapong nilalang na ito. "Hello rin sa inyo..." pagbati niya sa mga ito. Sigurado ako na kung naririto si Maria, maliligo ng papuri ang isang ito. Ang kaniyang abs, parang kay sarap hawakan. Halos masamid sina Pio. "S-Sir. Halika po kayo... Kain na po." magalang na sabi nila para alukin si Sir Bliss. Hindi ko naman malunok ang pagkain ko sa gulat. "No, it's okay. I just wanna ask Miss Batungbakal how's her first day..." He refused and smiled. Lumunok ako. Uminit ata ang pisngi ko. "O-Okay naman... po." sagot ko, hindi na makatingin sa kaniya. Tumango ito. Hindi ako makapag focus dahil sa abs niyang nakalabandra sa mukha ko. "That's good. Are you done eating? Can I ask you to join me in my room? I have to ask you something." sabi niya. Tumango ako at sinara ang lunchbox ko bago kumaway sa mga ka-trabaho ko. Sumunod ako sa kaniya. Ang ilang staff ay nagtitinginan sa amin. Binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kuwarto at hinayaan akong pumasok. Nagdadalawang isip naman ako pero sa huli ay sumunod din. "Sorry for the mess. But let me see what you learned from your orientation. Please, clean my room in five minutes. I want everything clean when I go out from the shower." he ordered. Bumungad sa akin ang napakagulong kama at nagkalat na mga damit sa sahig. Hindi ko napigilan ang mahaderang bibig ko. "Guwapo ka sana, Sir Bliss... pero ang kalat-kalat ng kuwarto mo. Nakaka third off..." sabi ko. "Hah?" tanong niya at ilang saglit na natulala sa akin. Tinuro ko ang mga damit niya sa sahig. "Naku! Ang mga maduduming damit dapat diretso sa labahan. 'Yong totoo? Hindi ba na-ti-third off ang girlfriend mo sa'yo sa Maynila?" litanya ko at inumpisahang pulutin ang mga damit sa sahig para ilagay sa marumihan. Tumigil siya sa pagtutuyo ng buhok niya at tumawa. "Ah, kuha ko na... you are saying turn off... For a moment, I lagged." ngumisi siya ng malapad na para bang may nakakatawa. Turn off pala ‘yon? Tiningala ko naman siya habang busy ako maglinis. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Magkatunog 'din naman kaya okay na 'yon. Basta makalat kang tao, period!" pasigaw kong sinabi. Tumawa ulit siya at tumango. "Alright. Miss Batungbakal-" “Bebang na lang nga, Sir Bliss. Kakadiri naman 'yong Miss. Batungbakal eh.” pagrereklamo ko at inayos naman ang kama niya. "You are really funny, Bebang. I like that about you. There's a strong feeling that I won't be bored during this break." sambit niya at sinamahan pa ‘yon ng pagkindat bago siya pumasok na sa banyo ng kaniyang kuwarto. Naiwan naman akong nakatulala sa pintong nakasara na. Hala! Like niya daw 'ko? Hindi naman ako nabibingi hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD