Rechielle's pov
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng katok sa pinto. Shiiit, tumayo ako at inabot ang damit ko.Agad ko itong isinuot . Hindi man lang ako ginising ng magaling kong Boss. Binuksan ko ang pinto at nabungaran ko si Nanay Rosa.
Nay,good morning po. Pasensya na po tinanghali ako,mabuti na lang po kumatok kayo.
Aba, hindi kasi nakita pag gising ko. Eh, anong oras na nasa labas pa si Alex. Wala din naman si Brent sa kwarto niya ,ani Manang at natulala ito na tagusan ang tingin nito sa likuran ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Boss na kalalabas lang banyo at papalapit na sa amin. Nagpupunas pa ito ng buhok at suot na nitong muli ang jogging pants nito. Akala ko talaga bumalik na siya sa kwarto niya.
What's happening Manang? At ang lakas lakas ng katok niyo,dinig na dinig ko sa loob ng banyo. Akala ko may sunog na.
Ah,eh. wala naman hijo.Sige, hihintayin ko na lang kayo sa banyo , ay este, sa sala.sagot ni Manang na palipat lipat ang tingin sa amin ni Boss Brent.Napayuko na lang ako.
Ihahanda ko na ang almusal niyo. aniya at umalis na.Tumango si Brent.
Thanks Manang.
Shiit. Nakita ni Manang si Boss Brent sa kwarto.
Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa braso. Naiilang ako sa presensya niya.
Are you okay? tanong niya sa akin.
Oo,Boss. Okay lang. Ahm,ma- maliligo na ho ako. Late na ho ako sa trabaho.
Baka nakakalimutan mong ako ang Boss mo,Rechielle? aniyang nakangiti. Hinapit ako nito palapit sa kaniya at ipinuwesto patalikod. Yakap niya ako sa likod at nakapatong ang baba nito sa balikat ko. Isinara nito ang pinto. At dahil ako ang Boss mo.Wala tayong pasok today. Hmm?
Ha? wag mong sabihing iiskor ka naman? Aba,bugbog na bugbog na masyado ang kepyas ko no? Ah,Sir.
Kailangan ko pa rin pong maligo at bumaba. Bumuntong hininga bago tuluyang bumitaw.
Okay pero wala tayong pasok. Gusto ko sanang mamasyal. Puwede mo ba akong samahan?
Oo naman,Boss. Trabaho ko iyon eh.
Muli itong napabuntong hininga ng malalim.
Sige ,magbibihis lang ako tapos susunod na din ako sa kusina. Hinalikan pa ako nito sa noo bago lumabas.
Shiiiit, anong nangyari kay Boss? Bakit may pahalik sa noo? Gaga,yung nangyari kagabi hindi mo kinukuwestiyon, tapos iyan simpleng halik sa noo kinukwestiyon mo? Tsaka bakit bigla siyang naging Clingy ? Arrrgh napasabunot ako sa ulo ko. Makaligo na nga. Hala? Magtatanghali na pala? Nagulat ako ng mapatingin ako sa cellphone ko ay alas onse y media na pala. Tinakbo ko na ang banyo at dali daling naligo.
Pagbaba ko ay naghahain na si Manang at nakaupo na sa hapag si Boss.
O nandyan ka na pala. Tara na, kain na. Para makaalis na tayo.
Ah,Nay, tawag ko sa kanya na nakatingin lang sa amin. Tinanguhan lang ako nito.
Sige na hija, maupo ka na at kumain nang makalarga na kayo ni Brent. Nakita Kong ipinaghila ako ni Boss ng upuan sa tabi nito ngunit pinili kong umupo sa harap nito. Ramdam ko and titig nito habang kumukuha ako ng pagkain ko. Narinig ko pa ang pag buntong hininga siya bago itinuloy ang pagkain.
Nang matapos kami ay nagpaalam ito kay Manang na may lakad daw kami sa labas. Pagkatapos ay binilinan na din nito si Alex. Hindi ko na naintindihan kung ano ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mapanuksong ngiti nito sa akin. Nang mapansin ni Brent iyon humarang ito na sapat lamang upang matakapan ako sa paningin ni Alex. Nang mabaling naman ang tingin ko kay Robert ay tila ba parang pasan nito ang langit. Tila kay bigat ng dinaramdam nito dahil sa bigat ng arwahan nito. Nang mapatingin ito sa akin at magtama ang paningin namin ay tila may galit ito sa akin. Ano bang nagawa ko? Huwag mo sabihing naipagsabi na agad ni Manang sa lahat ang nakita niya? Ang bilis naman. Mga mapanghusgang mata na naman ba ang papalibot sa akin? Mauulit na naman ba iyong naranasan ko kay Johan? Bigla ay para akong nanghina. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko. Nagpadala ako sa init ng katawan. Hindi ko na dapat hinayaang mangyari iyon. Pero wala na eh, tapos na.Nangyari na. Huwag lang sana akong mabuntis ulit at baka hindi ko na kayanin. Oh My God. Mag resign na lang kaya ako? Bahala na pagkasyahin kung anoman yung kayang kitain ng Cafe ngayon. Bahala na.
Si Boss.Brent ang nagmaneho kaya solo namin ang sasakyan. Nagpunta kami sa Baguio. Shutah,ang lamig. Bakit hindi sinabi ni Sir na dito ang Punta namin. Eh di sana nagdala ako ng jacket. May pagka sadista talaga si Boss.Nanginginig ako sa lamig nang magsalita siya.
Matagal tagal na din akong hindi nakakapunta dito kaya hindi ko alam na taglamig pala ngayon dito. Tara muna sa loob ng mall para makabili ng jacket. Okay lang ba sa'yo na alalayan ako?
Oo naman noh! As I said trabaho ko iyon Boss.
Pwede bang Brent na lang ang itawag mo sa'kin? Pero mas okay sana kung babe ,bulong nito.
Sige Brent na lang. Tara na ,nilalamig na talaga ako. Baka hindi na tayo makaikot. Baka sipunin pa tayo.
Nag Park kami at pagkatapos bumili ng jacket sa mall. Mas pinili naming kumain sa mga karinderya para matikaman ang local foods nila. Pagkatapos ay nag stroll pa kami. Sumakay ng bike na pang dalawahan ang driver. Sumakay sa boatride at pumunta sa mga iba pang pasyalan. Hindi namin namalayang papalubog na ang araw kung hindi pa namin naramdaman ang pangilan ngilang patak ng ulan.
Mahihirapan na ako magmaneho pabalik.
Ayos lang ba sayo na mag check in na lang tayo sa hotel? Don't worry.Magkahiwalay tayo ng room kung hindi ka komportableng makasama ako sa iisang kwarto. Pahabol na sabi ni Brent nang hindi ako agad nakasagot.
Sige Sir, baka mapano pa tayo sa daan kung pipilitin natin umuwi. Siguradong madulas ang daan.
Naghanap kami ng hotel na puwedeng tuluyan, kaya lang puro fully booked ang napupuntahan namin. Nandito kami ngayon sa huling hotel na susubukan namin makapag check in.
Kung minamalas ka nga naman. Iisang kwarto na lang daw ang bakante at good for 2 naman daw. Buti na lang at two single beds ang nasa kwartong iyon. Nakahinga ako kahit papano.
Aalis na sana si Brent pero sinabi ko na sa babae na kukunin namin.
Pero iisa na lang iyong kwarto nila,Chille.
Okay na ito Brent. Saka two single beds naman daw iyon sabi ni Miss.Kanina pa tayo umiikot baka abutin tayo ng bukas kung sususbukan pa natin maghanap. Isa pa gutom na rin tayo. Okay na ito sa ngayon.
Sigurado ka? tanong kiya sa tonong tila natutuwa at excited pa.
Tsssk, tsk. imposibleng hindi ito mang gapang mamaya eh. Kawawa na naman ako.
TBC