Chapter 12 - Missed

1232 Words
Rechielle's pov Hello, Nay! Good morning po.bati ko kay Manang Rosa. Ano pong breakfast natin ngayon? Good morning din hija,mabuti at nakabalik ka na ulit. Saktong sakto ang dating mo, tara kain na. Pritong bangus at kamatis,paborito mo. Wow,ang sarap naman. Tara po kain na. at umupo na din ako nagsimulang kumain. Kamusta naman ang day off mo, chielle? Ang mga anak mo? Ayos naman po,Nay. Na miss po ako ng mga anak ko pero mas miss ko sila. Nagpaliwanag po ako ng maayos at naintindihan naman po nila. Eh ako namiss mo ba? boses na nanggaling sa likuran ko. Hindi ako pwedeng magkamali,si Boss iyong nagsalita. Hindi ko ito nilingon dahil napatingin ako sa mga kasama ko sa hapag kainan na nakatingin sa akin. Nang biglang tumawa si Boss Brent na ikinatawa na din nila Manang at iba pang kasambahay. It was just a plain question, Rechielle. You're so serious. aniya na natatawa pa rin. Anyway, I'll wait for my breakfast sa harap ng bahay. Ituloy niyo na ang pagkain niyo. aniya tumalikod na. Uyyyy, sabay sabay nilang biro sa akin. May hindi ka kinukwneto Chielle ah? umpisa ni Becky . Oo nga ate, sunod naman ni Angeline. Hanu yon? bakit may ganon? E,ako ba na boss mo? Ayieee, kakilig ah, tukso naman ni Lorena. Siya,siya tumigil na kayo kung ayaw pang mag kwento ni Rechielle. Kung anoman ang namamagitan sa kanila, labas na tayo don. Isa pa to si Nanay Patricia. Akala ko kakampi ko na,eh mas malala pala ang sasabihin. Naku nagkakamali po kayo ng iniisip. Walang namamagitan sa amin ni Boss. At saka narinig niyo naman diba? Just kidding sabi niya. Nagbibiro lang siya. Eh bakit ka nag blush at hindi mo nilingon si Sir.sabi ni Lorena. Oo nga, sang ayon ni Becky. Saka, parang nanigas ka pa nga ate eh, dagdag pa ni Angeline. Hay naku magsitigil na kayo at tapusin niyo na ang pagkain,saway ni Nanay Rosa. Lihim akong nagpasalamat kay Nanay Rosa sa pagputol niya sa pang uusisa ng mga kasamahan namin. Akmang bubuhatin ko na ang tray ng pagkain ni Boss Brent nang magsalita ulit si Becky. Ahhh, Baka namimiss na din Sir ang luto mo,Miss Rechielle. panunukso na naman nito. Napailing na lang ako at tumalikod. Diyan ka na, nga hinihintay na ni Boss ang pagkain niya. Boss heto na po ang breakfast niyo.Nilingon ako nito habang iniaayos ko sa lamesa ang mga plato at kubyertos. Nagkatitigan kami at nailang ako. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa ginagawa ko at lumayo ng kaunti sa kaniya ng matapos. Balikan ko na lang po kayo Boss,pag tapos na kayo. Salamat Rechielle,pahabol niyang salita ng paalis na ako. Nang makabalik ako sa kusina ay uminom agad ako ng tubig. Naabutan pa ako ni Nanay Rosa na mistulang hinihingal dahil sa sobrang kaba. O hija,anong nangyari sa'yo at para kang tumakbo. Wala po Nay,nauhaw lang sagot ko sa kanya sabay ngiti. Alam mo hija. Pwede ka magkwento sa akin ng tungkol sa inyo ni Brent. Matagal na ako dito at kilalang kilala ko ang magkakapatid. Masasabi kong matitino silang lahat. Nay Rosa naman. Pati ba naman po pala kayo pinag iisipan ako ng ganyan? Wala pong namamamgitan kahit ano sa amin ni Boss maliban sa Boss ko siya at empleyado niya ako. Iyon lang po iyon Nay. Tsaka isa pa, may mga anak po ako. Pero walang asawa,putol ni Nanay Rosa sa sasabihin ko. Opo,Nay wala nga pong asawa pero may "mga anak po ako Nay. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlo po. At ang masama po niyan Nay, iba ang biological father ng pangalawa ko. At isa lang sa pananganay at bunso. Ano na lang po ang iisipin ng mga tao sa akin o sa mga anak ko. Kung ngayon pa lang po issue na, paano pa po kaya kung madadagdagan pa at iba na naman ang tatay? Hala Nay, dalang dala na po ako. Siguro saka na pag mga dalaga na ang mga anak ko. Sobrang dami ko pong isipin sa buhay para magdagdag pa Nay, kaya wala pong namamamgitan sa amin ni Boss.mahabang litanya ko kay Nanay Rosa na tahimik lamang nakikinig. Ang akin lamang Chielle ay hindi nagbibiro ng ganon ang alaga ko kung mga regular lang na kakilala. Nakakapagbiro lamang iyon kung malapit sa kaniya ang taong iyon o di kaya ay napupusan niya. Malakas ang pakiramdam ko na may nararamdaman siya para sa'yo dahil ganyang ganyan siya noong una beses itong magmahal. Nakakalungkot lamang at nauwi ito sa trahedya. Bakit ano po bang nangyari sa kaniya? Na dahilan kaya naka wheelchair ngayon? Sasagot na si Nanay nang marinig ko ang boses ni Boss Brent na tinatawag ako. Hala sige po Nay, mamaya na lang ulit. Puntahan ko na si Boss. Sige na, sige na lapitan mo na siya.buyo ni Nanay. Nagunit bakit pakiramdam ko ay nanunukso din siya? Haiist kalimutan mo na iyan Rechielle baka guni guni mo lang iyon. Nang makalapit ako kay Boss ay akma na itong tatayo sa wheelchair nito kaya dali dali akong lumapit para alalayan siya. Agad naman itong umakbay sa akin kaya nagmistulang yakap ko ito. Goodmorning Sir, hintayin na lang po namin kayo sa sasakyan,sabi ng boses nang malingunan ko ay si Alex. Good morning Chielle bati nito sa akin. Sige na Alex, susunod na kami. pagtataboy ni Boss Brent. Katulad nga ng madalas nitong gawin pagkatapos kumain ay ang maglakad ng ten to fifteen minutes para daw ma ehersisyo nito ang paa nito. Heto na naman tayo sa nakakailang na sitwasyon. Isang saklay lang kasi ang hawaK nito sa kaliwang kamay at naka akbay na nga ito sa kanan kung saan ko siya inaalalayan. May ilang minuto na kaming naglalakad nang magsalita siya. Kamusta naman ang mga bata? Na enjoy mo ba ang day off mo? Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ang tanong niya. Maayos naman ang mga bata Boss. Ako ang nag asikaso sa kanila sa buong day off ko. Pambawi sa mga araw na wala ako. I'm sorry to hear that you have to leave them para magtrabaho. But they're also lucky to have mum like you.sagot niya na ikinibit balikat ko na lang. Pagkatapos noon ay tahimik na kami hangang sa makarating sa sasakyan papunta ng construction site na araw araw nitong binibisita. *** Naging magaan ang atmosphere sa trabaho dahil smooth ang pakikitungo ni Boss Brent sa akin. Although minsan hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng awkwardness at some moments. Hangang sa sumapit na nga ang araw ng sahod ko para sa unang buwan ng pagta trabaho ko. Ayun,may sahod na ang madam Rechielle. Anong pakiramdam ng first salary? bati ni Becky. Naku ikaw Becky, mang aasar ka na naman. Magpapalam na nga ako Nanay bago pa makarami itong si Becky.at iniwan ko siyang tumatawa mag isa. Nilapitan ko si Nanay Rosa at Nanay Patricia. Nay Pat, Nay Rosa, uwi na apo ako. Sa monday na lang po ulit. Sige mag iingat ka, sabay nilang bilin. Opo salamat po. Nadaanan ko si Becky na nanunukso pa rin ang tingin. Ewan ko sa'yo Becky. Uwi na ako ah? Pasabi na lang kila Lorena at Angeline. Sige,sige ako na bahala Chielle. Ingat sa pag uwi. Naku, mami miss ka na naman ni Sir, este yung luto mo.anaya sabay tawa. Loko ka, marinig ka ni Boss.na lalo niyang ikinatawa. Iiling iling na lang akong umalis. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD